"Sexy!"
Hindi ko na pinansin ang tawag na iyon sa akin. Basta diretso na lang ang pasok ko dahil sa late na rin ako. Pag-uwi ko kasi kahapon ay inayos ko pa ang labahan, naglinis pa ako ng bahay at ipinagluto ang mga kapatid ko.
"Ay snobbers! Palibhasa sexy kasi siya."
Naramdaman ko na lang ang paglapit nila Lena at Vida sa akin. Magkakaiba kasi subjects namin at tiyak na mamaya pa sila kaya chill na chill sila sa nangyayari.
"Late na ako baks. Kausapin ko kayo mamaya ah?" paalam ko sa kanila tsaka ako nagmamadaling tumakbo papasok sa building namin.
"Anna!" narinig ko pang tawag nila pero hindi ko na sila pinansin.
Wala na rin halos estudyante doon at tiyak na may mga klase na sila. Pahamak din kasi yung tricycle na sinakayan ko kanina papasok, sobrang tagal! Nagmamadali kong tinakbo ang first floor papunta sa third floor kung nasaan ang first subject ko.
Sa dulo ng third floor pa naman ang klase ko at major subject pa naman. "Sorry, I'm late po." hinihingal kong sabi pero halos mapigilan ko ang paghinga.
Sitting on the prof's desk is no other than but Sir Lucas, Miguel's brother.
Lahat ay napatingin sa akin pati si Sir na hawak ang class cards namin. Nakasuot siya ng isang blue na polo shirt na halatang mamahalin at isang maong pants na bumagay sa itsura nito. The eyes behind his eyeglasses were looking at me.
"S...sorry po." pumasok agad ako sa classroom at umupo sa upuan ko sa harap pa mismo ng prof's desk.
"Bakit ka nalate?" bulong ni Meredith na classmate ko.
"Nalate ng gising lang." ganting bulong ko.
We heard a cough kaya napabaling ang atensyon namin sa taong nasa harapan namin. Bakit nandito ito? Alam ko nag part time siya sa GAS pero pati ba naman sa Arts?
"Where are we?" ani ni Sir Lucas sa baritonong boses nito.
Dapat si Miss Zulueta ang prof namin ngayon lalo na at major pero bakit iba?!
"As I have said, nagkaroon ng emergency si Miss Zulueta sa asawa niya kaya ako muna ang magiging substitute professor ninyo."
"Ayos lang, sir! Mas gaganahan kaming pumasok dahil kayo ang prof namin." narinig kong sabi ng isa sa mga kaklase ko.
"Kaya nga." ganti pa nung isa.
Lucas grinned and watched us. His eyes darted to me as if nag-e-expect siya ng sagot mula sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at kunwari ay binuklata ng notebook ko. Tiyak na mamamatay sa inggit yung dalawa kapag nalaman nila ang tungkol dito.
"So, who is your class leader anyway?"
My classmates pointed me kaya napatayo na lang ako upang bumati. "Good morning po, sir. Aubriella Louisanna Peralta po." bati ko sa kanya.
Katulad sa bahay nila ay hindi ko magawang tumitig nang matagal kay sir Lucas. Para kasi siyang nangangain ng buhay kapag nakatitig siya sa akin.
"Nice to meet you, Miss Peralta. I suppose, we will have to meet every time para sa mga ipapagawa ko sa klase niyo."
"HALA! Bakit si Anna lang? Sir, ako VP dito!"
Nakangising lumingon si sir Lucas kay Thalia na VP ng class namin. "Next time, Miss Fernandez." bumaling siya ulit sa akin pagkaraan.
"Y...yes po, sir." umupo na ako pagkaraan dahil umalis na si Sir Lucas sa harapan.
Para naman akong nakahinga nang maluwag pagkawala niya sa harapan ko. Ibig sabihin, araw-araw ko siyang makikita since student assistant din ako ni Miss Zulueta? Tapos tuwing weekends ay nasa bahay naman nila ako para sa session namin ni Miguel.
"The Romans were known for their craftsmanship and so was the Greeks. Kaya nga malaki ang influence ng dalawang ito sa arts na mayroon tayo ngayon..."
Tahimik at aktibong nakikinig ang buong klase sa sinasabi ni sir Lucas. Palibhasa ay gwapo ito kaya gustong-gusto ng mga ito ang makinig. Pero ako parang hindi naman makahinga dahil sa kanya.
At parang nasagip ako ng bell ay tumunog na ito.
"Okay, class. I will see you all on Wednesday." sabi ni sir Lucas.
Nag-angalan naman ang mga kaklase ko. "Sir, sub ka na lang ulit po bukas sa ibang class namin."
Ngumisi lang si sir Lucas at halos mamatay naman sa kilig ang mga babae kong kaklase. "That wouldn't be possible."
"Miss Peralta, stay for a minute. I need to ask you something." mula sa pagsasaayos ko ng gamit ay bigla akong napatigil. Nilingon ko naman ang mga kaklase ko pero parang wala lang sa kanila.
"Intayin kita sa labas." si Meredith
Tumango ako sa kanya kaya nauna na siyang lumabas. I was left with sir Lucas in the room. Nakaupo pa rin siya sa prof's desk habang nakatingin sa akin. Napalunok naman ako kasi ganito rin yung tinginan niya sa akin kahapon.
"I was informed na ikaw din ang student assistant ni Miss Zulueta?"
"Yes po"
"Hmm. I see. I might need you later, make sure to visit the faculty."
Napatango na lang ako sa sinabi niya bago ako nagpaalam na umalis. Hindi naman ako inusisa ni Meredith kung anong sinabi sa akin ni sir Lucas. Basta nagpunta na lang kami sa next class namin.
Lunch time nang nagdecide ako na daanan muna ang mga kaibigan ko. Naghihintay kasi sila sa akin sa UTMT kaya hindi pwedeng hindi ko sila daanan. At tiyak na nalaman na nila ang balita na substitute professor sa strand namin.
Hindi nga ako nagkamali, dahil papalapit pa lang ako ay nakataas na ang kilay nung dalawa. Tumabi agad ako sa kanila pagkatapos kong buksan ang pagkain na nasa mesa. Hindi pa sila kumakain dahil hindi pa nagagalaw yung binili nila.
"At bakit hindi ka nagtext sa amin na may bagong prof? Kung hindi pa namin narinig ni Lena sa mga dumaraan ay baka Beyonce Knowles kami sa mga ganap." bungad ni Vida pagkaupo ko.
Hindi ko sila agad sinagot dahil busy ako sa pagbubukas ng pagkain. Gutom na gutom na kasi talaga ako kaya hindi ko na sila inintindi.
"Take note, Vids. Siya pa ang student assistant nung bagong prof. Ano naman kaya ang pakiramdam na halos araw-araw mo siyang nakikita ha?"
Para naman akong nabilaukan sa sinabi ni Lena, dahil kasi kahit ako ay hindi ko alam. Wala akong ideya sa nangyayari. I breathe out a sigh bago ko ibinaba ang pagkain.
"Ay sa wakas! Naagaw na rin namin ang atensyon mo po." si Lena.
"Hindi ko naman kasi alam. Late ako di ba? Malay ko ba na pagdating ko ay si sir Lucas na yung nandoon." paliwanag ko. Kasi hindi ko naman talaga alam!
"Eh bakit hindi mo tinext?" usisa naman ni Vida.
Inirapan ko ang dalawa bago ko sila binigyan ng hampas sa katawan. "Alam niyo para kayong timang. Wala akong load, tsaka hindi naman big deal sa akin iyon eh. Gusto niyo kayong dalawa ang mag-assist ngayon."
Lena pouted her lips bago nangunyapit sa braso ko. "Sama mo na lang kami. Anong oras ba ang shift mo?"
"2pm pa."
"Pwede akong mag skip ng class for Uno." si Vida
"Ako rin! Aba ang lagay maiiwan ako?" si Lena naman.
Hindi ko na sila pinansin na dalawa habang kumakain ako. Ayokong sumakit ang ulo sa kanila.
"Bahala kayo sa gusto niyo. Pwede naman kayong pumunta doon kung gusto niyo. Wag na kayo magpaalam sa akin or better yet kayo na lang mag-assist mamaya."
Napatingin sa akin yung dalawa habang nagsasalita ako. "Hindi na nga! Wag na. Intayin na lang namin na matapos ang shift mo." nagtatampong sabi naman ni Lena.
"Ay! Ano ito? F.O dahil lang kay Uno Contreras?" natatawang tanong ni Vida.
Hinila ko ang buhok nilang dalawa. Para naman kasing timang eh. "Nakakabwisit kayo. Tadyakan ko kaya kayo?"
"Pakainin mo na yan, mapipikon na yang si bakla."
Inirapan ko na lang silang dalawa habang nagfofocus ako sa pagkain. Hindi naman ako dapat kabahan dahil trabaho ang gagawin ko at tsaka kapatid siya ng tinuturuan ko kaya hindi ako dapat mailang.
Yan ang bitbit ko sa isipan ko habang naglalakad ako sa faculty. Solo pa naman din ni Ma'am Zulueta ang office niya dahil siya ang assistant Dean ng college namin.
Huminga muna ako nang malalim at nilingon ang dalawang kaibigan ko. Nakadungaw sila mula sa hagdan habang kumakaway sa akin at nakangisi ng todo. Sa loob ng ilang buwan kong pagiging student assistant ni Ma'am Zulueta ngayon lang ako kinabahan ng sobra.
"Fighting, bakla!" sigaw ni Vida.
"Wag ka masyadong maglaway." sabat naman ni Lena.
"Gaga, baka si Uno pa ang maglaway dahil sexy si bakla."
Umiling na lang ako sa kanila at humarap sa pinto ng room ni Ma'am Zulueta. I knocked three times bago ko binuksan iyon.
"Good afternoon po."
Uno Contreras raised his gaze. Nasa gitna siya ng table ni Ma'am Zulueta habang may binabasa sa hawak nitong iPad. May sarili naman akong desktop sa office ni Ma'am kaya hindi ko siya naaabala sa trabaho. Kaya lang sobrang kakaiba ngayong araw na ito.
His intense gaze shot through me. Para dumaan sa mata ko hanggang sa likuran ko. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto at nilapag ang bag sa table ko. I turned on the desktop as well dahil marami pa akong dapat gawin na PPT na pinagagawa ni Ma'am sa akin.
"Good afternoon" his deep baritone voice made me chill. Naririnig ko naman ang boses niya kapag nasa bahay nila pero iba ata talaga ngayon.
Bahagya akong lumingon sa kanya. Two hours kasi ang duty ko everyday kay Ma'am Zulueta kaya mamaya pa ako matatapos. May klase naman kasi si Ma'am ng 2:30 hanggang 4:00 p.m kaya maiiwan din ako dito.
"Sir...ako na po ang magsasara ng office, mamaya. "
Nagtatakang tinignan niya ako mukhang hindi niya magets kung bakit ako ang magsasara ng office mamaya.
"Ang last class po kasi ni Ma'am lagi ay 2:30 po tapos po after ng last class niya dumidiretso na po siya ng uwi. Dala na rin po kasi niya lahat ng gamit niya kaya hindi na po siya bumabalik dito. Baka lang po kasi ganun din kayo."
Tumango siya sa sinabi ko. "I see. We'll see about that later."
"Okay po." humarap na ako sa computer para masimulan ko na sana ang gagawin ko.
"Miss Peralta."
Lumingon ako agad sa kanya. "Po?"
"What are do you do for Miss Zulueta? Sorry, I really don't have an idea sa mga gagawin mong duty."
"Ah, ako po yung gumagawa ng mga powerpoint presentations ni Ma'am. Ako rin po yung nag-eencode ng mga grades minsan and yung ibang documents po na kailangan i-encode from hard copy to soft copy. Ako rin po yung nag checheck minsan ng mga assignments and projects po na pinapasa."
Dahan-dahan siyang tumango sa akin. "So you do everything?"
"Opo. Ganun na nga po."
"And every weekend ay nasa bahay ka naman to teach my brother."
I bite my lower lip at tumango sa kanya. "Yes sir."
"Meron ka pa bang ibang ginagawa aside from being a student assistant."
"I'm the school president for student council po."
Napapito siya sa sinabi ko. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"You are paid for this right?"
"Opo."
"What about your student council?"
"Allowance po ang nakukuha ko. DOST scholar po ako, Sir."
He whistled once more, binaba niya ang iPad na hawak niya na parang excited na excited siya sa mga sinasabi ko.
"Full scholar?"
"Opo"
"And you are paid for this as well then you are a tutor at the same time. How hardworking you are."
Ngumiti na lang ako sa kanya. Kailangan ko rin naman kasing magsipag dahil ako lang din naman ang bubuhay sa sarili ko.
"Do you have any extra-curricular activities?"
"Ah...ako po yung pinapadala ng school sa mga quiz bee contest and once na rin po ako nanalo sa pageant ng school."
He nodded once more and smiled, "Your parents must be proud of you."
Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi naman ako pwedeng mag open up lang basta sa kanya at tsaka piling tao lang nakakaalam sa nangyayari sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at humarap sa computer.
Hindi na rin naman siya nagsalita kaya nakahinga na ako nang maluwag. I tried to focus sa pag type ng mga pending documents na dapat magawa kong soft copy. Halos wala na rin akong naririnig maliban sa pag-angat ng papel at aircon sa kwarto. Masyado naman naging awkward ngayon.
Ang pagkatok sa pintuan ang nagpaangat sa tingin ko. Isang food service ang nandoon.
"Kay Sir Lucas Contreras po."
Lumingon ako kay sir Uno. He raised from his seat habang hawak ang wallet niya. Dumaan siya sa gilid ko at halos maamoy ko ang pabango niya. Umiwas naman ako at agad na bumalik sa upuan ko para magtrabaho ulit.
"Thank you." he said bago sinara ang pintuan. Huminto siya sa tapat ko at nilapag ang isang paper bag na may pangalan ng isang restaurant.
"I hope you don't mind. Hindi pa rin ako kumakain ng lunch so I decided to buy for you as well."
"Hindi na po sana kayo nag-abala pero salamat po."
Tumango lang siya sa akin pagkatapos ay bumalik sa table niya. Nakatalikod pa rin ako sa kanya habang naririnig ko ang pagbukas niya ng paper bag naman niya.
"Let's eat, Miss Peralta."
Bahagya akong lumingon sa kanya , "Sige po. Salamat po, sir." Humarap na ulit ako sa ginagawa ko. Feeling ko kasi nakakabastos kapag kumakain siya tapos nakatunghay ako.
The smell of the food scattered inside the room. Nagutom din tuloy ako sa amoy, mamaya na lang ako kakain kapag alis niya.
Hindi ko na siya pinansin at pinilit na tinapos ang mga ginagawa ko. Narinig ko na lang ang pag-usog ng upuan niya at mga yabag niya.
"I'll go ahead, Miss Peralta."
Tumayo ako sa kinauupuan ko para magpaalam na rin sa kanya. "I'll go straight after the last class. Will you be fine here?"
"Opo, ayos lang po."
He nodded and scanned the room once more. "I'll go now."
"Thank you po ulit, Sir."
"You're welcome. See you tomorrow then."
Tumango ako sa kanya pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto. Para naman akong nakahinga ng maluwag pag-alis niya. Bumalik ako sa kinauupuan ko at huminga ng malalim. Parang hindi ko ata kakayanin kapag siya ang kasama ko.
I texted Ma'am Zulueta at agad naman siyang sumagot. Para naman akong biglang nanghina sa reply niya sakin.
Hi, Anna. Sorry, I didn't informed you. My husband needs an operation ASAP. I might be away until the end of this month. Mr. Contreras will be my substitute for the meantime. Help him ah? I trust you more than anyone. Babawi ako sa iyo pagbalik ko.
Araw-araw nga kami magkikita. I have to be professional at hindi dapat mailang sa kanya. I'm working for money. Kaya alam kong makakaya ko ito.