ALICIA
Malakas na musika at patay-sinding ilaw ang bumugad agad sa amin pagkalabas namin ng aming sasakyan. Rinig pati sa labas ang music pero kapag malayo na ay hindi naman gaano.
Dito kami nagpunta sa bar na madalas na dinarayo ng mga estudyante. College pa lang ay tamabayan na namin ito kaya hanggang ngayon ay rito pa rin dahil nakagawian na namin. Ang tagal na nito pero hindi pa rin nagigiba at hindi nawawalan ng tao kahit marami ng nagsulputan na high-end bar sa paligid.
Paiba-iba kasi ang tema ng bar na ito. Minsan ay nagiging comedy bar, minsan karaoke, may pa banda pa, at minsan ay disco lang talaga.
May dalawang palapag ito at ang ikalawang palapag ay may private area. Private mang sabihin, pero hindi ito close dahil ayaw ng may-ari na malalaman na lang niya na may iba ng ginagawa ang ibang estudyante.
For the owner, happy happy lang at walang kalokohan. Gusto niyang malinis ang kaniyang bar at hindi pugad ng mga hangal ang bituka. Kahit ang mga pulis ay gusto itong bar dahil malinis.
“Mga Ma’am, ang tagal nating hindi nakadalaw, ah?” bati agad ng bouncer noong makita kami. Suki na kasi kami kaya pati bouncer ay kilala kami.
“Hello, Kuya!” bati namin ng sabay-sabay kaya natawa na rin ang lalaki na may malaking katawan. College pa lang kami ay bouncer na siya at hanggang ngayon ay gaanoon pa rin. Sa pagkakaalam ko, nakapagtapos ang mga anak niya dahil sa trabaho niyang ito.
Marami amg pumipila, at karamihan ay estudyante dahil halatang totoy pa ang mga mukha. Halatang kasama ng iba ang kanilang jowa habang ang iba ay mukhang naghahanap pa.
“Pasok na po kayo mga Ma’am,” sabi niya bago binuksan ang harap.
Marami ang nagtaka bakit hindi na kami dumaan sa pila kaya nagpaliwanag pa ang bouncer. Suki kami rito at saka hindi naman kailangan ng identification card para malaman ang edad. Ag linya lang naman ay ginawa upang ma-check kung lahat ba ay nasa legal na edad na para uminom o minor pa rin sila.
Disco sila ngayon dahil sa gitna ay ang sikat nilang dj at ang mga customer ay panay ang indak sa gitna. Hindi naman kami mahilig sumayaw kaya nagpasya kaming umakyat upang mahanap ng bakanteng upuan. Hindi kasi gaanong maingay at masilaw ang itaas kaya roon ang aming puwesto palagi.
Nadaanan namin ang ibang waiter at panay bati sa amin. Ang iba ay halos magtili pa noong nakita si Princess pero pinigilan nila dahil alam nilang ayaw iyon ng tao. They’re professional in their job that’s why Princess love it here.
“Ano ang alak natin ngayon?” tanong ni Cleo noong makaupo na kami. Hindi talaga ako umiinom kaya hindi ko alam kung ano ang bago rito. Ang alam ko lang ay beer at wine, tapos wala na.
“Huwag lang matapang,” sabi ko na lang.
“Martini for me, and I am sure Alicia like the wine,” Princess suggested.
“Kailan ka pa nag-Martini, bruha?” tanong ni Cleo na namimili ng magiging pagkain namin, o nila.
“Noong nasa State ako. May nakilala ako and he introduced me to Martini. Ayos naman sa panlasa ko kaya okay rin.” Kuminitbalikat pa ito.
“Okay. Masubukan din kaya iyon na lang din ang akin.” Inulit ng waiter ang order namin at tumango naman ang dalawa. “Salamat!” Pahabol pa ni Cleo.
Hindi na ako sumabat at tumingin na lang sa baba. Tamang-tama dahil ang nakuha naming upuan ay malapit sa salamin at kitang-kita ang nangyayari sa ibaba.
Halos karamihan sa kanila ay lasing na pero nagsasayawan pa rin. Halata namang nag-e-enjoy sila sa kanilang ginagawa, and so far ay wala naman akong nakitang malalaswang eksena.
“So, sino ang lalaking etech na nagturo sa iyo tungkol sa Martini?” paghahalungkat ni Cleo kay Princess kaya napalingon na rin ako para mang-usyuso.
“Isa sa nakatrabaho ko roon. Hindi talaga siya model at napilit lang ng ate na maging model para sa company nila. Ayon, naging close kami for one night tapos nawala na lang siyang parang bula.” Parang wala lang iyon kay Princess dahil palagi naman ganoon ang nangyayari sa kaniya.
May makikilala siya tapos akala mo okay tapos sa huli ay iiwan din siya. Liberated siya pero ni minsan ay hindi siya namin hinusgahan. Wala naman kasi siyang inaapakang tao at mostly ay one night stand lang. Kung magkakanobyo siya, hindi rin nagtatagal dahil sa sobrang busy niya.
“Ano na naman kaya ang sunod na alak?” nakangising sabi ni Cleo. Dahil sa ginawa, hinampas siya ni Princess na kinatawa na lang niya.
“Huwag ka nga!” Ngumuso pa ito bago ngumisi. “Pero baka alak na pang ibang bansa na.” Nagtawanan pa ang dalawa na kinailing ko.
Dumating na rin ang alak namin kaya ako na ang nagtanggap habang sila ay nagdaldalan. Puro mga boys ang usapan at ako ay hinanda na lang ang mga gagamitin namin.
“Thank you!” nakangiti kong sabi sa waiter.
“You’re welcome, Miss. Tawagin na lang po ninyo ako kung may kailangan pa po kayo.” Ngumiti rin ito sa akin na natural naman ata sa mga waiter dito.
“Okay,” sabi ko na lang. Umalis na rin siya upang pumunta sa iba pang customer.
Ang dalawa ay nag-umpisa ng uminom kaya sumabay na rin ako. Wine ang akin at ang kanila ay iyong in-order nila.
Nagpatuloy sila sa pag-uusap at paminsan-minsan ay sumasabat din ako sa usapan nila. Pero napatahimik ako nang ako na ang ginawang pulutan ni Cleo.
“Alam mo, mukhang makakatikim na rin ang bestfriend natin ng luto ng Diyos.” Nakangisi pa si Cleo na tumingin sa akin.
“Really? Who’s the lucky guy?” Nangingislap ang mata ni Princess noong tingnan ko siya. Uhaw rin ito sa tsismis, e.
“Hindi mo siya kilala pero estudyante ko.”
“What? You mean mas bata pa sa atin? Ano ang alam no’n at baka hindi pa matuwa ang kaibigan natin at hindi na umulit. Alam mo naman, ang first time dapat ay iyong hindi makakalimutan upang balik-balikan.” Napairap ako sa sinabi ni Princess.
“Okay lang iyon. At least first time nilang dalawa.” Napailing na lang ako at hindi nagsalita. Ininom ko na rin ang nasa baso ko upang pagtakpan ang pamumula ko. Mabuti na lang medyo madilim sa kinauupuan namin kaya hindi ako matutukso ng dalawa.
Alam ko namang si Travis ang tinutukoy ni Cleo dahil ito lang naman ang tinutukso niya sa akin. Noon ay tinukso niya rin ako sa iba lalo na sa manliligaw ko, pero sa huli ay tumigil din siya kasi alam niyang hindi naman magtatagal. Pero iba ngayon kay Travis dahil nadamay na ang pakikipagniig.
Ang dami pang panunukso ni Cleo kaya tumayo na ako. Gusto ko lang umiwas sandali. Dahil sa kakausap nila tungkol sa binata, mas lalo akong natutukso kaya iiwas na muna ako.
“Oh, saan ang punta mo?” puna ni Cleo na uminom pa ng alak.
“Banyo lang ako,” sabi ko at hindi na hinintay ang sagot nila na umalis.
Maraming tao ang naririto at nagkakatuwaan ang bawat isa. Karamihan nga ay mga kabataan na gusto rin magsaya. So far, wala naman akong nakitang estudyante na kilala ko at nakakakilala sa akin.
Pumasok ako sa banyo at ginawa ang pakay ko. Medyo nahilo na rin ako sa sunod-sunod kong pag-inom dahil ako ang usapan nila. I was tense the whole time na hindi ko mawari bakit.
Naghilamos na rin ako upang mahimasmasan. Hindi ko na pala nabilang ilang baso ang nainom ko dahil sa usapan nila. Gusto kong pukpukan ang sarili sa katangahan ko.
Alam kong hindi nila ako pababayaan, kung hindi sila lasing. Kadalasan kasi ay ako ang tagahatid sa kanila pagkatapos uminom. Pero ngayong nalasing na rin ako, no choice na ako kundi tawagan ang asawa ni Cleo.
Lumabas ako ng banyo at tumuloy sa counter kung nasaan ang bartender kilala namin. Kaibigan siya ng asawa ni Cleo kaya siguradong may cellphone number siya nito.
“Good evening, Ma’am. Ano po ang atin?” nakangiti nitong bati. Tinukod niya ang dalawang kamay sa counter at nakatutok lang sa akin ang pansin.
Matagal na siyang nagpaparamdam sa akin pero ni minsan ay hindi ko binigyan ng pansin. Hindi dahil sa hindi ko siya type o hindi siya masipag. Isa siya sa may-ari nitong bar tapos bartender pa kaya may pera. Hindi iyon ang problema kundi may asawa na siya at anak. Hindi ako maninira ng relasyon kaya hindi ko siya pinatulan.
“Puwede bang pakitawagan ang asawa ni Cleo? Pasundo mo na ang dalawa.” Tiningnan nito ako at nakuha niya agad ang dahilan kung bakit.
“Gusto mo bang ihatid na kita?” Offer niya pa sa akin habang kinukuha ang cellphone.
“No need. Kukuha na lang ako ng cab.” Tinapik ko muna ang counter bilang pamamaalam bago umalis.
Umakyat ulit ako at tama nga ang hula ko, tumba ang dalawa. Nakadukdok sila sa mesa pero si Princess ay dilat pa naman habang si Cleo ay tulog na talaga.
Kinuha ko ang bag ko bago tinawag ang waiter. Binayaran ko ang aming order tapos naghabilin na huwag pabayaan ang dalawa. Alam ko na dapat ay sumabay na ako aa dalawa, pero ayaw kong maging pabigat sa asawa ni Cleo. Out of the way na kasi ang bahay ko kaysa sa bahay nila. Ang asawa na rin niya ang bahala sa sasakyan.
Alam kong mapapit na iyon dito kaya maisipan kong umalis na rin. Balak ko dumaan sa coffee shop bago umuwi para mahimasmasan sandali.
Sa paglabas ko ng bar, sa hindi kalayuan ay nakita ko ang coffee shop na noon pa man ay nakatayo na roon. Kasabayan ito ng bar kaya matagal na rin ito.
Tumawid lang ako ng daan at narating ko na ang coffee shop. Walang pinagbago ang lugar, maliban sa pintura nito na binabago taon-taon. Saka hindi na lang kape ang binibenta nila dahil mayroon na ring juice at saka snacks.
Pagkapasok ko, nakangiting barista agad ang bumugad sa akin. Kailangan mong pumila para makuha ang order mo, pero mabuti na lang at walang iba rito kaya barista agad ang nakita ko.
“Good evening, Ma’am! Ano po ang atin?” nakangiting tanong nito sa akin.
“Espresso but can you add a half teaspoon of sugar and in short.” Sinabi ko na lahat upang hindi na ako tanungin pa ng barista. Hindi ako mahilig sa may creamer kaya iyon ang in-order ko.
Inulit pa niya at nang masigurado na niya ay nagbayad ako at hinintay ang order ko. Balak kong ubusin muna ito bago umuwi para mahimasmasan pa ako.
Pagkakuha ko ay naupo ako sa isang sulok at ininom ang mainit na kape. Sa unang inom ko pa lang ay palagay ko guminhawa kaagad ang aking pakiramdam. Unti-unti ko itong ininom at minsan ay tumitingin sa paligid.
Hindi lang nawala ang kalasingan ko, kundi nakaramdam din ako ng init dulot ng mainit na kape. Masarap din kasi ang kape nila rito kaya gustong-gusto ko. Nakakawala ng lamig na dulot ng gabi.
Pero habang ini-enjoy ko ang aking kape, bigla na lang may naupo sa upuang nasa harap ko.
“Hindi nga ako nagkamali na ikaw ang nakita kong lumabas sa bar kanina at pumunta rito. Kahit naglagay ka man ng make-up, makikilala pa rin kita.”
Nagulat ako sa kaniyang pagsulpot pero hindi ko iyon pinahalata. Ang lawak pa ng kaniyang pagkakangiti na akala mo magkaibigan kami na matagal ng hindi nagkita.
Hindi naman ako mapagtanim ng sama ng loob. Ayaw ko lang talaga makipagkaibigan sa taong trinaidor ako.
“Leo,” walang ganang bigkas ko ng kaniyang pangalan. Mas lumawak ang pagkakangiti nito dahil sa ginawa ko.
“I thought you forgot about me.” Mukhang masaya nga siya, kaya gusto tumaas ng kilay ko.
“So?” I really don’t care about him.
“I just want to greet you. Mas lalo kang gumanda, Alicia. I regret not waiting for your answer.” He looks down but I can see his sad smile.
Si Leo ay nakilala ko rin sa bar. Mas bata siya sa akin ng apat na taon. Third year college na siya habang ako ay tinatapos ang doctorate ko. Sa sobrang busy namin, lalo na ako, nawalan ng time kaya naghanap siya sa malapit. Hindi naging kami pero balak ko na sana siyang sagutin noon kapag nakapagtapos na ako ng doctorate. Isang buwan na lang sana pero nauna ang init ng katawan niya.
Pogi rin naman siya at may kaya rin sa buhay. Hindi man siya nag-aaral sa San Agustin, pribado rin ang eskwelahan niya. Okay na sana kami pero iyon lang, lumabas din ang ugali.
“Tapos na iyon,” sabi ko at ininom ang huling kape, “at hindi na puwedeng balikan.” Pagkatapos kong sabihin ang dugtong ay tumayo na ako.
Kanina pa ako nagpa-book ng cab. At ayon sa oras na sinabi, paparating na ito sa sinabi kong hihintayin ko siya. Hindi nga ako nagkamali dahil sa paglabas ko, pumarada agad ang isang cab.
Nang makasakay na ako, tumingin ako sa labas. I am not happy seeing Leo at all. Wala naman akong naramdaman sa kaniya but I am not fan of betrayal.
Napahinga na lang ako ng malalim.
Pero agad akong napatigil ng magawi ang mata ko sa isang banda. May nakita ako at sa pagkisap ko, bigla na lang siyang nawala.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nakita ko talaga si Travis at nakatingin ito sa akin.