05

2227 Words
"Teacher Anna, how old are you po?" Tumigil ako sa pagsusulat dahil sa tanong ni Miguel. Nasa study room kami at nagsisimula na para sa session ngayong araw. Bahagya ko siyang nilingon at ngumiti sa kanya. Ibang-iba ang mukha niya kumpara sa mga nakasabit na larawan kanina sa dingding ng bahay. He blinked his eyes habang hinihintay akong sagutin siya. His hands were placed under his chin. "Big girl ka na po, Teacher?" Tumango ako sa kanya "Aral na muna tayo, Miguel. You know how to read right?" He nodded his head bago humarap sa isinulat kong mga salita sa notebook niya. "A... E... I... O... U" basa niya sa vowels na isinulat ko. Pumalakpak ako sa ginawa niya kaya sobra ang ngiti niya sa akin. We continued studying hanggang sa matapos namin ang first set ng CV. Tinignan ko ang pambisig kong relo. I roughly had a two hours sa tutor na ito. Sapat na siguro iyon. "So we'll end today, Miggy. Bukas na lang ulit ha?" I said as I fixed his hair. He yawned at me before nodding his head. "Thank you for today, Teacher!" He smiled. I nodded my head bago ko iniligpit ang mga gamit ko. Isang oras pa kasi ang biyahe ko pabalik sa San Miguel. Tumayo na si Miguel pagkatapos ng ginawa ko. "Hahatid na po kita, teacher." sabi niya pagkatapos niyang hawakan ang kamay ko. Tumango na lang ako sa kanya bago kami naglakad papalabas sa silid niya. Masyadong tahimik ang mansyon paglabas namin. Napansin ko na kanina pa ang magagandang kagamitan sa buong bahay na ito kaya natatakot talaga akong makabangga ng kahit isang vase kasi pakiramdam ko ay hindi ko mababayaran iyon. We walked down from the grand staircase at naabutan namin sa ibaba ang kuya niya. May binabasa itong kung ano pero pagkakita sa amin ay nag-angat ito ng tingin. "Kuya!" maligayang tawag ni Miguel tapos ay kumaripas ito ng yakap sa kapatid. Huminto muna ako pansamantala para magpaalam sa kanila. "Mauna na po ako sir. Babalik na lang po ulit ako bukas." Tinignan lang ako ni Uno bago siya tumango. Hindi naman na ito nagsalita kaya nagpaalam na ako kay Miguel. "Kuya! Hatid natin si Teacher sa labasan." "Naku! Wag na! Ayos lang ako tsaka sanay naman akong maglakad. Ayos lang po." He just nodded his head to me. "Are you sure?" Sunod-sunod naman ang naging pagtango ko sa kanya. "Opo, sir. Kaya ko po. Salamat po." binalingan ko naman si Miguel at kumaway sa kanya. "Bye, Miguel. See you tomorrow." "Bye, Teacher!" Inabot lang nila ako ng tingin hanggang sa makalabas na ako ng malaking mansyon nila. Bukas ay babalik na naman ako rito. Huminga ako nang malalim bago ko inilibot ang tingin sa nadaraanan kong magandang tanawin. Ano kaya ang pakiramdam ng maging mayaman? Gusto ko ring maranansan ng mga kapatid ko yung ganito. The cold breeze from the noon breeze made me shiver. May mga ilang nakatingin din sa akin habang naglalakad ako pero hindi naman sila lumalapit. May ilan akong nadaanan na grupo ng mga trabahador na nakalilim sa malaking puno ng Narra habang may nakalatag na sapin at pagkain sa kanila. "Magandang araw, ma'am. Kain tayo!" yaya ng isa sa kanila. Huminto ako saglit upang magbigay galang sa kanila. May mga babaeng naglalagay ng pagkain sa plato ng mga naroong trabahador. "Kain po tayo." yaya pa ng ilan. Ngumiti lang ako sa kanila tsaka bahagyang ngumiti. "Salamat po pero kailangan ko na po mauna." Kumunot ang noo ng isa sa kanila habang nakatingin sa akin. "Naku ma'am! Malayo pa po ang main gate mula dito. May kalahating kilometro pa." bumaling ito sa isang batang trabahador sa gilid at tinapik. "Gio, hatid mo si ma'am sa gate." Humakbang ako paatras ng makita na tumayo ang trabahador. Sunod-sunod din ang pag-iling ko sa kanya. "Naku, wag na po. Mas gusto ko rin po kasing lumakad tsaka kakain pa po kayo." Lumapit yung tinawag nilang Gio na may hawak na bisikleta. "Malayo pa po, ma'am. Baka mainitan pa po kayo." anito tsaka sumakay sa bisikleta. May bakanteng pwesto sa likuran nun na may foam at sapin. Bumaling ulit ang Gio pagtingin sa akin. "Tara na po, ma'am." "N..naku, hindi na talaga. Ayos lang--" "Sige na po, ma'am. Mabilis magbisikleta at maingat naman yang si Gio para na rin hindi po kayo masyadong mainitan." sabi ng isa sa kanila. I bit my lower lip. Nakakahiya naman kasi. Kung hindi ako huminto ay hindi sana ako nakaabala. Tumango na lang ako at tumungo sa likuran ng lalaki. "Oy tiran niyo ko ng mangga ah!" bilin ni Gio sa mga kasamahan niya. Lumingon ako sa mga trabahador na nakatingin sa amin. "Salamat po." Kumaway lang sila sa akin lalo na ng umandar na ang bisikleta. Tama nga sila masyadong mainit at mahaba pa kung lalakarin ko. Paano pa kaya bukas? Dapat masanay na akong maglakad para hindi nakakahiya na may maghahatid sa akin. Wala pang ilang minuto ay narating namin ang main gate ng Hacienda. Bumaba ako mula sa likuran at humarap kay Gio. "Salamat ah. Pasensya na at nakaabala pa ako." Nahihiyang ngumiti naman ang lalaki habang nagkakamot ng batok nito "Naku ako nga po ang dapat mahiya dahil amoy-araw ako. " Umiling ako sa kanya. "Hindi naman. Salamat ulit ah." inabot ko ang kamay ko sa kanya. "Anna nga pala." "Gio po, ma'am." anito bago nahihiyang inabot ang kamay sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya ng bitawan ko ang kamay niya. He pointed the pile of bicycles on the side. "Yan po yung mga bisikleta na pinapahiram nila Madam para sa mga trabahador po nila. Kung gusto niyo pong gamitin magsabi lang po kayo sa gwardya nila." Tumango ako sa sinabi niya. At least hindi na ako mahihirapan maglakad ng mahaba bukas. Sanay naman ako magbisikleta kaya ayos na rin. I bid my goodbye to him bago ako lumabas sa malaking gate ng hacienda. From there ay kailangan ko pa maglakad hanggang sa sakayan ng tricycle papalabas ng barangay para makasakay ng bus pabalik sa San Miguel. I stopped in a nearby bakeshop sa hintayan ng bus upang makabili ng pasalubong sa mga kapatid ko. Tiyak na matutuwa sila sa simpleng meryenda na dala ko para sa kanila. Marami na rin ang nasa hintayan ng bus hanggang sa dumating ito. I sat in the last row katabi ang bintana para makapag-isip. Hindi naman masyadong punuan dahil ang ilan sa mga nakasakay ay nasa unahan naman. Bukas ay ganito ulit ang gagawin ko. Paano kaya kung i-consider ko yung offer na doon sa kanila kapag weekends? Pero paano mga kapatid ko? I shook my head sa naiisip ko. Wag na lang baka kung ano na naman ang gawin ng nanay namin sa kanila. Dahil siguro sa dami kong iniisip ay nakaidlip ako at nagising na lang sa sigaw ng kundoktor na nasa San Miguel na kami. Nagmamadali akong bumaba ng bus habang dala ang supot ng tinapay. "Bakla!" Ginala ko kaagad ang mga mata ko sa sigaw na iyon. I smiled when I saw my friends. Kumakain sila ng lugaw sa babaan ng mga pasahero. Si Lena ang tumawag sa akin habang si Vida ay patuloy na kumakain ng lugaw, kumaway lang ito sa akin. Nagmamadali akong tumakbo para makalapit sa kanila. Umusog si Vida pagdating ko habang nilulunon ang lugaw niya. "Ang tagal mo baks! Kanina pa kami dito ni Vida. Pumunta kami sa inyo tapos sabi ni Laura wala ka nga raw." si Lena pagkatapos umorder ng isa pang lugaw at lumpiang toge. "Inintay niyo ko?" tanong ko sa kanila. Tumango si Vida pagkatapos punasan ang bibig. "Oo, wala kaming magawa eh. Gusto sana naming tumambay sa inyo kaya lang nandoon yung mahadera mong nanay kaya nevermind na lang." Umiling na lang ako sa sinabi niya. Pagkaraan ay dumating na ang lugaw at sinimulan ko iyon kainin. "So baks, anong ganap? Kumusta first day? Mabait ba si bagets? May kuya ba siyang gwapo?" tanong ni Lena. "Single? Gaano kalaki yung bahay? Tinanong ko si daddy, kilala raw niya yun eh. " sabat naman ni Vida. I furrowed my brows to them habang inaabsorb ang sinasabi nila. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako magsalita. "Mabait naman yung pamilya nila and yes, malaki ang bahay at may kuya rin siya." The two squealed together at nag-apir pa. "Sabi na sa iyo, baks. Landiin mo yung kuya para makalayo ka na sa pamilya mo!" pambubuyo ni Vida sa akin. Tumango naman si Lena. "Tsaka malay mo chance mo na iyon para makaahon sa laylayan ng lipunan." Binato ko na lang sila ng tissue dahil sa naiisip nilang dalawa. "Baliw. Hindi naman ako ganun." "So hindi ka makakasama bukas?" biglang tanong ni Lena pagkatapos kong kumain. Tumayo na rin ako dala ang ilang pirasong tinapay na lang dahil kinain na nung dalawa yung isang klase ng tinapay na dala ko. "Saan?" tanong ko. "Plano sana namin lumangoy ni Vida diyan sa San Antonio since maganda ang dagat doon." "Nasa San Antonio yung bahay nung tinuturuan ko." Napapalakpak si Vida sa sinabi ko. "Sabi na eh. Edi intayin ka namin ah? Wag mo masyadong tagalan yung turo mo para medyo matagal yung langoy natin. Kami na bahala ni Lena sa foods basta sa San Antonio tayo magkita. Intayin ka namin ni Lena sa sakayan ng bus o kaya si Kuya Tino na lang pag-intayin ko." "Kaso kailangan ko pang plantsa--" Lena waved her hands toward me. "Ipinaalam ka na namin doon sa tita mo. Kaya sabi niya lahat ng gagawin mo bukas sa bahay ay gagawin niya for you." "At si Laura na ang nagplantsa ng mga damit niyo kasi binayaran na namin siya." nakangising sabi ni Vida naman. Natatawang umiling na lang ako sa kanila. "Wala na akong lusot ganun?" "Waley!" magkasabay na sabi ng dalawa. "Anong kailangan kong dalhin bukas?" "Wala na baks. Kami na bahala. Gusto mo pati damit at underwear sagot ko na for you." nakangising sabi ni Vida bago ako hinawakan sa chin. "Kasi, I love you Miss." biro nito habang ginagamit ang boses lalaki niya. Hinila naman ni Lena ang buhok ni Vida kaya umayos ito. "Ako manliligaw diyan tapos inuunahan mo ko?" Napailing na lang ako sa kanila bago ako naunang maglakad kaya hinabol nila ako. They both went to the other side habang nakahawak sa braso ko. "Baks, paano na yan sa College natin? Sure na si daddy at mommy na pag-aralin ako sa London. Sabi ko nga isasama kita eh." simula ni Lena. I pouted my lips. Ilang beses na rin talaga akong inaalok ng scholarship ng mga magulang nilang dalawa pero tinatanggihan ko talaga. " Si Lena sa London, ako sa America, ikaw? Dito ka pa rin sa Zambales? Sayang ang talino mo baks. " dagdag naman ni Vida. "Kasi kung tinatanggap mo ang offer ng kahit sino sa aming dalawa edi masaya na tayo!" Umiling na lang ako sa kanila. Ayokong abusuhin yung tulong nila para sa akin. Sa pera nga lagi silang nagbibigay sa akin eh. "Isipin mo baks. Gagraduate na tayo next year for Senior High. Tapos planado na kami ni Lena sa abroad. Hindi ata namin makakaya na iwan ka rito tapos hindi ka namin makakausap." "Eh kasi nga--" Tinakpan bigla ni Lena ang bibig ko. "Nandito mga kapatid mo?" Hinila ko naman ang kamay niya para maalis sa akin. "Oo, alam niyo naman na hindi ko kayang iwan ang mga iyon. Baka mamaya sila na yung sinasaktan ni mama." "Which is hindi mangyayari. Kasi sila ang paborito ng nanay mo." sabi ni Vida. Napalingon ako sa kanya bago ko tinampal ang braso niya. "Aray ah! Masyado kang straight to the point. Preno naman baks." "Kasi totoo kaya masakit. Naku alam mo kakayanin namin iwan ka rito kapag may jowa ka na." "Kaya sagutin mo na yung kuya nung alaga mo para makaahon ka na sa kahirapan." "Paano ko sasagutin eh hindi nga kami nag-uusap nun." "Ay mahina." sabay na sabi ng dalawa. "Kung ako yan baka paglabas ko pa lang ng bahay nila bebe ko na yun." biro ni Lena. "Malandi ka kasi." sabay na sabi namin ni Vida sa kanya. Lena stopped from walking kaya pati kami. Her jaw dropped and dramatically placed her hand on her chest. "Grabe kayo! Are we still friends?" "Abnormal. Ilang lalaki na nga yung nakaano sa iyo?" dagdag ni Vida. Nagmamadaling lumapit sa amin si Lena at tinampal ang bibig naming dalawa. "Bastos. Virgin pa ako! Never been touch, nor kiss." proud na sabi nito. Umiling na lang kami ni Vida sa kanya. Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin hanggang maihatid nila ako sa tapat ng bahay namin. "Dito ka na. Baka kapag nakita na naman namin yung nanay mo ay masabi na naman kami." ani ni Lena. Tumango na lang ako sa kanila. "O basta bukas ah. Sa bus station na lang kita papaabangan kay Kuya Tino. Nandoon na siya ng mga 10 kaya agahan mo yung tutor mo!" pahabol ni Vida. Pabiro pa akong sumaludo sa kanya. "Yes po. Ingat sila sa inyo." paalam ko sa kanila. "Bye, baby!" si Vida "Bye, cupcake!" si Lena. Naiiling na pumasok na lang ako sa loob ng bahay. At least tomorrow ay mayroon akong inaasahan na makakapagpasaya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD