Chapter 3

2050 Words
ALICIA “Naku! Iba na talaga ang maganda!” Parinig ni Cleo sa akin nang makaupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. Alam kong narinig niya rin ang bulungan ng kaniyang mga estudyante kaya ito, nag-umpisa na naman siyang manukso. “Ano ba ang pinagsasabi mo?” Sanay naman na ako sa mga ganitong reaksiyon ng mga estudyante rito. Pero kakaiba ang epekto nitong kay Travis sa hindi ko malamang dahilan. All my life, I just wanted to study so I could teach children, and love was not one of the wants.  Tiningnan lang ako ni Cleo nang patagilid pero ang ngiti ay mapanukso. Alam ko na ang iniisip nito.  “Don’t worry! Kikilalanin ko iyang si Totoy. Malay mo, this time tumagal na kaliligaw itong totoy sa ‘yong manang ka.” Napairap na lang ako sa sinabi niya.  Noon pa man kasi, talagang kadalasan sa mga nanliligaw sa akin ay mas bata sa akin. Pero ni isa ay wala akong sinagot. Hinayaan ko silang ligawan ako pero sa huli ay hindi rin sila makatagal. They’re too impatient for the so-called relationship. Hindi laro ang hanap ko kundi pangmatagalan kung baka sakali man.  Nagpatuloy ang programa hanggang inabot kami ng pananghalian. Natigil muna ang programa upang bigyan ang lahat ng panahon para kumain. Dahil wala namang akong gagawin, sumabay na rin ako kay Cleo kasama pa ng iba pang mga guro.  “Linda, mukhang bago iyang bag natin, ah!” puna ng kasamahan ko sa isa pa naming kasama. Halos kaedad namin ni Cleo si Linda pero mas mayaman lang si Linda kaysa sa amin, lalo na sa akin.  Halatang bago nga ang bag nito noong tiningnan ko. Maganda siya para sa mga kabataan pero hindi para sa akin. Mas gustuhin ko pang magbitbit ng backpack kaysa mamahaling bag tapos kaunti lang ang mailalagay.  “Ito ba? Regalo lang ito ni Lawrence sa akin noong anniversary namin,” pakeme nitong sagot na sumulyap pa sa akin. Hindi ko alam pero parati siyang gan’yan kapag boyfriend niya na ang pinag-uusapan.  Alam ko namang wala akong lovelife, pero ni minsan ay hindi naman ako nainggit sa iba. Kaya balewala lang ito sa akin kahit ipangalandakan pa niya. Ang hindi ko lang makuha, bakit kailangan pang tumingin sa akin habang sinasabi iyon.  “Ang sweet naman! Sana gan’yan din ang asawa ko. Pero wala na, e. Kahit date wala na rin dahil tutok sa trabaho,” sabi ng isang guro na nasa kuwarenta na ang edad. Halos mga kasamahan namin ay may edad na at kaunti na lang ang bata pa.  “Ganoon po talaga dahil may inaalala na po kayo. Kaya nga po habang hindi pa kami kasal, sinusulit namin ang aming pagsasama,” pag-alo na may kasamang pagyayabang na turan ni Linda.  Hindi ako sumabat sa usapan nila kahit hindi ko gusto ang tono niya. Nakarating na rin kami sa canteen kaya mas pinili ko na lang na kumuha ng pagkain at para makakain. Nakaramdam ako ng gutom, kaya uunahin ko ang pagkain kaysa makisali sa usapan.  Kumuha na rin sila ng pagkain habang patuloy na nag-uusap. May bakanteng upuan na nakalaan para sa amin kaya doon kami naupo. Kasya naman kaming lahat kaya walang problema. Punong-puno ang buong lugar dahil karamihan sa kanila ay piniling dito kumain para makadalo kaagad sa programa at hindi mahuli. May kaingayan din sila na normal na lalo sa mga higher years. Makakapal na kasi ang mga mukha ng mga ito, kaya minsan ay harap-harapan pa kung magpasaring.  “Saan kayo nagpunta noong anniversary n’yo pala? Siguradong nagtravel na naman kayo!” Akala ko tapos na ang usapan nila, naudlot lang pala at may part two pa.  “Hindi naman talaga travel dahil hindi nakami lumayo. Dinala niya ako sa Tagaytay. We had our fun there,” malawak ang ngiti na sabi ni Linda na tumingin pa sa akin. Nagtatakang tumingin din ako sa kaniya pero ang kaniyang sagot ay irap.  “Huwag mo ng pansinin si Linda. Insecure lang iyan dahil palagi kang hinahanap ng kaniyang nobyo kapag dumadalaw rito. Ang ganda kasi ‘te!” bulong ni Cleo kaya napalingon ako.  “Ha? Bakit insecure? Saka, ‘di ko nga kilala ang nobyo niya.” Sumubo na lang ako ng pagkain kaysa problemahin pa iyon. Halos naman sila alam na mas mahal ko pa ang magturo kaysa sa ibang bagay, tapos pag-iisipan ako ng ganoon?  “Yeah. Kaya huwag mo na lang pansin. Doon ka na lang kay totoy pogi. Mukhang tinamaan talaga sa iyo, o.” Ngumuso pa ito sa ibang direksiyon kaya sinundan ko ito ng tingin.  Doon nakita ko si Travis na nakatingin sa mesa namin. Nang tumingin ako ay agad siya umiwas na akala mo nahuli ng pulis sa aktong pagnanakaw.  Hindi ko mapigilang huwag mapangiti. Ang cute lang kasi! “Woah! Si Miss Serious ngumiti? Ay, mukhang may madidiligan na rin sa wakas.” Agad akong nahiya sa pinagsasabi ng babaeng katabi ko kaya agad kong tinakpan ang kaniyang bibig. Lumingon pa ako sa kasama namin at mabuti na lang abala sila sa kuwento ni Linda. Nakahinga ako ng maluwag.  Malapit na nga akong maging lampas sa kalendaryo ngunit hindi ko pa natitikman ang luto ng Diyos na tinatawag nila. Kaya itong isa, mas sabik pa sa akin.  “Hinaan mo nga ang boses mo. At saka, ngumiti lang madidiligan agad? Ano iyon? Hinalikan lang nabuntis na?” Pambabara ko pa sa kaniya na kinatawa niya agad. Pero nang matapos ay agad niya akong sinundot sa tagiliran. Muntikan pa akong mabulunan sa ginawa niya.  “Subukan mo na lang. At least, naranasan mo. Masarap iyon at hahanap-hanapin mo!” Wala talagang filter bibig nito. Pero dahil isa siyang mapagkakatiwalaan na kaibigan, tanggap ko na ang ugali niyang ito.  “Yeah,” sagot ko na lang dahil ayaw ko ng makipaglaban. Ayaw ko na rin pahabain ang usapan at baka ang karanasan niya na naman ang kaniyang sasabihin.  Nanahimik na nga siya pero ang mga mata ay may mapanuksong tingin. Minsan ay sumusulyap pa ito sa kaniyang estudyante tapos balik na naman sa akin. Napailing na lang ako. Parang teenager ang tinutukso niya! Natapos kaming kumain na ganoon ang kaniyang ginawa. Pagkatapos ay pumasok kami sa faculty room upang mag-ayos.  Noong nag-aaral pa ako ay wala talaga akong hilig sa make-up, pero dahil sa trabaho ko ay natutunan ko na ring gumamit. Pero manipis lang ang nilalagay ko sa aking mukha dahil hindi naman kailangan ng marami upang lumabas ang ganda ko. Ayos na ako sa kaunting pagbabago.  Pagkatapos naming mag-ayos ay tumuloy ana agad kami sa auditorium. Nandoon na ang mga estudyante ko kaya natuwa naman ako sa kanila.  Naupo kami sandali at maya ay nag-umpisa na naman ang programa. Ngayon ay pinag-usapan ang pag-welcome sa freshmen. Ano ang mga patakaran at isama na rin ang dapat sundin at pagdaraanan nila.  Wala naman akong gagawin kaya naupo kang ako at nakinig na rin. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko ang mga estudyante ko, and so far, wala namang problema.  Hapon na noong natapos ang lahat kaya naman hindi na muna inumpisahan ang klase. Bukas na ang simula talaga ng klase. Ang natitirang oras ay maaaring gamitin ng mga estudyante sa pagkuha ng kanilang gamit kung hindi pa nila ito nakukuha. Ang paaralan na kasi ang nagpapagawa ng lahat at babayaran na lang nila ang mga ito. Kasama rito ang unipormi, aklat, at iba pa.  Wala akong gagawin dahil ang lahat ng mga ito ay may nakatala na mga tao. Maraming empleyado ang San Agustin College at malaki magpasahod dahil isa itong private school at kadalasan ay mayayaman ang nag-aaral.  Dito rin ay mayroong dorm para sa malalayo ang bahay. Hindi lang ito basta dorm dahil parang hotel ito kapag pinasok mo. Napasok ko na ang isa at ito iyong pinakamura, pero akala ko nasa isang mamahaling hotel na ako. Ang gara nila kung baga! Kahit ang mga kagamitan dito ay palaging bago at mamahalin. Halos karamihan ay sponsored or donated ng mga nakapagtapos dito rati. Halos lahat kasi ay may matataas na trabaho na at walang patapon sa kanila.  Ilang years na rin akong nagtuturo rito kaya mayroon na rin nakapagtapos sa tinuruan ko. Minsan ay dinadalaw rin nila ako rito at minsan ay may pa regalo pa. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa ibang bansa at ang iba sa ay sa liblib na lugar. Ang mga estudyante ko na nasa liblib ay iyong nagkakawanggawa. Sila ay mayayaman at gusto lang talagang tumulong sa kapwa.  Dahil sa tapos na rin ang programa, kinuha ko na lang ang gamit ko mula sa room. Doon ay inayos ko na rin ang kailangan ko bukas bago ako nagpasyang umalis. Sinigurado kong lock ang lahat bago ako umalis. Nadala na kasi ako nang minsan, dahil halos dinaanan ng bagyo ang silid sa sobrang kalat. Tapos nagkatapon-tapon pa ang materials na hinanda ko.  Naglakad na ako papuntang faculty, at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakasabay ko si Travis. May bitbit itong gamit at libro na mabigat.  “Good afternoon, Miss!” bati niya sa akin na sobrang lawak ng ngiti. Halatang nahirapan siya sa bigat ng libro pero nakaya niya pa ring ngumiti.  Ngayon ko lang napansin na hindi naman pala ganoon kalaki ang kaniyang katawan. Masasabi ngang totoy pa ito dahil parang ngayon lang nagbinata ang kaniyang itsura at katawan. O baka hindi lang siya mahilig mag-ehersisyo hindi katulad ng ibang nasa edad niya.  “Good afternoon din!” sagot ko na tumingin pa sa kaniya. Doon ko lang din napansin na mahaba pala ang kaniyang buhok, na hindi naman pinagbabawal sa eskwelahan maliban lang kung bawal sa kurso mo. Nakapusod ito na bumagay naman sa kaniya.  “Sa faculty po ba ang punta n’yo, Miss?” Pambubukas niya ng usapan habang naglalakad kami. Halatang nahiya pa siya base sa kaniyang boses na medyo may pautal.  “Yeah. Ikaw? Pinadala ba iyan ni Cleo?” Halata namang ang tamad na babaeng iyon ang may gawa nito.  “Opo. Nagpresenta na po ako noong madaanan ko po siya.” Napalingon ako sa paligid at mukhang kaunti na nga ang estudyante. Wala na ngang tutulong sa babaeng iyon, mabuti na lang napadaan si Travis.  “Salamat kung ganoon,” sabi ko na nginitian pa siya. Nakarating kami sa faculty room, at dahil mahirap sa kaniyang buksan ang pinto, ako na ang nagbukas nito at hinawakan ko pa. “Pasok ka na muna.”  May iilang guro na lang din ang natitira na siyang kaniyang binati. Binati ko rin sila bilang paggalang dahil nakatatanda sila sa akin.  “M-miss, saan po pala ang table ni Miss Cleo?” nahihiya niyang tanong. Hindi ko siya masisisi dahil bago lang siya rito habang si Cleo ay missing in action na siyang dapat magturo sa bata.  “Sumunod ka na lang sa akin. Nasa likuran ng table ko ang kaniya.” By table ang bawat guro rito pero ang maliit na kabinet ang siyang naghihiwalay sa bawat isa. May computer ang bawat isa upang madali ang paggawa ng grado at kung ano pa.  Ilang sandali pa ay narating namin ang ang table ko. Tinuro ko na lang sa kaniya kung nasaan ang kay Cleo.  Pumunta naman ito roon at inilapag ang mga gamit na dala. Nakasunod naman ang mga mata ko sa bawat galaw niya. Hindi ko alam pero ayaw mapuknat nito, lalo na noong napadako ito sa pagitan ng kaniyang hita.  Halos batukan ko ang aking sarili sa ginawa ko. Talaga bang kailangan ko na ng dilig katulad ng sabi ni Cleo?  Hindi ako mapakali sa tinatakbo ng isip ko. Siguradong baka saan na naman mapunta ang mata ko kung hindi pa ako aalis ngayon.  Agad akong nag-ayoa habang siya ay inaayos ang pinadala ni Cleo. Baka nautusan na rin itong ilagay sa kabinet niya ang mga ito.  “Miss, kailangan po ba ninyo ng tulong?” Nagulat ako noong agad siyang nagsalita. Agad akong umiling bilang tugon. “Sige po!” Halatang desmayado ang kaniyang boses, pero wala na akong magagawa roon.  “Sige. Mauna na ako. Ikaw na ang bahala riyan.” “Sige po!” Halos takbuhin ko pa labas ang silid na iyon. Nahihiya ako sa ginawa kong pagtingin sa kaniyang katawan.  “Ang t*nga, Alicia!” bulong ko sa aking sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD