Four
Marco...
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maawa sa itsura ng kaibigan niyang si Malik.
Naikuwento na kasi nito ang problema nito, may naka one night stand itong virgin.
Well alam nilang mag-kakaibigan ang pangako nito. na 'once he got a virgin titigil na ito sa pagiging playboy'. Pero sa tingin niya hindi pa handa ang kumag para sa seryosong relasyon. They're just 24 years old for fvck's sake.
Kahit naman siya hindi pa din naiisip na magseryoso sa mga ganitong bagay.
Ngayon pa na naeenjoy na niya ang company ni Malik. balak niyang magpayaman kahit papaano bago siya lalagay sa seryosong relasyon. Maybe kapag 30 years old na siya doon siya maghahanap ng babaeng pakakasalan or makakarelasyon lang muna niya.
"Bro, kanina mo pa tinititigan ang sulat na yan"puna niya kay Malik.
Para na kasing baliw ang kaibigan niya sa inaakto nito ngayon.He just answer him a deep sigh. Parang ang laki laki talaga ng problema nito. pero babae lang naman ang pinoproblema nito ngayon.
"Ipahanap mo na kasi. Diba un naman ang rule mo." aniya.
Dalawa lang sila nito sa loob ng opisina nito. Binaba nito sa table ang sulat noong babaeng sinasabi nitong naka one night stand nito at tumayo, nagpunta sa binta ng opisina nito.
Ibang klase din kasi ang babaeng iyon, after ng may nangyari dito at sa kaibigan niyang si Malik nag-iwan pa ng note na kumuha daw ito ng 1000 at ibabalik din kapag nagkapera ito.
Weird pero wala naman siyang say para doon, wala naman kasi siya noong nangyari.
"To be honest bro, Issay lang ang alam ko na pangalan niya. At hindi ko din maalala ang itsura niya."seryosong sagot nito sa kanya.
Tinawanan naman niya ito, alam niyang naiinis na ito ngayon. Ilang araw na din kasi itong inaasar nila Benjamin at Jake, na baka nananaginip nga lang daw ito. at wala naman talaga itong nakasama ng gabi na iyon.
"Mag let go ka na bro, muka namang hindi siya an type mo na babae, nacurious ka lang sa babae na iyon. Come to think of it bro, you just met her at a street pick her up and end up having s*x. Kinuhanan ka pa niya ng pera bro. baka bayarang babae yan nagkataon lang talaga na ikaw ang nakauna"advise nalang niya.
Naalala kasi niya ang sinabi nito noong unang ikinuwento nito ang nangyari ng gabi na iyon. Mukha daw itong naluging clown. Iyon ang naging description nito sa dalaga na mas lalo pang naging tampulan ng tukso ng mga kaibigan nila.
"Yeah, I think that too. Siguro nga masyado lang akong nadala sa experience ko sa babaeng ito"sang-ayon naman nito sa sinabi niya.
"Good... Kaya ngayon let just have some fun, walang pasok bukas"nakakalokong inaaya nalang niya ito para makalimot na din.
Tutal Friday naman ngayon kaya pwede silang maglakwatsa na tatlo, isa pa palagi naman talaga silang lumalabas kapag Friday. May bar ng sarili ang kaibigan nilang si Benjamin kaya madalas nandoon sila kapag Friday or daturday night para mag unwind.
Magkakasosyo na silang apat na magkakaibigan. Ang pinakaleader nila si Malik ito naman kasi talaga ang business minded sa kanilang apat kaya ito ang bahala sa lahat pagtungkol sa negosyo. Sila nandoon lang sa opisina, co-owner nito nagtayo na kasi ito ng sarili nitong negosyo at bumukod na sa mga magulang nito kahit pa nga ito din ang nagpapatakbo ng negosyo ng pamilya nito.
"G*go"natatawa sagot nito.
Nag-enjoy naman silang apat ng nasa bar na sila. And as usual may kanya kanya na naman silang kasamang babae na naiuwe sa mga condo nila. Pero hindi niya din nagalaw ang kasama niya ng maiuwe na niya ito, nawalan siya ng mood ng bigla ba naman siyang tanungin kung boyfriend na ba siya nito bago daw may mangyari sa kanila dapat boyfriend na siya nito. kaya naman pinauwi na niya ito bago pa ang lahat.
He just spend his whole weekend sa loob ng condo niya na hindi siya masyadong nakikilos.
Kinalunesan nagulat nalang siya ng pagpasok niya sa opisina, nasabi ni Malik na nakita na nito ang babaeng na divirginize nito.
Noong una hindi sila naniwala sa sinabi nito kaya naman hindi nila ito pinansin pa. hanggang sa nakalimutan na nilang tatlo ang tungkol sa sinasabi ni Malik na nakita na nito ang babaeng matagal na nitong hinahanap.
Hindi din nila sineryoso kasi naman si Malik sumama pa sa kanila ngayon Friday ng magbar sila.
Nang sobrang lasing na silang apat magkakasabay silang umalis a Bar.
"Hoy, mga bro...doon tayo sa Condo ni Malik"pag-aaya ni Benjamin.
Sila namang dalawa ni Jake, dala marahil ng kalasingan napapayag na naman ni Benjamin sa gusto nito.
Sa sobrang kalasingan ni Malik hindi na din nito napansin na kasama sila nito na pumasok sa loob ng condo nito.
Papasok sana siya sa loob ng isang kwarto ni Malik pero nakalock ito. ayaw naman niyang makipagtalik ulit na katabi na naman niya ang mga kaibigan niya. si Benjamin lang naman ang mahilig sa ganon.
Nang hindi niya mabuksan nagpasya nalang siyang magtanggal ng damit niya iniwanan niya lang ang boxer short niya.
Nawalan na siya ng gana na makipaglabing labing sa kasama niyang babae.
"Hey, babe can we start?"mapang-akit na tanong sa kanya ng babae.
"No babe, I'm so sleepy...kung gusto mo sumali ka nalang sa dalawang ugok na iyan"turo niya sa mga kasama niya.
Nahiga na siya sa sofa doon at natulog. Wala na siyang pakialam sa mga kasama niya ngayon.
"Ahhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!......."nagising siya sa isang malakas na sigaw ng babae.
Pagmulat ng mata niya nakita niya ang babae na nakatakip ang mata. Nakasando lang ito at maikling short. Hindi natuon ang mata niya sa mukha ng babae kundi sa maganda nitong legs, pero walang dating sa kanya kaya naman walang gana na tumayo siya at tinapik ang mga kaibigan niya para magising.
Nang magising ang mga kasama niya nakita niya ang reaction ng mga ito tsaka lang siya kunwaring nagulat na may ibang babae doon bukod sa mga babaeng katabi nila.
"s**t!!!"
"f**k"
"Tangina"
Sabay-sabay na mura nilang magkakaibigan. Samantalang ang mga babae na kasama nila parang wala namang reaction sa babaeng sumigaw kanina. Natatawa nga siya kasi mukhang mga hustler ang mga babaeng kasama nila, walang mga hiya ba kahit na nakahubad pa ang mga ito.
"What happen?!!"nagmamadaling tanong ni Malik.
Napangisi siya ng lihim kasi mukhang nagmadali itong lumabas ng kwarto nito at gulat na gulat itong nakatingin sa kanila.
"f**k ANO NA NAMAN ITO?!!!"galit na galit na tanong ni Malik sa kanilang tatlo ng marealize nito ang lahat.
Nilingon ni Malik ang babaeng sumigaw kanina.
"Issay, pumasok ka sa loob. Wag kang lalabas not until I call you"utos pa nito sa babae.
so ito ang babaeng sinasabi niyang na pakakasalan niya baling araw.
Napatango naman siya, maganda naman pala. Bakit kung makakwento ang kaibigan parang nalugi ito sa babaeng pakakasalan.
"Babe, why so noisy?!!"ani ng babae na galing sa loob ng kwarto ng kaibigan.
"s**t!!..."mura ni Malik.
Napatitig naman siya sa mukha ng babaeng tinawag ni Malik na Issay, kita niyang titig na titig ito kila Malik.
He knows that Malik now is big trouble.
Hindi ba naman kasi nag-iisip ang gago, nagdala ng babae sa condo nito samantalang may babae naman palang binabahay.
"Issay"tawag dito ni Malik.
"Tawagin mo nalang ako mamaya kung ipagluluto ko na kayo."mataray na sagot nit okay Malik.
Hinintay lang nilang makaalis ang mga babaeng kasama nila, hindi naman siya guilty kasi wala naman siyang ginalaw sa mga babaeng kasama nila ngayon.
Nang lumabas sa kwarto ang babae ni Malik na si Issay, sila Jake at Benjamin parang mga nakakagago kung makatingin. Para naman hindi siya maout of place ginaya niya ang mga ito. para belong pa din siya sa group.
"Dudukutin ko na mga mata niyong mga gago kayo."asik ni Malik sa kanila.
"Tangina mo, ikaw ba tinitingnan namin, wag kang feeler"sagot naman ni Jake kay Malik.
"Gago, kung makatingin kayo para niyo ng huhubaran itong kasama ko. Ikaw naman kasi Issay magbihis ka nga, bakit kasi ngayon mo pa naisip na magsuot ng ganyan."baling ni Malik sa babae.
"Eh maglilinis ako ng bahay, tsaka maglalaba ako."sagot naman nito na nakataas ang isang kilay.
"Bukas ka na maglinis."naiiritang sagot ni Malik dito.
"Tangna bro, ginawa mo namang katulong itong si Issay."sabad naman ni Benjamin kay Malik.
"By the way Issay right, I'm Marco"pakilala niya sa dalaga.
"Ako naman si Jake"pakilala naman ni Jake.
"Benjamin"
"Luisa, pero Issay nalang un kasi ginagamit ko"mahinang pakilala nito sa kanila.
"Magbihis ka na nga don Issay, please lang."naasar ng utos ni Malik sa dalaga.
Nakasimangot naman itong sumunod sa utos ni Malik.
............................
"Mga gago kayo, ginawa na naman niyong motel 'tong condo ko"sita sa kanila ni Malik ng makaalis na si Issay sa kusina.
"Siya na ba 'yon bro?"tanong ni Jake.
Tiningnan lang nito ng masama si Jake.
"Bro, ang ganda naman pala niya. Bakit sabi mo pangit?"takang tanong naman ni Bejamin.
Binato ni Malik ng hawak nitong kutsara si Benjamin, sayang nga lang kasi nakaiwas ang loko.
"May sinabi ba akong pangit."asik naman ni Malik
"Ang Sexy bro, bakit nag-uuwi ka pa ng bebot mo dito kung may kasama ka naman na."ani Jake.
"Tigilan mo ako, magsi-alis na nga kayo dito. mga hayop kayo. Palagi niyong binababoy 'tong condo "pagtataboy nito sa kanila.
Bumuntong hininga muna siya bago siya sumingit sa pang-aasar ng mga kasama niya kay Malik.
"How did you find her?"seryosong tanong niya dito.
Hindi niya kasi maalala kung naikwento ba ni Malik kung paano nito nakita ulit ang babae. Hindi naman kasi siya nakikinig noon.
"She just show up, end of story"walang ganang sagot nito.
Hindi naman siya basta naniwala sa sinagot nito sa tanong niya.
"Come on dude, tell all ka na. nahiya ka pa"lumapit si Benjamin at tinapik pa nito ang balikat ni Malik.
"Ulol, hindi ako nahiya. Totoo naman ang sinabi ko. Basta nagpakita talaga siya tapos kinuha ko na siya dito sa bahay."naiinis na paliwanag ni Malik.
"Huh, utot mo. Hindi talaga kami naniniwala sayo."sabay pang sagot nila Jake at Benjamin.
Naiiling nalang siya habang nakatingin sa tatlo na ngayon ay nag-aasaran na. pikon kasi si Malik, kaya naman 'tong dalawa niyang ugok na kaibigan lalo pang inaasar si Malik ng mga ito.
"Malik, anong gusto mong kainin?"tanong ni Issay ng makapagbihis na ito.
"Kahit ano na dyan. Make some coffee, masakit ang ulo ko"utos ni Malik dito.
"Kasali sila?"tanong muli ni Issay sabay turo sa kanilang tatlo na tahimik lang na nakatitig kay Issay.
"Yes miss beautiful"sabad naman ni Benjamin kay Issay.
"No, hindi sila kasali. Umuwi na nga kayo."angil na naman ni Malik sa kanila.
"Ang damot mo naman bro"nakapout na react ni Jake.
Gago din talaga si Malik minsan, kasi naman ipagdadamot nito si Issay samantalang nag-uuwi ng ibang babae sa condo.
Alam niyang dadating araw aanihin ng loko na ito ang mga pinaggagawa nito. pero naasar siya sa itsura ni Jake.
"Gago hindi mo bagay "baling niya kay Jake.
"Bakit ba kasi nagsisiksikan kayo dito sa condo ko. May mga bahay naman kayo, umuwi na kayo"taboy ulit sa kanila ni Malik.
"HUH... gusto mo lang masulo si Issay."kantiyaw naman ni Jake kay Malik.
Nagkaroon pa ng ilang asaran sa loob ng bahay ni Malik. hindi din naman napigilan ni Malik si Issay na ipagluto sila, alam naman niyang nagiging possessive lang si Malik kaya sila nito pinagtatabuyan.
Matapos naman silang kumain pinagtulakan talaga ni Malik na si Issay sa condo.
Kaya naman hindi na muna sila umalis, kahit hindi pa sila nag-uusap ng dalawa niyang kabigan alam niyang iisa lang nasa isip nilang tatlo. Kailangan na magpaliwanag ni Malik sa kanila ang lahat.
Nagkwento naman si Malik sa nangyari, seryoso naman siyang nakikinig ngayon di tulad noon.
"So anon a plano mo ngayon kay Issay?"seryosong tanong niya kay Malik.
"Sa ngayon wala pa, pero like what I said noon paninindigan ko. After all Issay's not a bad catch. Kailangan ko lang siyang alagaan para paghanda na siya aayain ko na siyang magpakasal."sagot naman sa kanya ni Malik
"Kasal talaga Bro?"Jake.
"Yap, maganda nga na bata pa si Issay. Matagal pa akong pwedeng mag-enjoy na buhay binata ko."kampanteng sagot naman nito.
Gago talaga.
Ilang beses na ba niyang nasabihan ang kaibigan niya ng gago mula kaninang umaga.
"Loko mo, kung nakikita naman ni Issay ang lahat ng pinaggagawa mo sa tingin mo gugustuhin niyang magpakasal sayo."sermon niya dito.
"Tsaka ko na iisipin yan, ang mahalag ngayon nakita ko na siya."sagot naman nito sa ilang segudong natahimik ito.
Wala naman siyang magagawa kung iyon ang deskarte ng kaibigan niya. basta nandito lang silang mga kaibigan nito once na magkaproblema ito.
.................