Chapter 1

1746 Words
ALICIA Panibagong bukas na naman ng klase at siguradong bago na namang estudyante.  May kahirapan ang maging isa guro, pero ito ang propesyon na gusto ko. Pinili ko ito dahil malapit ito sa puso ko. Dito ko na rin ibinubuhos ang lahat ng oras ko.  Mag-isa na lang ako sa buhay kaya ako ang gumagawa ng lahat. Mabuti na lang kahit papaano ay may naipundar na rin ako. Itong bahay ang kauna-unahan kong binili kasama ang lupa para may matirhan ako. Maliit lang siya pero tama lang para sa akin. Matiwasay rin ang paligid kaya gusto ko itong lugar ko.  Mabilis akong nag-ayos bago ako lumabas. Tamang-tama lang dahil dumating din ang inaarkilahan kong traysikel bilang serbis ko sa pagpasok.  “Good morning, Ma’am!” Nakangiting bati ng driver.  “Good morning din, Kuya Joey!” bati ko pabalik na may ngiti sa labi. Sumakay na ako sa traysikel at pinaandar naman ito ni Kuya. “Kumusta na po pala si Anna? High school na ba siya ngayon?”  “Ayos naman po. Opo, senior high school na siya ngayon sa awa ng Diyos.” Halata ang pagmamalaki nito sa kislap ng kaniyang mga mata.  “Mabuti po iyon, Kuya. Kung magkaproblema po kayo, huwag po kayo mahihiyang lumapit sa akin, lalo na kung kaya ko naman tumulong. Tutulungan ko po agad kayo.”  “Naku, Ma’am! Nakakahiya na po, marami na po kayong naitulong sa amin, e. Hangga’t kaya ko po gagawan ko na lang ng paraan ano man ang problema.” Alam kong nahihiya nga siya pero napalapit na rin silang mag-anak sa akin.  Nag-umpisa ito noong naiwan ko ang aking bag sa kaniyang traysikel at si Anna ang naghatid nito dahil abala raw ang kaniyang ama. May sakit kasi sa dugo ang bunso nila kaya naghahagilap ito ng pera.  Noong nalaman ko ito, nag-isip ako ng paraan para makatulong. Hindi naman kasya kung bibigyan ko lang sila ng kakaunting pera, kaya mas mainam na makahanap ako ng paraan para matulungan sila. Hiningi ko na lang ang kontakt number nila bago ako lumapit sa ahensya ng gobyerno na tumutulong sa katulad nila. May iilang NGO rin akong nilapitan na handang tumulong.  Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin. Naging malapit na rin sila sa akin kaya tinuring ko na silang hindi iba. Malapit lang ang bahay nila sa bahay ko kaya naman palaging pumupunta ang mga bata para magpaturo minsan at minsan tinutulungan ako sa paglinis ng bahay. Kahit ako lang mag-isa sa buhay, masaya naman ako dahil sa mga taong nakapalibot sa akin.  “Sa gate na malapit sa office na lang po ninyo ako ihatid, Kuya. Medyo mahirap maglakad kapag sa main gate pa,” sabi ko noong mapansin kong malapit na kami sa main gate ng San Agustin College, kung saan ako nagtuturo.  “Sige. Mukha ngang mabigat iyang nasa bag mo,” puna niya.  “Opo. Mga hinandang lesson ko po ito para sa isang semester. Ginawa ko na agad.”  “Ang sipag mo po talaga, Ma’am. Baka sa sobrang sipag ninyo, hindi na po kayo makakapag-asawa niyan.” Napatawa na lang ako sa panunukso niya. Malapit na nga ako lumagpas sa kalendaryo, bente-otso na kasi ako, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa naiisip ang mag-asawa.  “Kung darating po siya, darating po kahit ano na ang edad ko. Saka, mas gusto ko pong pagtuunan ng pansin ang pagtuturo.” Narinig ko siyang napabuntonghininga. Alam ko naman na nanghihinayang siya pero ito talaga ang gusto ko at hindi ang pag-aasawa.  “Kung iyan po ang gusto ninyo,” pagsuko niya.  Hindi na kami umimik hanggang narating namin ang gate sa tabi ng opisina. Medyo maliit ito dahil pantao lang talaga ito.  “Tulungan ko na po kayo,” presenta ni Kuya Joey.  “Sige po. Salamat po!” Ngumiti lang siya bilang tugon bago binuhat ang mga dala ko. May kabigatan nga ang bag dahil sa dami ng booklet na ginawa ko.  Pagkatapos niya akong maihatid ay umalis din agad siya. Habang ako ay nag-time in na bago lumabas upang makisali sa unang araw ng flag ceremony namin.  Isa lang ako sa mga guro rito at ibang guro ang nangunguna ngayong araw. Mamayang hapon ay may Welcoming Ceremony for the first year kami. Pero ngayong umaga, pagkatapos nito, bawat teacher ay kailangan munang i-orient ang bawat klase upang huwag magkagulo. So, I need to meet them first later.  After the flag ceremony and a little bit of announcement, all students proceeded to their respective classroom. Every building has a different college department and has five floors, first floor for experiment or other activities, second for first year, third for second year, fourth for third year, and the last floor is for fourth year. If the chosen course has more than four years, there’s a separate building for them. Also for masteral and doctorate have different buildings along with other facilities like gym, canteen, indoor court, etc.  Medyo malayo ang building minsan ng bawat isa kaya gumagamit ang iba ng cart, minsan naman ay may sarili silang sasakyan para pumunta kung saan nila gusto. Mabuti na lang at malapit ang building ko kaya hindi ganoon kalayo lakarin.  Bumalik muna ako sa opisina ko at binati rin ang madaanan. Wala na rito ang kaibigan kong guro rin pero sa College of Business and Accountancy naman siya nagtuturo. Naging kaibigan ko siya simula high school at hanggang ngayon na nagtuturo na kami. Hindi kami halos mapaghiwalay. Ang kaibahan lang, may asawa siya habang ako wala.  Iwinaksi ko na lang muna iyon sa aking isipan at nagpukos na lang muna sa mga estudyante ko. Unang araw ngayon kaya dapat magabayan ko sila umpisa pa lang.  Sandaling lakad lang at narating ko agad ang silid ko. Noon pa man ay ito na ang ginagamit ko at bawat taon hangga’t maaari ay binabago ko ang kulay nito. Napagawa ko na ito noong nakaraang linggo pa kaya maaliwalas na ang silid at nandito na lahat ng kailangan ko.  Hindi agad ako pumasok. Gusto kong marinig kung ano ang sasabihin nila, at hindi naman ako nabigo.  “Kilala ba ninyo kung sino ang magiging guro natin? ” Rinig kong tanong ng isa kong estudyante. Nandito pa ako sa labas kaya hindi pa ata nila napapansin ang pagdating ko.  “Sabi ng pinsan kong second year na ngayon, maganda at dalaga pa raw ang adviser natin,” sabat naman ng isa pang tao at boses lalaki ito.  Isa akong guro na nagtuturo sa College of Education. Ito ang propesyong pinili ko dahil ito ang gusto ko noon pa man. Simula pa lang noon sa bahay ampunan, ito na ang pinangarap ko dahil gusto kong matulad sa mga guro na pumupunta sa amin upang turuan at matuto kami. Sila rin ang gumawa ng paraan upang makapag-aral kaming lahat.  “Dahil ata sa kaniya bakit maraming lalaki ang nandito,” puna ng isang babae.  Ngumiti lamang ako dahil siguradong kakaunti na naman ang matitira sa kanila sa susunod na semester. Palagi namang ganoon dahil hindi naman talaga ito gusto ng mga lalaki at sadyang napunta lang dito dahil sa mga pinagsasabi ng mga dati kong estudyante. Isang malakas na tunog ng bell ang tumunog, hudyat na mag-uuumpisa na ang klase.  Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok. Nakangiti kong tiningnan ang bawat isa, at nababakas sa kanila ang pagkagulat pagkakita sa akin. Natural na ito na reaksyon ng mga estudyante ko.  “Good morning, class!” Bati kong nakangiti bago ko nilapag ang mga dala kong mga libro sa ibabaw ng mesa. “I am Alicia Apolinario, and I will be your adviser for this semester.” “Good morning, Miss Apolinario!” bati nilang lahat pabalik sa akin.  “Are you really sure about this course? Because if not, you can change now. Being a teacher is different for other professions because study here never stops. So, you should choose what you really want, not just what the others said to you. But for now, if you want to experience it, you are all welcome.” I smiled at them.  “First of all, sit properly, and always make sure you are neat, especially on your things. Boys should have a clean haircut while girls always be neatly tied. For girls, use makeup to make you presentable to look at. Then if you already have a uniform, wear it properly and don’t add anything, also use the proper shoes which girls should use one to two inches heels. As a teacher, you should be presentable in front of your student. First year is already the start of being a teacher.” Pag-uumpisa ko na kinatahimik nila at kinaayos ng upo. Paminsan-minsan ay sinasipat ang kanilang sarili at katabi upang sabihin kung ano ang mali.  “Also, you don’t have to worry about cleaning the room because there’s a janitor, so no reason why you can’t study after coming here. But also, be responsible. Do not litter.  Further instructions inside the classroom will follow, and this is only for the classroom, not for my lesson. Am I clear?” I looked at them while smiling. Pero kahit ata nakangiti ako tingin nila sa akin ang sungit ko dahil sabay-sabay silang sumagot ng ‘Yes, Miss!’ “For my lesson, I have different rules in every subject and activities. But for now, let me know each and everyone.” Inumpisahan ko silang kilalanin isa-isa. Doon din ay inumpisahan ko na ang patakaran ko kapag nasa klase na kami, pero karamihan ay tumatalakay ng pagiging responsable, respeto, at pagiging mabuting halimbawa sa lahat. Ngumingiti man ako, pero strikto ako sa usaping pag-aaral pero sa deadline, iniisip ko rin kung kaya ba ng estudyante ko hanggang sa itinakdang araw.  Kung maayos na makikiusap sa akin ang isang estudyante, agad ko naman itong pagbibigyan basta ayaw ko lang ng madaya at manloloko. Mabuti ako sa mabuti, fair rin ako magbigay ng grado kaya wala silang masasabi.  “So,” sasabihin ko na rin ang tungkol sa welcoming nila, “at one in the afternoon, everyone is obligated to attend the welcoming to all of you. You all should attend and listen to what they will say because they will explain what you need to know about this school. There is an assigned seat for our class so go there properly and I don’t want noisy students. Be responsible because you are all already an adult. Understood?” “Yes, Miss!” “Good!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD