CHAPTER 06

1678 Words
JOSEPHINE Dahan-dahan ang baba ko sa matarik na hagdan upang pumasok ng umagang iyon dahil marami ng lesson ang na miss ko lalo pa't Lunes ngayon kailangan kong maagang umalis ng bahay upang hindi maabutan ng traffic. Mabuti naman at makakapasok na ako. Ilang araw din na boring dahil madalas sa loob lang ako ng kwarto nakatambay. Lagi ba naman nakabantay si Uncle Ding, 'dagdag pa si Itay dahil sinabi ni Uncle rito ang nangyari sa akin paa kaya pati ito pareho sila ng sinasabi ni Uncle Ding, magpahinga ng ilang araw at 'wag paiiralin ang matigas kong ulo. Pagdating ko sa baba naro'n na si Manang Tikla meron inuutos sa isa sa katulong ng mansyon. Hindi ko na sana papansinin subalit nakita na ako at sumenyas sa akin na antayin ko siya sandali dahil nakikipagusap pa sa kasambahay. Hindi ko sana aantayin baka almusal lang ang sasabihin ngunit hindi niya inalis ang tingin sa akin kahit meron kausap kaya inantay ko na lang siya. "Hindi ka mag-almusal, Ping? Papasok ka na agad?" sabi niya sa akin. See hindi nga ako nagkamali ng hula ko rito. "Opo Manang Tikla, ahm si Itay, po ba ay nakaalis na?" tanong ko pa sa kaniya. "Maagang umalis at uuwi raw siya ng tanghali dahil ngayong araw babasahin ang last will and testament ng Lolo Artur mo. Kunot ang noo ni Manang Tikla. Sandali hindi ka ba kasama?" aniya may pagtataka sa mukha. "Ah, hindi Manang i mean kasama po ako kaya lamang ayaw ko dahil papasok nga ako ng school ngayon at ilang araw po ako absent kailangan ko makabawi sa mga quizzes na miss ko," "Gano'n ba? B'weno mag-almusal ka muna Ping, bago umalis hindi ka rin kumain kagabi," giit pang ulit sa akin ni Manang Tikla. "Hindi na po Manang Tikla, maaga po kasi ako nakatulog kagabi. Sa school na lang po ako kakain," nakangiti ko pang sabi at humalik pa sa kanyang pisngi. "Ba-bye Manang Tikla," Tinawag pa ako hindi ko lang siya pinakinggan. "Batang 'to talaga payat na nga tipid pang kumain," narinig kong pahabol niyang sinabi sa akin subalit tuloy-tuloy lang ako patungo main door. Palabas na ako ng mag ring ang cellphone ko sa loob ng shoulder bag na dala ko. Kinuha ko muna 'yon upang silipin ko kung sino ang tumatawag sa akin. Nang makita ko kung sino napangiti ako at mabilis na in-on ang accept button. Ang kaibigan ko pala na si Royce, at classmate ko ang tumatawag kaya excited ako sinagot ito. "Hello ang aga ng tawag natin ah, akala mo naman hindi tayo magkikita mamaya sa school," bungad kong sabi kay Royce. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil sa sinabi ko. Siguro kung nasa harapan ko ito panay pa cute ng binata sa akin. Ang totoo manliligaw ko itong si Royce, simula pa noong Senior High School kami. Dangan nga lang wala talaga akong makapa rito sa puso ko na magugustuhan ko siya kahit ilang ulit na ito nagtapat sa akin ay nananatili tingin kaibigan ang damdamin ko rito. Guwapo at mabait si Royce. Galing pa sa mayaman na pamilya. Marami din babaeng nagkakagusto sa kaibigan kong 'to, pero hindi naman pinapansin ni Royce dahil ako lang talaga ang gusto at hangga't hindi raw ako nagkakahanap ng boyfriend liligawan pa rin niya ako. "Woi, mamaya ka na lang ulit tumawag," sabi ko ngunit hindi naman ibinaba ang cellphone nito patuloy pa rin ito nagsasalita sa kabilang linya. "Excited lang ako Ping, dahil papasok ka na. hindi kasi ako pinapasok sa bahay n'yo kaya sobra kita na miss," wika nito sa akin. "Ha! Nagpunta ka pala sa bahay?" nagtataka kong tanong dito. "Noong sabado dadalawin sana kita kung okay ka na. Sabi kasi ni ma'am Alberta, may sakit ka nga raw kaya absent ka ng two days," parang nagkwe-kwento na sabi niya sa akin. "Oo Royce eh, disgrasya kasi ako sa isa kong paa. Pero okay na ako ngayon. wait sandali totoo ba hindi ka pinapasok sa bahay?" sabi ko sa kaniya dahil hindi ako makapaniwala. Sino naman ang malakas ang loob na gumawa noon e, dati naman malayang makadalaw ang lahat ng mga kaibigan ko sa bahay. "Oo, Ping. Parang pagkarinig ko ay Uncle mo 'ata ang nagsabi sa kasama n'yo sa bahay 'yon ang pinasabi sa akin na bawal daw dumalaw sabi raw ng kapatid ng 'yong Itay," pagkarining ko sa sinabi niya sa akin naningkit ang mata ko. "Damn si Uncle Ding!' "Ahm Royce, sige thank you sa tawag. Sige na paalis na ako ng bahay kita na lang tayo mamaya sa school. Bye, Royce," wika ko. Saktong nakita ko si Uncle Ding, bumaba sa kanyang sasakyan at kung saan man ito galing wala akong pakialam. Nakakagigil ang gurang na ito desisyon ng kaniya sa gustong bumisita sa akin. Mabilis ako naglakad patungo kay Uncle Ding habang masama ang tingin dito. Pakialamero din kasi ito para pagbawalan kung sino ang gustong bumisita sa akin. Anong gusto niyang palabasin? Ano siya na ang hari sa bahay ng Lolo Artur? Sabagay oo nga naman may karapatan ang Kapreng 'to pero nakakagalit na pati kaibigan ko hindi papayagan pumasok upang madalaw ako. Malapit na ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin animo alam nito na patungo ako sa kaniya, habang ako hindi maipinta ang inis sa aking mukha. Pinakikita ko talaga sa kanya na hindi ako natutuwa sa nalaman ko. "Ehem!" tikhim niya ng nasa tapat na niya ako nakahalukipkip. "Anong sinasabi ni Royce na hindi mo raw siya pinapasok dito sa bahay?" nakapamewang pa ako tiningnan siya ng masama. Sobra pa ako naiinis dahil kunot ang noo pa talaga siya akala mo walang ginawang kalokohan sa kaibigan ko. "What? Sino naman si Royce?" nagsalubong ang kilay niya na nagtanong sa akin. Naningkit ang mata ko. Ano artista lang? Hindi alam kung anong tinutukoy ko. Seryoso ba siya? Tinaasan ko siya ng kilay. Napapakamot naman ito sa batok animo talagang hindi niya matandaan kung sino iyong tinutukoy kong kaibigan si Royce. "Sino nga si Royce, Ping? Hindi ko kilala ang sinasabi mo," aniya ulit sa akin. "Aba maang-maangan pa ha? Kaibigan ko. Dadalaw raw rito noong sabado upang mangumusta sa akin, pero meron daw nagsabi na bawal hindi pinapasok dahil mahigpit daw ang utos sa kasambahay na nagsabi sa kaniya. At Kapatid daw ni Itay ang maysabi," irap ko pa sa kaniya. "Ako?" turo pa nito sa kaniya sarili. "Ay hindi! Yung hangin yata. tigilan mo nga ako Uncle Ding. Alangan po, Ikaw naman talaga dahil tayo lang ang magkaharap duh!" inis at masamang tingin ko na sabi sa kaniya. "Ah–'yon bang payat na binatilyo?" kaswal na tanong niya sa akin. Kita mo 'di umamin din ang gurang na ito. Inis ko na bulong. "Anong 'payat? Ganun po talaga dahil bata pa kami. Kaysa iba r'yan ay gurang na pero feeling bata," parinig ko pa sa kaniya. "Oh…kaya pala maraming naglalaway sa akin?" nakangisi niyang sabi. "Anong naglalaway? Baka aso iyong tinutukoy mong naglalaway sa iyo," naka ismid kong tanong sa kaniya. "Sabagay baka aso iyong kilala ko kasi napaka ingay kanina pa, tahol nang tahol," nang-aasar na sabi niya sa akin. "Yabang mo po ha! Akala mo naman masyado kang g'wapo. Para po sa kaalaman mo katamtaman lang ang kagwapuhan mo noh! Hindi masyado, hindi rin pang artista," "At least malakas ang 's*x appeal ko. Sandali nga bakit ka ba nag-react ka? Ikaw ba ang tinutukoy ko?" Napalunok ako sa sinabi niyang 'yon sa akin. Nasapol ako roon ah, pero hindi ako aamin. "Malakas ang appeal? Oo naman, pero sa mga matandang dalaga–" "Bagay din naman sa 'kin ayaw ko rin ng masyadong bata. Immature pa kasi kung mag-isip. Ako pa naman mahirap sakyan ang ugali ko. Ang madali lang sa akin ay ang sakyan ako ng babae," "Bastos! Diyan ka na nga!" gigil kong sabi. Kasura ang gurang na 'to masyadong bilib sa kaniya sarili. "Saan ka pupunta?" seryoso na sabi ni Uncle Ding. "Papasok na at pake mo ba?!" sagot kong pabalang pero nakatalikod ako sa kaniya. Ihahatid kita sakay na. "Ayaw ko nga, kakabit mo pa naman ang disgrasya baka sunod hindi na lang tapilok ang aabutin ko kung kasama kita," "Ping, sakay!" Hindi lang ako nakinig deretso ako sa gate. "Tigas ng ulo ha! Sakay," ulit niya. "Sabi ko ayaw ko!" sagot ko rin pero ngayon mabilis ko siya nilingon. Nagkamot pa ito sa ulo akala mo malaking problema ang ginawa ko sa kaniya. "Ayaw mo?" "Sabi ng ayaw ko. Mag taxi na lang ako kaysa kasama ka," "Okay kung ayaw mo ako na lang ang bahala," "Ay! Ano ba Uncle Ding, ibaba mo nga ako. Isa ibaba mo ako ano ba!" nagpapasag ako ng kargahin niya. s**t suot ko pa naman ngayon ay paldang pencil cut. Nakahawak siya sa legs ko nakikiliti ako. "Ano ba Uncle Ding!" Hindi ako pinakinggan basta na lang ako pinasok sa tabi ng driver seat. Masama ang tingin ko sa kaniya ng nakaupo na ako. "Sabi ko sa'yo, sakay na at ihahatid kita ang arte-arte mo!" madilim ang mukha nito at basta na lang binalibag pasara ang pinto. Baba na sana ako ni-lock nito ang pinto kaya galit akong inantay ko makasakay siya sa tabi ko 'tsaka ko tinalakan. "Bastos mo rin po. Naturingan ka pa naman Uncle ko, pero wala kang modo!" naiinis pa rin na bulyaw ko sa kanya ng padabog ito pumasok sa kaniya kotse. Hindi ko maisip kung sino pa ang kaharap ko pero nanggigil talaga ako sa inis dahil sa pangingialam nito ngayon sa akin Hinayaan lang ako magdaldal nanatili naka focus ang mata niya sa unahan ng sasakyan. Mukhang wala rin ako magagawa kaya kahit nagpupuyos ang ngitngit ko rito nanahimik na lamang ako hindi tumitingin dito hanggang sa makarating kami ng school. "Susunduin kita mamaya. Anong oras ang uwi mo?" Napahilot ako sa sentido. Mariin ipinikit ang aking mata. Tumikhim ito kaya napilitan ako dumilat pero hindi nag-abala na tumingin sa kaniya. "Alas tres ng hapon," sabi ko at mabilis na bumaba sa kotse nito na hindi lumilingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD