CHAPTER 02

1518 Words
JOSEPHINE "Ikaw a-ang anak ni Lolo, Artur? Si U-uncle Ding?" animo hindi ako makapaniwala tinanong 'yon sa kaniya. Bigla akong nahiya. Kung gano'n dapat ko ito igalang dahil kapatid pala ito ni Itay. "Josephine, aba'y kanina pa ako kumakatok anong ginagawa n'yo riyan?!" may inis na sa boses ni, Manang Tikla. "Ito na po Manang sandali lang po nagbibihis lang," "Sandali ka r'yan! Hala labas na. Kanina pa nag-aantay ang Itay mo sa baba, kakain na raw ng almusal," pasermon na sabi ni Manang Tikla sa akin. Napasapo ako sa aking noo. Kaya nga pala ako nag-alarm dahil alas otso y medya ang pasok ko ngayon. Nilingon ko ang nakasabit na orasan sa pader. Meron pa akong dalawang oras subalit maliligo pa ako at magbibiyahe. Kailangan ko na lang bilisan ang kilos upang hindi mahuli sa klase. "Josephine!" si Manang Tikla ulit. "Opo Manang palabas na po," sabi ko na lamang upang tumigil ito sa pambulabog sa labas. Umalis ako sa harap ni Uncle Ding, ng hindi ko siya tinitingnan. Naalala ko kasi ang kahangalan pinaggagawa ko kanina. Hindi ko nakita na kanina pa ako ni Uncle Ding pinagmamasdan. Nagmamadali kasi ako umalis sa pinto, upang makaabot sa first subject ko dahil may exam kami ngayon operations management. Kapag pa naman hindi nakakuha sa professor namin ng exam. 'yon na hindi na pagbibigyan ng chance. Dali-dali ako pumasok ng CR. Hindi ko na kailangan magbibit ng towel dahil mayroon na sa loob ng banyo. Ang dating isang oras kung maligo, ay gagawin ko lang ngayon na 20 minutes. 'Argh!' Parang temang na bigla kong hiyaw pagkapasok ng CR. Naalala ko si Uncle Ding. Baka nasa kwarto pa ito at hindi ko napansin kanina kung lumabas ba ito ng kwarto ko. Parang nahihiya na ako ngayon ng malaman ko na ito si Uncle Ding. Naipikit ko ang aking mata at hindi maiwasan pamuluhan ng aking mukha nang maalala ko ang ginawa kong panghihipo sa nippl*s at abs nito. Subalit hindi ko naman 'yon sinasadya ah! Kasalanan niya pumasok siya sa kwarto ko. Nagipadyak ko pa ang isa kong paa na akala mo meron ako pinaglalaban. Nag-locked ba ako ng pinto kagabi? Naitanong ko pa sa isip ko. Waah baka nakalimutan ko, dahil tinamaan ako sa ininom namin kagabi. Napalunok ako. Madadala ka ngayon, Josephine Galbilao. Sa pagiging lasingera mo. Paano kung hindi si Uncle Ding ang pumasok? Sabi pa ng isip ko. Oo nga ano? Sinusumpa ko na ngayon ang alak. Bigla kong nasabi. Ows, sa ngayon kutya pa ng isip ko. Parang hindi ko na kayang humarap pa na hindi naiilang. Diba nga, kahit na ampon lang ako ni Itay, nakakahiya pa rin iyon na pinisil ko ang nippl*s niya. Argh, paano ba kumilos ng hindi awkward sa harapan nito. Magkunwari na lang ako na nakalimutan ko na iyon. Kasi bakit naman siya pa ang kapatid ni Itay. Hindi ko naman alam na siya si Uncle. Kasalanan nito pumapasok ng kwarto nang may kwarto. Nagpapadayak muli ako ng aking paa. Woah. Bahala na. Kailangan kong mag madaling kumilos dahil mahuhuli na ako sa klase kapag bagalan ko pa at isipin ko pa ang nangyari kanina. Mukha rin naman wala lang 'yun kay Uncle. Ako lang ang ulit-ulit na parang shunga. Binilisan ko kumilos. Hindi na ako naglagay ng makeup sa mukha. Mamaya na lang sa sasakyan kapag ihatid ako ng driver upang iwas kain ng oras. Pagkatapos magbihis at magsuklay nilapitan ko ang backpack ko sa study table ko sa aking kwarto upang kunin. Tumakbo pa ako pababa ng hagdan. Nakasalubong ko ang isang kasambahay sa baba paakyat sa second floor. Kahit may idea ako na naro'n si Itay, nagtanong pa rin ako. Tinanong ko kung naroon na sa komedor si Itay. "Opo Ma'am Ping," ito ang nakasanayan nilang tawag sa akin gumaya kay Itay. "Sige Ate Salamat," Nakangiti pa ako patungo sa komedor ngunit biglang nabura ng masilayan ko si Uncle Ding, kausap ni Itay. Paano ba hindi ko agad mapapansin dito nakaharap ang kinauupuan nito sa pinto patungo dining area. Napalunok ako ng balingan nila ako pareho ng tingin ni Itay. Ang lalim ng tingin niya sa akin, animo pinag-aaralan niya bawat parte ng katawan ko. Si Itay ang nagsalita. Nakangiti ito sa akin habang naglalakad ako patungo sa dining table. "Narito na pala si Ping," ani ni Itay. Tila kay Uncle Ding niya iyon pinaaalam. "Ping?" inulit nito ang sinabi ni Itay. "Oo palayaw niya," nakangiti pang sabi ni Itay. Mukhang pinag-usapan nila ako kanina. Ano kaya ang tsismis dito ni Itay at tahimik lang