I woke up with a heavy head. Puting kisame ang agad na nakita ko at tunog ng kung anong makina ang unang narinig ko. Ang bigat-bigat ng katawan ko pati na ang ulo ko. Ang huli ko lang na natatandaan ay ang galit ni Mama pagkauwi namin galing sa party kanina. "Manang?" anang ng boses na tumawag sa akin. Dahan-dahan kong nilingon ang gilid ko at nakita si Linda na manghang nakatingin sa akin. "Gising ka na!" naiiyak na sabi nito. Lumapit ito sa akin at parang hindi alam kung saan ako hahawakan. "S...sandali lang. Tatawagin ko sina Manang Vida at Manang Lena." nagmamadali itong tumakbo sa labas habang sumisigaw. Pinipilit kong bumangon pero ang bigat talaga ng katawan ko. Hindi ko kayang bumangon. Abala pa ang nakalagay sa ilong at bibig ko. Marahan kong inangat ang kamay ko at nakitang m