"Kumusta ka?" tanong niya sa akin. Pinili namin maupong dalawa sa isang bench malayo sa mata ng mga tao na narito sa school. Nakangiting lumingon ako sa kanya. "Okay naman po." sagot ko naman. He nodded before looking back at the vast view in front of us. "I'm so glad that you're good now." Tumingin din ako sa tanawin sa harapin namin. "Pasensya na po pala kung hindi ako nakakapasok." Hindi ko alam kung alam ba niya yung nangyari sa akin para mag-alala siya ng ganoon. "There's no need to say that. Miss Zulueta came back last week." "Po?" Nakabalik na si Ma'am? Akala ko ba sa katapusan pa ng buwan. Napaaga siya? "Maaga kasing natapos ang personal matters niya. She came back last week and she's looking for you." Hala! Bakit naman kasi agad-agad ang pagbalik niya. Tiyak na nandito