Chapter 7

1409 Words
ALICIA “May damit ka na bang maisusuot mamaya?” Basa ko sa text message na pinadala ni Cleo. Kahapon pa nakauwi si Princess pero dahil sa jetlag, natulog na muna siya at ngayong sabado nga ang plano naming lumabas. Wala akong pasok kapag sabado at linggo kaya malaya akong makakapagpahinga sana. Habang si Cleo ay may klase pa sa sabado ng umaga pero game pa rin sa lakad mamaya. “Mayroon,” sagot ko lang sa kaniya bago ako tumutok muli sa laptop ko. Even though I am a professor now, I am still doing some research and making a book that hopefully will be published in the near future. I hope my book will be used as one of the school materials. Tumunog ulit ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at nag-reply nga ang duwende. Napataas ang kilay ko sa aking nabasa. “Ang manang costume mo na naman ba? Nah! Ako ang bahala mamaya!” Ayaw ko ang naiisip niya dahil siguradong labas kaluluwa naman ito. But I am not against it as long as she wears them and won’t force me to have it. “Nope. Bumili ako ng dress last week noong nag-mall ako. Hindi ko pa ito nagagamit kaya iyon na lang.” May binili naman talaga ako at desente iyon tingnan kaysa sa sigurado na ipasusuot niya sa akin. “Ipakita mo nga sa akin. Picture mo nga tapos send mo via email.” I sighed when I read her message. Sigurista rin ang babaeng ito! Hindi ko na siya sinagot dahil mas importante itong ginagawa ko. Kapag binitawan ko ito, mabubura ang ideya sa utak ko. Kaya naman, itinabi ko ang aking cellphone at tumutok na ako sa aking ginagawa. Inabala ko ang aking sarili buong umaga at natapos ako bandang alas-dos na ng hapon. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya naghanda ako at kumain. Pero habang kumakain ay tinitingnan ko ang aking ginawa, I am satisfied naman sa kinalabasan. Pagkatapos kong kumain ay napagpasyahan kong umidlip na muna. Siguradong umaga na ako makakauwi mamaya kaya kailangan ko ng pahinga kahit papaano. Nakatulog din ata ako ng ilang oras nang biglang may bumulabog. Walang iba kundi ang duwende na agad na lang pumasok sa bahay ko at ginising ako. Nakatulog rin ako ng dalawang oras at ngayon ay padilim na rin ang paligid. Ganda ng timing ni Cleo! “Mabuti pala at pumunta ako dahil kung hindi, baka natulog ka na lang talaga buong gabi.” Putak niya na nilapag ang gamit sa upuang nandito sa loob ng kuwarto ko. May spare key siya ng bahay kaya mabilis siyang nakapasok. Siya talaga noon ang nagpumilit na makakuha ng spare key para kung may ano man na mangyari, makakapasok agad siya. “Umidlip lang ako dahil baka mamaya antukin ako roon.” Dahilan ko pa na maiintindihan niya naman. “Sabagay,” tugon niya bago pumunta sa closet ko. Naupo na rin ako at tiningnan ang kaniyang ginagawa. Alam ko, hinahanap niya ang damit na sinasabi ko. “Aga mo naman dito. Iniwan mo na naman sa asawa mo ang anak ninyo?” Tumayo na ako at ako na ang kumuha ng damit sa closet at ibinigay ito sa kaniya upang masuri niya. Tumuloy ako sa banyo at naghilamos. Nakaramdam ako ng gutom kaya kakain na muna ako, o kami. Siguradong gutom iyan dahil hindi nakapagmeryenda at tumuloy na rito. “Kanino ko pa ba dapat ipabantay ang anak namin? Tambay naman iyon.” Napailing na lang ako sa sinabi niyang tambay. May sariling negosyo kasi ang kaniyang asawa, hindi man malaki pero nabibigay naman ang pangangailangan nila. Maagang umuuwi iyon kaya palaging may oras sa kanila at may trabahador naman sila para gumawa ng iba pang gagawin. “Ano sa palagay mo?” tanong ko paglabas ko ng banyo. Tinitingnan pa rin nito ang damit at sinusuri na akala mo may bomba roon. “Okay na. Ano naman pares mo rito?” May patango-tango pang nalalaman. “Sneakers?” patanong kong sabi dahil hindi ko alam ano ipapares ko. Ang kaniyang hawak ay itim na dress na off-shoulder at umabot hanggang ibabaw ng tuhod. Pumasa sa kaniyang panlasa dahil hapit iyon sa katawan ko kapag isinuot. “Yes! Parang rebellious ang datingan. And I think, I know what to do with your make-up. For sure, hindi ka agad makikilala ng kung sino man.” Kita ko ang pagkislap pa ng mga mata nito. Napailing na lang ako dahil iba na ang takbo ng kaniyang isip kapag gan’yan siya. Tinalikuran ko na lang siya at pumunta na lang ako ng kusina. Naisipan kung magluto ng hapunan para makakain muna kami bago kami umalis. Si Cleo ang may sasakyan kaya siya na rin ang magmamaneho. Dadaanan na lang namin si Princess sa condo niya para sabay na kaming tatlo. Ito ang paraan namin upang walang iwanan at marami ang mapagkuwentuhan daw. It’s been a few months already noong huli kong punta ng bar at sila rin ang kasama ko. Hindi naman ako umaalis na ako lang at palagi lang naaaya. Simula pa naman noong college kami, nalaman ko lang kung ano ang nasa loob ng bar dahil sa dalawa, lalo na kay Princess. Noong college ako, isa ako sa tinatawag nilang nerd. Nakasalamin pa ako rati dahil sa kakaaral ko. May kalabuan na ang mata ko minsan kaya nagsasalamin ako, at minsan ay maayos naman kaya hindi ako nagsusuot. Mayroon din akong contact lens pero halos hindi ko naman ginagamit dahil hindi ako komportable. Si Cleo naman ay tipikal lang na estudyante. Makapasa ay ayos na pero palaging sumasali sa mga laro ng paaralan. Minsan talo, minsan panalo. Hindi pa siya noon kikay, nahawa lang kay Princess dahil sa kakasama niya rito kapag nagsa-shopping. Habang si Princess ay pambato namin palagi sa pageant at captain ng cheerleading squad. Palaging star sa mga mata ng mga lalaki at kinaiinggitan ng mga kababaehan. Sa grado, hmmm… okay lang ang masasabi ko. Basta! Maganda siya! Hindi ko nga alam paano kami naging kaibigan kung iba-iba naman ang hilig namin. Siguro, sadyang ibinigay ng Diyos sa amin ang bawat isa upang maging kapanalig. Naging madali ang buhay college namin dahil sa pagtutulungan naming tatlo. Kaya kahit hindi ko man sabihin, I really miss Princess, too. Gusto ko siyang makita na rin at mayakap. Matagal-tagal na rin kasi iyong huli. “Ano ang lulutuin mo?” tanong ni Cleo ang bumalik sa akin sa kakaisip ko. Kalalabas noya lang sa kwarto ko at dala na nito ang damit at sneakers ko kaya napataas ang isa kong kilay. “Nagsaing ako at may sangkap ako rito ng pangmenudo. Iyon na lang ang lulutuin ko.” Tumango siya habang inaayos ang mga gamit. “Bakit mo pala iyan ibinaba?” nagtataka kong tanong. “Inayos ko na para iyang niluto mo na lang ang babalutin natin. Nag-usap kami kanina ni Princess at sabi niya, doon na raw tayo kumain. Pero dahil nagluto ka na, hintayin na lang natin. Saka, siguradong na-miss niya na rin ang luto mo.” Lumingon pa siya sa akin at ngumiti. “Sige,” sagot ko na lang at nag-umpisang magluto. Madali lang naman ito at sanay na talaga ako sa kusina. Noon pa lang kasi sa orphanage ay nakatuka na ako sa kusina. Natuto ako sa kusinera namin na kahit simpleng luto lang ay kaya niyang pasarapin. So far, hindi ko man makuha ang luto niya at least hindi naman malayo sa orihinal. Pagkaluto ay nag-ayos na agad ako habang si Cleo na ang nagsalin sa baonan. Napansin kong nilagay niya na rin ang mga ito sa sasakyan habang ako ay nagpapatuyo ng buhok. Nang matapos na ako, tapos na rin siyang ayusin ang mga dadalhin namin. Kahit madaldal ito, maasahan mo ito sa ganitong bagay. Dahil sa pagiging athletic, madali lang sa kaniya ang gumalaw-galaw. “So, paano? Alis na tayo? Siguradong nag-aabang na si Princess sa atin.” Nakapamewang pa siya habang nakatingin sa akin. Sinigurado kong sirado ang lahat at pinatay ko ang ilaw bago kami lumabas ng bahay. Kahit kaunti lang ang gamit ko, pinaghirapan ko naman itong ipundar. Kaya iniingatan ko talaga ang mga ito. “Tara na!” aya ko kay Cleo. Agad kaming sumakay sa kaniyang sasakyan at umalis papunta sa condo ni Princess. Siguradong nakanguso iyon dahil natagalan kami at ni isa ay walang sumagot sa tawag niya. I smiled when I thought about it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD