01

2339 Words
"Now we have our last two participants for our Regional Intermediate Quiz Bee." I closed my eyes and uttered a prayer para maipanalo ko ang quiz bee na ito. Kailangang-kailangan ko ito para sa sarili ko at sa mga kapatid ko. Dinilat ko ang mata ko at ang una kong nakita ay ang mga taong sumusuporta para sa kapwa ko kalahok mula sa Sta. Fe Industrial College. Kampanteng-kampante siya habang nakangising kumakaway sa mga kaklase niya na nanonood sa audience area. Samantalang hindi rin nagpapatalo ang mga kamag-aral ko na mula naman sa San Miguel Western College. Sigaw sila nang sigaw ng pangalan ko habang may malaking placards silang dala at winawagayway. "Anna! Anna! Anna!" Iyan ang mga sigawan nila. Kampante naman ako pero naroon pa rin ang kaba ko. Hindi naman pwedeng hindi ako kabahan kahit nakakaya ko ang mga tanong mula sa host. "From Sta. Fe College, we have Alberto Henry Hernandez!" Isang nakakabinging sigawan ang narinig ko mula sa kabilang panig habang paulit-ulit din nilang tinatawag ang pangalan ng kalahok na si Henry. Napapikit na lamang ako habang pinipigil ko ang panginginig ko. Kailangan ko ang karangalan na ito. Una, para manatili ang scholarship ko sa paaralan bilang Senior High Student. Ikalawa, para makuha ko ang scholarship grant sa pangarap kong kurso na Fine Arts at ikatlo, kailangan ko ang premyong pera pambili ng gamot ng kapatid ko si Lorenz. "And the very beautiful girl from San Miguel Western College, Aubriella Louisanna Peralta!" Nakakabinging sigawan at palakpakan naman ang narinig ko mula sa dumating mula sa school naman namin. Ngumiti lamang ako sa kanilang lahat dahil sa totoo lang ay kabadong-kabado na ako. "Participants, please be reminded that the questions are about the different subjects. The first person who got five correct answers will be declared as a winner. Do you understand?" Tumango ako sa sinabi ng host samantalang may sinabi naman ang nasa kabilang panig na nagpayanig sa buong stadium. "Sta. Fe College will surely bring the crown! Good luck to you, Ms. Peralta." mapang-asar na sabi ng nasa kabila. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay at hindi na sinagot pa. Bakit pa ako mag-aaksaya ng oras sa isang tao na puro yabang lang. "Now, our first question is from..." bumunot ang host ng tanong sa nakahandang fish bowl sa harapan niya. "...Economics! Question please!" Mula sa podium kung nasaan ako ay nilingon ko ang malaking powerpoint presentation na naglalaman ng tanong. The question flashed on the screen immediately. At kailangang basahin muna iyon ng host bago kami makasagot. "A price tag of ₱1500 is payable in 70 days but if paid in 35 days it will have a discount of 5% . Find the rate of interest." Agad kong dinampot ang papel na nasa harap ko at nagsimulang mag-compute dito. Sampung segundo lamang ang kailangan at kailangan ay mayroon kaming maisagot sa katanungan. Nang masigurado kong tama ang sagot ko ay kinuha ko kaagad ang digital board at doon sinulat ang sagot ko. "Time's up! Now let's check the answer of our contenders." Unang nag-flash sa screen ang sagot ni Henry, 35.57 % ang sagot niya. Pinagmasdan ko siya habang nasa flash sa screen ang sagot niya. Mula sa audience ay maririnig ang sigawan ng mga tao na akala mo ay alam ang tamang sagot. I grinned nang makita ko siyang nakayuko at parang hindi confident sa sagot niya. Bumuga ako ng hangin ng ipakita naman ang sagot ko. 54.13% Sigurado ako sa sagot ko. I practiced this kind of questions in case na magkaroon ng ganitong tanong and luckily ay mayroon nga. "The correct answer is..." nag-flash sa screen ang tamang sagot at nanlaki ang mata ko at ngiti sa sagot na nasa harapan. "...54.13 percent!" Mas malakas na sigaw at hiyawan ang narinig ko mula sa mga tao. Pumalakpak ako sa unang puntos na nakuha ko. "Miss Peralta got the correct answer." The final questions continued at halos makahabol si Henry sa tanong. We got tied sa score, 4-4. Kailangan ay maunahan ko siya sa susunod na katanungan. Kailangan ako ang makakuha ng five points. Pasimple kong kinurot ang sarili ko para makapag-focus ako. Nililipad na ng hangin ang isipan ko kaya hindi na ako makasagot ng maayos. "Our next category is...Physics!" Nakita ko ang biglang pag-angal ni Henry sa subject na nakuha samantalang napapalakpak naman ako sa subject. I wished I have an upper hand for this one. The question flashed on the screen again. "Which law states that the pressure exerted in a vessel by a mixture of gases is equal to the sum of the pressure that each separate gas would exert if it alone occupied the whole volume of the vessel." I immediately wrote my answer on the digital board. And I'm very confident sa sagot ko. This question had been the hardest question for me before, ngayon ay sisiw na lang ito sa akin. Boyle's law ang sagot ni Henry ng mag-flash ang sagot niya samantalang Dalton's law naman ang sagot ko. "And the correct answer is..." nag-flash sa screen ang final answer sa tanong. "...Dalton's Law!" Halos tumalon ako sa kinauupuan ko at hindi matigil ang pagsigaw ko sa sobrang saya dahil tama ang sagot ko. The endless scream and thunderous claps can be heard in the whole stadium. "The final Quiz bee master is Aubriella Louisanna Peralta of San Miguel Western College! Congratulations SMWC! Congratulations, Ms.Peralta!" Libo-libong emosyon ang naghahari sa puso ko. Gusto kong umiyak, gusto kong magsaya pero ang tanging gusto ko ngayon ay masabi sa mama ko na nanalo ako! "Anna!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ang adviser s***h mentor ko para sa quiz bee na ito na si Miss Chua kasama ang dalawa kong kaibigan na sina Vida at Selena. Yumakap sila kaagad sa akin. "Sabi ko naman sa iyo na kaya mo eh! Ang galing mo, bakla!" sabi ni Vida na nakayakap sa akin. "Aba syempre tinulungan natin sa review yang si bakla kaya nanalo! Congrats, baks!" si Selena. "Salamat! Malaking tulong ang ginawa niyo para sa akin." bumaling naman ang tingin ko kay Miss Chua na nakangiting nakatingin sa akin. Matangkad at magandang babae si Miss Chua. Mula sa kilalang pamilya ng Chinese sa bayan namin siya. May dalawa siyang anak pero iniwanan siya ng asawa niya kaya ngayon ay siya na ang bumubuhay sa mga anak niya. Ayaw daw kasi niyang umasa sa mga magulang niya kaya siya ang nagtatrabaho. She is a full time professor sa SMWC at siya rin ang naging adviser ko para sa Senior High. "Salamat din po sa inyo, Ma'am Alex. Kung hindi po dahil sa tulong niyo sa akin ay hindi ko po magagawa ito." "No, Anna. I'm very much thankful to you dahil ikaw na naman ang nagbigay ng pride and honor sa paaralan natin and also because you won, I will surely have an another raise for my salary." she winked her eyes pagkatapos. Tumawa na lamang kaming tatlo dahil sa sinabi niya sa akin. I hugged them again bago ako muling tinawag para maibigay ang premyo ko. Dahil sa sobrang abala ko sa mga kausap na panel na binabati ako at ilang kaklase ay hindi ko na namalayan na lumapit si Henry sa akin. "Congratulations, Ms. Peralta." nahihiya nitong sabi sabay abot ng kamay niya sa akin. I smiled before accepting his hand. "It was a good match. Thank you." He grinned bago binitawan ang kamay ko. "I should go then." sabi niya. Tumango ako sa kanya bago siya muling nagpaalam na aalis. Tumalikod naman ako upang makabalik sa mga kasama ko. "Libre mo na kami, bakla!" untag nila Vida at Selena sa akin noong palabas na kami ng auditorium. Ngumisi na lang ako sa kanila. Alam naman nila ang paggagastusan ko ng pera na nakuha ko. Mayaman ang pamilya ni Vida at Selena. They are from the well-known clans dito sa Zambales. Vida is the daughter of the current Vice Governor of the region. Samantalang si Selena naman ay anak ng isang kilalang shipping magnate sa lugar namin. Kaya nakakagulat pa rin sa akin ngayon na kaibigan nila ako. We were friends since we were in elementary at ngayon ay senior high na kaming tatlo. "Ako na ang manlilibre sa inyo." Nakangiting alok ni Ma'am Chua sa amin. Biglang umaliwalas ang mukha ng mga kaibigan ko at sabay silang napasigaw. "Yes naman! Thank you po, ma'am!" si Vida. "No problem girls. I saw how dedicated both of you sa pagsupport kay Anna. And of course this would be my treat for Anna." kumindat si ma'am pagkaraan. "Naku ma'am. Kabit-kabit na po ang bituka naming tatlong bakla. Alam nga po namin kung kailan kami mga nagkaroon ng mens—" "Lena! TMI na." Natatawang saway ni ma'am kay Selena. Umiling na lang ako habang tinitignan sila. We went to the famous grill shop sa probinsya. Malayo sa school namin kaya minsan lang namin puntahan itong magkakaibigan at isa pa hindi kaya ng pera ko ang halaga ng mga pagkain dito. Nilapag ni ma'am ang bag sa upuan , "Have a seat, girls. Tell me what you want and I'll order anything for the three of you." Pumalakpak ulit si Vida at Selena dahil sa sinabi ni Ma'am. "Ma'am, grilled squid po sa akin!" si Vida. "Grilled liempo naman po ako sa akin, ma'am." si Selena naman. Bumaling sa akin si Ma'am Chua na hinihintay ang order ko. "Manok na lang po sa akin, ma'am." bukod sa iyon ang pinakamura ay iyon naman ang minsanan ko lang na makain. "Drinks?" "Tubig na lang po!" Agap kong sabi dahil mukhang pati inumin ay ipapalibre ng mga kaibigan ko. "Anna naman eh!" angal nilang dalawa sa akin. Tumawa naman si Ma'am Chua sa kanila. "It's okay. Tell me the drinks that you want." I pouted my lips. Nakakahiya na dahil marami na talaga siyang nagagawa. Hindi lang naman ito ang unang beses na nilibre niya kaming magkakaibigan. According to her ay masaya raw kaming kasama. Lena pointed her finger to me, "Ma'am. Wag niyo na lang po ilibre yang si bakla dahil kuripot yan!" "Hindi ah! Nakakahiya na kasi kay Ma'am." Ma'am Chua laughed again to us. "No it's really okay and I want to treat you again before sending you home. Almost dinner time na rin naman at baka magalit ang mga magulang niyo sa akin." nakangiting sabi niya. "Ako po hindi papagalitan." sabi ni Vida. "Ako rin po." si Selena naman. Tumingin silang dalawa sa akin sabay lahad ng kamay at salita ulit. "Siya po tiyak na pagagalitan na naman!" they both said. Umiling na lang ako at kiming ngumiti. I ignored the fact that they are right again. Wala namang araw na hindi ako napapagalitan at halos kabisado ko na rin ang sasabihin niya sa akin. Huminga na lang ako ng malalim bago bumaling kay Ma'am Chua na naaawang nakatingin sa akin. "Ayos lang po ako." Tumango na lang siya bago umalis para bilhin ang order namin. Minatahan ko naman ang dalawang kaibigan ko na nakamasid din sa akin. "Groufie na lang tayo, baks. Para may idaragdag tayo sa memory lane natin!" Vida pulled out her latest smartphone bago kami nagpicture. We took quite a lot dahil ginamit din nilang props ang medal ko at trophy. "Isesend ko na lang sa iyo, baks. Open mo yung airdrop mo." ani ni Vida. May kung anong ginalaw si Lena naman sa phone niya bago niya natanggap ang larawan namin. Nakamasid lang ako sa kanila habang ginagawa nila iyon. Nang mapansin nilang nakatingin ako ay nilahad ni Vida ang phone niya bago pinakita ang mga larawan namin gayun din yung mga kuha nila sa akin kanina. "Tanggapin mo na kasi yung phone na binibigay ko sa iyo. Alam mo bang nasasayang lang iyon dahil nakatengga sa bahay. Dad bought two pieces of this phone tapos isa lang naman ang ginagamit ko." sabi ni Vida habang nakangiti kong pinagmamasdan ang mga larawan namin. Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Sa totoo lang hindi ko alam ang gagawin kung wala sila. They are my escape from reality. They are breathe of fresh air for me. "O kung ayaw mo ng masyadong bongga kahit yung isang phone ko na lang sa bahay naman. Hindi na rin nagagamit yun, baks. Wag lang yang de-keypad mong cellphone! Grabe ilang taon ng wala sa  uso ang gadget mo!" si Lena naman. My life has been an open book for them. Ilang taon na ang nakakaraan. Niregaluhan nila ako ng cellphone para sa birthday ko pero kinuha ni mama at binenta dahil ginamit niya yung pera. Hiyang-hiya ako sa nangyari na halos hindi ko sila kayang harapin dahil magkakaparehas ang cellphone naming tatlo noon. "Baks, tanggapin mo na!" sulsol pa ni Vida. Umiling na lang ako sa kanila sabay pakita ng maliit na itim na cellphone na binili rin nila para sa akin bilang pang-asar noon. "Masaya na ako dito tsaka hindi ko naman kailangan yang may camera na cellphone na iyan dahil kukuhaanan niyo naman ako eh. No need for a new phone at baka—" "Baka kunin na naman ng nanay mong may saltik sa utak." Magkasabay na wika ni Vida at Lena. "Hindi naman sa ganun." "Naku baks, wag mo na ipagtanggol ang nanay mong iyon. We saw you during your worst situation dahil sa kanya. Ilang pasa at dugo ang nangyari sa iyo dahil sa kanya. Sigurado ka bang nanay mo siya?" tanong ni Lena sa akin. Tumango naman si Vida sa sinabi nung isa. I can't defend my mother dahil alam naman talaga nila ang nangyayari sa akin. Alam nila kung ano ang ginagawa ni mama sa akin. Magsasalita na sana ako ng dumating si Ma'am Chua dala ang pagkain na binili niya sa amin. Hindi na ako masyadong nagsalita pagkaraan dahil si ma'am na ang nagkwento at sinabayan pa nang ingay ng dalawa kong kaibigan. I just listened to them at masayang tumatawa kapag may pagkakataon. We lasted an hour sa kainan bago kami hinatid ni Ma'am Chua. -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD