Abot-abot ang kaba ko habang bumababa kami ng sasakyan nila Vida at Lena. Anong oras na kasi kami umalis sa bahay nila. Hindi pa naman masyadong inayos ang mukha ko nung stylist kasi sa office ako mag-aayos. "Bakla, takpan mo mukha ni Baks." sita ni Vida kay Lena. Para kasi silang tanga na may jacket na nakacover sa akin. Bawal daw kasi makita ang kulay ng buhok ko ngayon. Ginawa lang naman itim yun. Sabagay buong buhay ko light brown ang kulay ng buhok ko. Naka-set din kasi ito ng kulot ngayong gabi. Hawak naman ng mga stylist ang isusuot ko habang nasa loob iyon ng lalagyanan. "Ang laki pala ng school niyo, Selena." puna ni Tita Tina sa school. Sa maliit na siwang lang ako ng jacket nakakatingin. Puno ng bulaklak nadaanan naming quadrangle, may mga naroon na rin na contestant na g