ALICIA
“Hey, wake up, My Queen!” sabi ng isang boses at sinundan pa ito ng halik sa aking pisngi at labi.
“Hmm, stop it!” aking pagtutol. Ngunit mas naging mapusok ang kaniyang paghalik na napunta na sa aking leeg. “Ahhh!” Hindi ko na napigilang huwag mapaungol.
His hot and wet lips sucked my neck and it felt so good and made me hot too. Pakiramdam ko lalagnatin ako sa kaniyang halik, pero kakaibang lagnat ito.
“Ayaw mo pa ring magising?” tanong niya sa akin at pinaulanan ako ng halik. Natawa na lang ako dahil sa kiliti at dahan-dahang idinilat ang aking mga mata.
Hindi pa malinaw noong una pero nang makita ko na siya nang tuluyan, nagulat ako kung sino ang nasa aking harapan.
“T-travis? What are you doing here?” Nagulat talaga ako na siya ang nabungaran ko. Alam kong halata sa mukha ko na naging uneasy na ako pero siya ay malawak pa rin ang ngiti.
Hindi ko alam paano siya nakapasok sa bahay ko lalo na sa kuwarto ko. Alam ko sinirado ko lahat kaya hindi ko alam paano siya nakapasok. Hindi rin ako maaaring magkamali na kuwarto ko kung nasaan kami ngayon dahil sa mga gamit na narito at sa pagkakaayos.
“I am waking you up,” simple niyang sagot na agad na naman dumukwang at hinalikan ako sa labi. Nagulat pa ako pero huli na ang lahat. “Good morning!” masaya niyang bati.
“Good morning din?” Hindi ako sigurado kung ano ba dapat ang magiging reaksiyon ko kaya parang naging tanong ang labas ng sinabi ko.
“Hindi ka ba masaya na ako ang nakita mo sa umaga?” Agad akong napailing sa kaniyang sinabi. “What?”
“I mean, I am happy but I didn’t expect for you to be here early in the morning.” Really unexpected! Ang gwapo ng akyat-bahay ko.
“Sorry. I just want to surprise you.” He smiled and kissed me on the cheek. His kisses went into my lips and he licked it.
Napasinghap ako sa kaniyang ginawa kaya napabuka ang aking bibig. Doon ay kinuha ni Travis ang pagkakataon na ipasok ang kaniyang dila sa bibig ko. I don’t know how to kiss so I just stayed still.
Lumayo siya sa akin at tinitigan ako. May kakaiba akong nakikita sa mga titig niya, iba’t ibang emosyon pero mas nagingibabaw ang pagsuyo. Ngumiti siya akin na nagpabilis ng t***k ng puso ko.
“Close your eyes and follow your instinct.” Sinunod ko ang kaniyang sinabi.
Naramdaman ko ulit ang kaniyang mga labi sa aking labi, at ang nga kaniyang kamay sa aking pisngi. Kakaibang init ang hatid ng mga ito.
He asked for entrance again and I granted it for him. I opened my mouth and let the instinct get over. Pero dahil wala nga akong karanasan, sumasagi ang ngipin ko sa ngipin niya. Siya ay naging pasensyoso hanggang makuha ko ang tamang paghalik.
Sa sobrang focus ko sa paghalik, hindi ko man lang namalayan na ang kamay niya ay nasa loob na ng aking damit. Kahit malamig ang umaga, walang makakatalo sa init na dala ng kamay ni Travis. Kahit isang parte lang ang hawak niya, palagay ko napapaso na ang lahat ng balat ko.
“Travis,” habol ang hiningang tawag ko sa kaniya nang makawala ako sa halik. “What are you doing?” tanong ko pa. Nahihilo na ako at nawalan ng lakas kaya kahit anong tanggal ko sa kamay niya ay hindi ito matinag.
Hindi niya sinagot ang tanong ko, bagkus ay nagbigay siya ng mga salitang nagpatunaw sa aking pagtutol.
“I miss you!” Ramdam kong totoo ang kaniyang sinabi. Kaya naman, hindi na ako tumutol pa at ako na mismo ang naghila ng kaniyang ulo.
Naging mas mapusok at mapaghanap ang naging tagpo ng aming halikan. Walang gustong magpatalo pero sa huli ako rin ang talo lalo na noong inumpisahan niya ng hawakan ang bawat himaymay ng aking katawan. Napapasinghap na lang ako sa kakaibang kuryenteng dumadaloy sa laman ko.
I can’t wait any longer. Kaya napaupo ako at hinubad ang kaniyang pang-itaas. It was blurry but I can say na may laman ang kaniyang dibdib. Hinawakan ko ang kaniyang pantalon upang tanggalin ito. Napalunok ako sa antisipasyon.
Binaba ko ang kaniyang pantalon tapos tumingala ako para makita kung gaano nga ba kalaki. I want to see it for real. I am excited!
But…
Brrring… brrring…
Napadilat ako ng aking mata sa gulat. Pero mas nagulat ako sa aking mapanaginipan. Hindi ko na isip na hanggang sa panaginip ay magtataka pa rin ako kung ano ang tinatago ni Travis.
“F*ck!” mura ko habang hawak ang ulo ko na sumakit. Kulang na nga ako sa tulog tapos ito pa ang dumagdag.
Wala na akong oras para isipin pa ang lahat ng ito kaya agad na akong bumangon at naligo. May klase ako at medyo gagabihin mamaya dahil may dapat akong tapusin. Kailangan kong harapin ang trabaho ko kaysa sa kal*bugan ko na kung kailan malapit na akong lumampas sa kalendaryo, tapos doon pa lalabas ito.
Kailangan kong ihiwalay ang propesyon ko kaysa sa personal ko na buhay. Hindi ko dapat ito dalhin lalo na’t estudyante itong pinapantasyahan ko. Kailangan kong isaayos ang priority ko.
Pumasok pa rin ako sa paaralan even after that dream. Pero hangga't maaari ay iniiwasan ko si Travis. Hindi ko kayang makita siya sa ngayon at baka kung ano ang mangyari. That dream was still fresh in my mind.
Ngunit ang tuliro kong isip ay bumalik noong lumapit sa akin si Linda. Nagtataka akong nakatingin sa kaniya habang patuloy pa rin ang kaniyang pagputak. Hindi ko alam kailan nag-umpisa pero mukhang hindi na matatapos.
“Masaya ka na ba na nakasira ka ng relasyon? You’re a sl*t! Dapat lang sa iyo na iwan ng pamilya mo! Matalino ka nga, nakikikabit ka naman!” Marami pa siyang sinabi pero nalilito pa rin ako sa puno ng lahat ng ito. Ilan lang ang narinig ko pero medyo nahinuha ko naman ano ang nangyayari.
Pinagtitinginan na rin kami ng co-teacher namin. Mabuti na lang at sa faculty siya nagwala at hindi sa labas dahil mas nakakahiya iyon kahit sabihin pang wala akong kasalanan. Pero kapag kumalat sa labas ang ganitong kasinungalingan, sigurado g sa kaniya na galing.
Ang mga gurong kakampi niya ay nagbulungan na habang ang iba ay nagtataka rin, lalo na iyong napapansin na palagi akong umuuwi at wala namang ginagawang kakaiba. Nagtataka sila sa pinaparatang ni Linda sa akin dahil wala naman sa lahat ng iyon ang ugali ko. Kung sila ay nalilito, paano pa akong walang idea?
“Linda, please watch your manner. At ano ba ang pinagsasabi mo? Kabit ano nino? At kailan pa ako nagkaroon ng karelasyon? Saka, kahit pumunta pa tayo sa doktor, makikitang v*rgin pa ako. Paano ako naging sl*t?” Naging seryoso ang mukha ko ng maalala ko ang iba niya pang sinabi. “Huwag mong idadamay ang pamilya ko dahil wala nga akong alam sa dahilan bakit ako iniwan, ikaw pa kaya!”
“Pakipaliwanag nga Linda at bakit naging malandi at kabit ang bestfriend ko?” Sumabat na rin si Cleo na kakapasok lang ng silid. Sigurado naabutan niya rin ang putak ni Linda. Maliit man si Cleo, pero palaban ito lalo na kapag mahal niya ang nadadamay.
“What? Kakampihan mo ang kakatihan niyan? Sabahay, bugaw ka nga niya, ‘di ba?” Dinuro niya pa ako kaya iwinaksk ko ito. Naiinis na ako sa sinasabi niya kaya naibalibag ko ito nang may kalakasan pero hindi naman siya masasaktan.
“Umpisa pa lang wala na akong maintindihan sa paratang mo Linda dahil lahat ng sinasabi mo ay hindi ko ginawa. I am not guilty dahil kahit minsan ay hindi ako nakisali sa ganiyan. Saka, wala nga akong karelasyon tapos makikikabit pa ako? Isa pa, kung makati, edi hugasan. Bakit ko ipapakamot sa iba?” Tumayo na talaga ako sa inis ko rin. “May problema ka ba sa akin, Linda?”
“Yes! Napakalaki! Dahil sa iyo ay gusto akong iwan ni Lawrence!” sigaw niya. Kita kong nagtinginan na rin ang ibang mga guro, habang si Cleo ay tumawa ng malakas.
“Nakita mo bang lumalapit si Alicia sa boyfriend mong mongoloid? Ni minsan ay hindi iyan nakipaglapit sa lalaki. Kailangan ko pa nga iyan itulak kung maaari, eh. Tapos pararatangan mo?” Ngumisi pa si Cleo. “O baka insecure ka lang sa ganda ng kaibigan ko? Palagi bang bukangbibig ni Lawrence na maganda si Alicia? Naku! ‘Di na problema ni Alicia iyon. Magpaganda ka rin para ikaw palagi niyang tingnan. Huwag mong ibunton sa iba ang kakulangan mo sa relasyon ninyo!”
Umiwas na lang ng tingin ang ibang guro at nagpatuloy sa ginagawa. Napailing si Cleo lalo na noong hindi na makasagot si Linda. Ako naman ay nilampasan siya. Naubusan ako ng tubig sa kaniya.
Pero bago ako makalampas, tumigil ako sa gilid niya. Alam kong nanlilisik ang tingin ko pero wala akong pakialam dahil napahiya ako sa pinaratang niya.
“Sa susunod, ang boyfriend mo ang pagalitan at sigawan mo. Hindi ang taong walang kinalaman sa relasyon ninyo at nanahimik lang sa isang tabi. Ikaw lang mapapahiya sa huli dahil sa ginawa mo. Baka isipin ng iba, teacher ka pa naman tapos hindi ka magandang halimbawa sa mga kabataan.”