JOSEPHINE
"Alam mo na po kung saan mo ako ihahatid na school?" hindi na ako nakatiis tinanong ko na si Uncle. Hindi kasi ako kinakausap kaya ako na ang kusang loob na usisain siya.
"Uh-huh," tugon niya na hindi man lamang sumulyap sa akin.
'Tsk! Edi, don't'
Bumalik ako sa pagiging tahimik pagkatapos noon. Gano'n din si Uncle, hanggang makarating kami ng university. Ang mahal ng salita ni Uncle. Hindi na talaga ako magpahatid dito dahil mapapanisinan ako ng laway kapag ito ang kasama ko. Mas maigi pa ang driver dahil hindi ako maiilang magkwento kaysa rito kay Uncle feelingero.
Nasa labas na kami ng gate. Hindi niya ako pinababa agad. Nagtataka ako nilingon siya at tinanong.
"Ha, bakit? Tatambay lang ba tayo rito? Pumunta pa tayo sana sinabi mo roon sa bahay pa lang,"
"Ang daldal," iyon lang bumaba ito sa kotse. Anong paandar nitong si Uncle hindi ako pinababa tapos iiwan ako.
"Baka gusto mo ng bumaba?" nasa gilid ko na pala ito. Shunga ko palaging nasisita nito. Shutek nakakahiya. Bakit ba kasi kinakausap ko pa ang sarili ko kaya hindi ko napansin nakikot na ito sa gawi ko.
Mabilis kasi ito kumilos. Hindi ko nakitang dumaan siya sa harapan ko.
"Sa likuran ako dumaan, nginuso niya ang unahan. Sinilip ko hindi ito madaanan. s**t kamote ko talaga.
"Bakit kasi hindi mo inatras?" kunwari ko na lamang
"Baba na kung gusto mo pa umabot sa klase mo," iba ang sagot niya sa akin.
Ay oo nga pala. Dali-dali ako bumaba. Naapakan ko pa sa paa si Uncle sa kakamadali ko.
"Fvck s**t!" si Uncle.
"Sorry," taranta kong sabi.
"Ayos lang ako. Pasok na," wika pa niya sa akin. Tuluyan ako lumabas ng kotse hindi na lumingon sa kaniya.
"Ping, wait," tawag pa ni Uncle ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko.
Natigil ako. Inantay ko na lapitan niya ako, ngunit walang nangyari kahit ni isa sa inaasam ko.
Nanggigigil ako sa inis. Tatawagin ako tapos walang sasabihin sa akin. Akala ko lang pala kung alam ko lang hinayaan ko siyang tawagin ako. Inis na inumpisahan kong humakbang ngunit napatda ako ng magsalita na ito.
"Susunduin kita mamaya," sapat lang ang boses na sabi ni Uncle. Napatigil ako.
Hindi pa nakatiis kumingon ako ngunit nakatalikod na pala ito sa akin. Panonoorin ko lang sana ang paglakad niya patungo sa kotse ng humarap ito kaya nataranta ako.
Damn nagmadali ako humakbang ngunit huli ko lang napansin may nakausling bato. Natapilok ako. Nakalimutan kong rough road pa ang kalsada sa labas ng Campus dahil kaayos lang ng drainage noong nakaraan Linggo at palaging bahain.
"Ouch!" daing ko. Masama pa yata ang pagkatapilok ko dahil sobrang sakit ng talampakan ko maging ang bukung bukong ng paa ko.
"Ang malas ko talaga, aray," mahina ko pang sabi.
Yumukod ako upang silipin ang paa ko. Masakit talaga hindi ko maihakbang nang maayos.
Sinubukan ko ayusin ang lakad ko. Napapangiwi ako masakit talaga putres. Ayan kasi kung ano-ano iniisip mong gawin Inday. Kung diretso ka sana pumasok sa gate hindi mo maranasan 'to. Sermon ko pa sa sarili ko.
"Ay!" napatili ako ng umangat ako sa lupa.
Si uncle Ding pala binuhat ako na parang bride at ibinalik sa kotse niya. Namilog ang mata ko. Saan ako ni Uncle dadalhin?
"U-uncle wait, papasok ako," saway ko rito.
"Nahihirapan ka na nga maglakad pipilitin mo pa," iiling-iling na sagot nito sa 'kin.
"Kaya ko naman kung hindi mo lang ako binuhat," laban ko pa pero tinaasan lang ako ng kilay.
"Manahimik na,"
Pinaandar na nito ang kotse. May nakita ito sari-sari store huminto si Uncle.
"Uncle Ding papasok ako, ano ba!" protesta ko ulit. Sinamaan niya lang ako ng tingin at tuluyang inayos ang pag-park ng sasakyan.
"Pakiusap lang ha? Wag nang bumaba at bibili lang ako ng ice cube," bubulong-bulong pa na bumaba ito ng sasakyan.
Hindi naman nagtagal ay bumalik ito walang ice cube. Isang plastic ng yelo ang dala iyong benta sa mga tindahan.
Nanlaki ang mata ko ng hawakan nito ang paa ko at iangat. Tinapik ko pa siya sa kamay ngunit nakatikim lang ako ng masamang tingin.
"Baby, I cold compress ko lang," sabi niya. Aangal pa sana ako subalit nasa hita na niya nakapatong ang talampakan ko.
Hindi man lamang nadumihan si Uncle sa shoes kung suot. Inalis niya iyon. Pasalamat talaga ako at slacks ang uniform namin pangbaba kung nagkataon makikitaan niya ako.
"s**t!"
Napamura ito ng alisin ang suot kung medyas. Namaga pala ang talampakan ko at namumula ang bukung-bukong ko.
Hinugot ni Uncle ang panyo nito sa bulsa at ibinalot ang isang buong yelo at inumpisahan idampi-dampi niyon sa aking paa.
Pinagmasdan ko siya habang ginagawa niya iyon. Ngayon alam ko na kung sino ba ang kahawig ni Uncle. Si Jordan Clarkson ang crush kong basketball player. Same height lang ang dalawa at same ng kulay. Mas malaki lang ang katawan ni Uncle.
"Masakit pa ba?" tanong sa akin ng mahuli niya ako nakatitig sa kaniya. Huli na upang magkunwari hindi nga lang ako aamin.
"Pwede na siguro ako pumasok," saad ko. Sandali niya ako tinitigan.
"Dadalhin muna kita sa Doctor–"
"Ha? Hindi na woi kerebels na 'yan,"
"Hingi ka na lang ng certificate na may sakit ka kaya hindi ka nakapasok. Kapag hindi ka nila excuse sabihin mo lang sa akin ako ang bahalang kumausap,"
Aangal sana ako dahil may exam kami ngayon.
"Pero–"
"Wala ng pero -pero," inayos ang paa ko. Inilapag ang yelo sa sahig at umalis doon.
Nanahimik ako at walang magawa kahit anong gawin ko Hindi ako mananalo kay Uncle mangatwiran.
Sa clinic pala ako dinala ni uncle. Parang bahay lang ito, ginawa lang clinic ang unang palapag at ewan kung ano meron sa second floor.
Meron ng tatlo nauna sa amin. Natanaw ko mula sa loob ng kotse. Dalawang bata may cast sa braso at isang teenager na may cast sa hita.
Binuhat din ako ni Uncle paglabas ng kanyang kotse. Hanggang sa waiting area ng clinic. Hindi niya ako pinalakad kahit alalayan lang ako, ay kaya naman masyadong overeacting lang si Uncle.
"Okay ka lang ba kung iiwan kita sandali? Lalapit lang ako sa assistant upang magpalista,"
"Oo naman, lakad na," sagot ko. Alanganin pa umalis kalaunan napilitan ako iwan.
"Kakilala niya pala rito?" nasabi ko dahil nagbibiruan sa counter ng sekretarya. Tila pa pinag-uusapan ako dahil lumingon si Uncle sa akin. Inirapan ko sila.
Nagkwentuhan sa pa talaga harapan ko.
Hindi ako nag-antay ng matagal bumalik si Uncle Ding, ngunit nasira ang mood ko dahil kasama nito naglalakad patungo sa pwesto ko ang sinasabi n'yang sekretarya ni Doktora. tinaasan ko ng ng kilay si Uncle at panay harutan ng dalawa pagdating sa harapan ko.
"Grabe ka Dominador, tagal na kitang hindi nakikita. Last nating pagkikita noong medical mission na ginawa ng boss mong si Gov, na mailap," maarte nitong salita.
Nangingiti si Uncle. "Masyado kasi si boss private na tao," sagot nito sa sekretarya. Parang nurse ito dahil sa uniform na suot.
"Hmp imposible Linggo, si gov ay palaging nasa mall. Biro lang nataun lang siguro na busy 'yon ng medical mission natin,"
"Pwede, kapag kasi may lakad si Doktora Jasmine, nakabuntot si boss roon. 'tsaka matagal na ako wala sa mga Chavez,," narinig kong sabi ni Uncle sa kausap.
"Oh, talaga saan ka naman nagtatrabaho ngayon? Maganda siguro ang trabaho mo. Tingnan mo nga big-time ka na Raptor ang sasakyan mo," biro pa ng secretary.
"Naku hindi naman ikaw talaga," sagot pa ni Uncle rito.
"Kung may time ka labas naman tayo tulad dati after medical mission. Disco-disco," biglang singit nito kay Uncle.
Tumikhim ako upang maalala nila meron tao sa harapan nila.
Nag-aalala si Uncle. Sumakit ba? umupo ito pa squat sa harapan ko. Inirapan ako ng nurse. Ngunit nginisihan ko lang.
"Gusto ko ng umuwi," sabi ko sa malambing na boses.
"After ng check up, baby. Patingin lang natin kung may nabali buto,"
lihim kong sinilip ang kausap ni Uncle kanina. Hindi maipinta ang mukha dahil hindi na siya pinansin ni Uncle.
Nakasimangot nakatingin sa amin. Si Uncle naman ang hindi aware na meron lihim nakatitig sa kaniya dahil sa akin lang naka-focus ng tingin.
Gusto kong tumawa ng umalis na lang ang sekretarya na hindi binalikan kausapin ni Uncle. Ano ka ngayon lihim ko pang sabi.
Sandali lang kami nag-antay dahil mabilis lang natapos ang tatlong sinundan ko. More or less twenty minutes lang kami nag tambay sa waiting area. Paglabas ng sinundan ko tinawag ang number na hawak ni Uncle. Muli niya ako binuhat patungo sa clinic ng Doktora. Maingat pa ako ni Uncle iniupo para sa upuan ng pasyente ni Doktora.
Kilala rin pala si ni Doktora si Uncle Ding. Nagbibiruan pa ang dalawa. Inaantay ko na sabihin ni Uncle na pamangkin niya ako ngunit hindi nito ginawa. Hindi rin kasi nagtanong si Doktora.
Ako ang nag fill out ng form na ibinigay ni Doktora. Ibinigay ko kay Uncle ng matapos ko. Binigay naman niya kay Doktora pagkatapos pasadahan ng tingin.
"Josephine Galbilao," akala ko tinatawag niya ako binasa lang pala ang pangalan ko.
Nag-usap sila ni Uncle, nakikinig lang ako. Namimilit si Uncle na gamutin ako ni Doktora. Mabuti hindi naiinis sa kaniya si Doktora, mukha pa nga naaliw ito kay Uncle.
Hmp. Kanina ang sekretarya nito ang nanlalandi ngayon Doktora naman ang pumalit.
"Sure ka rito Doktora?" naniniguro na tanong ni Uncle rito. Natatawa umiling lang si Doktora.
"Ankle sprain lang, Dominador, idagdag pa na tumama sa semento ang bukung-bukong niya kaya namamaga at may pasa. Nakatulong kay Miss Josephine ang suot na medyas kaya hindi napuruhan. Masakit talaga igalaw pero sa susunod na araw ayos na iyan wag lang niya muna pwersahin ngayon,"
"Hindi na ba kailangan ng mga lab test, Doktora?" giit pa ni Uncle.
Seryoso? Simple tapilok laboratory na ang hinihingi ni Uncle. OA ha.
Tumawa ang Doktora at naaliw nakatingin kay Uncle. Tila ba isang kakaiba ang kilos ni Uncle Ding ngayon.
"Nanibago ako sa'yo, Dominador," tawa pa ni Doktora.
Alanganin ngumiti rito si Uncle. Ako nakikinig lang sa kanila. Kaano-ano kaya ni Uncle Ding ito?