Hagikgik ang nagpagising sa akin, dinilat ko ang mata ko at mabilis akong napabangon. Nasaan nga ako? "Teacher Anna." Nilingon ko ang boses na tumawag sa akin. Miguel's sitting comfortably onto the bed. Oo nga pala nandito ako sa bahay nila. Talagang nakalimutan ko pa. Inayos ko kaagad ang mukha ko dahil sobrang nakakahiya. Nandito ako para magtrabaho at hindi para matulog! "Sorry. Teka tooth brush lang si Teacher ah." Nakangiting tumango sa akin si Miguel. Binuksan ko naman ang bag ko para mahagilap ang kit na nilagay ko. Nakuha ko nga pero hindi ko naman alam kung nasaan ang banyo nila. "Ah...Miguel, where's the bathroom?" Miguel pointed the door, tama nga ang hinala ko kanina. Nagmamadali akong pumasok. Loob pa lang masyadong grandiyoso na. May malaking tub sa gilid at mamahalin