Chapter 2

1442 Words
ALICIA “As what I had said, be responsible,” paalala ko sa kanila. Ang pagiging responsable ay kaakibat ang pagsunod sa mga utos at pagiging magalang. Naniniwala akong susundin nila ito dahil ang ganitong edad ay halos sumusunod pa sa guro. Nauna silang pumunta sa auditorium kung saan gaganapin ang Welcoming Ceremony habang ako naman ay sumunod lang sa kanila. Malayo-layo rin ang lalakarin kaya hindi madali para sa akin na may suot na dalawang pulgadang takong. Mabuti na nga lang at sementado ang daan kaya hindi ako mas nahirapan. Ang auditorium ay nasa gitna ng mga gusali kaya hindi ito malayo. Ngunit may iilan pa ring mga gusali na malalayo dahil kailangan nila ng malapad na lugar katulad ng Criminology, Aeronautics, Engineering, at iba pa. Sa bawat madadaanan ko ay binabati nila ako kaya ngumingiti ako bilang kapalit. Wala akong dala maliban sa ballpen at cellphone ko na nakalagay sa aking uniporme, skirt and blouse na kulay asul, kaya madali akong nakarating. Ngunit nang malapit na ako, agad akong napatigil dahil biglang may lumusot na estudyante sa kanan ko. “Oops!” Agap niya at agad na tumigil. “Sorry, Miss!” paghingi niya agad ng tawad. Lalaking estudyante at masasabi kong gwapo kaysa sa karaniwang estudyante rito. “It’s okay. But next time, always be careful because you might hurt someone else.” Babala ko sa kaniya pero ngumiti pa rin ako bago umalis. Hindi ko alam pero habang naglalakad ay ramdam ko pa rin na may nakatingin sa akin. Kaya lumingon ako upang makita kung sino ito. Doon ko nakita ang estudyanteng lalaki na nakatingin pa rin sa akin. Para itong napako roon sa hindi ko malamang dahilan. Hindi sa pagmamayabang na maganda ako dahil may kalahating banyaga ang dugo ko, pero palagi ko itong nasasasaksihan ngunit kakaiba siya dahil ang guwapo niya para magkagusto sa akin. Kapansin-pansin sa kaniya ang asul nitong mga mata na parang nilalangoy ka sa kailaliman ng dagat. Ngumiti na lang ako sa kaniya bago nagpatuloy na maglakad papasok ng auditorium. Nakita ko agad ang aking estudyante na nakaupo sa kanilang upuan. Maayos sila at nag-uusap ng mahina kaya napangiti ako. Masaya ako na sinusunod nila ang sinabi ko. Dumaan lang ako sa kanila at nginitian sila upang ipakita na they are doing a good job bago ako tumuloy sa gilid kung nasaan ang mga co-teacher ko. Mamaya ay ipapakilala kami isa-isa kaya rito kami sa gilid ng stage pinaupo. “Alicia!” halos tili ng kaibigan ko sa aking pangalan. “I miss you, Girl.” Hinalikan niya ako sa pisngi na agad ko namang tinugon. “I miss you too, Cleo. Kumusta ang bakasyon ninyo sa probinsya ng asawa mo?” tanong ko na naupo na rin sa tabi niya. Isang buwan din kaming hindi nagkita kaya nakaka-miss nga naman siya. Si Cleo Kim Lee ang sinasabi kong bestfriend ko na guro rin dito sa San Agustin College. Hindi lang kami nagkita nitong nakaraan dahil umuwi sila sa probinsiya ng kaniyang asawa upang makasama rin nila ang matandang magulang ng lalaki. “Ayos naman. Masaya sina Mama at Papa na pumunta kami sa kanila. Na-miss din nila ang mga bata kaya laki ng pasasalamat nila na dumalaw kami. Kahit papaano ay nakahinga rin ako sa ingay nitong lungsod.” “Mabuti naman at kahit sandali ay napasaya mo sila.” Tumango pa ako bilang pagsang-ayon sa huli niyang sinabi. “Ikaw? Nagpakasusob ka na naman sa pag-advance para sa lesson mo ano?” Hindi ako makasagot sa kaniyang tanong lalo na’t totoo naman ito. “Wala naman akong magawa kaya sa pagplano ng ituturo ko na lang ako tumutok. Alam mo namang hindi ako mahilig maglalabas.” Nakangiti ako habang sinasabi ko iyon upang hindi na siya magtatalak pa ng dahil sa pinanggagawa ko sa buhay. “Hay!” kaniyang buntonghininga. “May magagawa pa ba ako? Sige na nga lang.” Ngiting tagumpay na lang ako nang binitawan niya ang usapang iyon. Nag-usap na lang kami sa mga pinuntahan nila roon sa probinsya at mga masasayang tagpo nila. Medyo nakakainggit man pero sanay na rin ako palaging mag-isa lang. Tumigil na lang kami sa pag-uusap nang magsalita na ang emcee. Nakapasok na ang lahat, lalo na ang freshmen, kaya nag-umpisa na agad ang programa. Marami silang sinabi, mula Vision and Mission ng eskwelahan, tungkol sa mga programa rito, ang handbook na binibigay sa bawat isa, at nagsalita rin ang School Administration. Ilang sandali pa ay pinakilala na kami isa-isa. Halos lahat ay nakaakyat na at ako na lang ang nahuli. Palagi naman ganito at hindi ko alam ano ang trip nila. “Alam ko kanina pa ninyo hinihintay na makilala ang teacher na ito, lalo na ang nga freshmen. Ang ganda, ‘di ba?” Pagbibiro pa ng emcee, na teacher din dito. Natawa na lang ako at napailing habang paakyat. “Sige! Dahil excited na kayo, ipapakilala ko na siya sa inyo.” “She’s a teacher in the College of Teacher Education, teaching Mathematics and Science subjects. Sometimes, she substituted for some teachers if they were absent, especially in Business Class.” Kumindat pa ito sa mga business class na mukhang natuwa rin. “At the age of twenty-five, she already had her Doctorate Degree. She has been teaching here since she graduated. Ito iyong masasabi nating, beauty and brain. Alam ko, marami itong admirer but she really loves teaching so many of her admirer was rejected. I know some of you also captivated by her beauty, but mga manoy at totoy, graduate muna bago pursue si Ma’am.” Sa pagbibiro nito ay natawa na lang kami. Hindi ko alam kung pinapakilala niya ba ako o binubugaw. “Huwag na nating patagalin pa. Pinapakilala ko sa inyo ang pinakamagandang teacher dito sa San Agustin College,” lumingon muna ito sa ibang guro, “maganda rin kayo pero mas maganda talaga siya. Gusto ko na ngang maging straight, e,” biro pa niya na kinatawa namin lalo na noong pinatigas niya ang kaniyang boses. He’s gay and teaching PE. Bumaling ulit siya sa harap bago nga ako pinakilala. “Ang ating magandang guro na ito ay si Miss Alicia Apolinario.” Pumunta naman ako sa harap at ngumiti sa mga estudyante at kumaway. Dahil medyo makakapal na ang mukha ng higher year, naghiyawan ang mga ito na kinatawa na lang namin. “May sasabihin ka ba, Miss Beautiful?” Pinatigas na naman nito ang boses na sadyang nakakatawa. “Wala na. Sinabi mo naman na lahat.” “Sorry, Ma’am, excited lang. Pero ayon nga, kung nahihirapan kayo sa subject ninyo, always welcome si Miss Apolinario upang turuan kayo. ‘Di ba, Ma’am?” Nakita kong tumingin pa ito sa akin dahil magkatabi lang naman kami rito sa harap ng stage. “Yes, you are all welcome. Maliban na lang kung talagang abala ako dahil hindi ko kayo mahaharap. Kung pumunta kayo ay maggrupo kayo para isahan na lang.” Dagdag ko pa na kinatango ng Emcee. Umalis na ako sa harap at tumabi kay Cleo. Ito namang isa may pasundot-sundot sa tagiliran na nalalaman. “Mukhang maraming chocolate na naman akong maiuuwi nito sa valentine. Dami mo na namang natisod na mga totoy, e.” Natawa ako sa kaniyang tinuran dahil siya talaga ang umuuwi ng mga chocolate at ang bulaklak naman at mga sulat ay inuuwi ko. “Baliw ka talaga!" sabi ko lang dahil wala naman akong panama sa mga pang-aasar nito. Nagtawanan lang kami sandali bago nakinig sa sinasabi sa harap. Pagkatapos ay bumaba kami ulit upang maupo sa aming upuan. Nasa front row ang mga first year, kaya sa pagbaba ko ay napadaan ako sa aking estudyante. Nag-thumbs up ako sa kanila upang sabihing maayos nilang sinunod ang sabi ko. Dumaan rin kami sa Business Department, kung saan nagtuturo si Cleo. Sa pagdaan namin, doon ko nakita ang lalaking nakabunggo ko kanina at nakatingin ito sa akin. First year pa nga lang siya at mukhang estudyante pa ni Cleo. I just smiled and continued walking to my chair. Pero bago ako makarating sa upuan ko, narinig ko ang kanilang pag-uusap. Ramdam ko rin ang pagsunod ng mata nila, lalo na ng lalaking may asul na mga mata. “Hey, Travis! Nabihag ka rin ba sa ganda ni Miss?” Rinig kong panunukso nila sa lalaking may asul na mata. Napangiti na lang ako kasi nakita kong namula ito. Ang transparent niya. “So, Travis is his name,” sabi ko sa aking sarili. Naupo ako na may ngiti sa labi. Hindi ko alam pero, I like the sound of her name inside my head.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD