bc

Summer Dream

book_age16+
790
FOLLOW
2.2K
READ
others
fated
second chance
goodgirl
brave
CEO
bxg
small town
first love
self discover
like
intro-logo
Blurb

SUMMER SERIES 2: SUMMER DREAM

Ordinaryo ang buhay ni Anna, kahit malupit sa kanya ang buhay ay tiniis niya iyon lahat para sa kanyang mga kapatid. Hanggang sa nakilala niya si Uno, ang lalaking nagpakita sa kanya ng pagmamahal kahit alam niyang bawal.

Hanggang saan ang kakayanin ni Anna kung ang lalaking minamahal niya ay unti-unti nang lumalayo sa kanya. Kung ang buhay na pinangarap niya na kasama ito ay naglalaho na ng parang bula lamang.

------------------------------------------------------------------------------

ALL RIGHTS RESERVED

chap-preview
Free preview
BEGINNING
Hindi matigil ang pagluha ko habang nakatanaw sa dalawang pares na masayang nagkukwentuhan sa ilalim ng puno ng mangga, sa harap ng malaking bahay nila. Bumaba ang aking kamay sa aking tiyan. Totoo pala lahat ng sinasabi ng babaeng iyon. Akala ko noong una ay hindi totoo ang mga sinasabi niya pero ako pala ang mali. I wiped the tears that keep on falling from my eyes. They never stopped. Sunod-sunod na hikbi ang pinakawalan ko habang nakatanaw pa rin sa kanila. Akala ko pagdating ko dito sa Maynila ay makakausap ko siya nang maayos. Masasabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin. Pero hindi, wala. Sunod-sunod na hagod mula sa likuran ko ang naramdaman ko. Hinarap ko si Tiya Adela na awang-awa ang tingin sa akin habang nakaharap ako sa kanya. "Tumigil ka na, Anna.Hindi na maibabalik pa ng luha mo ang lahat." aniya. Pero sunod-sunod ang naging pag-iling ko sa kanya. Hindi ko matanggap na ang lalaking pinagkatiwalaan at minahal ko ay lolokohin lang din pala ako. Ang tanga ko dahil hindi ako naniwala sa sinasabi ng mga taong higit na nakakakilala sa kanya. "Alalahanin mo ang anak mo. Mabuhay ka para sa kanya. Magtapos ka para sa kanya at tutulungan kita." Niyakap niya ako kaya sa kanya ako umiyak nang husto. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nagiging manhid na ang puso ko. Kasabay ng luha ko at biglang bumuhos ang malakas na ulan kung kaya't maging si Tiya Adela ay nabahala. Inilabas niya kaagad ang payong niya upang hindi kami gaanong mabasa ngunit ang mga mata ko ay napako sa dalawang pigura na nagmamadaling pumasok sa loob ng mansyon. Ngunit ang isa ay biglang huminto at napatingin sa akin. "Tara na at umalis na tayo!" sabi ni Tiya Adela matapos niyang hilahin ang braso ko. Papalapit siya nang papalapit sa akin habang matamang nakatingin sa akin. Wala siyang pakielam kung mabasa man siya ng ulan at hindi man lang niya lingunin ang tawag ng babae niya. Gago ka! Naniwala ako sa iyo! Iniwan ko ang kapatid ko para sa iyo, para maniwala sa sinabi mong babalikan mo ako! "A-Anna?" aniya nang makalapit siya sa akin. Basang-basa ang damit niya at gulat na gulat habang nakatingin sa akin at kay Tiya Adela. Walang salitang pumagitan sa aming dalawa maliban sa dalawang sampal na binigay ko sa kanya. "Damn you! Sinungaling kang hayop ka! Pinuntahan kita dito dahil gustong-gusto na kita makita! Sabi mo busy ka lang dito sa Maynila! Sabi mo babalik ka sa akin agad! Sabi mo ako lang ang mahal mo!" bulyaw ko sa kanya. "Ikaw lang naman talaga ang mahal ko! Ano ba ang sinasabi mo, Louisanna?" naguguluhan niyang tanong sa akin. Gago! Ako pa ang lolokohin mo? Hayop ka! Halos manlabo na ang paningin ko sa kakaiyak at sa mga patak ng ulan sa mukha ko. Walang tigil. Hindi humihinto. Iling ang sinagot ko sa kanya. Sinubukan niya akong hawakan pero iniwas ko ang braso ko sa kanya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero hindi siya tumigil hanggang sa mahawakan niya ang balikat ko. "What the hell is wrong with you, baby? Halika doon tayo sa bahay at mag-usap tayo! Basang-basa na kayo ni Tita Adela dito." dagdag pa niya sabay tingin kay Tiya Adela na animo nagmamakaawa na pumayag na pumasok kami. "No! Hindi ako papasok sa bahay mo! Ayokong kasama ang babae mo—" "Wala akong babae! Stop this bullshit, Louisanna!" "Maghiwalay na tayo!" Napatigil siyang bigla sa sinabi ko. Gusto ko na ba talagang maghiwalay kami? Oo, gusto ko na. Kakayanin kong buhayin ang anak ko kahit mag-isa lang ako. "Pakawalan na natin ang isa't isa please." Umiling pa ako. Pagod na akong ilaban siya. Pagod na akong ilaban ang pag-ibig na mayroon kaming dalawa. Pagod na akong maniwala na mailalaban pa namin ito. "No, Anna. Hindi tayo maghihiwalay." madiin niyang sabi. Hinablot niya ang kamay ko at hinawakan ito. Pumiksi ako sa pagkakahawak niya pero hindi niya ako pinakawalan. "Ano ba! Ayoko na, Lucas! Pagod na ako! Pagod na pagod na akong maniwala na may chance pa tayong dalawa! From the very beginning, we both knew na wala tayong chance! We never had a chance—" "Kaya nga ginawan natin ng paraan di ba?!" malakas na sabi niya sa akin. Umiling na rin siya habang sinusubukan akong yakapin. "No, Lucas. Let's leave each other! We should have never happened in the very first place! Hindi tayo dapat naging magkasintahan! Our relationship is a mistake!" "Baby, no! Hindi ko alam bakit ka nagkakaganito but please! Hear me out first! Let me know why are you like this!" Nakakuha ako ng tiyempo na makalaya sa kanya dahil nanghina ang pagkakahawak niya sa kamay ko. I know na alam niya kapag nagsalita ako. Alam kong alam niya na hindi niya mababali ang mga sinasabi ko. Nawawasak man ang puso ko habang nakamasid ako sa kanya pero kailangan kong tapusin ang kung anuman ang mayroon kaming dalawa. "Please! Please! Pakinggan mo ako! Magpapaliwanag ako kahit hindi ko alam ang dahilan kung bakit ka ganito!" "No, Lucas. Maghihiwalay na tayo kahit magpaliwanag ka pa." Pero bago man ako tumalikod upang yayain na si Tiya Adela na umalis ay naramdaman ko na ang kamay niya sa tiyan ko. Tinignan ko siya ngunit nakaluhod na siya habang nakayakap sa akin at nakabaon ang mukha niya sa tiyan ko. "Louisanna. Please. Wag naman ganito. Wag naman tayong mag-away nang ganito." Umiiyak pa rin siya habang nakayakap sa akin. My mighty Lucas Benedict Contreras. He never cried to anyone. Kahit ng mawala ang kanyang ama ay hindi ko siya nakitang umiyak nang ganito pero ngayon, nasa harapan ko siya at umiiyak ng sobra. He was my source of strength, my piece of happiness and my peace in the midst of chaos with my mother. Now, narito siya sa harapan ko at umiiyak. Nakaluhod at nanghihina. Tumingala ako upang hayaan ang mga patak ng ulan na bumagsak sa akin. Iiwan ko siya at aalis kami. Iyan ang pinal na desisyon ko. "Baby. Please, don't be like this—" "Hindi ko na magagawa pa ang gusto ko, Lucas. Hindi na ako makakapag-aral pa. Mas lalong hindi  ako tatanggapin ng pamilya mo!" Pinilit ko pa rin siyang ilayo pero mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Tumingala siya sa akin. His eyes were bloodshot, his nose was so red na halata ang pagkakaiyak. "I don't care, mahal. Wala akong pakielam!" "Pero meron ako!" Iyon ang totoo, Lucas. May pakielam ako kaya kailangan kong lumayo na sa iyo. Tama nga ang babaeng iyon na bagay kayo sa isa't isa. Hindi tayong dalawa. Bumitaw si Lucas sa pagkakayakap niya sa akin at tumayo siya upang harapin ako. "Hindi mo na ba ako mahal?" mahinang tanong niya na para bang hirap na hirap siyang bigkasin. Pagak akong tumawa at tinuro ang sarili ko. "Ako, hindi ka mahal? Alam mong higit sa ating dalawa, mas mahal kita! Pero hindi sapat ang lintik na pagmamahal na ito para ilaban ko pa ang meron tayo—" "Ako ang lalaban para sa ating dalawa!" "Tama na! Ayoko na! Hindi mo ako maiintindihan dahil sa lahat ng panahon na kailangan kita, wala ka! Wala ka sa tabi ko, Lucas! Wala!" bulyaw ko sa kanya. Umiling siya habang sinusubukan niya ulit akong yakapin pero pumiksi ako sa kanya. "Please let me go, Lucas." Umiling ulit siya bago niya ako sinubukan muli na abutin pero humakbang na ako palayo sa kanya. Buhos ang luha ko habang humahakbang papalayo sa kanya at lumalapit kay Tiya Adela na lumayo sa amin upang makapag-usap kaming dalawa. She's also crying as I approach her. Siya na lang ang kapamilya na alam kong tatanggap sa akin at sa anak ko. Kapag dumating ang panahon ay babalikan ko ang mga kapatid ko at kukuhain ko sila kay mama. "Louisanna! Please! Anna!" Patuloy ang pagtawag ni Lucas sa akin pero hindi ko siya nilingon. Ngunit habang papalapit ako nang papalapit kay Tiya Adela ay nakaramdam ako ng sakit sa puson ko. Napahinto ako at napahawak doon. A sharp pain poked my belly at napakasakit niya. Napatingin ako sa tiyan ko at sinapo iyon. "Anak." bulong ko habang pinipilit kong ihakbang ang mga paa ko papunta kay Tiya Adela. Hindi pa man ako nakakalapit sa kanya ay bumagsak na ako sa malamig at basang daan. Narinig ko ang sigaw ni Tiya Adela at Lucas pero mas naunahan ako nang takot ng makita ko ang umaagos na pulang likido sa suot kong bestida. Mula sa hita ko ay dumaloy pababa sa binti ko ang mainit at napakaraming dugo. "Anna!" agad na lumuhod sa harapan ko si Lucas at halos manlaki ang mata niya sa nakitang dugo sa akin. "Anna, dinudugo ka!" sigaw ni Tiya Adela na hindi na rin malaman ang gagawin. Inabot ng kamay ko ang hita ko upang makita lamang sa palad ko ang dugong dumikit dito. Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko kasabay ng pagsabog ng luha na hindi ko alam na mayroon ako. "Y...yung anak ko." bulong ko Hindi naman makapagsalita si Lucas sa gilid ko pero nagawa niya akong buhatin. Alam kong marami siyang katanungan pero mas nauna ang dapat gawin. Sa pagbuhat niya sa akin ay mas maraming dugo ang bumagsak. He cursed loudly ng makita niya ito. I cried so loud habang sinasapo ang tiyan ko na para bang mapipigilan nun ang pagkawala ng anak ko. "No! No!" paulit-ulit kong sabi hanggang sa mailagak ako ni Lucas sa loob ng sasakyan niya pero hindi pa man umaandar ito ay nagdilim na ang buong paligid ko at wala na akong ibang naramdaman kundi ang hapdi, sakit at pagod na kinain na ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.4K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.2K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.6K
bc

His Cheating Heart

read
45.3K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
339.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook