Hindi na ako nagtangkang lumabas ng kwarto ko. Sinamantala ko na lang na panoorin ang pagbagsak ng ulan. Tanaw na tanaw mula sa bintana ang malakas na pagbagsak nito mula sa kalangitan. Wala rin naman nasabi kung may bagyo o wala. Imbes na sayangin ang oras sa pagtanaw sa labas. Kinuha ko ang notebook at ilang papel na dala ko para basahin. Na-approved ang proposal para sa intramurals kaya lang may problema ako. Ako ang magpapasa ng korona para sa bagong Ms. SMWC. Kailangan ko ng final speech para sa final walk. Isa rin ako sa hurado na napili ng Principal namin. Katambal ko naman si Francis, siya naman kasi ang Mr. SMWC. Dinampot ko ang ballpen na nasa gilid at sinimulang isulat ang final speech ko as title holder. Hindi naman ako sanay sa ganito. Yung last year na pagkapanalo ako a