si Uncle Ding. Bago ako umupo lumapit muna ako kay Itay, nagmano. Sabi pa ni Itay kahit daw ako pasaway magalang naman. Doon daw ako bumawi sa kaniya. Palagi ako nito nasesermunan dahil sumasama ako sa disco, kasama ng mga kaibigan ko. Classmate ko pala. Kay bata-bata ko raw marunong ng uminom. Kaya ending pasang awa ang mga grades ko. Mabuti daw hindi ko natutunan pati sigarilyo kun'di tuluyuan daw siyang aatakihin sa puso. "Anak, ito nga pala ang nakababata kong kapatid. Si Ding. Bro, si Josephine, anak ko," wika pa ni Itay sa kaniya. "Bro!" inulit pa ni Itay, dahil malalim ang iniisip ni Uncle Ding. "Huh? Oo," lutang na sagot dito ni Uncle Ding. Ngumiti si Itay. "Malayo ang iniisip natin, Bro? Girlfriend?" pang-aasar pa ni Itay sa kaniya. Tipid lang na ngumiti si Uncle Ding. "Anak," narinig kong tawag ni Itay sa akin. "Ay opo Itay. Uhm, Uncle Ding. Hi po," sabi ko pa. Napangiwi ako. Bakit tila hirap ako bigkasin ang Uncle. Umangat ng tingin sa akin si Uncle Ding. Seryoso lang wala naman sinabi kun'di ang tinanguan lang ako. "By the way, Bro. Sa lunes babasahin ang will of the testament ni Papa, diba nabanggit ko na ito ng mahanap kita?" napansin ko alanganin tumango si Uncle Ding. "Ipaalala ko raw sa'yo sabi ni Attorney," "Ok, Kuya," sagot nito kay Itay. Nag-umpisa ako kumain nakikinig lang sa kwentuhan nila Itay at Uncle. Si Uncle nagtataka ako bakit seryoso ito? Anong problema nito? Hindi 'ata komportable sa mansyon ni Lolo Artur. "Siya nga pala, Bro? Anong oras ka nakauwi kagabi?" napatingin ako sa kanila. Nasamid si Uncle sa tanong na iyon ni Itay. Maagap naman si Itay nagsalin ng tubig. Samantalang ako pinamulahan ng mukha at mabilis nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Madaling araw na siguro, Kuya. Masyado akong nalasing nagkaayaan ng kasamahan sa trabaho," narinig kong sagot niya kay Itay. "Nagpaalam ka na ba sa boss mo? Anytime mag-reresign ka na sa dati mong trabaho dahil nag-aantay na ang trabaho mo sa kumpanya," "Hindi pa nga Kuya," narinig ko na huminga ito ng malalim. Saglit ko siya pinasadahan ng tingin ngunit mabilis lang dahil nahuli niya ako. Gano'n pa rin seryoso at tingin ko pa nakasimangot ito. "Honestly Kuya. Hindi ko talaga kaya na iwanan ang trabaho ko," narinig ko na sagot nito kay Itay. Napaisip ako. Ano kaya ang trabaho nito?' "Sabagay nga naman. Kung iyon talaga ang passion mo mahihirapan kang iwanan. Iyon nga lang kailangan mo rin kasi pamahalaan ang iniwan ni Papa sa iyo," sabi rito ni Itay. Palihim kong pinagmasdan si Uncle Ding. Kulot nga pala si Uncle Ding, mana kay Lolo Artur. Katamtaman ang kulay nito sa kayumanggi pero hindi maitim. Iniisip ko kung sino kamukha nito para kasing pamilyar sa akin. Same sila ng kulay ng balat ni Itay. Sa ilong kasi katamtaman lang ang tangos ng kay Uncle Ding, nagmana siguro ito sa Mama nito dahil kay Lolo Artur ay matangos katulad kay Itay. Pero same silang tatlo ng kulay ng mata. Mas matangkad lang si Uncle Ding. Malapad ang balikat nito at meron muscle sa braso, ngunit nasa tamang p'westo. Tila batak ito sa ehersisyo. Or baka instructor ito sa isang gym ang ganda kasi ng katawan nito. Ang abs. Shitty bakit ko pa naalala iyon uminit ang mukha ko. "Ehem, anak," "Po–" sabi ko. Natawa si Itay. "Anak naman kanina pa kita kinakausap. Sabi ko ihahatid ka ngayon ni Ding. Bilisan mo mahuhuli ka na sa klase mo," "Naku Itay sa driver na lang po," matigas ko pang iling. Kunot ang noo ni Itay. "Ha? Bakit 'nak? Wala ang driver dahil may sakit at two days iyon naka leave," saad ni Itay sa akin. "Ah, kaya ko naman po mag-taxi–" "Ihahatid na kita bilisan mo," sabi ni Uncle Ding. Tatangi na sana ako subalit si Itay na ang nagsabi na magpahatid na ako kay Uncle Ding. Hindi ako nagpahalatang ayaw ko. Bakit kasi nag presenta pa ito kaka banas. Unang natapos si Uncle kumain nagpaalam na kay Itay. Aba't sa akin hindi? Ni isang tingin ay hindi nito ginawa. Suplado naman ng kapre na ito. "Anak bilisan mo na," "Opo," "Iyan ang napapala ng kahit may pasok nag pupunta ng disco. Iyan talaga ang palagi kong sinasabi sa'yo," "Itay naman gano'n po talaga ang mga teenager ngayon," tumayo na ako at hindi ito matatapos sa panenermon sa akin kapag hindi ko iwanan. "Bye Itay. I love you po," hinalikan ko lang ito sa pisngi at hindi hinayaan na makasagot sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD