ALICIA
“Saan ka nagpunta noong gabing uminom tayo? Hindi ka raw hinatid ng tambay at hindi ka na rin daw naabutan. Saan ka nagpunta?” tanong agad ni Cleo sa akin pagkakita niya sa akin. Wala man lang hi o hello, tanong agad!
Lunes na naman at may pasok, pero itong babae ay iyon agad ang tinanong sa akin. Paano ba naman, while they were having fun, tinakasan ko na naman sila katulad ng pagtakas ko noon. Hindi kasi ako makatagal sa maingay na lugar kaya umuuwi talaga ako maliban sa lasing na talaga ako.
“I went home,” simple kong sagot habang inaayos ang mesa ko. May alikabok kasi kaya nagpunas muna ako bago inayos ng pagkasunod-sunod ang librong kailangan ko. Hindi ko na binanggit si Leo at baka mag-alburuto na naman ang bulkang Cleo.
“Kill joy ka talaga ano? Kailan ka ba magbabago?” Pumalatak pa ito bago naupo sa sariling upuan. Naglinis din ito roon at nilapag ang ilang dala.
“Never!” simple kong sagot na kinairap niya.
“Tatandang dalaga ka niyan sa pinaggagawa mo.” May kasama pa itong pananakot pero kinibitbalikat ko na lang.
“Okay lang.” Ramdam kong sumama ang titig ni Cleo sa akin pero ako ay ngumiti lang bilang pang-asar.
“Mauuna ata akong magmumukhang matanda sa iyo.”
“Nangyayari na nga, e. Lumalabas na ang wrinkles mo.” Dagdag ko pa kaya biglang napaupo ng maayos si Cleo at kinuha ang salamin. Pinagmasdan ang sariling mukha pero nang makuha niyang nabibiro lang ako, pinanghahampas na agad ako. Sa huli natawa na lang kami.
“Huwag kang magbibiro ng ganiyan. Alam mo naman kung gaano kamahal ng asawa ko ang mukhang ito.” Napailing na lang ako sa sinabi niya. Siya lang ang nagyayabang na maganda siya kaya siya pinakasalan ng asawa.
“Yeah, right.” Tiningnan ko pa siya ng patagilid bago ko binuhat ang libro na kailangan ko sa aking klase. “Mauna na ako.” I wave my hand before I left her.
Wala namang naging problema sa klase ko kaya tuloy-tuloy lang. Pero natigil ito nang pinatawag kami sa conference room para sa meeting. Malapit na kasi ang University Festival na nagaganap tuwing unang linggo ng pangalawang buwan simula noong nagbukas ang klase. Isang linggo itong aktibidad at lahat ay kailangang lumahok.
After lunch ang meeting kaya karamihan sa mga kasama ko ay nag-a-apply ng make-up ulit at nagpapabango pa. Habang ako ay nagsuklay lang at inayos ang unipormi. Dinala ko lang ang ballpen, cellphone, at wallet ko. I have a great memory kaya hindi na ako nagdala ng iba pang gamit sa meeting namin.
“Tara na!” aya ni Cleo sa akin nang matapos na siya. Naupo lang naman kasi ako sa upuan ko pagkatapos kong mag-ayos upang hintayin siya. Ayaw ko namang mauna at ano pa ang isipin nila.
Sa itaas lang naman ng building namin ang conference room. Nasa iisang palapag lang ito kasama ng Office of the Dean at ng may-ari ng eskwelahan. Kahit hindi pumupunta ang may-ari, may opisina pa rin siya rito bilang paggalang na rin.
Iba ay nag-elevator habang kami ay naghagdan. Nakasabay namin si Linda na panay ang sama ng tingin sa akin na may kasamang pag-irap, na siyang kinakunot na lang ng noo ko. Kailan kaya siya matatapos kakairap sa akin at maliwanagan sa pinaparatang niya?
Hinila ako ni Cleo paakyat nang makita niya ang tingin na ito ni Linda. Inirapan niya rin ito na kinangiti ko. Parang may guwardiya sibil akong handa akong ipagtanggol sa kung sino man.
Nang makarating kami ay naabutan naming nandoon na ang secretary ng Dean. Inaayos nito ang kailangan materyales mamaya at binibigyan din kami ng mga papel. Ito ay kung ano ang pag-uusapan sa meeting na ito.
