Naaawang mata ang sinalubong sa akin ng mga kaibigan ko ng makita nila akong papalapit sa mesa kung saan kami madalas kumain. Alam ko namang kitang-kita ang pasa ko ngayon sa mukha.
Halos lahat ng nakasalubong ko ay nagtataka sa itsura ko. Sino ba naman kasi ang hindi, ang school student council president ay bugbog sarado ang mukha.
My eyes are swollen and has a big black eye, ang pisngi ko ay namamaga at bakas ang pagkapula at ilang pasa naman sa gilid ng labi ko. Sa braso ay naroon ang isang malaking pasa at kita ang paso na ginawa ni mama sa akin.
Kiming ngumiti ako sa kanila ng lumapit ako. "Hi."
Tumayo si Vida at Lena upang salubungin ako. Hindi nila alam kung hahawakan ba ako o hindi. Sa huli ay hindi na lamang nila ako hinawakan bagkus ay hinila na lamang ang upuan ko.
"Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim..." bulong ni Lena habang binibilang ang pasa sa mukha at braso ko. "s**t! You have a burnt on your arms too!"
Inangat ni Vida ang braso ko kaya napaigik ako sa sakit na hatid nun.
"Sorry" si Vida habang naiiyak na nakatingin sa akin.
"Dati pasa lang ngayon paso naman. Mahal ka ba talaga ng nanay mo?" galit na tanong ni Lena.
Tahimik na naupo na lamang ako at hinayaan ang luha sa mata na bumagsak. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Mahal na mahal ko ang mama ko pero namamanhid na ako sa katotohanan na iba ang tingin niya sa akin kaysa sa mga kapatid ko.
"O...oo naman." Sabi ko na lang sabay pahid ng luha sa mata ko at buklat ng aklat ko para gawin ang assignments namin.
Pagkatapos ng check up ni Lorenz kanina sa ospital ay namili kami ng ilang pagkain para sa bahay at pambaon na rin nila. Hinatid na lamang ni Laura ang mga kapatid namin sa bahay pagkatapos ay pumasok na ako sa school.
"Alisan mo na kasi yang nanay mo at doon ka na lang sa amin."
Nilingon ko na lang si Vida at hinawakan ang kamay niya. "Ayos lang ako. At hindi ko pwedeng iwan ang mga kapatid ko...ayokong sa kanila naman ibunton ni mama yung init ng ulo niya."
"Pero hahayaan mo na ganyanin ka ng nanay mo? Araw-araw?! Swerte na kung hindi ka magkaroon ng pasa, Anna." saad naman ni Lena.
Huminga ako nang malalim at hinayaan na lamang ang mga luha sa mata ko ang magsalita sa sakit na nararamdaman ko.
Mula pagkabata ay namulat na ako sa p*******t ni mama sa akin. Dating dancer si mama sa isang club sa Subic. Doon niya rin nakilala yung totoong tatay ko. Isang amerikano na marino at nagustuhan siya. Nabuntis ng tatay ko si mama pero noong malaman ay iniwanan niya rin si mama kaya sobrang laki ng galit niya sa akin lalo na at kapag nakikita niya raw ako ay nakikita niya ang tatay ko sa akin.
Halos lahat kaming magkakapatid ay iba-iba ang ama. Anim kaming magkakapatid. Tatlo ang lalaki at tatlo kaming babae. Ako, si Laura na anak naman ni mama sa isang Pinoy na nanligaw sa kanya kahit anak na niya ako, si Linda na anak naman ni mama sa kasamahan niya sa bar, si Lorenz na anak naman ulit ni mama sa isang pinoy na taga-Norte at ang kambal na lalaki na sina Leandro at Leon na anak naman niya sa bago niyang asawa na si Papa Omar na nakakulong naman dahil sa pagtutulak ng droga.
Sa aming magkakapatid, ako lamang ang tanging naiiba. Bukod sa kulay at itsura ay hindi rin ako ang mahal ng mama ko. Galit na galit siya sa akin kapag naaalala niya ang ginawa ng tatay ko sa kanya. Kung alam lang naman daw niya na iiwan siya sana raw ay pinalaglag na niya ako katulad ng mga nauna naming kapatid kaya lang nangako raw ang tatay na hindi siya iiwan.
"You are here girls! I've been looking—" napahinto sa pagsasalita si Ma'am Chua ng makita ang hitsura ko.
Hindi rin naman namin inaasahan ang pagsulpot niya dahil sino ba naman ang makakaalam sa lugar na ito maliban sa amin.
She carefully reached my face and checked it. "She did it again?! I'll report your mother!" anito sabay abot ng cellphone niya.
Tumayo ako kaagad upang pigilan ang gagawin niya. Hindi pwedeng malaman ng awtoridad ang nangyari sa akin.
"Ma'am, wag po please." I pleaded her as I held her hand. "B...baka po madamay yung mga kapatid ko."
Umiling si Ma'am bago tinignan ang mga kaibigan ko na nakamasid din sa akin. She sighed as if defeated and can't do anything.
"Anna, hindi ka pwedeng saktan lagi ng mama mo. For God sake, 17 ka na pero hindi dapat ganyan!" galit na sabi ni ma'am bago ako alalayan na umupo sa tabi niya.
Vida reached for my hand and smiled to me. "Bakla, andito lang kami ha? Alam kong alam mo naman yan kasi kapag may ganyang injury yung maganda mong mukha ay sinasabi namin yan."
"At baks, layas ka lang sa inyo may bahay kang uuwian sa amin ni Vida." si Lena naman na kanina pa iyak nang iyak sa sitwasyon ko.
They were always like this kaya kampante ako na kahit saktan man ako ng mama ko ay may mga taong hindi ako kaya saktan.
I nodded my head "S...salamat mga bakla." nilingon ko si Ma'am Chua. "Salamat din po ma'am."
She breathe out a sighed before caressing my back. "Tapos na ba kayo sa klase niyo ngayong araw?" she asked.
Magkakaiba kasi kami ng strand na kinuha na magkakaibigan. Si Lena ay ABM, si Vida naman ay STEM at ako ay Arts and Design ang kinuha.
We maybe have different tracks but we make sure na may oras kami sa isa't isa. Lena nodded her head dahil siya ang nauunang matapos ang klase, Vida and I will finish our classes by 4 in the afternoon pa.
"Four pa po yung tapos namin ni Anna, ma'am. Bakit po?" tanong ni Vida.
Ma'am shook her head tapos ay bumaling sa akin. "Remember the tutorial that I offered to you?"
Napahinto ako sa ginawa ko at inalala yung sinabi niya. Dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya.
"Ah! Yung sa San Antonio po ba yun?" tanong ni Lena.
Tumango si ma'am. "Tinatanong na kasi nung kaibigan ko kung pwede kang magsimula ngayon but I guess, bukas na lang. Your eyes are still swollen and the bruises are very visible on your skin."
Nabuga na lamang ako ng hangin sa sinabi ni ma'am. Pumayag na kasi ako doon sa offer niya noon. Tsaka nangangailangan talaga ako ng pera lalo na at minsan na lamang pumasok si mama sa bar kung saan siya waitress. Yung ipon ko mula sa iba't ibang sideline na ginagawa ko ang pinanggagastos namin.
According to her isang five years old boy ang kailangan kong itutor. Natawa pa nga ako noon dahil bakit tuturuan ng isang katulad ko ang isang bata pa. Kailangan nun ay isang matinding foundation. Sabi niya ay hindi raw nabibigyan ng oras ang bunsong kapatid na iyon ng kaibigan niya kaya nangangailangan ng tutor.
Matalino naman daw iyong bata kaya lang hindi talaga natututukan dahil nga sa maliit pa.
Basics lang naman daw ang kailangan kong ituro dahil mostly ay alam nung bata.Follow ups lang sa reading and writing pati na rin sa counting kaya pumayag na rin ako.
"Tatawagan ko na lang yung kaibigan ko para sabihin na bukas na lang since weekends lang naman ang sessions niyo."
"Sige po."
"Ma'am ano nga po ulit pangalan nun?" tanong ni Vida habang naglalakad na kami papabalik sa klase namin. Nauna na kasing umuwi si Lena dahil uuwi raw sila sa Maynila kaya sinundo na.
"Sino yung tutee ni Anna?" tanong ni Ma'am.
Tumango si Vida sabay ngisi sa akin. Tinaasan ko na lang siya ng kilay.
"5 years old yun, bakla." simpleng sabi ko na lang.
"Bakit? Wala bang kuya iyon? May kuya po ba yun, ma'am?" usisa ni Vida.
Umiling na lang ako. Palibhasa maligaya ang puso ng mga ito kaya ganyan.
"Meron naman. Kaso busy ang lalaking iyon eh. Kasi for the longest time ay siya lang ang lalaking anak."
Tumango-tango si Vida pero alam kong hindi naman niya pinapansin yun.
"Pero ano po ang pangalan?"
"Si Uno."
Uno? Number one?
Tumawa si Vida sabay kabig sa akin. Napangiwi naman ako sa ginawa niya. Alam namang may pasa ako eh.
"Sorry."
"Bakit mo nga pala natanong?"
"Wala lang po. Baka pwedeng jowa ni Anna." nagpeace sign pa ito sa akin pagkaraan.
Tumawa naman si Ma'am sa sinabi niya sabay iling. "Naku kung si Uno lang din naman wag na. Sobrang workaholic ang isang iyon at maraming babae sa Maynila siya. Palibhasa only boy sa pamilya kaya nakuha na ang kagwapuhan ng ama niya. Wala namang nagiging girlfriend pero andaming babae na umaaligid sa kanya kaya wag na lang Anna."
Ngumiti ako sa sinabi ni ma'am sa akin." Wala pa naman po sa isip ko iyon. Etong si Victoria Dayana lang po ang nag-iisip nun. "
"Grabe naman sa Victoria Dayana, Aubriella!" angal niya.
Tumawa na lang ako sa kanya. Ayaw na ayaw niya kasing matatawag sa buong pangalan niya. Sa aming tatlo ako lang siguro ang maayos ang unang pangalan samantalang sila ay halos makaluma.
"Paano pa si Sesillia Lena?" biglang sabi niya kaya mas lalo akong natawa.
Ang sakit ay pansamantalang napawi dahil sa sinabi niya. Really, my friends are the fresh air that I needed.
Matapos ang klase ay sinabay na ako ni Vida pauwi sa bahay. Wala naman na akong gagawin pa bukod sa nakapagmeeting na kami kanina ng mga kasamahan ko sa SSC.
"Ingat ka ha? Tawagan mo kami bukas kung ano ang itsura ni Uno."nakakindat na bilin niya sa akin pagkababa ko ng sasakyan niya.
"Sira ka talaga." sagot ko na lang sa kanya.
I bid my goodbye to her kaya naglakad na ako papasok sa bahay. Wala si mama, tiyak nasa mga kaibigan na naman niya iyon. Papasok na ako sa bahay ng marinig ko ang boses ng taong susuporta na naman sa akin.
Nagmamadali akong pumasok at nakita ko si Tiya Adela na nakaupo sa salas habang napapalibutan ng mga kapatid ko.
Kapatid siya ni mama na nagtatrabaho sa Italya bilang caregiver. Alam kong darating siya pero hindi ganito kaaga!
"Tiyang!" naiiyak kong tawag sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Tiya Adela at agad tumayo sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Naiyak siya sa ayos ng mukha ko. Agad na lamang akong yumakap sa kanya.
"Jusko! Sinaktan ka na naman ni ate."
"Lagi naman po, Tita. Hindi ata mabubuhay yang si mama kapag hindi nasampal o nasapak si ate." si Laura habang isa-isang tinitignan ang mga pasalubong ni Tiya Adela.
Lumayo ako sa pagkakayakap ni Tiya Adela at pinunasan ang mga luha ko. "Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito. Kailan po ang balik niyo sa Italya?"
Pero hindi niya ako sinagot sa tanong ko. She carefully examined and checked my bruises at mas lalo siyang nagalit ng makita ang paso ng sigarilyo sa braso ko.
"Asaan ba yang nanay niyo?! Kukunin ko na nga lang kayong lahat at napakawalang kwenta niyang nanay niyo!" galit na sigaw niya.
Napabuntong hininga na lamang ako. Mula naman noon ay si Tiya Adela ang nagtatanggol sa akin. Kahit noong bata pa ako kaya kapag nasa bahay siya ay bihira lang akong bugbugin ni mama.
"As usual nasa mga lalaki na naman niya. Hindi nga niya dinadalaw si papa sa kulungan eh." dagdag ulit ni Laura.
"Laura." saway ko sa kapatid ko.
Huminga na lang siya ng malalim bago muling pagmasdan ang mga dala ni Tiya Adela.
Tumingin na lang ako kay Tiya Adela na nakatitig sa akin. She held my hand and squeezed it. "Sumama ka na lang sa akin sa Italya, Anna. Pag-aaralin na lang kita doon at bubuhayin kita. Gusto ng asawa ko na ampunin na sana ikaw."
Umiling na lang ako kay Tiya Adela dahil kahit ilang beses na niya akong sinabihan nun ay hindi ko naman maaalis na iwanan ang mama ko at mga kapatid ko.
"Isang buwan lang ako dito at baka sa susunod na taon pa ang maging balik ko. Alam mo naman na kailangan ko pa rin magtrabaho doon at isa pa ay naroon ang Tiyo Vic mo."
Pinoy din ang asawa ni Tiya Adela at maganda ang buhay nila sa Italya. Mayroon naman silang isang anak na lalaki pero gusto talaga niya akong ampunin lalo na at noong bata pa ako ay lagi siya ang nagbabantay at nagpoprotekta sa akin.
"Sa susunod na taon pagbalik ko, kailangan malaman ko ang sagot mo. Aayusin natin ang pasaporte mo at kahit ayaw mo ay kakausapin ko si ate na kukunin na kita." mahinang sabi ni Tiya Adela sa akin habang nasa terrace.
Iniwan namin sa loob ang mga kapatid ko samantalang si Laura naman ang nagprisenta na bibili ng ulam namin dahil binigyan siya ni Tiya Adela ng pambili.
"Nag-aalala lagi si Vic sa iyo pati ang pinsan mo. Araw-araw iniisip ko na baka sinaktan ka na naman ni ate. At hayan, tiyak na sinasaktan ka niya."
Bumuntong-hininga na lamang ako sabay tanaw sa malawak na palayan sa harapan ng bahay namin. Dilaw na ang palayan at napakagandang pagmasdan ng pagtama ng liwanag sa dilaw na palayan na animo'y ginto.
"Tiyang, gusto ko po talaga sumama sa inyo kaya lang hindi ko kayang iwanan ang mga kapatid ko. Kahit naman po na mas mahal sila ni mama ay hindi ko magagawang isakripisyo yung p*******t niya sa akin na mapunta sa kanila."
Hindi bale na ako yung masaktan, wag lamang yung mga kapatid ko kahit alam kong hindi magagawang saktan ni mama ang mga iyon.
"Kamukhang-kamukha mo talaga ang tunay mong ama."
Napalingon ako kay Tiya Adela na mariin ang titig sa akin. I've heard that everytime. Ang kamukha ko raw ay tatay ko at wala man lamang akong nakuha daw kay mama.
I have a light brown hair and the tip are naturally curl, mas maputi ako kaysa sa ibang mga kapatid ko, my thick and long eyelashes covered my semi hooded light blue eyes with my natural thick eyebrows . Mas matangos ang ilong ko na halata ang lahi ko at nakalatag din doon ang light freckles, my high cheekbones are perfectly match on my small face na lagi na lamang namumula kapag naiinitan, I also have a natural reddish lips na wala sa mga kapatid ko.
"Kaya po siguro nagagalit sa akin lagi si mama kasi nakikita niya si tatay sa akin."
Kung para sa iba ay biyaya ang ganitong mukha, para sa akin ay sumpa ito dahil habang nakikita ito ni mama ay maaalala niya lagi ang tatay ko.
Sa tuwina kapag nalalasing o natatalo na siya sa sugal ay masasaktan ako kasi nakikita niya si tatay sa mukha ko.
"Anna, may magandang balita ako sa iyo."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tiya Adela. Magandang balita? Ngayon?
"Ano po iyon?"
Inabot niya ang kamay ko at mariin itong hinawakan at pinisil. "Sasabihin ko sana ito sa iyo kapag sumama ka na sa akin sa Italya pero kailangan malaman mo."
"Sinusubukan kong itrace ang tatay mo sa America dahil kung ayaw mong sumama sa akin ay baka mas magandang doon ka na lang sa tunay mong ama. Anak, may lead na ako kung nasaan siya. May kaibigan akong nagsabi sa akin na nasa Miami daw ang tatay mo dahil nakita na namin siya noon. Kinukumpirma ko pa kung totoo, pero sana si Peter na nga iyon talaga."
Peter Cooke ang pangalan ng tunay kong ama. Matagal na ring sinasabi ni Tiya Adela iyon. Nakilala na niya noon si tatay bago nito iwan si mama.
Sa totoo lang ay gusto ko na talaga siyang makita. Gusto ko siyang makilala at makasama pero natatakot pa rin akong iwan ang mga kapatid ko para lang maging maginhawa ang buhay ko.
"Talaga po?" naiiyak kong tanong kay Tiya Adela.
Tumango siya sa akin at mas pinisil pa ang kamay ko. "Isasama kita sa Italya kapag handa ka na. Gusto kong makilala mo ang tatay mo at gagawa ako ng paraan para magkausap kayo o kilalanin ka man lamang niya."
Yumakap ako kay Tita Adela. Siya ang guardian angel ko dahil kahit kailan ay hindi man lang niya ako kinalimutan. Mas nanay ko pa siya kaysa kay mama.
In time, makikilala ko rin siya. Makakasama ko rin siya at mamahalin din ako ni mama.