CHAPTER 07

1073 Words
JOSEPHINE "What?! Ahhehe, si Itay talaga hindi ko alam comedy na," "Hoy Ping! Hindi ito biro. Batang 'to!" ani nito sabay pinandilatan ako ng mata. "Tatay, 'yaw ko po. Bakit naman pumayag kayo sa kagustuhan ni Lolo Artur. No! Big no ako. no way. Itay naman si Uncle Ding po talaga?" maktol ko dahil ipanatawag niya ako sa k'warto ko upang kausapin ng ganito. Akala ko pa naman ay importante dahil nga kahapon binasa ni attorney ang last will and testament ni Lolo Artur, nagsasabi ako raw ay nakatakda ikasal kay Uncle Ding. Wala naman problema kung mahal ko ang napili ni Lolo. Isa pa, hello– kahit pa bumaliktad ang mundo ay pangit pa rin tingnan na si Uncle ay magiging asawa ko. Wag kang magsalita ng tapos Ping, baka magulat ka na lang naghahabol ka na sa Uncle mo. Ano? Me, maghahabol doon? Hindi siguro. Naulinigan ko ang pagbuntong hininga ni Itay. Napangiti ako roon. Baka ayos na at napag-isip ni Itay ang gusto kong iparating sa kaniya. Ngunit akala ko lang pala iyon dahil kumuha lang pala ng b'welo at nagra-drama. "Para rin sa'yo 'to 'nak. Sa future mo. Matanda na ako para alagaan ka. Pag-isipan mong mabuti, Ping," Umikot ang mata ko. Ipilit daw ba ni Itay. Basta ayaw ko. Hayaan na iyan si Uncle mag-solve ng problema niya. Siya naman ang walang mamanahin hindi ako kami ni Itay. As if meron ka rin mamanahin at Itay mo check the label, Ping. Baka same ang mga kondisyon ng Lolo mo sa Uncle Ding mo. "Napagisip mo na agad anak," nakangiti na sinabi ni Itay. "Opo Tay," "Yes! Sabi ko na mabait ka talaga anak Ping. Hindi talaga ako nagkamali," "Ano po ang pinasasabi mo Itay? Advance po kayo mag-isip. 'wag mag-react Tay, kita ko sa expression ng iyong mata na assuming po kayo," "Hindi mo na talaga love si Itay," nakalabi pangsabi nito sa akin subalit hindi ako madadala sa paawa kuno ni Itay. "Joke 'yan Itay?" dinaan ko sa biro. "Seryoso ako Ping," "Pero Tay! Tito ko pa rin 'yon. Mali pa rin po, e, kahit kinupkop mo lang po ako, pero ang alam ng lahat ay anak mo ako," laban ko pa sa Itay ko. "Kawawa naman ang kapatid ko," malungkot n dabi ni Itay. Tumayo ako sa couch at lumipat sa kama. Umakbay ako kay Tatay. Isinandal ko pa ang ulo ko sa balikat niya. "Ano na lang ang sasabihin ng lahat ng nakilala sa atin. Wala tayong delicadesa kahit bawal, para sa mana ay go po kayo. No! Ayaw ko po Tatay," "Josephine! Iyan ang kagustuhan ng Lolo Artur mo," "Kaya pikit mata n'yo po tatangapin ang habilin ni Lolo Artur? Bahala po si Uncle Ding, gumawa ng paraan para humanap ng babaeng pakakasalan," sagot ko kay Tatay. Iniwan ko na siya sa study room ng mag-isa. Umirap ako kahit wala akong kaaway. Ang sarap ng tulog ko binulabog lang ako dahil sa balita ni Tatay na ikakasal ako kay Uncle, na animo isang madaling bagay. Dapat naghihilik pa ako ngayon dahil maaga pa pero ipapatawag ako upang ibalita lamang na ikakasal ako kay Uncle. Sa kusina ako nagtungo dahil nawala ang antok ko. Nasaan kaya ang mga tao bakit ni Isa ay wala akong makita. Si Manang Tikla, nasaan kaya iyon sabado ngayon alam ko hindi oras pamalengke nito ngayon dahil tuwing Huwebes ito namimili. Pagdating ko sa kusina ay gusto ko na lang bumalik sa kwarto dahil naroon si Uncle Ding, mag-isa naga-almusal sa dining table. Talikod na sama ako ng mahagip na niya ako ng tingin at tinawag ako. "Ping, come here," he said. Senenyasan pa ako sa lamesa ako pumunta. Napalunok ako. Nagisip baka same sila ni Itay ng sasabihin sa akin. "Ping!" mariin niyang saad sa akin. Napalunok ako dahil may katigasan ang boses na niya ngayon. "Uhm U-uncle pabalik ako ng kwarto…hinahanap ko lang sana si Manang Tikla," nag-stammer pa ang boses ko. Dammit! Si Uncle Ding lang iyan bakit kabado ako ng tawagin niya. Shitty! "Sandali lang meron lang ako sasabihin sa'yo. Ping, sandali lang," sa akin na amg atensyon niya. "Kapag hindi ka pumunta rito ako ang lalapit sa'yo," ani ulit nito. "Oo na po. Uncle talaga uh! Masyadong high blood," alibi ko pa. Lihim pa akong umirap ng lumakad patungo sa lamesa. Nakatalikod si Uncle, kaya panay ko irap sa kaniya. Nakakainis parang alam ko na kung bakit niya ako tinawag. Sigurado ako roon pareho sila ni Itay. Tumikhim ako ng nasa tabi na niya ako. "Alam ko kahit hindi ka gumalaw alam ko nariyan ka na. Alam ko na ilang irap ang ginawa mo bago makarating sa tabi ko," "Edi Ikaw na ang meron third eye duh!" "Lapit pa," senyas ni Uncle. Hindi nito pinatulan ang pasaring ko. Humalukipkip ako at nanatiling nakatayo. "Josephine!" "Ito na po. Ito talaga si Uncle kaya ka tumatanda na walang asawa dahil sa masungit ka," Speaking of Asawa kaya siguro gano'n ang habilin ni Lolo Artur, na pakasalan ko ito dahil walang nagkagusto kay Uncle dahil hindi masyadong gwapo. Tapos ako namn ang napili ni Lolo Artur. Ano pa, kasi nga ang partner sa maganda katulad ko ay hindi masyado guwapo. Ganurn panigurado ang nasa isip noon ng Lolo Artur habang kausap ang family attorney nila. "Tapos ka na?" tanong ni Uncle habang nakataas kilay pa. Aba meron pala itong attitude magaling. "Anong tapos na?" s'yempre itatanong ko rito dahil hindi ako manghuhula para malaman kung anong ibig niyang sabihin. "Kung tapos ka na maglakbay. Kanina ka pa bubulong-bulong. Baka kailangan mong magpatawas Ping, malay mo meron mga maligno sa school n'yo," "Sa school pa talaga e, dito pa lang meron ng kapre," Dahil sagot ko niyon sa kaniya na hilot ni Uncle ang batok niya. Tumaas 'ata ang presyon ng dugo nito. "Sasabihin ko na agad na siyalyo. Ikakasal tayo siguro nakausap ka na ng Itay mo. Hindi maaring matagalan dahil one month lamg ang palugit ni Papa," "Edi maghanap ka ng bride mo. Bakit ako papakasal sa'yo 'di hindi na ako magkaroon ng lovelife," "Wala tayong pareho makukuha mana," "Pake ko! Ikaw lang siguro ang meron interest noon kaya atat kang masilip ako," "Wala rin ako pakialam kahit ayaw mo dahil ikakasal ka sa akin bago matapos ang isang palugit ni Papa," "Pakasalan mo mukha mo basta ayaw ko," tumalikod na ako sa kanya. Hindi ko rin pinakinggan ng tawagin ako ni Uncle napapabalik ako lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD