Chapter 4

2135 Words
ALICIA After I went home, I took a shower. Talagang nagbabad ako upang mawala ang mga bagay na iniisip ko kanina. I am not a pervert, at ni minsan ay hindi ako nakaisip ng ganoong bagay. Pero kanina, gusto ko ng magpalamon sa lupa sa mga iniisip ko.  For the first time, I thought something inappropriate. While I was looking at Travis’ lower part, I thought how big he might be and how it feels if it enters me.  Ni sa ginagap ay hindi ko naisip na papasok sa utak ako ang ganoong bagay. Nakakapanibago at sadyang nakakahiya! Pagkatapos kong maligo ay kumain na rin ako. Ako lang mag-isa sa bahay ko pero hindi ako nakaramdam ng kahit ano, lalo na ang pagkaboryo. Mas gusto ko pa nga ang ganito kaysa maingay.  Pagkatapos kong kumain at maglinis ng kusina at buong bahay, ginawa ko na naman ang lesson plan ko para sa susunod na mga araw. Mayroon akong apat na klase bawat araw at dalawa doon ay umaabot ng dalawang oras. I am also an adviser, so if I have some time, I will have a study session.  Hatinggabi na ako noong natapos na ngayon lang nangyari. Dati ay alas diyes pa lang ay tapos ko na ang lahat pero ngayon ay natagalan ako dahil sa kakaisip kay Travis. Hindi ko siya matanggal sa aking isipan, na kahit sa pagtulog ay sinusundan pa ata ako sa nakakahiyang naisip ko.  Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog, pero medyo nahihilo pa ako pagkagising ko. Kahit ganoon, nag-ayos pa rin ako at pumasok sa paaralan. Sa likod pa rin ako dumaan para mas madali sa akin. I focused myself on teaching. I don’t have leisure time to think about Travis. But maybe, I can’t get rid of him that sudden.  Habang naglalakad ako papuntang faculty room pagkatapos ng buong araw na pagtuturo ay nakasalubong ko si Cleo. Mukhang tinutuo nga niya na kilalanin niya si Travis dahil kasama niya na naman ito at kinakausap, o mas magandang sabihin ay inuusisa. Hindi ako kalayuan sa kanila kaya rinig ko ang kanilang usapan habang sila ay hindi ako pansin dahil nasa likod ako. “May girlfriend ka ba ngayon, Travis?” walang hiya-hiyang tanong ni Cleo sa lalaki. Gusto kong pigilan si Cleo pero kahit ako ay curious din naman.  “Wala po,” magalang nitong sagot sa guro. Napataas ang kilay ko sa isiping wala itong nobya. Napakaimposible dahil magandang lalaki naman siya.  “Hindi nga? Halos napapalingon ang mga kababaehan sa pagdaan mo, tapos wala kang karelasyon?” Napapaghalata talagang mahilig si Cleo sa tsismis.  “Napapatingin lang po sila pero wala naman akong gusto sa kanila. Saka, noon pa man po ay wala po talaga akong nakarelasyon. Tutok po ako sa pag-aaral.” Tumango naman si Cleo na akala mo sang-ayon sa wala pa ito nakarelasyon.  “Kung ganoon, totoy ka pa nga. Naku! May kilala akong bagay sa iyo at para sabay kayong mag-” hindi niya na natapos pa ang kaniyang sasabihin kasi agad akong lumapit at tinakpan ang kaniyang bibig. Ayaw talaga nito paawat at parang gusto pa akong ibuking.  “Ano na naman ang dinadaldal mo, Dwende?” Palayaw ko sa kaniya ang tinawag ko para maiba na naman ang isip niya. Galit na galit kasi siya sa tawag ko na iyon.  Nagpumiglas siya sa hawak ko at pabalyang tinanggal ang aking kamay sa kaniyang bibig.  “Hoy, Higante! Huwag mo akong uumpisahan na naman!” Umuusok na naman ang kaniyang tainga kaya natawa na lang ako. Hindi naman siya mababa talaga pero talagang matangkad lang ako sa kaniya.  “Ang daldal, Cleo!” sabi ko at kinulikot pa ang tainga ko na akala mo nangati sa ingay niya. Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong nakatingin si Travis sa amin, partikular sa akin, na may ngiti sa labi.  “Good afternoon, Miss!” bati niya sa akin kaya hinarap ko na rin siya. Naalala ko na naman ang naisip ko kahapon, pero agad ko itong itinapon sa likod ng aking isip.  “Good afternoon din!” nakangiti kong sabi at agad ako umiwas ng tingin. Hoping that she won’t see my blushing face.  “Saan ang punta mo?” tanong ni Cleo sa akin. Nakahinga ako ng maluwag dahil iba na ang kaniyang sinabi. Ako ang nahihiya sa pinagsasabi niya kay Travis.  “Uuwi na pagkatapos kong mag-ayos. Bakit? May lakad ba tayo?” tanong ko pabalik na naglakad na ng maayos sa tabi niya. Ako sa kaniyang kaliwa habang si Travis sa kanan pero medyo nagpapahuli siya sa amin.  “Hindi pa naman ngayon pero baka next week. Nabasa ko ang message ni Princess na uuwi siya kaya siguradong manghihila na naman iyon sa bar.” Gusto kong magbuntonghininga dahil totoo iyon. Walang makakahindi sa babaeng iyon! Si Princess ay kaibigan namin noong college. Ibang kurso ang kinukuha niya noon pero naging malapit siya sa amin dahil sa isang project noon. She found friends in us, ika pa nga niya. Kaya noon, palagi kaming magkasama na tatlo pero mas sociable siya kaysa sa amin. Ngayon, isa na siyang sikat na model sa ibang bansa.  “Okay. Sabihan mo na lang ako kung kailan. Hindi ko pa nabubuksan ang cellphone ko kaya hindi ko alam kung nag-iwan ba siya ng mensahe.” Napatigil si Cleo kaya napatigil rin kami. Humarap siya sa akin at nakasalubong na naman ang kilay.  “Kailan ang huli mong binuksan ang cellphone mo, Manang?” Napangiwi ako sa huli niyang salita. Nakaramdam ako ng hiya dahil narinig iyon ni Travis, pero hindi iyon ang dapat kung isipin kundi itong babaeng handa na akong lapain.  “Kahapon binuksan ko naman siya. Kagabi lang at ngayon hindi dahil abala ako.” Abala ako kakaisip sa lalaking nasa likuran mo. Tinuya pa ako ng aking isip.  “Mamaya pag-uwi mo, buksan mo. Marami na raw message sa iyo si Princess pero hindi mo sinasagot.”  “Opo, Ma’am!” sagot ko na lang sa kaniya upang matigil na bago ako naunang maglakad. Ramdam ko namang sumunod sila sa akin.  Wala ng may nagsalita sa amin at bumabati na lang sa mga estudyanteng bumabati sa amin kapag may naraanan kami. Kahit wala akong mata sa likod, ramdam ko na may nakatitig sa akin. Kilala ko na ito kahit hindi ko lingunin. I just compose myself so I won’t give in.  Nang makarating na kami ay nauna sila ni Cleo pumasok. Ngayon, ako naman ang napatingin sa kaniya at agad akong umiwas. Nag-uumpisa na naman kasi akong mag-isip ng kakaiba sa isip ko.  Nagmadali akong nag-ayos bago umalis. Sumabay rin sa akin si Travis pero walang salitang namutawi sa bibig namin. Hindi ko rin alam kung ano ba ang pag-uusapan namin.  Papunta ako sa likod at sumunod naman siya. Gusto kong magtanong kung bakit siya rito dadaan nang nakarinig kami ng boses.  “Travis! Babe!” Napalingon kaming dalawa sa tumawag. Gustong mapataas ng kilay ko sa mukha ng babae. Hindi naman sa pagmamata, pero ito iyong babae na gusto laging maganda kaya ang kapal na ng makeup. Halatang mayaman naman siya kaya lang hindi niya ata naalagaan ang kaniyang mukha.  “Francine,” walang ganang sabi ni Travis. Nahulaan ko na agad na ayaw niya sa babae at dito siya sana dadaan upang makaiwas dito.  Naningkit talaga ang mata ko dahil ni batiin ay hindi niya nagawa. Pero makalingkis kay Travis wagas at halos itulak pa ako.  “Ahem!” Pagkuha ko ng pansin niya dahil medyo nasaktan ako ng kaniyang siko na kasing tulis ng kaniyang ilong.  “Oh my gosh!” maarte niyang sabi na tinakpan pa ang bibig. “Bakit ka na riyan? Umalis ka nga!” Akala ko magso-sorry siya ngunit iba pala ang sasabihin niya. “Francine, where’s your manner?" matigas na turan ni Travis. Halatang galit ito dahil nanlilisik ang tingin niya sa babae. Humarap siya sa akin, “I am sorry, Miss.”  “Why are you saying sorry? She’s just an employee here at ang sinasahod niya ay nagmula sa atin.” Nag-flip pa ito ng buhok na akala mo kinaganda niya. Parang walis naman sa tigas ng buhok niya.  “I maybe a teacher but I am still human that should be respected. Isa pa, kung ano man ang sinasahod namin ay dahil pinagtrabahuan naman namin iyon, Miss. How about you? Ang pera ba na sinasabi mo, galing sa sarili mong bulsa? Hope you won’t encounter someone more power than you.” Ayaw ko ng makipagtalo pa sa ganitong klase ng babae. Tumalikod na ako at iniwan sila.  I know Travis don’t like her at halatang nakikisama lang ang lalaki rito. Dahil siguro sa pera o dahil magkaibigan na sila rati. Hindi ko alam pero ayaw ko ng hilatsa ng kaniyang dila.  Maaari siyang magsumbong pero hindi ako takot. Kilala ko siya at ang pamilya niya. A nouveau riche na akala mo nakaapak na sa langit dahil mayaman na sila sa tingin nila. Habang ang pamilya ni Travis ay mula pa sa mga ninuno.  I maybe a teacher here, but the owner of this school was the one who approached me first. He’s also my sponsor when I was still studying. Hindi ko siya kilala at ang secretary niya lang ang kilala ko pero kahit ganoon, malapit ako sa kaniya. Palagi niya akong kinakausap through email, at kapag kausap ko siya ay parang kausap ko ang aking pamilya.  Alam kong hindi niya ako hahayaan na apakan ng ibang tao lalo na ng katulad ni Francine. Alam ko rin, kahit hindi magsalita si Travis ay ayaw niya rin ang sinabi ng dalaga.  Wala na akong pakialam na umuwi sa aking bahay. Nakaabang na si Kuya Joey paglabas ko kaya sumakay na ako at umuwi. Nakausap ko siya sandali at masaya naman ako dahil ayos naman ang lahat sa pamilya niya.  Medyo maaga akong nakauwi ngayon, kaya naisip kong diligan ang aking mga halaman. Kaunti lang naman sila na ayos na rin. Tama lang ang dami nilang upang pagandahin ang paligid at hindi lumabas na overcrowded.  Pagkatapos kong magdilig ay naglinis ako ng bahay. Nadaanan ko ang patay kong cellphone, kaya sinaksak ko na muna ito sa charger at iniwan doon. Nagpatuloy akong naglinis hanggang sa labas ng bahay.  Maliit lang ang bahay ko, bungalow style na mayroong isang silid. May maliit na porch tapos salas na agad pagpasok, tuloy na ito sa kusina at dining area. May dalawang comfort room, isa sa silid ko at ang isa ay sa labas. May maliit rin na storage room sa likod at may lanai kung gusto kong magtrabaho ng may hangin.  Nakapaloob ang bahay ko sa bakod pero medyo malayo sa bahay kaya malawak ang bermuda grass dito. Gusto ko ito dahil maaliwalas na siya para sa akin.  Pagkatapos kong maglinis at maglaba, nagluto na rin ako ng makakain. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya nagluto na ako. Habang hinihintay ko ang aking sinaing, naglinis na muna ako ng katawan.  Paglabas ko ng banyo, dinaanan ko na ang aking cellphone at laptop. Una kong binuksan ay ang laptop ko. May wifi naman ako kaya agad akong nakakonekta sa internet. Una kong binuksan ang email ko at hindi nga ako nagkamali dahil amy nag-message sa akin. Mula ito kay Mr. Ford at nangangamusta lang naman.  Timing naman na online siya kaya nag-usap kami sandali bago siya nag-offline dahil may video conference pa siya sa taga ibang bansa.  Sunod kong binuksan ay ang cellphone ko. Marami ngang iniwang mensahe si Princess pero karamihan doon, pinapapili ako ng lalaki.  “Saan sa kanila ang bet mo? Iuuwi ko para sa ‘yo. Ito na lang pasalubong ko, gusto mo ba?” sabi niya pa sa isa niyang mensahe na kinailing ko.  “No need. I don't like older men.” Nakangiti kong type pabalik. Gusto ko lang naman siyang kulitin. Kaya lang, pansin ko rin sa aking sarili na hindi ako mahilig sa may edad sa akin. Noon nga, may crush ako pero junior sa akin. Kaya nga palagi akong tinutukso ni Cleo na tirador ng mga totoy dahil mas nakikita ng mga mata ko ang mga bata. Hindi ko alam pero iyon talaga palagi ang nangyayari. Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Princess at nag-scroll ulit. Hanggang napatigil ako sa isang message. Hindi ko alam pero nakuha ako nito kahit quotes lang ito. Nabasa ko na ito rati pero iba pa rin ang dating nito sa akin.  “I used to think that ‘Love at first sight’ was some kind of urban myth— until you smiled at me.”  Napangiti ako no’ng mabasa ko ito tapos agad na pumasok sa isip ko ang nakangiting Travis.  Yeah, maybe you will believe into something when you really experiences it yourself! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD