3

2062 Words
Three Kyla's POV... Nang sumunod na araw hindi na ako nagpahatid sa papa ko, tanda ko naman na agad ang dadaanan ko papasok sa eskwelahan na papasokan ko. Isa pa sabi din kasi nila Carla at Issay sasabayan nila ako ng pagpasok para hindi na daw ako mabully sa eskwelahan. Pagdating ko sa may mismong gate nandoon na sila Carla at Issay hinihintay na ako ng mga ito. "Kyla bilis"sigaw pa ni Carla ng makita ako ng mga ito. Nagmamadali naman akong tumakbo palapit sa mga ito. "Ang tagal mo naman, saan ka pa ba rumampa at ang tagal mo"reklamo ni Carla sa akin. "Ha? Rumampa? Ano iyon?"takang tanong ko na naman sa kaharap. Napakamot naman sa ulo niya si Carla samantala naman si Issay ay tumawa. "Sige, Bru salitang bakla pa more"tumatawang sagot ni Issay kay Carla. Hindi naman na ako kinausap ni Carla at hinila nalang nila ako papasok sa loob ng eskwelahan. Hanggang sa loob ng classroom namin hindi na ako hiniwalayan ng mga ito. magkakatabi na kami sa upuan, hindi pa naman kasi kami inaayos ng adviser namin para sa alphabetical order. Naging maayos naman ang unang klase namin, konti palang naman ang tinuro sa amin ng mga teacher naming. "Nagugutom ako, tara sa canteen"aya ni Carla ng matapos ang pangalawang subject namin. Hindi naman na ako nagreact, narinig ko na dati ang salitang canteen. Isa pa sabi ni Carla nagugutom ito malamang kakain sila doon. Nagpatianod naman ako sa mga kasama ko, hanggang sa makarating kami sa canteen na sinasabi ni Carla kanina. Madaming estudyante doon na nakaupo at may kanya kanyang ginagawa, may kumakain, nagku-kwentuhan at kung anu-ano pa. "Anong gusto mo Issay? Libre kita"baling ni Carla kay Issay. Nakapila na kami ngayon, at namimili na ang mga ito ng kakainin nila. Nang kami na ang susunod sa pila, sinabi lahat nila Carla at Issay ang bibilin ng mga ito kaya naman ginaya ko ang mga sinabi ng mga ito. "Miss bayad niyo po"tawag sakin nong nagserve ng kinuha ko. "Ha?"takang tanong ko. Anong bayad ang sinasabi nito, may kailangan ba siyang ibigay kapalit ng mga binigay nito. hindi ba ito free? "Hoy, Kyla. Bayaran mo na"siniko pa ako ni Issay para matawag ang attensyon ko. Palihim naman akong bumulong kay Issay, nahihiya kasi ako baka mali na naman ang sasabihin ko. "Anong ibabayad ko?"bulong ko. "Pera malamang"ganting bulong ni Issay sakin. "Halla, ano ba ang pera?"nagpapanic na ako sa tanong ko. "Ako na nga muna"sabad ni Carla. Nakita kong lumapit ito sa babaeng nagserve ng pagkain namin at may iniabot si Carla na papel na nakita ko na iyon minsan na hawak din ng papa ko noong namili kami ng gamit ko sa school. Hinila na ako ng mga ito sa pinakadulong lamesa doon. "Ano ba naman Kyla, ano pa bang hindi mo alam?"naiinis na tanong ni Carla sakin. Napakamot naman ako sa ulo, maging ako kasi naguguluhan na din. Ganito ba talaga kapag sa labas ka na ng bahay nag-aaral. "Hindi mo alam na kapag bumili ka dapat may ibabayad kang pera"si Issay naman ang nakausap sa akin. "Ano ba kasi ang pera?"takang tanong ko naman. Napabuntong hininga naman ang mga kaibigan ko sa tanong ko. "Super, bona mo naman bru...pera lang hindi pa tinuro sayo ng mama at papa mo? Anong ginagawa mo sa bahay niyo ha?"tanong ni Issay sa kanya. "Maglinis, maglaba, magluto, magbasa---"hindi ko na nasabi pa ang iba kong ginagawa ng putulin ni Carla ang iba ko pang sasabihin. "Tama na ang boring naman ng buhay mo noon. Kami na bahala sayo, mula ngayon"sabi ni Carla sa kanya. ................. Tinuruan nga ako nila Carla at Issay ng lahat ng alam ng mga ito, natuto na nga din ako ng mga salitang madalas nilang gamitin. Mga salitang balbal na natutunan ko sa mga libro na nababasa ko noon pa. Pero ngayon nasasalita ko na, minsan pa nga napagalitan ako ng papa at mama ko kasi madalas naidadala ko sa bahay ang mga salitang natutunan ko sa mga kaibigan ko. Nababawasan na ang pagiging inosente niya dahil sa mga kaibigan niya. natatawa na nga lang ako kapag naalala ko ung mga kainosentehan ko noon. "Hoy, bakla anong kukunin mo sa college?"tanong sa kanya ni Carla. Kasalukuyan kaming nasa tambayan naming tatlo sa likod ng eskwelahan namin. "Doctor"masaya kong sagot. Matagal ko na kasing pangarap na magdoctor bata pa lang ako iyon na ang pangarap ko. Kaya nga sila mama puro sa science tinuturo sakin. "Doctor?...bawat tanga doon"tumatawang sagot ni Carla sa akin. "Aray naman ang sakit mong magsalita girl"nasasakyan ko na kasi ang mga ugali ng mga ito. "Totoo naman kasi eh, bawal ang inosenteng aanga-anga sa pagdodoktor. Hindi ka bagay doon, ako na nagsasabi"dagdag pa nito sa paglalait nito sakin. "Tsaka bru, mahal iyon. Kailangan mayaman kayo, di ba nga hindi pa kayo nakakabawi sa pagkalugi niyo"sabi pa ni Issay. Kailan lang kasi nasunog ang tindahan namin, kaya malaking halaga ang nawala sa amin. Hanggang ngayon nga pinoproblema pa din iyon nila mama at papa. "Oo nga ano"sang-ayon ko naman sa sinabi ni Issay sakin. "Kita mo 'tong bakla na ito sa sinabi ko hindi naniwala kay Issay naniwala"reklamo ni Carla. "Hindi naman kasi ako tanga girl, sobra ka naman kasi"kunwari nagtatampo naman ako. "Kainis naman si Roger"singit ni Issay sa pinag-uusapan namin. Nakakunot ang noon ko na tiningnan ang kaibigan ko, sino naman kaya ang sinasabi nitong Roger. "Bakla, bago na naman fafa mo?"nanlaki ang mata ni Carla habang nagsasalita. "Oo, kaso break na kami"nakairap na sagot naman ni Issay. Ang haba naman kasi ng buhok ng babaitang ito. palibhasa foreigner kaya magandang lahi, pero maganda din naman ang lahi ko, chineese at Filipino. Si Carla din purong Filipino pero maganda din, lahat kaming tatlo maganda. Walang kokontra, iyon ang natutunan ko sa mga kaibigan kong mga baliw kaya maging ako baliw na din. "Grabe ka naman girl, iba na naman boylet mo"natutuwang sabi ko. "Break na nga, kasi naman gusto ba naman akong itake home. Ano ako ulam, at itatake home niya para matikman. Kadiri siya"sagot naman ni Issay na naiinis. "Nahalikan ka na ba nong ano nga ulit pangalan?"tanong ni Carla. "Roger, oo naman, kaso hindi siya magaling humalik. Para lang akong humalik sa pisngi"maarteng sagot ni Issay. Nakatingin lang ako sa mga ito, wala pa kasi akong experience sa pinag-uusapan nila. Samin tatlo kasi ako lang ang wala pang nagiging boyfriend, hindi naman ako pwedeng magboyfriend kasi magagalit sila papa at mama sakin. "Sino ang magaling humalik sa mga naging biylet mo?"tanong ni Carla kay Issay. "Wala"dismayadong sagot naman ni Issay. Nagtawanan naman kaming tatlo, para na kaming mga matatanda na kung magsalita pero 16 years old palang naman kami. "Hay naku...kaya ako ayoko na munang magboyfriend. Sakit lang sa ulo ang mga lalaki sa totoo lang"sabi nalang ni Carla pagkatapos naming magtawanan na tatlo. "Maiba ako, anong kukunin niyo sa college?"tanong ko sa mga ito para maiba ang usapan namin. Wala naman kasi akong masasabi kung lovelife na ang usapan, bokya as in zero knowledge ako sa love love na iyan. Ayaw ko naman kasing magpaturo sa mga babaitang kasama ko ngayon. Mga exaggerated kung magturo ang mga ito. Natatandaan ko pa nga noong tinuturuan palang nila ako ng tungkol sap era katakut-takot na ang naabot kong panglalait sa mga ito. "Gusto kong maging designer. Nakita niyo ba si Miss De Leon"sagot ni Carla. Ang principal namin ang tinutukoy nito. "Oo"sabay naming sagot ni Issay. "Ang ganda niya di ba. Gusto kong maging ganon, fashionista"parang nagde-day dream pa ito habang nagsasalita. "Oo, nga noh. Gusto ko din iyon, kaso baka hindi ako makapag-aral nan g college. Alam niyo naman wala naman kasi kaming pera"segunda naman ni Issay. Napaisip naman ako sa mga sinasabi ng mga ito. parang gusto na din niya ang maging designer gaya ng sinasabi ni Carla. Nagagandahan ko din naman kasi ang principal namin, noong una ngang kita ko dito gandang ganda na ako sa kanya. Naisip ko, paano kung ako na ang ganoon na kung pomorma, sigurado ang ganda ganda ko na noon. Kagaya ng nakikita ko sa mga magazine na dala ni Carla madalas. "Magdesigner na din ako"bigla kong nasabi. "Gaya-gaya"sabay naman na sagot ng dalawa sabay tawa din sa sinabi