"Saan ka pupunta, manang?"
Maaga akong nagising ngayong Sabado para makapaglaba muna at makapagluto bago umalis at ngayong natapos ko na ay kailangan ko na makipagkita kay Ma'am Alex para samahan ako sa San Antonio.
Hindi umuwi si mama kagabi at ayos na rin iyon para hindi ako masaktan. Si Tiya Adela naman ay nasa dati niyang silid dito sa bahay, nagsabi na rin naman ako sa kanya kagabi na aalis ako at pumayag siya.
Nilingon ko si Linda matapos kong ilagay ang notebook sa bag ko. Lumapit ako sa higaan niya sa kama. Si Linda at si Laura ang magkatabi sa kama, samantalang si Lorenz ay solo ang isang sofa bed at si Leon at Leandro naman ang nasa double deck, ako naman ay nakahiga sa lapag na ang tanging sapin ay banig.
Nahuli kasi minsan ni mama na may foam ako kaya sinunog niya iyon kaya ang tanging higaan ko ay banig, isang matigas na unan at lumang kumot.
Ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya habang nakatingin siya sa akin.
"Aalis lang si manang. Si Manang Laura na muna magbabantay sa inyo ah." mahina kong sabi sa kanya.
Tumango si Linda bago subukan abutin ang mukha ko. Marahan niyang hinaplos ang pasa na tinakpan ko lamang ng salamin sa mata.
"Manang, sama ka na lang po kay Tiya Adela para hindi ka nasasaktan ni mama. Ayoko na pong saktan ka ni mama, manang."
I reached for her hand and kissed it. Umiling ako sa kanya bago ko siya halikan sa noo.
"Matulog ka na ha? May pagkain na sa labas kapag nagising kayo."
Tumayo na ako at hindi na nilingon ang mga kapatid ko. Diretso ang paglabas ko sa bahay dahil ayoko rin na maabutan ni mama kasi hindi ako papayagan nun tiyak.
Sa labas ng bahay ay nag-aabang ang sasakyan ni Ma'am Chua. Nakangiti niya akong sinalubong bago niya binuksan ang pintuan ng sasakyan niya.
"Good morning po, ma'am."
"Good morning din, Anna." inabot niya ang braso ko at sinipat ang pasa doon.
Ngumiwi na lamang ako noong nakita niyang hindi pa rin naghihilom ang mga pasa at paso ko. Napabuntong hininga na lamang si Ma'am Chua bago ako pakawalan at hayaan makasakay sa sasakyan niya.
"Did you have your breakfast already?" aniya habang nagmamaneho. Bahagya siyang lumingon sa akin bago ako tumango.
"Tapos na po. Kayo po?"
"Yes. Tapos na rin. Anyway, Ann, iiwan lang kita sa San Antonio ha? Ipapakilala kita kay Tita Grace na mama ni Miguel bago kita iwanan. May kailangan pa kasi akong tapusin sa bahay."
Tumango ako sa kanya. "Ayos lang po, ma'am. Walang problema. Magbubus na lamang po ako pauwi ko. Matatandaan ko naman po itong daan na ito."
Lumingon bahagya sa akin si Ma'am Chua bago bumaling ulit sa daanan. "May check up kasi ngayon si Olivia sa pedia niya later."
Nabahala ako sa sinabi ni Ma'am dahil ang tinutukoy niya ay ang anak niyang babae. "May sakit po ba?"
Umiling si Ma'am Chua, "Naku wala. Regular check up ni Olivia iyon. Si Orlando kasi ay nasa parents ko kaya si Olivia lang ang madadala ko."
"Mabuti naman po kung ganoon." sagot ko bago ko binaling ang paningin ko sa gintong palayan palabas ng San Miguel. Halos isang oras din ang magiging biyahe papuntang San Antonio naman kaya inabala ko na lamang ang sarili ko sa mga tanawin na bihira ko lang makita.
"Ann, I'll tell you the background of Mig's family ha? Para hindi ka magulat kapag naroon ka."
Napalingon ako kay Ma'am Alex matapos kong pagmasdan ang paligid. I nodded my head as an answer.
"Well, Miguel Contreras is a very intelligent kid. Five years old lang siya, same age sa kambal ko. Anyway, si Miguel ang youngest sa limang na magkakapatid. He has three sisters but the two of them are married already then yung isa naman ay engage tapos si Uno nga ang kuya niya." Bahagya akong nilingon ni Ma'am Chua to check if I'm listening.