Sa bandang dulo kami naupo ni Cleo at pinasadahan ang papel binigay sa amin. Mga programa ito noong nakaraang taon. Ito ata ang magiging basehan.
Ilang sandali pa ay dumating na rin ang iba pang mga guro at ang Dean. Nagdalangin muna kami bago siya nag-umpisang magsalita tungkol sa meeting. Ang Dean ang una kaya nakinig naman kami.
“Now, ang sekretarya ko ang magpapaliwanag ng lahat,” sabi ni Dean bago naupo sa upuang nasa gilid. Makikinig din naman siya at magbibigay ng opinyon kapag kailangan.
“Like the previous event, the owner won’t be coming. So, the Dean will do the speech for the opening. On the first day last year we directly opened the games per department. What do you think we will do now?” she asked and was ready to write down any suggestions.
“I have a suggestion. How about we make a play and our theme will be ancient. It will be too different from our previous event, like we were in a province celebrating their festival.” Si Linda ang unang magsalita at ang kaniyang tinutukoy ay ang dati naming ginawa. Kumuha kami ng rides and some attraction na pumatok naman noon sa mga pamilya ng estudyante namin.
Naisip ko agad na magastos ito at siguradong ang mga classy lang na estudyante ang masisiyahan dito. Kahit si Cleo at ang ibang guro sa tabi namin ay umiling dito. Grabe ang pagtutol nila rito lalo na’t ang kadalasamg damit ng sinaunang babae ay hindi na kagalang-galang sa mga mata bg matatanda ngayon.
“How about we do an art exhibit?” sabi ng guro na nasa kabilang banda ng mesa.
“Only courses related to art can join that activity. How about a variety show?” Medyo may edad na siya na babae na ang tinuturo ay PE na subject.
“We can have our representative with that.” Agreed by one of the teachers in Engineering Department.
“How about our games and pageant? Isasali pa rin ba iyon?” tanong ng sekretarya na siyang tumatayong spoke person na rin ng Dean dahil tumango ito.
“I suggest na ituloy pa rin ang palaro at pageant, and also the night party for students on the end of event. Tapos, bakit hindi na lang tayo gumawa ng booth bawat department na dapat nakaayon kung anong kurso sila? Makikita natin ang creativity ng bawat department by this way.” Almost all of us agreed with this dahil maganda naman talaga ang napili niya. Maipapakita ng mga estudyante ang kaya nilang gawin.
Tinaas ni Cleo ang kaniyang kamay kaya napatingin ako sa kaniya. Suminyas ang sekretarya na puwede siyang magsalita.
“Paano kung ang iyang variety show ay gawin na rin natin? Puwede ito sa hapon bago ang pageant para naman may mapanood pa sila maliban sa awarding natin.” Sa sinabi niya ay nagka-idea ako kung ano ang gagawin.
Tinaas ko rin ang kamay ko kaya tumingin sila sa akin. Napadaku ang mata ko kay Linda at nakataas ang kilay nito sa akin. Sa mga mata n’ya ay para lang akong alikabok.
“I agree with Miss Lee. At dahil nalalapit na rin ang outreach program natin, bakit hindi natin gawing may ticket ang variety show? Kahit itong mga booth ay may donation box para sa gustong magbigay at tumulong. Hindi naman sa hindi natin afford ang outreach program, pero mas mainam na may pandagdag pa tayo sa nandoon na.” Napatango ang may edad ng mga guro sa sinabi ko.
Bawat taon ay tumutulong kami sa kapus-palad. Iba-ibang lugar bawat seksiyon kaya marami talagang naaabutan ng tulong. Minsan ang iba ay nagsasama-sama para mas malaking group ang mabigyan habang ang iba ay iilang pamilya lang.
“I agree with Miss Apolinario,” sabi na rin ng Dean. Napatango na rin ang may edad na dahil gusto talaga nila ang idea. May katuwaan na, makakatulong pa sila.
“Okay. May maidadagdag pa ba kayo?” Wala ng sumagot sa tanong ng sekretarya kaya inisa-isa niya ng sabihin ang gagawin.
Doon na naman nag-umpisa ulit ang debate. Kung anong laro ang uunahin at paano pagkakasyahin ang mga araw.
On the first day, sisimulan ang seremonya tapos sa hapon ay palaro na agad. Nag-assign na rin ng teacher na gaganap bilang watcher sa bawat laro. It is to avoid any discrepancy. Kasama rito ang pagbukas ng booth na napili ng mga estudyante. Sila na ang bahala kung ano pero dapat pa ring idaan sa Student Council, sa guro, at sa Dean.
On the second day, the game will resume in the morning and no activity at night so the students can rest for another day.
Sa ikatatlong araw, sa umaga ay ganoon pa rin. Napakarami kasing mga palaro kaya dapat matapos ito sa loob ng apat na araw. Sa gabi ay singing and dance contest naman ng every department. Kahit ilan ang kalahok ay ayos lang basta hindi aabutin ng sobrang gabi ang programa.
Sa ikaapat na araw, dapat lahat ng palaro ay finals na o maaaring tapos na. Halos magsasabay-sabay ang lahat, kaya kung maaari ay isang laro lang ang salihan ng bawat estudyante. Sa gabi nang araw na na ito, mayroon free concert mula sa iba’t ibang personalidad sa entertainment world.
Sa ikalima at panghuli, sa umaga ay ang awarding na susundan ng variety show. There will be ticket na talagang afford naman ng lahat. Sa gabi naman ay ang pageant at sa pagtatapos nito ay magaganap ang party na aabot kahit sa umaga. Students will just put up their tent on the vast playground para may pahingahan sila bago umuwi sa umaga.
All was planned pero gagawan pa rin ito ng concrete plan na nakasulat sa papel bago ipasa sa may-ari ng eskwelahan. Kung next week ay approve na, agad na magpaplano na ang guro at bawat department. Budget will also follow. Walang ilalabas na pera ang mga estudyante maliban kung mag-donate siya. Talent lang talaga ang kailangan para maging matagumpay ito.
Ganoon lang naman pinag-usapan namin bago kami nakalabas. Pero hindi pala namin napansin na hapon na at uwian na ng iba, lalo na kami ni Cleo. Sa dami ng hindi pagkakaintindi kanina, nagtagal na pala kami sa loob.
“Alicia, punta ka ng bahay? Birthday ngayon ni Junior, e.” Nang sinabi ito ni Cleo, doon ko lang din naalala na birthday nga ng inaanak ko. Hindi ko man lang ito nabilhan ng regalo.
“Naku nakalimutan ko! Pasensiya ka na at susunod na lang ako,” sabi ko na agad inayos ang gamit ko. Maaga pa naman kaya maaari pa akong bumili ng regalo para sa bata.
Apat na taon na ang anak ni Cleo na pangalawa, at ito ang junior ng kaniyang asawa. Ang panganay ay lalaki rin na nasa anim na taong gulang naman, at ang bunso ay babae na dalawang taon pa lang. Ninang ako ng pangalawa at bunso habang ang panganay ay si Princess ang ninang.
Agad akong umuwi at nagpalit ng damit. Palabas na sana ako ng bahay nang maalala ko ang iniwan na motor dito ni Princess. Mahilig kasi iyon sa sasakyan at motor, kaya noong minsan ay naiwan dito ang isa. Marunong akong mag-motor pero hindi ko ito ginagamit dahil ang pangit din tingnan sa akin na papasok sa eskwelahan.
Tiningnan ko ang motor at wala na nga itong lamang gasolina at hindi ko alam kung umaandar ba ito. Agad akong tumawag kay Kuya Joey na nasa malapit lang pala.
Bilang trisikel driver, may alam siya sa mga motor. Nilagyan niya ito ng gas at ilang sandali lang ang hinintay bago niya ito pinaandar. Salamat naman at marunong siyang makisabay.
“Salamat at pasensiya na po sa abala, Kuya.” Inabutan ko siyang pera para sa gasolina at mag-ukopa ng kaniyang oras.
“Ang laki naman nito, Ma’am.” Nanlaki pa ang kaniyang mata nang makita ito. Hindi ko alam magkano ang bili niya sa gas kaya tinantiya ko na lang. Isang libo lang naman ito, pero alam kong malaki na ito para kay kuya. Kahit sa akin ay malaki na nga rin ito, pero mag-isa lang naman ako kaya hindi ko masyado kailangan ng pera.
“Bili na lang po ninyo ng meryenda at ulam sa gabi.” Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at agad akong pumasok sa loob ng bahay para makuha ang dadalhin ko. Ni-lock ko na rin ang bahay para sigurado ako.
Dala ang backpack ko ay sumakay agad ako sa motor. Nagpaalam sandali kay Kuya bago pinaharurot ang motor papuntang mall.
Marunong akong mag-motor dahil noon ay naging delivery girl ako. Tinuruan ako ni Princess noon para makapag-part-time job ako upang mabayaran ko ang project ko. May scholarship ako noon kaya project at ibang bayarin ang problema ko.
Dahil sa mga part-time jobs ko, nairaos ko ang bachelor degree ko at nakakuha agad ako ng trabaho sa San Agustin. Ang masteral at doctorate ko ay rito ko na rin kinuha na sinagot na ng may-ari ng eskwelahan.
Nang makarating ako sa mall, agad akong pumarada sa malapit lang at pumasok. Sa laruan agad ang punta ko, pero hindi iyong basta laruan na lang.
Nakakita ako ng sketchbook na may traces na. Alam kong magugustuhan ito ng inaanak ko, kaya kinuha ko siya at pinaresan ng mga paint nito. Sunod ay para sa bunso, at ang nakita ko ay amg box na may mga shape kung saan ay aalamin mo ang shape para mapasok mo sa loob ng box ang maliliit na bahagi.
Binili ko ang dalawa at umalis. Dala ang laruan ay tumuloy na ako sa kanila Cleo. Hindi na ako tumingin sa paligid ko at tumuloy na sa kanila dahil madilim na.
Pagkarating ko, kita kong may iilan na silang bisita pero karamihan ay nag-iinuman. Ito iyong nagtatrabaho sa kanila na talaga namang tinuturing na ring kaibigan ng mag-asawa.
“Good evening, Ma’am!” bati ng isa sa kanila na sinundan naman ng iba pa.
“Good evening din. Paano po? Pasok na po muna ako.” Doon ay nakita kong kumakain na sila. Si Miguel senior ang unang nakakita sa akin.
“Alicia! Come in! Come in!” Bakas ang saya sa mukha nito na lumapit pa sa akin at nakipagbeso siya sa akin. “It is good that you came.”
“Hindi ko ito palampasin,” sabi ko at bumaling sa inaanak ko.
“Ninang!” sabay nilang sigaw na dalawa.
Lumuhod ako upang salubungin ang yakap ng dalawa. Napangiti na rin ako nang maramdaman ko ang mainit nilang yakap at maliit na katawan.
“Ninang, nasaan po gift ko?” tanong agad ni Junior.
“Nangnang, gift!” sigaw naman ni Klea.
Natawa na lang ako sa kanila at nilabas ang binili ko para sa kanila. Tuwang-tuwa si Junior dahil nagsisimula na rin pala siyang matuto ng painting, habang si Klea ay gusto ang larong ito pero wala siyang laruan.
Nakita kong nakatingin lang si Manuel, ang panganay nila, sa amin at bakas dito ang inggit. Kahit may regalo siya palagi kay Princess, hindi naman ito palaging nakakadalo sa mga okasyon.
“Sige na at laruin na ninyo iyan o itago muna ninyo. Kumakain pa pala kayo.” Tumango naman ang dalawa at itinago ang laruan bago pinagpatuloy ang paglalaro. Lumapit ako sa panganay at inabot ang envelope na naglalaan ng pera na para talaga sa kaniya. “I don’t know what you want, kaya ikaw na ang bumili.” Ginulo ko pa ang kaniyang buhok nang tinanggap niya ito.
“Salamat po, Tita!” Malapad ang ngiti nitong sabi na tumakbo agad sa ina. Nakangiti rin akong lumapit sa kaniya at pagkatapos niyang kausapin ang anak, ako naman ang binalingan.
Magsasalita sana siya pero inunahan ko na. “Ayos lang iyon. Saka ito,” putol ko at binigay sa kaniya ang isa na namang sobre, “dagdag mo pambili ng gamit niya.” Tinutukoy ko ay si Junior.
“Okay. Kain ka muna!”
“Hindi ako hihindi riyan! Gutom na ang alaga ko sa tiyan!” Nakangiti akong napatingin sa hapagkainan. Mukhang mapaparami ako ngayong gabi.