ko. ......................... Two years later... Napapangiwi ako sa itsura ng kaibigan ko ngayon. Kanina pa kasi umiiyak itong si Issay, broken hearted na mukhang nalugi pa. Kaninang umaga ng huling nakita namin itong babae na ito, maayos pa ang itsura. Excited pa nga ito kasi ngayon daw ang anniversary nito at ng boyfriend nitong si Tomas. Mantakin ba naman ngayon lang nakatagal ito sa relasyon kaya naman alam ko na seryoso ang kaibigan namin na ito. Kaya naman ng puntahan kami nito sa school, nagulat nalang kami ng bigla itong umatungal. Kaya ngayon nasa tambayan kami noong high school kami. Sa likod ng eskwelahan namin noong high school. Niloko daw ito ng boyfriend nito kaya heto siya ngayon nag-iinom. Kahit anong pigil namin ni Carla hindi ito nakikinig samin kaya pinabayaan nalang muna namin, alam kasi namin na sobrang nasasaktan ito ngayon. Bigla na namang umatungal ito na parang kinakatay na baboy sa sobrang lakas ng pagpalahaw nito. "Issay, kalma" patahan dito ni Carla. "Pano ako kakalma, muntik ko ng maibigay ang bataan ko sa kanya. Hayop na un, manyak"palahaw na naman nito. "Oh buti nga muntik lang, ang isipin mo nalang ngayon blessing na nakita mo ang ginagawa niya kapag hindi kayo magkasama"sermon ko naman dito. Kakaiba din kasi ang babaeng ito, kung mainlove wagas din. Buti nalang hindi pa nito naibibigay ang p********e nito kundi mas malakas siguro ang pag-iyak nito. Kahit na nasa college na kami ni Carla, palagi pa din naming kasama si Issay na hindi na talaga nakapag-aral ng college kasi hindi na kaya ng nanay nito. "Lahat ng ipon ko ginastos ko para lang sa anniversary naming ng hayop na un. Tapos nauwi lang sa wala"maktol na naman nito sa amin ni Carla. "Anong nauwi sa wala, anong tawag mo dito sa kinanain at iniinom natin"sagot naman ni Carla. Umiyak na naman ito ng sobrang lakas, kahit naman siguro ako maiiyak din kasi hindi naman biro para kay Issay ang nagastos nito. para kasi sa kaibigan niyang ito, mahalaga ang bawat sentimo na meron ito ngayon. "Alam mo, Issay wag mo ng iyakan ang walanghiyang un"pag aalo ko nalang sa kaibigan ko. "Paano naman ako hindi iiyak, halos limang buwan kong inipon ang mga ginastos ko ngayon para lang sa walanghiyang hayop na un. Nagtiis akong maglabandera at taga hugas sa mga karinderya para lang makaipon"kwento nito. "Oo alam naman namin un eh, kaya lang Issay okay na din yong nangyari. Mas mahirap naman na kung natapos ang araw na ito. Naibigay mo na ang bataan doon mo pa nalaman na may kalokohan pala ang boyfriend mo"pag aalo ko ulit dito. "Correction Kyla, EX-BOYFRIEND"pagtatama naman ni Carla. "HUHUHUHUHUHUHU wag na natin pag-usapan ang hayop na yon. Mag-inuman na lang tayo"pag-aaya nitong uminom. Hindi naman ako uminom, sinamahan ko lang ang mga ito. mahirap na baka kasi pagalitan pa ako nila Mama at papa kapag naamoy ako ng mga ito na amoy alak. Hindi pa naman alam ng mga magulang ko na may mga kalokohan na akong natutunan sa mga kaibigan ko. "Ay naku, 8:30 na pala. Gabi na masyado uuwi na ako Issay"paalam ni Carla. "Ako din Issay, una na kami. Umuwi ka na din ha"segunda ko naman. "Oo, uuwi na din ako"naghimig itong parang nagtatampo samin. Pero kasi naman wala naman kaming magagawa, may pasok din kasi kami ni Carla bukas. "Girl, wag mo na ubusin yang Gin mo. Baka di ka pa makauwi niyan eh."bilin ko nalang sa kaibigan naming bago kami umalis. Habang naglalakad kami ni Carla, tahimik lang kami. Alam ko naman ang iniisip nito sa halos apat na taon ba naman na kasama ko ang dalawa na ito hindi ko pa mababasa ang nasa isip ng mga ito. "Okay lang kaya si Issay doon"nag-aalalang tanong nito sakin. Tama nga ako ng iniisip, maging siya din kasi nag-aalala para sa kaibigan nila. Kaso kung magtatagal pa kami doon sigurado pagagalitan na kami ng mga magulang namin. "Sana, okay lang siya at makauwe siya ng maayos"sagot ko naman. Hanggang sa makauwi kami iyon na lang ang iniisip namin. Wala naman kasing cellphone si Issay para matawagan sana namin ito. .................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD