Chapter 6

1360 Words
ALICIA Knock! Knock! May kumakatok sa pinto na bukas naman ito kaya napaangat ang aking tingin mula sa pagtsetsek ng mga papel ng aking estudyante. Nagulat ako nang makita ko Travis na nakangiti. Nakatayo ito sa labas at naghihintay na papasukin ko. Bilang guro, hindi ko siya puwedeng takasan na lang palagi dahil responsibilidad ko ang turuan ang mga estudyante. “Come in!” Agad naman siyang pumasok. Doon ko lang napansin na may dala siya libro na tumatakay sa numero. “What can I do for you, Mr. Roque?” Nalaman ko ang kaniyang surname noong tiningnan ko ang kaniyang student info sa record ni Cleo. Pasilip pa nga ang ginawa ko para hindi mahalata ng tsismosang Cleo.. “Sorry po sa disturbo, Prof pero rito po ako tinuro ni Miss Cleo na puwedeng magpaturo ng calculus.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Mukhang nagiging tulay na nga si Cleo at ito ay paraan niya. Napatingin ako sa hawak niyang libro at napakunot ang noo. Advance na kasi ito kaysa sa pinag-aaralan nila ngayon. Gusto ko siyang tanungin pero nilunok ko na lang. Hindi naman bawal mag-aral ng ibang bagay maliban sa itinuturo ng guro, rather, it improves oneself. “Sure. But can you wait for a while? Tatapusin ko lang itong papel ng estudyante ko. Mga lima na lang ito.” Madali lang naman ang sagot nila kaya madali kang itsek. “Sige po.” “Sige. Maupo ka na muna riyan.” Tinutok ko na muna ang aking pansin sa ginagawa ko. Nakakahiya naman kung paghintayin ko siya at saka, malapit ng dumilim. I want to go home, too and have a rest. Wala akong pasok bukas pero may lakad sa gabi. Mabilis ko itong natapos at inayos ko na agad. Nilagay ko na rin ito sa bag at napagpasyahang sa bahay na lang gawin ang iba pang gagawin. “Ano ang maitutulong ko sa iyo, Mr. Roque?” Napataas ang kilay ko nang mapatingin ako sa kaniya. Nakatitig ito sa akin at parang natauhan lang noong nagsalita ako. Napatikhim muna siya bago nag-umpisa ng magtanong. Sinagot ko naman ito sa abot ng aking makakaya at pinapaliwanag ang ilan. Nakuha naman niya agad at halatang masaya siya sa bagong natutunan. I never thought na may estudyante pang masaya na matuto ng ganitong subject. Kadalasan kasi ngayon, halos iniiwasan na ito. Gusto ko ang ganito subject kaya masaya ako na may gustong matuto nito. Lalo na’t si Travis ito, palagay ko may isang bagay na kami magkatulad at mapagkakasinduan. Agad kong iwinaksi ang isipin na iyon. I have to remind myself na estudyante ito habang ako ay guro, kung saan ay mali ang romantikong relasyon. “Thank you, Miss!” nakangiting sabi ni Travis. “You’re welcome.” Ngumiti na rin ako bago nag-ayos dahil madilim na. Wala akong sundo ngayon kaya tatawag na lang ako ng taxi. Hindi naman sa hindi ko kayang mag-taxi araw-araw kaya sa traysikel ako sumasakay, tulong ko na rin kasi iyon sa kanila Kuya. Saka nag-iipon din ako ng pambili ng sasakyan. Marunong din naman akong magmaneho dahil tinuruan ako ni Cleo dahil may sasakyan sila. “Ah… Miss,” tawag niya sa akin kaya napalingon ako sa kaniya na may pagtataka. “May sundo po ba kayo?” “Hindi ako ngayon nagpasunod kay Kuya pero tatawag na lang ako ng taxi.” Nginitian ko pa siya bago ko binitbit ang gamit ko. Pero maagap siya kinuha ang isang bag ko na may lamang laptop. “Hatid ko na po kayo, Miss. Sorry po dahil sa akin ay ginabi po kayo.” Napakamot pa ito ng batok, which I find cute. Napatawa ako ng bahagya bago nagsalita. “Okay lang. Minsan ginagabi talaga ako.” Wala naman talaga iyon sa akin. Minsan pa nga hatinggabi na kapag may hinahabol talaga akong deadline. “As compensation po, hatid ko na po kayo. Mas mapapanatag akong ligtas kayong makakauwi kasama ko kaysa sumakay sa taxi. Uso pa naman po ngayon ang mga manloloko.” Napangiti at napailing na lang ako sa sinasabi niya. Ni-lock ko na muna ang silid ko bago ako sumagot. Nakasabay lang siya sa paglakad sa akin at wala namang problema roon. May ibang estudyante pa na bumabati kaya binati ko rin pabalik. Sila iyong mga estudyante na umaabot sa gabi sa kanilang klase. “Sa pagkakaalam ko, out of the way ang bahay ko sa bahay ninyo. Kaya huwag mo na akong ihatid. I can protect myself if may mangyari man.” I assured him pero mukhang hindi umubra. “Pero nag-aalala po talaga ako. Please, Miss.” Napatingin ako sa kaniyang mukhang tuta na nagpapa-cute upang mapagbigyan ang gusto. “Fine!” aking pagsuko. Wala namang mawawala sa akin kasi ihahatid niya lang naman ako. Pumunta kami sa harap ng paaralan. Medyo malayo ang lakarin pero ayos lang dahil hindi naman madilim ang daan at sementado ito. Kaya lang malamig kaya naman napapayapos ako sa aking sarili. Tumigil si Travis bigla kaya nagtatakang tumigil din ako. Nilapag niya muna ang kaniyang mga dala at hinubad ang jacket na suot. Ngayon ko lang napansing naka-jacket pala siya dahil nakatutok lang ako sa gwapo niyang mukha. Tinanggal niya ito at agad na binalabal sa likod ko. Nakaramdam ako ng init sa kaniyang ginawa, hindi dahil sa jacket kundi sa pinapakita niyang ugali. I never thought that someone will lend me their jacket someday. It bring warmth to my freezing heart. “Paano ka?” “Okay lang po ako. Sanay po ako sa lamig.” Mukhang sanay nga ito dahil parang wala lang dito habang naglalakad kami. “Thank you!” Hinapit ko ang jacket kaya mas naamoy ko ito. Amoy mamahaling pabango na panglalaki pero hindi siya masangsang sa ilong. Nagpatuloy kaming maglakad at wala ng nagsalita pa. Hindi naman siya awkward kundi payapa lang talaga siya. Wala rin akong masasabi kaya nagpatuloy na lang kami. Sa paglabas namin ay may sasakyan na sa harap na nakaabang. Halatang mamahalin dahil kumikintab pa. Lumabas ang lalaki mula rito at halatang may edad na. Binati nito si Travis at pinagbuksan. “Sakay ka na po, Miss.” Nagtatakang tumingin ang matanda sa akin. Nahihiya man ay pumasok na ako. “Salamat po!” pasalamat ko sa matanda bago si Travis pumasok na rin. Pumasok na rin ang matanda upang magmaneho. Nakahinga ako ng maluwag dahil may kasama pala kami sa sasakyan. Hindi ako makakapag-isip ng kung ano-ano. “Saan po kayo nakatira, Miss?” tanong ni Travis kaya binigay ko ang aking address. Malapit lang naman iyon dito kaya hindi na sila nahirapan. Walang nagsalita sa amin at nakatingin lang sa labas. Ang matanda ay halatang tinitingnan kaming dalawa pero wala naman siyang makikita dahil teacher and student lang ang relasyon namin. Kahit minsan iba ang pumapasok sa utak ko, alam ko naman saan ako lulugar. Ilang minuto lang ang tinagal at nakarating agad kami sa tapat ng aking bahay. Napatingin pa nga si Travis sa paligid bago tumango. “Sorry ulit, Miss sa abala. Pero sana hindi po kayong magsasawang sagutin ang mga tanong ko. For the first time po kasi, may nagturo sa akin ng mas madaling paraan kung paano i-solve itong mga problem.” Tukoy niya sa papel na dala. “You are always welcome. Saka, salamat na rin sa paghatid.” Binitbit ko na ang aking mga dala. “So, paano? Dito na ako. Have and safe trip!” “Okay, Miss.” Umibis na ako at hintay silang makaalis bago pumasok at nagkailaw lang noong pinindot ko ang switch. Madilim ang kabahayan pero sanay na ako sa ganito kasi palagi naman akong nag-iisa. Isang araw na naman ang natapos. Kapagod man pero at least, hindi na katulad dati. Doon ko lang din napansin na naiwan ni Travis ang kaniyang jacket. It lift up my mood more, especially with the scent coming from the jacket. It calm me down. I sniff it but I couldn’t stop myself to do it again and again. “Saan kaya makakabili nitong pabango? Ang bango, eh,” sabi ko pa sa aking sarili habang patuloy na sinisinghot ang jacket.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD