06

2098 Words
Maaga akong umalis para maging mahaba yung oras ng tutor ko. Pero syempre ginawa ko na muna lahat ng gawain para hindi magalit si mama sa akin. Wala pang alas siyete ng umaga ay naglalakad na ako papasok sa mansyon nila Miguel. Sinabihan naman ako ng kasambahay na maghintay na muna dahil kakagising lang daw ni Miguel. 7:30 ng umaga ay nagsimula na kaming dalawa at katulad kahapon ay naging maayos naman ang naging lesson namin. Nalaman ko rin na wala ang donya dahil biglang lumuwas daw sa Maynila. 10:30 nang matapos kami ni Miguel kaya nagmamadali akong magligpit kasi baka nasa station na si Kuya Tino at kanina pa naghihintay. "Teacher, why are you in a hurry po?" takang tanong ni Miguel sa akin. Inayos ko muna ang pagkakatali ng buhok ko bago siya sinagot. "Iniintay kasi ako ng mga kaibigan ko." Tumango-tango naman ito na parang naiintindihan nito lahat. "Be safe teacher. I'll see you next weekend." I nodded bago nagpaalam sa kanya. Matutulog muna raw siya ulit dahil sobrang aga namin kanina. Nagmamadali akong bumaba sa grand staircase ng makita ko ang kararating lang na kuya ni Miguel. Napahinto ako at dahan-dahan naglakad na lang kasi una ang gwapo nito sa itsura nito ngayon tapos pangalawa ay nakatitig siya sa akin. "Are you done for today, Miss Peralta?" his deep voice awakened me from my thoughts. "Opo, sir. Si Miguel nasa itaas po at matutulog muna raw po ulit." Tumango lang siya. "Nagmamadali ka?" I bit my lower lip habang nakatingin sa kanya. "Opo, sana. May naghihintay po kasi sa akin sa sakayan ng bus." His brow raised habang nakatingin sa akin. "Boyfriend?" Biglang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Naku wala po akong boyfriend, sir. Mga kaibigan ko po." Tumango-tango siya sa sinabi ko. "Come, I'll give you a ride. Malayo pa ang labasan mula dito sa bahay kaya baka matagalan ka." I scratched my head dahil sa kanya. Hindi naman ako matatagalan kasi nanghiram din naman ako ng bisikleta mula sa entrance ng gate kanina. "Nanghiram po ako ng bike, sir. Yun na lang po." "Which bike? Yung nakapark diyan sa gilid kanina?" I nodded tapos ay bahagyang lumapit sa kanya. Distance really don't give its purpose kasi hindi nito nabigyan ng hustisya ang itsura ng lalaking nasa harapan ko. His white fitted shirt with faded blue jeans and a boots, accentuated his perfect image. Bagay na bagay itong modelo dahil sa gwapo nito. "O...opo." "The gardener took it pagpasok ko kaya walang bike na dyan sa labas." What? Nagmamadali akong lumabas upang kumiprmahin ang sinabi nito at tama naman kasi wala na talaga doon yung bike. Sinulyapan ko ang orasan ko at halos 11 na. Napapalatak na lang ako habang iniisip na simulan na ang pagtakbo. Just when I made my plan, Lucas walked pass me at sumakay sa itim na pick up nito. "If you want to be late you have an opt not to accept my offer." he played the key on his palm habang iniintay ako. Pinasadahan ko siya ng tingin pagkatapos ay ang daanan ulit. Kung bakit naman kasi anv layo di ba? Dahan-dahan akong naglakad para makasamay sa sasakyan. Para akong nakakita nang imahinasyon dahil para kong nakitang ngumiti si Sir Lucas pagkatapos kong pumayag. We both opened the door at the same time. He roared the car to life before manuevering it. Hindi naman ako nagsasalita habang nagmamaneho siya papalabas ng hacienda nila. "How's Miguel?" he started. Napalingon ako bahagya sa kanya. Diretso pa ring nakatingin ito sa daanan habang nagmamaneho. "Maayos naman po, sir. Nasa adjustment stage pero mabilis naman po siyang matuto." Hindi naman siya sumagot. He just placed his forefinger under his chin habang nakapatong ang braso niya na iyon sa bintana. We arrived at the main gate at akala ko ay ihihinto na niya doon. Nagulat pa ako ng pinagbuksan siya ng gate at dire-diretso kaming lumabas. "Ah, Sir, dito na lang po ako. Maglalakad na lang po ako hanggang sakayan ng bus." Nakakahiya kasing nakasakay pa ako at naaabala ko siya dahil doon. He slightly glance at me bago nagsalita. "Same route lang din naman, Miss Peralta. I need to go to the market to meet some friends too." "Po?" At dahil mukhang wala naman akong magagawa ay tumango na lang ako. "Okay po, sir. Pero wala pong kasama si Miguel sa bahay?" "I'll be quick." sagot lang niya. Katahimikan ulit ang namagitan sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa sakayan ng bus. Nakita ko na kaagad ang sasakyan ni Vida at si Kuya Tino na naghihintay. "Dito na lang po ako sir." Lucas pulled the car on the side. Tinanggal ko muna ang seat belt bago ako bumaling sa kanya. "Salamat po sir. Mag-ingat po kayo." He just nodded kaya bumaba na agad ako sa sasakyan niya. Umandar naman kaagad ito kaya nagmamadali akong tumawid papunta kay Kuya Tino. "Naku kuya Tino, sorry nalate ako. Tara na po?" Ngumiti lang si kuya Tino bago ako pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Ilang sandali lang ay nakaalis na kami at wala pa halos kinse minutos ay nakarating na kami sa Small Anawangin. Walang tao dahil private beach resort na pagmamay-ari ng tito ni Lena. Agad akong bumaba at nagtungo sa cottage kung saan nakikita ko na sina Lena at Vida. "Bakla ka ng taon! Akala ko Indiana Jones mo na kami ni Vida." salubong ni Lena pagkakita sa akin. Nakasuot na silang dalawa ng two-piece nila. Red ang kay Lena, Puti ang kay Vida. Sexy naman silang dalawa kaya bagay. Nakasuot pa sila ng sunglasses na halatang mahal. " Sorry." nilapag ko ang bag ko sa table sabay dampot ng inihaw na hotdog na naroon. "Hindi kami makaligo kasi wala kang bruha ka." hinila pa bahagya ni Vida ang buhok ko. "Sorry na nga di ba?" I pouted then turn to them. "Hindi ako nainform na may ganyang damit. Wala akong dala." Ngumisi sila pareho bago mag-abot si Vida sa akin ng isang itim na pouch. "Ready ako baby. Ikaw pa ba?" she winked tapos ay iniabot sa akin ang damit. "Magbihis ka na baks. Don't worry, solo natin ang buong beach ngayon." si Lena naman. I sigh bago ako tumayo dala ang maliit na pouch. Lintik talaga itong dalawang ito eh. Alam na alam naman nila na hindi ako nagsusuot ng ganito. Nagtungo ako sa banyo na nasa likod ng isang cottage at doon ay nagpalit. Nag-alinlangan pa ako kasi umaangat sa likuran ko yung underwear, samantalang parang masyadong maliit naman yung bra para sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay lumuluwa yung hinaharap ko. Pagkatapos magbihis ay nagmamadali akong bumalik sa kanila. Wala naman talagang tao maliban sa amin, si Kuya Tino ay nasa parking lot na malayo mula sa pwesto namin. Pero nahihiya pa rin ako. "Ay shuta ka! Ang sexy mo Aubriella! Papakasalan na kita talaga." salubong ni Vida sa akin. Samantalang nakanganga naman na nakatingin si Lena sa akin. "Punyeta. Ang unfair ah. Bakit ang laki ng boobs mo, cupcake? Sabay-sabay naman tayong lumaki di ba?" Nakangisinh tiniklop ko na lang ang damit ko at ipinasok sa bag na dala ko. "Look at that butt." sabay palo ni Vida sa pwetan ko kaya napalingon agad ako sa kanya. "Hoy baks. s****l harassment na yan." "Bumagay sa iyo yung kulay, Anna. Ang puti mo lalo, pashare ng kulay dali." nakangising sabi ni Lena. Tinulak siya ni Vida bago inabot sa akin ang sunblock lotion at isang itim na salamin na katulad sa kanila. "Yes naman. Girls scout kami talaga for you." "Salamat." Hinayaan muna nila akong maglagay ng lotion bago nila ako hinila sa mismong dagat. Mataas bahagya ang buhangin pababa sa dagat kaya parang bata ay naghabulan pa kami doon. Hindi naman mataas ang sikat ng araw medyo makulimlim pa nga kaya nasulit naming tatlo ang mini photoshoot. "Honey, doon ka sa gitna dali tapos luhod ka then intayin natin yung alon na humampas sa iyo." si Vida habang hawak ang camera nito. "Ha?" hindi pa ba napapagod ang mga ito? Kanina pa kami picture nang picture ah. Hinila ako ni Lena kaya napaluhod ako sa buhanginan at inayos pa niya ang buhok ko na nabasa na kanina pa. "Seductive, baks. Para maganda dali!" "Hindi ko kaya yun!" "Natural lang. Kaya mo yun!" pambubuyo pa niya sa akin. Inirapan ko na lang siya bago sinunod ang sinabi nilang mga gawin ko. "Tama na! Puro buhangin na ako." reklamo ko after ng pang dalawampung pose na ginawa nila sa akin. "Ako naman na." si Lena na humiga naman sa buhanginan habang kinukunan ni Vida ng picture. After ng photoshoot ay nagsimula na kaming magtampisaw sa dagat. Tumakbo naman kaagad si Vida sa cottage para ibalik ang camera niya. Hindi gaano kami lumalayo dahil malaki ang alon dahil sa makulimlim nga. Hinintay din namin na umulan kaya mas naenjoy namin ang pagtatampisaw sa dagat habang hinahampas na kami ng alon. Sanay naman kaming lumangoy lahat pero syempre ay nag-iingat pa rin kami. We stayed in the shore habang nagpapahinga at nababasa pa rin ng ulan. Hindi ko na rin alam ang oras basta ang alam ko ay masaya ako kasama sila. Nakaupo kami habang ang alon ay humahalik sa paanan namin at ang patak ng ulan ay patuloy na lumalagaslas sa katawan naming tatlo. "So kumusta ang part time, baks?" simula ni Lena. Napabuga ako ng hangin habang nakatanaw sa isang isla mula sa pwesto namin. "Ayos lang. Mabait naman yung bata." "Yung bata lang? Paano si kuya?" asar ni Vida. Napangisi ako bigla at bumaling sa kanilang dalawa. "Hinatid pala ako ni sir Lucas hanggang sa sakayan ng bus." Sabay na napatili ang dalawa at hampas sa braso ko. "Aray ah! Hindi siya masakit." sarkastiko kong saway sa kanila. "Baks, gwapo ba? Search ko nga sa sss or IG yan, baka pwedeng jowa mo na talaga, honey." "Siguro ang bango-bango niya noh?" "Describe mo naman siya, baks." Napatingala ako habang iniisip kung paano idedescribe si Lucas. Hindi kasi mabibigyang justice kapag diniscribe ko lang siya eh. Dapat nakikita siya nung dalawa. "Search niyo na lang. Masyadong mahirap i-describe." sagot ko sa kanila. "Kadamutan nito!" sabay na sabi ng dalawa. "Eh sa hindi ko nga madescribe. Search niyo na lang Lucas Contreras." Lena and Vida fell silent sa sinabi ko kaya napatingin ako kaagad sa kanila. "Bakit?" takang tanong ko. May nakakagulat ba sa pangalan ni sir Lucas? "s**t! So si Lucas ang kapatid ni Miguel?" tanong ni Lena. "Eto ba yung moreno na gwapo na mukhang ibang lahi tapos matangkad. Siya ba?" si Vida naman. Tumango ako sa kanilang dalawa na sabay na parang kilig na kilig sa sinabi nila. "Anna! Kilala si Lucas sa buong lugar natin. Hindi mo ba alam na naging part time instructor siya noon sa GAS? Shucks! Siya pala!" si Vida ulit. Napailing ako sa sinabi niya. "Hindi ko alam. Baka hindi ko lang siya napapansin?" "Baka nga." Napalingon naman ako kay Lena na nakangisi. "Pero gwapo niya noh? Kung ako yung hinatid niya aba kahit saan niya ako dalhin." "Tapos kilalang young entrepreneur siya kasi may sarili na siyang business kahit medyo bata pa siya and he is very down to earth. I have met him once sa Singapore kasi invited si daddy then he was there. Shuta, mga baks, kulang na lang malaglag panty ko sa kanya." kwento naman ni Vida. " Ang swerte mo, baks. Sana kami rin sinabihan ni Miss Chua. Bet ko kasi talaga yung lalaking iyon eh. Pero kahit pics or greetings lang, baks. Malaking regalo na iyon sa birthday ko." nangunyapit pa si Lena sa braso ko. Hindi ko pa rin maabsorb ang sinasabi nilang dalawa o hindi lang talaga ako interesado sa mga lalaki kaya ganun. "Susubukan ko. Sana good mood siya next week?" "Ay bakit negative ba ang ugali ni bebe boy?"  tanong ni Lena. Umiling ako sa kanya. "Hindi naman pero nakakahiya?" "Ay sus, wag ka mahiya at tiyak na gagawin nun yun. Mabait si Lucas as far as I know kaya hindi ka mahihirapan." paliwanag naman ni Vida. "Pero ingat ka doon ah. Maraming jowa yun kaya ekis na siya sa list natin for you." I squinted my eyes bago bumaling kay Vida. "Don't worry, trabaho ang habol ko at hindi lalaki. Kailangan ko ng pera para makaipon sa college ko." Sabay na tumango ang dalawa. Nagtampisaw pa kami sandali bago kami nagdesisyon na kumain at magbanlaw para makauwi. Tiyak kasi na hahanapin na ako ni mama at baka saktan na naman ako kapag sobrang late na at wala pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD