CHAPTER O3

1520 Words
JOSEPHINE "Bilisan mo ang kilos Josephine kanina pa naiinip si Master Ding, dahil sa pag-aantay sa paglabas mo," bungad agad sa akin ni Manang Tikla, nang makasalubong ko siya sa living area upang lumabas ako ng bahay. Galing siguro ito sa labas kaya alam niya na naiinip daw si Uncle kasi kung hindi, paano niya nasabi iyon. Sumagot ako. "Hindi ko naman po sinabi na ihatid niya po ako, siya lang talaga itong nagpresenta kay Itay, tapos ngayon maiinip siya," katwiran ko pa kay Manang. Pabiro ako kinurot sa tagiliran ng aking baywang ni Manang Tikla dahil sa pagsagot ko sa kaniya. Mabuti nailagan ko agad, dahil kahit hindi malakas ay masakit ito mangurot. Kunwari nagmaktol ako. "Manang naman e, hanggang ngayon ba naman na dalaga na ako ganiyan pa rin kayo sa akin?" reklamo kong saad sa kaniya na pinamaywangan lang ako sabay pinandilatan pa ako ng mata. Nah, kung hindi lang talaga ito ang nag-alaga sa akin simula ng dumating kami rito ni Itay, hindi ko ito makaka sundo. Daig pa kasi ni Manang Tikla ang Madre, kung manamit at ako ang palaging pinagsasabihan dahil palagi raw kulang ang tela ng mga sinusuot kong damit. Sasagutin ko naman si Manang Tikla, na ganun talaga crop top mga uso sa mga bagets ngayon. Kita mo nga akala ko wala na ito panabla sa akin meron pa pala. "Eh, Ikaw nga rin hanggang ngayon ay isip bata pa rin at maldita," aniya. "Hindi a," laban ko pero ismid lang galing dito ang nakuha ko. Iniwan ko na lang siya at tuluyan lumakad palabas ng bahay. Pagbukas ko ng main door nakatingin pala si Uncle Ding doon kaya nagtama ang tingin namin. Nasilip ko open ang malaking gate. Marahil inaantay na talaga ang aking pagdating. Maya-maya ay umalis ito sa pagkakasandal sa kanyang kotse at, patungo pala siya sa akin. Hindi ko alam bakit ko siya inantay at basta na lang ako nakatayo sa labas ng pinto. Napanguso ako at ang lalim naman ni Uncle Ding timingin. Para bang natutunaw ako sa klase ng titig niya, habang humakbang siya patungo sa akin. Alam kong attractive ako. Kaya gano'n siya tumingin pero shitty! 'wag naman niya ipahalatang patay na patay siya sa kagandahan ko. Baka makalimutan ko na kapatid siya ni Itay, gapangin ko siya ng araw gabi. "Ouch!" nabigla kong sabi kahit hindi naman ako nasaktan. Si Uncle Ding pala, itinulak ang noo ko gamit ng hintuturo niyang daliri nasa harapan ko na, tinititigan ako. S'yempre hindi ko maiwasan ang mamula ang magkabilang pisngi ko dahil natulala ako sa Kapreng nasa harap ko. Nakangiti ang mata ni Uncle Ding, nakatungo siya sa akin habang nakatitig sa mukha ko. Inasar ko pa ang sarili ko, Sure ka Josephine, na dahil doon kaya siya nakangiti? Baka halata niyang tulala ka sa titig niya kaya masaya siya. Whatever, basta feeling ko talaga, nabighani si Uncle sa beauty ko kaya gano'n ang reaction niya. Kontra ko pa sa isip ko. Narinig kong mahinang tumawa si Uncle. Pinagtatawanan ba ako, ng Kapreng 'to? Nimals, nakakahiya kung nahalata ni Uncle, natutulala ako kapag tinitingnan niya. "Anong nakakatawa?" masamang tingin ko sa kaniya. "Nothing. Nahalata ko kasi na crush mo ako," kasabay ng malakas na halakhak niya. Napaawang ang labi ko. Kapal din pala nitong Uncle ko kaya magkakasundo kaming pareho malakas ang loob maging assuming. Napamulagat ako sa biglang kilos ni Uncle. Humakbang palapit pa sa akin as in malapit na malapit tama lang na maka daan ang hangin sa gitna namin, kaya nanlaki ang aking mata sabay ng maalala na Uncle ko pala siya tapos ganito kami ka close. Napapikit ako at bubulong-bulong. Holly mother of God! Ayaw kong maging makasalanan nilalang kaya sige na po, Lord, forgive me please… He softly chuckled. Sabay kurot sa pisngi ko kaya napahiya ako sa aking sarili. "May isang butil ka kasi ng kanin sa pisngi kaya kinuha ko," umaalog pa ang balikat na sabi niya sa akin. Napasapo ako sa aking noo sa sobrang kahihiyan. Putrages ka self masyado kang advance mag-isip. Narinig pala niya iyon kaya ngayon hindi na lang umaalog ang balikat n'ya. "Hahaha, bakit anong akala mo?" tanong niya. Pero hindi pa rin natatapos ang tawa. "Mukha ba akong clown?!" inis kong tanong sa kaniya. Lentek siya seryoso akong nagdasal kanina baka sinapian siya ng kamanyakan tapos pagtatawanan lang ako ng Kapreng 'to. Malay ko ba na malakas lang siya man-trip, pwedi naman niya ituro ang kanina sa pisngi ko pinag-overthink niya pa ako ng bongga. Malamang iniisip ko yayakapin niya ako kaya lumapit siya. Diba, hindi naman masamang umiwas? "Ang layo ng nilakbay ng isip mo, baby girl," nakagat ko ang loob ng aking mukha dahil sa endearment niya sa akin. Ano raw baby girl? Nataranta ako ng yumuko siya sa akin kaya napaliyad ako. Uminit tuloy ang buong katawan ko dahil maagap niyang inalalayan ako sa aking likuran, gamit ang magkabila kamay. Sa magkabila kong baywang talaga ito nakahawak. Napalunok ako. Sa pagka kalapit ng baba namin. Nagkatitigan kami sa mata. Napansin kong kumunot ang noo niya nang tumingin siya sa akin. Ngunit sandali lang 'yon napalitan ng pagkislap ng kanyang mata. Napapikit ako dahil unti-unti siyang dumukwang palapit sa mukha ko. Dahan-dahan at tila slow motion. Wait hahalikan niya ba ako? K-kiss ako ni Uncle? No…napiiling ako. Sabay ng aking malakas na tili. "Uncle Ding…'wag po…wala pa akong first kiss…wshh," "Damn! Ano bang iniisip mo, Josephine? Pag-aaral muna ang atupagin mo hindi ang pagpapantasya ng kung sino-sino," sabi niya habang malapit pa ang mukha niya sa mukha ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Yawa siya judgmental akala mo napaka g'wapo. Shutek talaga. Sakalin ko kaya itong kapre na ito. Peste siya pinaglalaruan ako. At kailangan talaga malapit sa mukha ko kung siya ay nagsasalita, para ano? Para magtayuan ang mga balahibo ko hanggang kasingit-singitan ko? Sa inis ko dahil sa labis na kahihiyans. Yes dalawang beses na niya ako pinaasa kaya tabla na kami ngayon. Tinulak ko siya at umayos ako ng tayo. Inayos ko muna ang sarili ko, bago mabilis na humakbang sa kotse nito. Sinilip ko ang wrist watch ko sa aking kamay. Sa kahibangan ko, nasayang ang oras ko. Mukhang hindi pa ako makaka attend sa exam ko ngayon. Mabuti hindi naka-lock ang pinto ng kotse niya. Sumakay na ako sa passenger seat ng hindi ko malingon si Uncle. Ayaw ko rin alamin kung sumunod din siya sa akin. Lumipas ang sandali nagsalubong ang kilay ko ng may kumatok sa gilid ko. Nilingon ko 'yon kahit may idea na ako na si Uncle iyon. Si Uncle nga madilim ang mukha. Bahala siya r'yan hindi ko siya pagbubuksan. Kakatok pa wala naman siyang kailangan. Dahil naka focus ang tingin ko sa unahan hindi ko napansin na bukas na sa tabi ko, ang pinto. Napatda ako sa lamig ng boses niya. "Lumipat ka roon sa unahan," naulinigan kong sabi niya. Dedma ko lang. "Sabi ko lumipat ka roon sa unahan," may diin na ngayon ang boses na saad niya sa akin. Ngayon ay nilingon ko siya. "Bakit ba?! Dito na ako," laban ko sa kaniya. "Alis na tayo late na ako sa unang subject ko," sabi ko ulit. Hindi ko siya pinagka-abalahan tingnan. Narinig ko pa ang paghinga nito ng malalim. "Josephine, sa unahan ka na nga umupo!" Napalunok ako at may sobrang lamig ng boses nito. Duh hindi ako magpapasindak sa kaniya. Kung ayaw niya na rito ako sa passenger seat, 'di hahanap na lang ako ng taxi. Nang maisip ko iyon sumenyas ako sa kaniya na bababa ako. Tumabi siya sa kinatatayuan. Ginawa nga nito binigyan ako ng espasyo sa paga-akala sa unahan ay lilipat ako. May dumaan na taxi kita ko naman dahil nga open ang gate. Tinakbo ko iyon habang pumapara. Subalit hindi pa nabubuksan ang pinto ni Taxi driver ay umangat ako sa kinatatayuan ko. Lentek! Binuhat ako ni Uncle ng papasan na akala mo isa ako sakong bigas. Peste siya. Pinalo ko siya sa balikat at tinalakan. "Ouch," sabay hawak ko sa aking ulo ng tumama sa bubong ng kotse niya ang bumbunan ko ng akma ipapasok niya ako sa loob ng kotse. Mabilis niya ako ibinaba. Ngayon ay magkadikit ang aming katawan dahil tiningnan nito ang nasaktan kong ulo. "Sorry, alin ang masakit? Ito ba? Mm…" napakalambing niyang tanong sa akin. Naramdaman kong hinihipan niya sabay masuyong haplos sa bumbunan kong nasaktan. "Tigas kasi ng ulo mo," paulit-ulit niyang sabi. Tumingala ako sa kanya upang silipin ang ginagawa kahit alam ko. Yumuko sa akin nasilayan ko ang labis na pag-a-alala sa kaniya mukha. "O-kay lang po ako, Uncle…pasok na ako," mahina kong sabi. Tila natauhan ito ng ipinagdiinan ko ang salitang Uncle. Naulinigan ko pa ang mahina niya pagmumura ngunit hindi ko lang pinapansin. Sinabihan ko ulit na papasok na ako, tumango ito. Ako naman ay tahimik na pumasok sa loob ng kotse nito. Tahimik na nag-antay rito hanggang umalis kami patungo university. Sa gitna ng biyahe tanging malalim na buntong hininga ni Uncle ang nangingibabaw sa loob ng kotse. Samantala ako inabala na lang ang sarili na manood sa labas bawat daanan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD