CHAPTER 05

1426 Words
JOSEPHINE Pagkatapos namin sa clinic ni uncle, ay d-diretso raw kami uuwi ng bahay. Hindi niya talaga ako pinayagan bumalik sa school upang humabol sa mga klase ko. Wag daw muna ako pumasok pagalingin ko raw muna ang paa ko. "Meron nga kasi kami exam ngayon," giit ko pa sa kaniya. "Stubborn, ako na ang bahala ro'n, ang gagawin mo na lang ay manahimik, Ping," na-stress na sabi niya sa akin. "Pero Uncle, kailangan ko talaga bumalik sa campus–" nangangatwiran saad ko sa kaniya. "Stop!" maagap niya ako sinaway kaya hindi ako makapaniwala at walang nagawa kun'di tamad na lamang isinandal ang likuran sa upuan. Ano? May bibig ako, malaya akong magsalita hangga't gusto ko. Tama naman ako kasi ayaw ko nang makakuha ng 3.0 na grade kaya slight good girl na ako. Sinubukan ko ulit magsabi. Ngunit mag-umpisa pa lamang ako magsalita pinatigil na ako ni Uncle Ding. Kung hindi ko lang ito Uncle, kanina ko pa siya tinarayan. Mas marunong pa kasi sa akin na ako ang nakakaramdam kung kaya ko bang maglakad. Hindi muna pinaandar nito ang Raptor niya pagkasakay namin sa loob dahil hinugot muna sa bulsa ng kaniyang pantalon ang cellphone at meron tinawagan. Ako naman ay inis at nagpupuyos ng badtrip dito habang nanatiling sa bintana sa gilid ko nakatingin. Pinakikinggan ko lang habang maykausup ito sa kaniya cellphone. "Yes. Naku hindi naman. Ikaw kumusta ka na?" wika ni Uncle Ding sa kausap. Sandaling tumigil sa pagsasalita animo nakikinig sa sinasabi ng kausap niya sa kabilang linya. "Meron sana ako hihingiin na favor sa'yo, Alberta. Tungkol kay Ms. Josephine Galbilao," ani rito ni Uncle. Pagkarinig ko sa pangalan ko mabilis ako napalingon kay Uncle Ding. Narinig ko rin ang pangalan ng faculty head namin sa accounting department kaya naging interesado ako makinig. Seryoso magkakilala sila?Tanong ko pa sa aking isip. Natatawa pa si Uncle habang kausap ang sinasabi nito na Alberta. Malay naman kung kapangalan lang ng terror namin titser ko sa Faculty head. Marami naman magkakapareho ng pangalan pero nanlaki ang mata ko ng iisa ang kausap nito sa head namin. Shitty bakit kaya? Anong kaugnayan ni Uncle Ding dito. "Nadisgrasya ang kanan niyang paa, Alberta. Mahina pa muna tumawa si Uncle Ding sa kausap tila ba meron nakakatuwang sinabi bago nagpatuloy sa pagkausap dito. Yes, email ko ang medical certificate niya. Thank you," sabi rito ni Uncle. Seriously? Medical certificate? What the– Hindi ko maiwasan na tumaas ang kilay ko. Masungit ang matandang dalaga na iyon pero madaling napapayag ni Uncle Ding. Nakakapagtataka naman. "Okay. Alberta, maraming salamat," sabi rito ni Uncle at ano iyon base sa pag-uusap nilang dalawa ay tila matagal na silang magkakilala. Sandali nga. Meron ba akong hindi alam sa identity ni Uncle. Kung meron balak mo pa kalkalin Josephine? Of course not nasabi ko lang. "Ayos na nakausap ko na faculty head n'yo," nilingon ako ni Uncle ng matapos niyang makausap si Ma'am Alberta. Gusto ko sana itanong dito kung paano sila nagkakilala kaya nga lang naunahan ako ng hiya. Kahit dalawa araw lang daw ako absent ayos na kaya nga lang paano naman e, Huwebes ngayon ibig sabihin mahaba-haba pa ang bakasyon ko. Hindi ko 'ata kayang magtambay lang sa loob ng bahay. Hindi naman ako p'wede mam bulabog sa mga kaibigan ko at nasa klase pa ang mga 'yon. Pagdating sa mansyon, nagtaka pa si Manang Tikla na buhat ako ni Uncle Ding, pagpasok niya ng main door. Kahit anong pilit ko kasi hindi ako binababa nito upang sana ako na lang nag maglakad kahit mabagal lang pero makulit si Uncle Ding, na kargahin ako, 'di hayaan sa gusto niya siya rin naman ang mapapagod. "Anong nangyari d'yan Master Ding?" Tanong ni Manang Tikla. Nakataas pa ang kilay tiningnan ako. Nagkandahaba naman ang nguso ko dahil alam ko iniisip ni Manang Tikla nagi-inarte ako. "Wala ka na ngayon paa, Ping?" iyon ang tanong niya sa akin. "Natapilok po siya Manang, saan-saan kasi tumitingin napala niya," sabi pa ni Uncle rito. Sinimangutan ko sila pareho. Sinusumpa ko talaga ang mga bato roon sa school ko na maging bulak. Ipinahamak ako ngayon araw. "Siguro magaslaw ka Ping, kaya ganoon. Minsan talaga dapat iwasan ang pagiging clumsy kaya ka nadisgrasya," sermon sa akin ni Manang Tikla. Inirapan ko siya. Sa tono ng pananalita nito pinagtatawanan ako kilala ko na ito. Ikaw ba naman kasama ko simula tumira kami rito sa mansyon ni lolo Artur, alam ko kung kailan ito nag-alala sa akin. Kung kailan niya ako pinapagalitan at kailan ako pinagtatawanan. Upang hindi na humaba ang panenermon ni Manang nag-aya na ako kay Uncle Ding iakyat niya ako sa kwarto ko. "Gusto ko muna matulog," sabi ko. Tinitigan muna niya ako para bang inaalam kung totoo ang sinasabi ko. Mabuti naman at walang reklamo. Upang magmukhang effective kunwari pa ako naghihikab. "Sus, Ikaw Ping, pinapagod mo pa si Uncle Ding mo sa mga paandar mo," kontra ni Mang Tikla. "Ayos lang po sa akin Manang Tikla. Hindi naman ho mabigat di Ping. Kaya ko nga po isang kamay pangbuhat sa kaniya. Sandali si Kuya nga pala narito ba?" sabi pa ni Uncle rito. Hindi pumapasok si Itay, kapag Huwebes. Day off niya. Iba kasi ang trip hindi ko alam bakit hindi na ginawa ng Friday. Alanganin kapag Huwebes dahil pagdating ng Sabado wala ulit siya pasok. "Nasa study room kanina," wika ni Manang Tikla. "Sige po, ihahatid ko lang sa kanya silid si Ping," magalang na paalam dito ni Uncle Ding. Maingat pa ako dinala ni Uncle hanggang sa kwarto ko. Kahit nga nang ibinaba niya ako sa kama maingat ito akala mo kung magmadali ito sa kilos ay p'wede ako mabasag. "Uncle, thank you," sabi ko. Sandali lang siya tumingin sa akin. Iwas nang iwas. Hanep naman si Uncle Ding siguro nadidistract ito sa beauty ko kaya todo kontrol. Hehe. bulong ko pa. "Ay opo. Yes Uncle," napatampal ako sa aking noo dahil kanina pa pala ito meron sinasabi sa akin habang ako ay parang baliw mag-isa nagsasalita. "P'wede po pakiulit Uncle, please, please," ani ko pa na sabi sa kaniya. "Tsk, kalimutan mo na lang, baka kailangan mo pang matulog at hangover ka pa 'ata kagabi sa paggimik kaya nag-hallucination ka na," nakaismid pa na sabi ni Uncle Ding sa akin. "Ito naman si Uncle, pangit mo ka-bonding. Kung gano'n pwedi na po kayo lumabas matutulog muna ako. Pakilock mo nalang ang pinto–please," wika ko pa bago ko siya talukuran. Bumubulong pa ito umalis sa kama. "Uncle nagrereklamo ka yata," nilingon ko siya. Malapit na pala ito sa pinto. "Naku hindi masyado," pabalang na sagot sa akin. Iiling-iling tuluyan nang lumabas. Mabilis talaga uminit ang ulo ng mga gurang. Hindi bale exempted si Uncle Ding sa kamalditahan ko hindi ko siya masyado iinisin. Ano na lang ang gagawin ko rito sa k'warto? Nakakatamad kaya matulog at humiga. Nanatili ako nakatanaw sa kisame nagiisip kung anong pwede ko pagka-abalahan. Hindi rin ako makakalabas tiyak naro'n si Uncle hindi ako makakatakas ng ganito ang paa ko. Nakatulog ako sa pagkainip at pag-iisip. Nakakaramdam din ako ng gutom. Siguro naman pwede na ako nito bumaba hindi naman masakit. Tiningnan ko ang sarili ko hindi nga pala ako nakapag bihis nakatulog ako na suot pa ang uniform ko. Bumangon ako sa kama. Nag-practice ako iapak-apak ang paa sa sahig. Medyo kaya ko na ang sakit kaya ipinasya ko ng tumayo. Ouch masakit din pala sa umpisa pero kaya ko naman ang sakit. Hila-hila ko pa ang paa ko na naglalakad patungo sa walk-in closet ko. Naroon pa kaya si Itay? Kanina pa ako natulog baka pumasok sa kwarto niya. Nang maisip ko iyon dinala ako ng paa ko patungo sa kwarto ni Itay. Nakailang katok ako ngunit hindi sumasagot. Naro'n pa siguro sa baba. Pumihit ako paharap ng mapanganga ako sa nakita ko makakasalubong. Si Uncle Ding Si Uncle Ding kasi naka pang workout gear ito. Base sa itsura na pawis na pawis tapos na ito sa pag-exercise. Nag-iwas ako ng tingin ng ma-focus ang mata ko sa katawan niya. Sh*t ang hot tingnan ni Uncle. Bakat ang upper shirt niya sa katawan. Ang muscle niya ay kitang-kita ngayon dahil fit na fit sa balikat niya ang suot na t-shirt. "Ping!" "Yes, Uncle Ding," napa kurap ako. Namilog ang mata ko dahil humakbang siya palapit sa akin. Tila pa ako natataranta kung anong ikikilos ko ngayon. Shutek naningkit ang mata niya habang nakatitig sa akin. "Tigas talaga ng ulo sinabi magpahinga pahinga tsk," iiling-iling iniwan ako habol siya ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD