Days went passed by na ganun lagi si Sir Uno. Lagi niya akong binibilhan ng pagkain kapag time ko na for student assistant. Iniwasan ko naman na hindi tanggapin kaya lang pinipilit niya. Ngayon ay Sabado at makikita ko na naman siya, this time tutee ng kapatid naman niya ako ngayong araw na ito. Maulan ngayon. "Kapag hindi na kaya, doon ka na muna sa tutor mo magpatila ng ulan ha?" bilin ni Tiya Adela sa akin. Hinatid niya ako sa sakayan ng bus papuntang San Antonio. "Opo. Sige po." Inayos pa ni Tiya Adela ang bag na dala ko. Pinabaunan niya ako ng damit dahil baka nga raw hindi ako makabalik kaagad o mabasa ako ng ulan. Pinapayungan pa niya ako kahit nababasa na siya. "Tiyang, usog po kayo. Nababasa na po kayo." nag-aalalang sabi ko. "Naku wag mo kong intindihin." sagot naman niya s