Wind Mill

2375 Words
Nakahinto kami ngayon sa harap ng isang modern style na bahay. Bagama't bungalow type ito ay hindi mapagkakailang malaki at malawak ito. Bagaman nasa probinsya kami ng Pililla, Rizal ay may touch of modernization na dito dahil hindi naman na din kanoon kalayo ang Rizal sa Metro Manila dahil marami ka ng pwedeng daanan papunta dito. Maganda ang bahay na bagaman maraming puno sa mga kalapit bahay ay nangingibabaw ang karangyaan ng tahanan na ito. Sliding ang bintana at nakakahanga ang malaking entrance door ng bahay na mukhang gawa sa isang matoibay na kahoy, narra o mah hogany, hindi ko sigurado. "Kaninong bahay 'to?" Tanong ko sa kanya nang bumusina siya upang ipaalam sa mga tao sa loob ng bahay ang pagdating namin. "My parents' " nanlaki ang mata ko. "Hah?! Kagabi ka pa lang nagtapat sa akin, at hindi pa nga tayo tapos Meet the Parents na kaagad?!" Napakabilis naman ng pangyayari. Hindi ako nakapagprepare para dito! "Pwede mo naman na akong sagutin ngayon bago tayo pumasok sa loob para maipakilala na kita kaagad sa kanila," hindi niya maitago ang pagngisi niya. Alam ba niyang kinakabahan ako na ipapakilala niya ako ngayon sa magulang niya. Hindi man lang ako nakapag-ayos. "Hindi ako nakikipagbiruan, sana sinabi mo man lang na dito ang punta natin para nakapag-ayos man lang ako", hindi ko alam kung anong hitsura ko. Ayos lang ba ang damit ko? Presentable ba ako? Hays! Jacob naman kasi eh! " You look beautiful", namula ang mukha ko sa sinabi niya lalo na't sinabayan niya pa ng paghawi ng mga takas kong buhok sa likod ng aking tenga. "And they will like you anyway,so don't worry" dagdag pa niya na lalong nagpakalabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung kailan ko makakasanayan ang ganitong pakiramdam sa tuwing ganito kami kalapit sa isa't isa. Maya maya ay lumabas ang isang medyo may edad na babae at binuksan ng maluwag ang gate upang makapasok ang sasakyan. "Jekjek!" Agad na tawag nito sa kanya at nag-atubiling salubungin siya ng yakap. "Nana Martha kamusta po kayo?" Bakas ang labis na saya niya nang mahagkan ang  ale. "Nana, this is Andrea. Andrea this is Nana Martha. Siya ang nag-alaga sa akin simula nung bata ako habang parehas nasa Hong Kong sila Mama at Papa. "Magandang Umaga po," bati ko sa kanya na nakakabigla dahil agad niya akong nilapitan at hinagkan. "Magandang umaga din sa iyo hija! Napakaganda mo,ikaw na ba ang gilfriend nitong JekJek ko?" Namula ako sa tanong niya. Hindi pa nga po niya sinasabi na mahal niya ako. He really likes me. Yun lang po ang sabi niya. "Anak," tawag naman ng isang may edad na din na babae at lalaki. Mukhang sila ang magulang ni Jacob dahil kita kaagad ang resemblance niya lalo na sa kanyang ama. "Pa,Ma," sagot namn niya at lumapit sa mga ito upang magmano. "Buti naman at umuwi ka na. Ang akala ko ay ako na naman ang susugod sa Quezon City para lang makita ang bunso ko" ani ng mama niya sabay halik sa magkabilang pisngi niyo. Para silang larawan ng isang nanay at anak na maliit habang pinanggigigilan ito. "Aba naman Tansing, may kasama ang anak mo. Huwag mo nang pagalitan at baka mapahiya yan sa magandang kasama niya oh!" Biro naman ng papa niya habang hinila ng bahagya ang asawa nito palayo kay Jacob. "Aba'y ito na ba ang mamanugangin ko anak? Kay gandang bata!" Malawak na ngiti ang isinalubong ng ginang sa akin. "Ha? Nako hind..." Nais ko pa sanang itama ang mali nilang akala ngunit agad akong inakbayan ni Jake at bahagyang pinisil ng kamay na nakapatong ang balikat ko kaya't natigilan ako. "Ma, Pa, si Andrea