Five Kyla... Birthday ngayon ni Carla, 18th birthday nito. Kaysa maghanda ito ng magarbong handaan, hiningi nalang nito ang pera na panghanda sana nito at nagpasyang magcelebrate na mag-isa. Pero syempre kasama sila ni Issay sa celebration nito. pwede ba namang hindi eh bff sila nito, kaya heto sila ngayong dalawa papunta sa bahay nila Issay. Magkasama na kasi sila ni Carla sa boarding house. Medyo malayo kasi ang university na napili nilang pag-aralan kaya naman nagboarding house sila ni Carla. Noong una nga ayaw siyang payagan ng mga magulang niya, alam niyo naman over protective sa kanya ang mga ito kaya naman noong unang semester nila nag-uwian talaga siya kaso nakita ng mga magulang niya ang pagud niya kaya naman pinayagan sin siya ng ikalawang semester nila na magboarding house.