"They are from Spanish Clan. Yung father niya na si Tito Henry Contreras ay may-ari ng isang malaking plantation ng mga mangga dito sa Zambales also they have another businesses. May chain of hotels and restaurants sila. They actually owns an empire. Mabait sila lalo na si Tito Henry kaya lang medyo matanda na iyon kasi very young nagpakasal si Tita Grace, 15 ata siya nun tapos si Tito Henry ay 28 that time. Yung eldest nila ay 36 tapos si Uno ay 25. Yung eldest nila ay best friend ko that's why I know their family too much. "
Tumango ako sa mga sinabi niya. Mabuti pa ang pamilya na iyon ay sobrang yaman, siguro kahit mga apo nila ay hindi na kailangan pang magtrabaho.
"As I told you, you only need to teach him basics and follow ups since marunong naman talaga siya. And before anything else, gusto kong ipaalam sa iyo na anak ni Tito Henry si Miguel sa mistress niya pero kinuha na siya ni Tita Grace, so just be careful about it."
Marahan akong tumango kay Ma'am Chua. Kahit bahagya akong nagulat sa sinabi niya tungkol sa pagkatao ng batang si Miguel.
Bumuga ako ng hangin matapos magkwento ni Ma'am Chua. Tahimik na lamang kaming dalawa sa buong biyahe at kahit alam kong marami siyang gustong itanong sa akin ay mas nanatili na lamang siyang tahimik.
We reached San Antonio after an hour. Few turns and straights ay dumating kami sa isang malawak na lupain. Isang malaking gate na may pangalang El Contreras Hacienda ang nakaukit sa itaas nito.
Mula sa gate ay halos sampung minuto pa ang binaybay namin ni Ma'am Chua. Nadaanan namin ay mga malalaking puno na animo'y arko na sumasalubong sa sasakyan. Sa gilid naman ay mga lupa na tinutumbok tiyak ang magagandang bahagi ng Hacienda na ito.
Sa dulo ng mahabang hilera ng malalagong puno ay isang rotonda na nagpapakita sa isang napakagandang bahay.
Huminto si Ma'am Chua sa harap ng bahay at bumaba kaya sumunod ako sa kanya kahit sobrang namamangha ako sa bahay na nasa harapan ko. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang bahay!
Isang kulay gintong napakalaking mansyon ang sumalubong sa paningin ko. Papasok sa bahay ay walong hakbang na hagdan at malawak na puting-puting marmol bilang lapag pagkatapos ng hagdan.
Ang balustre ng terrace ay yari sa isang tiyak na matibay na kahoy. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko dahil sobrang namamangha ako sa ganda ng bahay.
Ang poste ng bahay ay kritikal ang pagkakaukit ng halaman at bulaklak sa itaas at ibaba ng poste.
Napalunok ako habang nakamasid pa rin sa bahay.
"Anna, tara na."
Napakurap na lamang ako ng mapatingin ako kay Ma'am Chua.
Teka ano nga ulit ang ginagawa ko sa bahay na ito?
"Anna?"
"O... Opo!" nagmamadali akong sumunod kay Ma'am Chua kahit pakiramdam ko na hindi karapat-dapat na hakbangan ang bahay na ito.
Ma'am Chua knocked twice on the door at bumukas ang napakalaking pintuan. My jaw dropped when I saw the interior of the mansion.
Malawak na marmol na sahig ang unang sumalubong sa amin bilang isang malawak na bulwagan. Sa gitna ng napakalaking bulwagan ay isang malaking hagdan na naghahati sa dalawa pagdating sa gitna, nalalatagan din ito ng pulang sapin.
Sa malawak na gitna ng bahay ay makikita ang napakalaking ilaw na parang bituin na nakalambitin sa ceiling.
I blinked my eyes again dahil sobra pa sa hinagap ko ang bahay na ito. Hindi ko inaasahan!
"Alexandra!"
The happy voice made me turned sa itaas ng hagdan. Isang eleganteng babae na nakasuot ng puting mahabang damit, her shoulder length blonde hair is swaying at her back. Her beautiful face is still visible kahit medyo may katandaan na siya. The woman is slowly descending from the left wing of the grand staircase.
"Tita."
Napaatras naman ako sa likod ni Ma'am Chua dahil masyado akong naiintimidate sa pababang babae mula sa hagdan.
"I've waited you yesterday, mabuti na lang at sinabihan mo ako kaagad."anito habang pababa sa hagdan.
And when she reached the end of stairs ay sinalubong siya ni Ma'am Chua.
Ma'am Chua kissed her cheeks gayundin ang magandang donya. Hindi ko naman alam kung saan ako babaling kaya ang ginawa ko ay yumuko na lamang at hintayin na mapansin ang presensya.
"I'm glad that you are here. Yvonne isn't here, nasa Austria sila ng asawa niya at ng mga anak niya."
Narinig kong tumawa si Ma'am Chua, "She actually updates me from time-to-time, tita. And you know Yve, she won't forgot to send me her pictures about that trip po."
Habang nakikinig sa usapan nila ay pasimple kong hinila pababa ang suot kong bestida. At pinagmasdan ang brown na doll shoes na suot ko.
"She must be the tutor that you were talking?"
Bigla akong nag-angat ng tingin sa nagsalita. Kiming ngumiti ako nang tumingin siya sa akin. Her fiercing eyes are intimidating me. Napalunok ako habang pilit na sinasalubong ang tingin niya.
"Bakit parang foreigner? Is she an american?" nagtatakang tanong nito.
Umiling ako at handa na sanang sumagot ng naunahan ako ni Ma'am Chua.
"Sort of?" pagak na tumawa si Ma'am Chua bago ako tinignan.
"Her father is an American while her mom is a Filipina, Tita."
Tumaas ang kilay ng donya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Oh! Must be one of the babies of Subic then?"
Nag-aalinlangan man ay tumango si Ma'am Chua sa kausap. Para naman akong nanliit habang nakikinig sa sinasabi ng babae.
The donya smirked before walking towards me. She extended her hand before speaking. "I'm Grace Contreras and you are?"
Tinignan ko muna si Ma'am Chua bago ko tinanggap ang kamay ng donya sa harapan ko. Tumango siya sa akin kaya nagmamadali kong tinanggap iyon.
"A--Anna po. Anna Peralta."
"Full name?"
"Aubriella Louisanna Peralta po."
"Age?"
"Seventeen po."
Pasimpleng binitawan ng donya ang kamay ko at humakbang papalayo sa akin.
"Too young for Miguel but then I trust, Alex's suggestion kaya ikaw na ang bahala sa bunso ko. He is not here, nasa bundok siya ngayon kasama ang kuya niya pero pabalik na rin iyon. For now, why don't you both join me for a snack?"
"We would love to, Tita. Thanks!" tapos ay nilingon ako ni Ma'am Chua bago hinila at sumunod sa kanya.
Sumunod kami sa donya sa isang hallway ng bahay, puro mga mamahalin at antigong muwebles ang nadaraanan namin bago kami dumating sa isang malaking pintuan papalabas ng bahay. Sa patio kaharap ang malawak at napakagandang lupain na parang ipininta dahil sa asul na langit at hilera ng bulubundukin ang makikita sa kalayuan.
Sa isang gawang gazebo kami tumuloy. May mga baging ng bulaklak at dahon na nakasabit doon.
Umupo ang donya sa gintong upuan na naroon gayundin si ma'am kaya sumunod na rin ako sa ginawa nila.
"The snacks will be served here." sabi nito.
Hindi na lang ako sumagot dahil binusog ko ang sarili ko sa tanawin na nakikita ko. Mayroon ding ganitong tanawin sa San Miguel pero ang makita ito sa isang napakarangyang bahay ay parang kakaiba.
"Anna,"
Napalingon ako sa donya ng tinawag ako. She's eyeing me very well.
"Your body doesn't look like a seventeen year old girl. Para kang 25 sa built ng katawan mo. Kaya I'm sure na aakalain ni Miguel na you are a teacher. So be firm when it comes to him. Matalino naman siya and I just want more follow ups for my bunso."
Tumango ako sa sinabi ng donya habang si Ma'am Chua naman ay matamang nakatingin sa akin na para bang iniintay ang magiging reaksyon ko.
"Anyway, I'll pay you 750 pesos per hour, would that be fine?" tanong nito sa akin.
750? Para sa isang oras? Grabe! Napakalaki naman nun! Mas mababa pa sa halagang iyan ang inaasahan kong makukuha ko para lang sa simpleng follow up and basic reviews.
"A—ano po. M...masyado po atang malaki?" Nag-aalinlangan kong tanong sa donya but she just eyes me and waved her hand.
"Hija, kailangan mo pang mamasahe mula dito papunta sa inyo and vice versa unless you accept the offer na for the weekend you'll stay here para hindi na hirap sa iyo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang pilit na inaabsorb ng utak ko yun. Sa mansyon na ito mananatili for the weekend?
Sunod-sunod ang naging pag-iling ko sa kanya. "Naku salamat na lamang po pero hindi na lang po. Ayos lang po sa akin ang uwian. Kaya ko naman po."
Tumango ang donya, magsasalita pa sana siya ng naputol na iyon dahil dumating ang pagkaing pinahanda niya.
Pasta ang nasa harapan namin at mga garlic breads pati na rin pineapple juices. Kahit ang kubyertos ay halatang mamahalin dahil sa ganda. Iba na talaga pag mayaman.
"Enjoy your meal."anito sabay turo sa pagkain.
Yumuko ako ng bahagya sa kanya,"Salamat po."
"Thank you, Tita." si Ma'am Chua.
We were starting to eat our food ng magsalita ulit si Ma'am Chua. "Anna, here's the contract for your tutor. It is stated here yung fee sa tutorial mo and you can get it kung pagkatapos ng tutor niyo ni Miguel or every 15th and 30th."
"Also, you can choose your time ng tutorial niyo pero I hope na every morning ito bago mag-practice ng Taekwondo si Miggy. And... you can extend any time you want and I'll still pay for your hour. Just one condition, wear a blouse and pants since I'm quite uncomfortable with what you are wearing now."
Inabot nito sa akin ang dalawang papel na pinasadahan ko naman ng pagbasa. The benefits are good since provided nila ang food ko at hindi naman nila ako papapasukin kapag umuulan or malakas ang ulan. Every weekend lang din ang tutorial namin ni Uno at kasama naman sa bayad ko ang pamasahe ko.
"Tita, hindi ako mapapahiya sa iyo when it comes to Anna. I mean she is the best student here in Zambales. She just recently won the quiz bee master for Regional Quiz Bee Competition. And she has a great extra curricular background."
Nahihiyang tinignan ko naman si Ma'am Chua dahil sa mga sinasabi niya. Lagi niya akong pinupuri kaya mas lalong nakakahiya.
Napalunok na lamang ako habang pinapakinggan ang pag-uusap nila hanggang sa may narinig kaming yabag mula sa loob ng bahay.
"Boys!" si Donya Grace sabay tayo at tingin sa malayo.
Tumayo na rin ako at bumuga ng hangin para salubungin ang magiging alaga ko. Ngumiti naman si Ma'am Chua sa akin at bahagyang tumango.
Lumingon kaming dalawa ni Ma'am Chua lalo na ng nagsalita ang lalaki. I swallowed that lump on my throat at bumuga ng hangin dahil sa kinakabahan ako ngayon.
Isang matangkad at morenong lalaki ang natagpuan ng mata ko. Ang malaking katawan ay bakat na bakat sa suot nitong itim na t-shirt habang ang mahahabang biyas nito ay natatakpan lamang ng kulay abong short.
Dumako ang mata ko sa mukha niya at ang pares ng kayumangging mata ang nakita ko. Natatabunan din ito ng makakapal na pilik mata at kilay na akala mo hindi na kailangan pang lagyan ng kolerete dahil makapal at nakaayos ang arko nito sa mata nito. Ang matangos na ilong ay bumagay sa mapulang labi. Ang mukha nito ay bagay na bagay sa kanya. Ang buhok niya na parang militar ang pagkakagupit ay basa pa marahil ay mula sa pagligo sa bundok.
Natagpuan ng lalaki ang mata ko kaya mariin niya akong tinignan. His jaw clenched while intently looking at me.
Kung hindi pa kay Ma'am Chua ay hindi ako makakahakbang dahil sa ang nasa harapan ko ay napakagwapong binata. Bakas na bakas ang lahing Kastila sa mukha niya.
"Anna, this is Miguel. Miguel, your new tutor." pagalit na sabi ni Donya Grace sa anak.
Pero hindi ko kaagad napansin ang bata dahil ang atensyon ko ay natuon sa lalaking kasama nito.
"Hello po!" nagbaba lang ako ng tingin at tinignan ang isang malusog na batang lalaki na nakangiti sa akin.
I extended and offered my hand to him. "Hi! I'm Teacher Anna."
The little boy smiled before accepting my hand.
Nag-angat naman ako ng tingin sa lalaking kasama ng bata.
"Uno. Uno Contreras." seryosong sabi niya pagkatapos ay tinanggap ang kamay ko na nakalahad din sa kanya ngunit ang kakaibang kuryente na gumapang sa katawan ko ng matanggal ito kaya agad kong binitawan ito.
"Nice to meet you."he smirked.
Indeed, nice to meet you.