po. Andrea, sila naman ang mga magulang ko." Pakilala muli niya sa kanila. "Good Morning po! Andeng na lang po" Magalang na bati ko. "Good Morning din Andeng! Halina't pumasok na kayo sa loob nang makakain na. Niluto ko ang paborito mong kare-kare anak". Iginaya ako ni Jake papasok sa loob ng bahay nila. Napamasid ako sa magandang arrangement ng bahay nila. Bagaman modern style at gawa sa bato ang exterior ng bahay ay nakalalamang naman ang mga sosyal muwebles na gawa sa kahoy ang sasalubong sa'yo papasok sa bahay. May mga magaganda ding halaman na nakadisplay kaya may pagka provincial vibe pa din. "Kumain ka ng kumain Andeng, huwag kang mahiya. Pasasaan ba't magiging parte ka na din ng pamilya sa oras na makapagpakasal kayo nitong si Jekjek namin," nabulunan ako sa sinabi ni Mang Aldo, ang papa ni Jake. . Agad akong dinaluhan ni Jacob na nasa aking tabi at binigyan ako ng tubig. He slightly tapped my back. Kasal? Hindi pa nga po niya ako girlfriend. "Okay ka lang ba Andeng?" Nag-aalala sa aking tanong ng Mama niya. "O-okay lang po," sagot ko nang maging maayos na ang paghinga ko. "Aba'y nabigla yata itong si Andeng sa sinabi mo Aldo," pabirong sabi ni Nana Martha. "Pasensya ka na dito sa Tatang Aldo mo Andeng, papano'y sabik na kasi kami na na magkaroon ng batang tatakbo-takbo dito. Ang mga apo kasi naman sa kuya ni Jekjek ay sa Amerika na nakatira kaya hindi namin nakikita," ani naman ni Nana Tansing. Si Jake naman ay walang ibang ginawa para itama ang inaakala ng pamilya niya sa relasyon namin. Panay ngiti lang ang sinagasot sa kanila. "Baka naman gusto mong sabihin na wala naman tayong relasyon," bulong ko sa kanya. "And spoil their excitement? No way!" Natatawa nitong sagot sa akin at lalo pang nilawakan ang ngiti sa mga magulang niya. "Jacob!" Tawag ng isang babaeng kakapasok lang sa bahay nila. Sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad niya sa akin. O maaaring kaedaran lang siya ni Jake. "Lucia! Kamusta ka na?" Tumayo si Jake sa pagkakaupo upang salubungin ang bagong dating na babae. Maganda si Lucia. Hindi mo din masasabing pribinsyana dahil moderno na ito manamit. Suot ang spaghettu straps na plain white blouse at above the knee na floral skirt. "Nabanggit kasi ni Nana Martha na uuwi ka ngayon kaya't ginawan kita ng paborito mong buko pandan. Heto oh!" Aniya sabay abot sa hawak na tupper ware. "Nako salamat Lucia! Matagal ko na nga itong hindi natikman. Hindi ganito kasarap ang mga buko pandan sa Maynila." Lalong lumawak ang ngiti ni Lucia sa sinabi niyang iyon. Bahagyang napataas ang kilay ko. "Halika Lucia, sumabay ka na sa amin sa pananghalian," aya ni Nana Tansing na agad namang pinagbigyan ni Lucia. Naupo siya sa pwestong kaharap namin ni Jake. Si Nana Martha naman ay ipinaghain siya ng plato at pares ang kutsara at tinidor maging baso. "Ah..may kasama ka pala Jake," puna ni Lucia sa akin na mukhang hindi gusto ang presensya ko. "Andeng si Lucia, kababata ni Jekjek at inaanak ko. Diyan lang siya sa kanto nakatira", pakilala ni Tata Aldo, "Lucia si Andeng, kasintahan ni Jekjek", nanlaki ang mata ni Lucia at kita ang pagkadisgusto niya sa pagpapakilala sa akin ni Tata Aldo. "Girlfriend?" Mahina ngunit iritableng tanong niya. "Ahm..actually po hindi po boyfriend si Jake,magkasama po kami sa trabaho" paliwanag ko. Nakita ko ang bahagyang pagguhit sa labi ni Lucia na nangangahulugang nagustuhan niya ang sinabi ko. "Hindi naman pala eh," halata sa himig ng boses niya na nagkaron siya ng pag-asa sa sinabi ko. "ha? E bakit naman gayung bagay na bagay kayo," tanong ni Nana Martha. Muling sumimangot si Lucia. "Isa pa'y hindi ka isasama ng anak ko dito hija kung wala kayong relasyon", sabat ni Nana Tansing. "Ah eh.." "Hindi PA," putol ni Jake sa akin at pinagdiinan ang salitang PA. "Hindi pa kasi niya ako sinasagot. Kaya hindi ko pa siya girlfriend" pagpapatuloy niya at tinapunan ako ng makahulugang tingin. "Nako sana hija pagbalik mo dito sa amin ay magkasintahan na kayo ha at nang magkaron na ako ng apo. Wala ka ng hahanapin pa sa anak ko," ani ulit ni Tata Aldo na halatang proud na proud sa anak. Wala naman na po talaga maliban lang sa hindi pa po niya sinasabing mahal niya ako. Hindi po ako papasok sa isang relasyon na base lang sa "like" or sa "infatuation". Bulong ko sa sarili. Gumanti lang ako ng ngiti. Si Jake naman ay bahagyang pinisil ang kamay ko na nasa ilalim ng lamesa. "Ang sabi mo'y magkasama kayo sa trabaho hindi ba," tanong ni Lucia. "Oo," sagot ni Jake habang patuloy pa din sa pagkain. "Hindi ba't sa mga ganyang klase ng kompanya ay bawal ang relasyon sa mga magkakasama sa trabaho" may pakahulugan ang sinabing ito ni Lucia. Hindi ko na nagugustuhan ang mga ngiti at tingin niyang pailalim. Maging ang pag-ismid niya. "Nako! Kami nga ng Nana Tansing niyo eh magkasama din sa trabaho dati. Pumupuslit lang kami habang di nakatingin ang mga amo namin at di lumaon ay wala din silang nagawa," kwento ni Tata Aldo kaya't nagtawanan kaming lahat. Hindi na muling nagsalita si Lucia. Maya-maya'y nagpaalam na din siya  sa amin nang matapos ang pananghalian. "Gusto mong mamasyal?" Tanong niya sa akin habang nagpapahangin kami sa garden nila. Dito ako dinala ni Nana Tansing matapos ang pananghalian. Ayon sa kanya ay hilig niya ang maghalaman kaya hindi lang mga bulaklak ang tanim nila dito, mayroon ding mga gulay at herbs. Kaya hindi na nila kailangang bumili ng mga gulay at herbs dahil pipitas na lang sila dito sa likod bahay. Matagal tagal din kaming nagkwentuhan at inabot na kami ng hapon. Alas singko ng hapon na nang mag-aya si Jake na lumabas. "Saan naman?" Tanong ko. "Sa windmill",sagot nito at hinatak na ang kamay ko. Kung anong boltahe ng kuryente ang nararamdaman ko habang magkahawak ang aming mga kamay. Ipinagbukas niya ako ng pinto ng sasakyan at ikinabit ang seatbelt sa akin. Napaestatwa ako dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Tumigil ito sa harapan ko. "Don't blush, baka mag expect akong malapit mo na akong sagutin," nakangising aniya.  Itinulak ko ito ng may sapat na lakas para lumayo sa akin. "P-puro ka kalokohan, tara na nga!", Nauutal na singhal ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa pakiramdam ng malapit siya sa akin. "Welcome to the famous Pililka Wind Mills!", Masayang turo niya sa lugar nang ihinto niya ang sasakyan. "Wow!", Nanlaki ang mga mata ko sa labis na kasiyahan nang makita ko ang naglalakihang wind turbines. Hindi pa ako nakakarating sa Ilocos pero ang wind mills doon ang gusto kong puntahan. Ngayon ay kahit hindi na siguro dahil dito pa lang sa Pililka ay parang nasa Ilocos ka na din. Inihinto niya ang sasakyan sa may parking lot. Marami na ding mga sasakyan ang nakapark dito at masayang pinagmamasdan ang  twenty seven na  wind turbines. Masarap ang simoy ng hangin dito. Hindi tulad sa Maynila na maalinsangan ang panahon at may kasamang usok ang hangin. Namiss ko tuloy bigla ang probinsya namin at ang pamilya ko. Halos padilim na ay nandito pa din kami at walang sawang pinagmamasdan ang mga wind turbines. Ang ibang mga sasakyan ay nagsialisan na ngunit pinili naming manatili muna upang panoorin ang paglubog ng araw. Mas lalong naging malamig ang simoy ng hangin. "Pasensya ka na sa inasal ni Lucia kanina", napansin pala niya ang nagmamataas na kilay at pag-ismid sa akin ng kababata niya. "Sa tingin ko ay may pagtingin siya sa'yo," obvious naman yun dahil nag-atubili pa itong igawa siya ng paborito nitong buko pandan nang malaman na uuwi siya dito. "Malapit sa amin ang pamilya niya. Kaya lagi kaming pinagtutukso nung mga bata pa kami. Pero halos kapatid na ang turing ko sa kanya", sa tingin ko ay hindi naman lingid sà kaalaman ni Jake na may gusto sa kanya ang kababata.  Gusto kong ilihis ang topic dahil naiilang akong pag-usapan ang pagtingin nito sakanya. "Bakit nga pala dito mo ako dinala?" Tanong ko. "Tinawagan kasi ako ni Mama at namimiss na daw niya ako. Ayun nagdrama kaya pinagbigyan ko" natatawa niyang kwento. "Dapat ay magspend ka ng time sa mga magulang mo kesa nandito ako at inaasikaso mo kesa samahan sila" sagot ko sa kanila. Kahit ano pa ang sabihin na pagkasanay, batid kong kahit kailan ay hindi mawawala ang pangungulila ng magulang sa kanyang anak kahit pa sabihing dumadalaw dalaw naman. "I'm sure they'll understand. Nangungilit lang talaga si Mama na umuwi naman daw ako dahil ilang buwan na akong di nakakauwi", seryosong sagot niya na nakatingin lang sa papalubog na araw. "They had me for 32 years. Isa pa'y sanay na rin naman silang wala ako dahil nung magcollege ako sa Maynila eh nagboarding house din ako dun" sagot niya. Naalala ko nung lumuwas din ako ng Maynila para mag-aral ng kolehiyo. Iyak pa ng iyak ang nanay dahil hindi sila sanay na wala ako sa piling nila. "E bakit mo pa nga ako sinama? E di sana ay sila ang inaasikaso mo ngayon," tanong ko. "E di ikaw naman ang namiss ko?" Mabilis na sagot niya na nagpatahimik sa akin. Naglalagabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Puso mo Andeng kahit kailan ay hindi masanay sanay! Umayos siya ng pagkakaupo at bumaling paharap sa akin. "You're blushing again," puna niya na tila nasisiyahan sa nakikita. Lalo akong pinagpulahan ng mukha at napakagat sa sa ibabang labi upang pagtakpan ang kabang nararamdaman ko. "Don't bite your lips again when I'm around," aniya at nag-iwas ng tingin. "Ba-bakit naman?" Muli kong tanong. Hindi mawala wala ang pagdagundong ng puso ko simula kanina. "I might..kiss you", mahinang sagot niya ngunit malinaw sa pandinig ko. Puso ni Andeng, pwedeng hinay hinay sa pagtibok?! Muli siyang bumaling sa akin na may seryosong mukha. Nagtama ang mga paningin namin. Nangungusap, naninimbang. Unti unti niyang inilapit ang mukha sa akin. Ramdam ko ang mainit na hininga niya na tumatama sa aking mukha sa lalo niyang paglapit. Mabango ito at napakasarap sa ilong. Sa lalong paglapit niya ay wala akong ibang nagawa kundi mapapikit. Unti unti, naramdaman ko ang pagdampi ng mga labi niya sa mga labi ko. Mainit, at tila naninimbang kung anong sunod na gagawin. Wala akong ginawa upang magpakita ng pagtutol. Kung gusto ko ang mangyayari ay hindi ako pa ganun kasigurado. Nakakatakot sumugal. Pero sa mga oras na ito, ay wala akong lakas na pigilan siya, o mas tamang sabihin na wala akong planong pigilan siya.  Sinubukan niyang igalaw ang mga labi niya. Marahan at may pag-alalay. Mas lalo akong napapikit at ilang sandali pa ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumutugon sa mga halik niya. At sa tuluyang paglubog ng araw ay tanging ingay lang ng t***k ng puso ko ang maririnig habang patuloy siya sa marahang paghalik sa akin.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD