"The eighteen candles symbolizes the light and guide of the people for Anna. May I request Mrs. Adela Santiago to give Anna an encouraging words on this day." anunsyo ni Ma'am Alex. Wala pa man ay naiiyak na ako habang nakaupo. Nakasunod ang tingin ko kay Tiya Adela na may hawak na kandila pagkatapos ay tumayo sa podium kung nasaan ang isang bakal na parang hagdanan na nilagyan niya ng kandila. "Anna, anak, happy birthday sa'yo. Alam kong nagulat ka ngayong araw dahil hindi mo tiyak ito inaasahan. Malaking parte ng buhay ko ngayon ay ikaw ang humulma. Bata ka pa lang ng iniwan kita dito sa Pilipinas at ngayon ay ganap ka ng dalaga. Anna, marami akong gustong sabihin sa'yo pero alam kong alam mo na kung ano ang mga iyon. Kung pwede na nga lang ay ako na ang nagluwal sa iyo ay ginawa ko