Ako ang unang hinatid nila dahil on the way sa bahay ang mga bahay nila. "Pustahan tayo kung ilang pasa ang mayroon yan bukas." panimula ni Vida nang papalapit na kami sa bahay.
Sa totoo lang nagsisimula na naman akong kabahan lalo na at nakikita ko ang liwanav na mula sa terrace ng bahay. Tiyak naroon na naman si mama at ang mga kaibigan niya.
"Lima?" si Lena.
"Anim naman! Lagi kayang ganun ang bilang." si Vida naman. Nasa gitna nila akong dalawa kaya yinakap nila ako.
"Doon ka na lang kasi sa bahay namin tumira. Ayoko sa mga kuya ko at wala akong kapatid na babae kaya doon ka na lang." si Vida ulit.
Alam kong naaawa sila sa kakahinatnan ko ngayong gabi pero I know na makakaya ko. Lagi namang ganito eh. Sanay na ako.
"Dito na lang po ako." sabi ko sa driver ni Ma'am Chua. Huminto kami medyo malayo sa bahay dahil ayokong makita ni mama na hinatid na naman ako.
Lumingon si Ma'am Chua mula sa passenger's seat. There are visible worried looked on her eyes as she watched me.
"Are you sure, Anna?"
Tumango ako at ngumiti sa kanilang lahat. "Salamat po ulit sa inyo. Ma'am, salamat po sa pagsuporta at paglibre." nilingon ko naman ang dalawang kaibigan ko na nakamasid pa rin sa akin.
"Salamat ulit mga bakla."
Tumango na lang sila sa akin na hopeless na sa akin bago ako bumaba sa sasakyan ni Ma'am Chua.
I waved to them as the car went by and passed our house. Naglakad ako sa madilim na daanan. Katapat ng mga bahay sa amin ay ang malawak na kapatagan na taniman. Kaya paggising sa umaga ay ang magandang taniman ang nakikita ko.
Huminga ako nang malalim ng marinig ko ang maingay na hiyawan ni mama at ng mga kaibigan niya. Tiyak na nagbabaraha na naman sila. Saang pera na naman kaya siya kumuha?
I walked towards our house and they all fell silent. Nakatingin sila sa akin habang ako naman ay nakamasid kay mama na galit na ang tingin sa akin.
Lumapit ako at nagmano sa kanya. "Magandang gabi po." bati ko sa kanilang lahat.
Ngumisi ang mga kaibigan ni mama bago nagsalita. "Lorna ang kinis-kinis talaga ng anak mo. Hindi mo talaga kamukha!" anito sabay tawa nang malakas.
Napapikit na lamang ako dahil sa biglaang pagtayo niya. Naamoy ko kaagad ang alak na tiyak na nainom nila.
Hinanda ko rin ang sarili ko sa sakit na mararanasan ko na naman ngayong gabi. Hinaltak ako kaagad ni mama sa loob ng bahay at narinig ko ang malakas na pagtawa ng mga kaibigan niya. Sanay na sanay na sila sa ginagawa ni mama sa akin.
"Ma--"
Isang malakas na sampal agad ang lumagapak sa pisngi ko na nagpapula kaagad sa pisngi ko. Narinig ko ang pagsinghap ng kung sino sa likuran ko. Napapikit na lamang ako at nilingon ang mga kapatid kong nakamasid sa akin.
Nakuha naman kaagad ni Laura ang tingin ko kaya pinasok niya ang mga kapatid namin sa loob ng kwarto.
Sanay na rin naman sila pero ayoko lang na nakikita nila na ginaganito ako ni mama.
"Saan ka na naman galing ha?!" sigaw ni mama sabay tulak nang malakas sa akin kaya bumagsak ako sa maliit na kahoy na mesa sa sala kaya tumama ang braso ko.
"Di ba sabi ko sa iyo, wag na wag kang gagabihin dahil wala pa kaming kinakain! Anong pinakain ko sa mga kapatid mo ngayon ha?! Hindi mo ba naisip na nagugutom kami?!"
Tumayo ako at yumuko na lamang. Hindi ako sasagot dahil makakatikim na naman ako sa kanya.
"Sagot!" sigaw niya sa akin. Nag-angat na lamang ako ng tingin sa kanya.
"M... Ma, nagpaalam na po ako di ba? Ngayon po yung contest ko--"
Isang sampal kaagad ang lumagapak sa pisngi ko sabay hablot sa buhok ko.
"Ma! Masakit po!" naiiyak kong awat sa kanya.
Sanay naman na akong masaktan niya ng pisikal pero bakit ganun, nasasaktan pa rin ako.
"Tangina ka! Bakit pa ba kita binuhay ha? Wala ka namang silbing puta ka!" tinulak niya ulit ako kaya humampas na naman ako sa mesa.
I cried pero wala lang sa kanya ang mga luha ko. Afterall she never asked me about my whereabouts. Hindi katulad ng mga kapatid ko na sobrang mahal niya.
I never felt her love to me pero tanggap ko naman. Ang importante sa akin ay maipagtanggol ko ang mga kapatid ko laban sa kanya.
"Dapat namatay ka na lang na hayop ka! Kung hindi sa tatay mong gago hindi sana kita naging anak! Makasarili kang hayop ka!" sinipa niya pa pagkaraan ang tagiliran ko sabay hablot ulit sa buhok ko.
"Inuna mo pa ang contest na iyan bago kami ng mga kapatid mo! Aral ka nang aral pero wala ka rin namang mararating!" sigaw niya ulit sa akin sabay hawak sa pisngi ko at sampal nang paulit-ulit sa mukha ko.
"Ma!" I cried as I tried to stopped her from slapping me.
"Hindi ka na talaga nagtanda! Dapat sa iyo mamatay! Hayop ka!" dagdag pa nito bago dinampot ang sigarilyo na nasa lapag at itusok sa braso ko.
"Ma!" sigaw ko nang maramdaman ko ang baga ng sigarilyo sa balat ko. "Ma! Tama na!" iyak ko ulit sa kanya pero para siyang walang narinig.
She stopped when she saw me lying on the ground as if lifeless. Lumabas siya ulit at narinig ko na lang ang tawanan nila ng mga kaibigan niya.
"Ate..."
Nag-angat ako ng tingin kay Laura na umiiyak na nakatingin sa akin. Lumuhod siya sa akin at yumakap.
"Sorry, ate."
Umiling ako sa kanya bago ako humawak sa braso niya upang magpaalalay sa pagtayo. "Kumain... na ba kayo?" I asked her.
Tumango si Laura sa akin bago kami pumasok sa loob ng silid. My brothers and sisters were watching me as I went inside the house.
Ngumiti ako sa kanila at pinilit kong ipakita na malakas ako "Nanalo ako. Makakain na tayo sa labas." nilingon ko naman si Lorenz na nakamasid sa akin.
"Madadala na kita sa ospital bukas. Gagaling ka." I said as I smiled to him. Pero naiiyak na tumango lang siya sa akin.
Ang mga kapatid ko na lamang ang dahilan kung bakit nakakayanan kong manatili pa rito kay mama. Sila na lamang.