Chapter 8

1295 Words
ALICIA “Alicia! Cleo! Ahhh!” sigaw ni Princess ang bumulabog sa buong parking lot. Malayo pa lang ay kitang-kita na siya namin na kumakaway. Paano hindi makikita agad, e naka-high heel na nagpatangkad sa kaniya. Halatang miss niya na kami dahil mangiyak-ngiyak pa ito at nakanguso. Hindi niya na nga napigilan ang luha dahil sa pagbaba namin ay nagdrama queen na naman siya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o malulungkot rin. Sa huli, napailing na lang ako. “Ang ingay! Rinig boses hanggang lobby.” Inunahan ko na siya na kinanguso niya kaya natawa ako. “Ang haba ng nguso, umaabot na sa lupa.” Natawa ako noong nagdabog ito at may balak na hampasin daw ako. Pero kita naman na halos walang lakas iyon kaya matatawa ka na lang sa kaniya. Niyakap ko siya at binigayan ng mag-asawang halik sa pisngi. With my hug, I show her how much I miss her. Kahit si Cleo ay ang higpit din dahil sa pagka-miss namin sa kaniya. “I miss you!” sabi ni Cleo at tumango rin ako bilang pagsang-ayon. “Na-miss ko rin kayo.” Napalingon siya sa paligid at nang makitang walang tao ay nakahinga siya ng maluwag. “Akala ko sira na ang image ko. Tara na sa loob at baka may makakita sa akin. Sayang ang ganda!” Nag-flip pa siya ng kaniyang imaginary na buhok kaya natawa kami. Maiksi kasi ang buhok niya kaya natawa kami sa kalokohan niya. “Tara na sa loob! Nagugutom na ako!” sabi ko pa na kinanguso niya. “Pumunta ka lang ata rito upang kumain, e.” Hinarap ko siya na nakangiti. “Diyan ay hindi ka nagkakamali.” Natawa ako lalo nang nagsandahaba pa ang kaniyang nguso. Sarap sabitan ng hanger. Kinuha namin ang aming gamit at pumunta na sa kaniyang silid. Nasa twentieth floor siya ng thirty-five floor na gusaling ito. Medyo mahal ang bayad niya pero kaya niya naman iyon. Kapag wala siya rito sa Pinas, ang kapatid niya ang nakatira rito. Pero ngayong nandito siya, umuuwi naman ang kaniyang kapatid sa kanila. Mas malapit sana ito sa trabaho ng kapatid pero nandito si Princess, so paubaya na lang. Nang makapasok kami, tumambad sa aming harapan ang mga nagkalat na pasalubong. Halos buong sala ay puno nito, iba ay damit, laruan, sapatos, at iba pa. Mukhang marami na naman kaming maiuuwi bukas. “Ano ang niluto mo?” tanong ko sa kaniya pagkatapos ko ilapag ang gamit namin ni Cleo habang si Cleo ay tumuloy sa kusina dahil siya ang may dala ng pagkain. “Anong luto ang sinasabi mo? Nag-order lang ako.” Napalingon ako kay Princess na nakaupo sa pang-isahang sofa. Nakangisi pa ito na akala mo she wins on a contest. “Nakahanda na nga rito sa kusina. Halika na, Ali! Kumain na muna tayo dahil gutom na ako.” Tinawag na ako ni Cleo sa palayaw ko, kaya siguradong gutom na talaga siya. “Nakaligo ka na ba?” tanong ko kay Princess habang naglalakad kami papasok sa kusina. Noong naglakad ako ay agad din siyang sumunod kaya hindi ko na siya kailangang ayain. “Yeah. Kanina pa kaya ako naghihintay sa inyo. Nainip na ako kaya naligo na muna ako,” nakanguso niyang sabi. Mas lalo pa ngang humaba noong nakita niyang nakatingin ako sa kaniya. “Sinisisi mo kami at natagalan kami? Sige, huwag ka na lang kumain ng niluto ko.” Naupo na agad ako sa mesa at kinuha ang luto ko palayo. Aagawin sana ni Princess pero nauna ako. Si Cleo ay nakakuha na kaya wala ng pakialam sa aming dalawa. “Ali! Give it back! I want to eat it! I miss your cooking!” Halos magsisigaw na siya makuha lang ang ulam na hawak ko. “Nah! Ayaw mo nito kaya. Itatapon ko na pang ito mamaya.” Pang-iinis ko pa sa kaniya. Kumuha ako ng isang karne at kinain ito sa kaniyang harapan. Pinatakam ko talaga siya kaya ang labas, nagdabog ang bata. “Ali naman, e. Gusto ko kumain niyan!” Pumadyak pa siya at parang iiyak na bata. Sa pinapakita niyang ugali ngayon, parang hindi supermodel kundi isang paslit na may pinapabili sa nanay. Ganito siya sa aming kakilala niya kaya sarap minsan asarin. Kahit palagi siyang nasa ibang bansa, hindi pa rin nagbabago ang kaniyang ugali. Naiinis na talaga siya at pinilit na namang abutin ang ulam. Ako naman, nilalayo ko lalo sa kaniya. “Nope. Wala ka rito.” “Ali!” “That’s my name,” sabi ko na kinainis niya pa lalo. “Hindi ko ibibigay ang pasalubong ko sa iyo,” pananakot niya sa akin. Napataas tuloy ang kilay ko dahil ako pa ang hinamon. “Okay lang. Bibili na lang ako,” nakangisi ko pang sabi. “Ali! Akin na kasi!” Halatang inis na inis na talaga siya at gusto ng umiyak. “Iyak ka muna.” Gusto ko talaga siyang umiyak tulad noon. Kung si Cleo ay madaldal at makulit talaga, ako minsan lang at kay Princess lang iyon. Sa akin lang kasi umiiyak ito habang kay Cleo ay palaban talaga siya. Hind ko alam bakit pero iyon ang nangyayari. Parang bully ang lagay ko, pero at the end of the day friends pa rin kami. “Tama na iyan. Matatagalan pa tayo mamaya.” Sumabat na si Cleo kaya napatingin kami sa kaniya. Busy pa rin siya kakakain. Halatang gutom ang duwende ko. “Pasalamat ko nandiyan ang Manang Cleo mo.” Tiningnan ako ng matalim ni Cleo pero wala namang epekto. “Ito na! Kumuha ka na roon ng pinggan.” Kumaripas naman agad si Princess na kumuha ng pinggan at para makakain. Tumayo na rin ako at naghugas ng kamay bago naupo sa upuan ko kanina. Pinaghanda na talaga ako ni Cleo ng pagkain kaya kumain na agad ako. Nagkamay lang ako dahil natakam ako sa litsong manok na binili ni Princess. Siguradong sa suki namin ito dahil ang paborito kong lasa ang malasahan ko. Ang sarap din ng sawsawan kaya napaparami ang kain ko. Hindi na ako nakipagkulitan pa kay Princess at kumain na lang ng kumain. Ganoon din siya na mukhang gusto talaga ang luto ko. May pa ‘I miss this’ pa nga siyang nalalaman, e. Kami ni Cleo ay kumain lang ng tahimik. Gutom talaga kami kaya kumain talaga kami. Nine thirty pm na nang matapos at nakapaghugas ng pinggan. Naisipan naming magpahinga sandali bago magbihis para sa maing lakad. Pinakita at sinabi ni Cleo ang balak niya mamaya sa akin. Sumang-ayon naman ang isa at mukhang excited pa. Napailing na lang ako sa binabalak nila lalo na’t wala rin akong laban kapag silang dalawa na ang nagsama. “Ayos na tayo para makarami pa tayo,” aya ni Princess na sinang-ayunan naman ng isa. Sumunod na lang ako sa kanila at ginawa ang kaya kong gawin. Make-up lang naman ang kailangan nilang gawin sa akin. Pinagtulungan nga nila ako at nilagyan ng make-up na nararapat suot ko. Tiwala naman ako sa kanila at sa huli ay nagbunga naman ng maayos. Nagustuhan ko ang ginawa nila at medyo mahirap akong makilala ng mga taong kakilala ko, lalo na ang mga estudyante ko. “Everything’s done?” tanong ni Cleo na tinitingnan ang dalamg maliit na bag. Sinisigurado niyang dala niya ang lahat at kasama na ang iilang gamit namin doon. “Yeah,” simpleng sagot ko na tumayo na rin. “Let’s party!” sigaw naman ni Princess na nauna pa sa paglabas ng kaniyang bahay. Ang lagay, ako pa ang nagsirado na akala mo ako ang may-ari ng bahay. Napailing na lang ako sa kaniya. Naglalakad kasi sa hallway na akala mo nasa stage pa rin at rumaramda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD