1
One
Kyla Faith...
Kyla Faith Tan, iyan ang ipinangalan sa kanya ng mga magulang niya.
Faith kasi nanalig daw ang mga magulang niyang magkakaanak pa ang mga ito kahit na matanda nang nagpakasal ang mga ito.
Ang mama at papa niya at kapwa 48 years old na ng magpakasal at 50 na ang mama niya ng ipanganak siya. Kaya nga sobrang ingat ng mga magulang niya sa kanya dahil ang tagal ng hinintay ng mga ito na dumating siya.
Naging abala kasi ang mga ito sa kanya kanyang propesyon ang mga ito kaya naman nakalimutan na daw ng mga ito na magpakasal. Dating teacher ang mama niya sa public school, samantalang government employee naman ang papa niya.
Mantakin ba naman ang love story ng mga ito pwede na yatang ipasok sa MMK o kaya naman sa WAGAS. Mula pa noong high school ang mga magulang niya may gusto na ang mga ito sa isa't isa naging magnobyo ng makatapos ng kolehiyo hanggang sa nagpasyang magpakasal na noong mag 45 years old na ang mga ito.
Di ba pang MMK at WAGAS ang drama ng mga magulang niya. kaya nga matanda na ang mga ito ngayon lahat ng bilin ng mga ito ginagawa niya para hindi sumama ang loob ng mga ito.
Mula pa noong bata siya palagi niyang sinusunod ang mga ito. wala siyang ibang pinapakinggan kundi ang mga ito lang, kasi naman ang mga magulang lang naman ang madalas niya makita sa bahay nila.
Nakahome school siya mula pa noong grade one siya.
Kasi naman lapitin siya ng swerte.
Noong unang araw ng class niya bilang pre-schooler siya muntik na siyang maatrasan ng sasakyan. After ng isang linggo nadengue naman daw siya, after ng ilang linggo o buwan hinabol siya ng aso at nakagat.
Kaya naman hindi na siya pinalabas pa ng mga magulang niya sa bahay nila mula noon.
"Faith anak, nandito na ang papa mo"tawag sa kanya ng mama niya.
Hindi na masyadong lumalabas ng bahay ang mama niya katulad niya nagkukulong na din ito sa bahay, mahina na kasi ang resistensya ng mama niya kaya naman ang papa niya nalang ang naghahanap buhay ngayon.
"Papa"tawag niya sa kanyang ama ng makapasok na ito sa loob ng bahay nila.
Lumapit siya dito para magmano at kinuha ang dala nitong mga gamit nito sa buong maghapon na pagbabantay sa kanilang maliit na tindahan sa bayan.
May mini grocery store kasi ang mga magulang niya sa bayan. Maagang nagretiro ang mga magulang niya para daw matutukan siya. Nagpasya nalang ang mga ito na magtayo ng negosyo.
"Kaawaan ka ng Diyos"sagot ng papa niya.
Kinuha niya ang pamalit na tsenelas ng papa niya at kinuha ang sapatos na hinubad nito.
"Carmela, nakausap ko si Jimmy kanina"baling ng papa niyao sa mama niya.
"Ano naman ang sabi sayo ng kapatid mo na iyan?"takang tanong ng mama niya.
Hindi naman na niya narinig pa ang mga pinag-usapan ng mga magulang niya dahil nagtungo na siya sa kusina para maghain na ng hapunan nila. Isa pa hindi naman niya ugali na makinig sa usapan ng mga magulang niya.
"Mama, Papa kain na po tayo"tawag niya sa mga magulang niya para kumain.
Sumunod naman ang mga ito agad sa kaniya ng magtungo na siya sa kusina para kumain. Magkasama lang kasi ang kusina nila at ang dining table nila.
Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng magsalita ang papa niya.
"Faith anak, okay lang ba saiyo na lumipat ng bahay?"tanong sa kanya ng papa niya.
Napahinto naman siya sa pagkain ng dahil sa tanong ng papa niya. parang biglaan yata ang tanong ng papa niya, hindi naman niya alam kung bakit.
"Tumawag kasi ang uncle Jimmy mo, pinapapunta niya ako sa Manila para bantayan ang negosyo nila doon. Babalik na kasi ang pamilya niya sa China"paliwanag ng papa niya.
Intsik kasi ang papa niya, noong elementary nga daw ang papa niya sa China ito nakatira, lumipat lang ang mga ito dito ng naisip ng lolo niya na magtayo ng negosyo sa Pilipinas. Hindi naman nagclick ang negosyo na sinimulan ng lolo niya, kaya bumalik din ang mga ito sa China pero nang makilala ng papa niya ang mama niya hindi na muna ito sumama sa pagbalik sa china.
Hanggang sa nagustuhan na dito ng papa niya, dito na ito namalagi hanggang ngayon.
"Hindi ko naman kayo pwede iwanan dito ng mama mo anak kaya naisip kong isama na kayo sa Manila"dagdag pa ng papa niya sa paliwanag nito.
"Wala naman pong problema sakin papa"sagot niya.
Wala naman siyang kaibigan sa kanilang lugar kaya naman wala naman siyang naiisip na maiiwanan na kaibigan. Mama at papa niya lang naman kasi ang madalas niya kasama sa bahay, bukod sa kanila ang mga nagiging teacher niya lang ang nakikita niya.
"Paano naman ang pag-aaral ng anak natin doon?"nag-aalalang tanong ng mama niya.
"Makakahanap naman siguro tayo ng magiging teacher ng anak natin doon"kampanteng sagot lang ng papa niya.
Hanggang sa matapos silang kumain ang pinag-uusapan ng mga magulang niya ay ang tungkol sa paglipat nila sa Maynila.
...............
Dumating ang araw ng paglipat nila sa Maynila. Medyo natagalan ang paglipat nila dahil naghanap pa ang papa niya ng mapagbebentahan ng maiiwanan nilang bahay at negosyo nila doon.
Napaganda din naman dahil natapos niya ang program sa kanyang home schooling, kaya naman sa paglipat nila sa Maynila pwede na siyang mag grade 9 sa pasukan.
Manghang- mangha siya sa paligid na nakikita niya, buong buhay kasi niya ang tanging nakikita lang niya ay ang loob ng bahay nila o kaya naman ang bakuran nila na may mataas na bakod kaya naman wala din makikitang kapitbahay.
Ganito pala sa labas ng bahay. Mangha pa din naisip niya.
Buong biyahe nga nila hindi na siya natulog man lang talagang pirmis siyang nakatingin sa daan nila.
Lalo naman siyang namangha ng makarating sa Maynila lalo naman siyang namangha sa nakita niyang matataas na building. Gandang ganda talaga siya sa nakikita niya.
"Anak, ayos ka lang ba?"takang tanong ng mama niya.
"Opo mama"masayang sagot niya.
Sa habang ng biyahe nila hindi man lang siya nakaramdam ng pagud, tanging paghanga lang ang nararamdaman niya. hanggang sa makarating sila sa bahay ng Uncle Jimmy niya hindi man lang siya umidlip kahit sandali.
"Mano po Uncle"magalang na nagmano siya sa kapatid ng ama.
"Naku dalaga na pala ang anak mo Arnold"masayang puna naman ng uncle niya.
Ngumiti lang naman siya, actually nahihiya siyang makipag-usap sa ibang tao. Lalo na kung ngayon lang niya nakita, siguro dahil nga sa hindi naman siya sanay na may ibang taong kausap kundi ang mga magulang niya.
"Oo, nga kaya mas lalo kaming natatakot para sa anak ko"sagot naman ng papa niya sa kapatid nito.
Pinapasok sila nito sa loob ng bahay, malaki ang bahay nito pero sakto lang ang laki, hindi naman sobrang laki nito. wala na siyang masyadong nakitang gamit sa loob.
"Yong ibang gamit naibenta na namin, ung mga maiiwanan sainyo na kayo na bahala dito Arnold"bilin ng uncle Jimmy niya bago umalis.
Tahimik lang siyang naglinis ng bahay na magiging tirahan na niya mula ngayon. Masaya siya kasi bago na ang bahay na gagalawan niya. pero nalulungkot din at the same time kasi mas sanay na siya sa dati nilang bahay, kahit nga nakapikit kaya niyang lumakad doon ng hindi man lang nabubunggo sa mga gamit nila.
..................
Sumapit ang pasukan, madali lang naman siyang nakagamay sa buhay sa Maynila. Wala naman kasing nagbago, bahay lang at address nila pero gaya sa probinsya nila nasa loob lang siya ng bahay nila. Mula ng dumating sila dito hindi na siya ulit pinayagan ng mga magulang niyang lumabas.
"Anak, pwede ka bang makausap"tawag ng pansin niya ng mama niya.
"Opo naman mama"nakangiting sagot niya.
Ibinaba niya ang binabasang libro na tungkol sa science. Pangarap kasi niyang maging isang doctor, para kapag doctor na siya, mas maaalagaan niya ang mga magulang niya.
"Naghanap na kasi ang papa mo ng bago mong teacher, ang problema anak walang makita ang papa mo ng teacher na papayag sa ipapasweldo ng papa mo at pupuntahan tayo dito sa bahay"simula ng mama niya.
Nakaramdam naman siya ng lungkot, ibig bang sabihin ng mama niya hindi na muna siya mag-aaral kasi walang mahanap na teacher ang papa niya.
"Ma, naiintindihan ko po"sagot nalang niya kahit na medyo disappointed niya.
"Napag-usapan namin ng papa mo na ipasok ka na lang ng paaraln ngayon taon. Para naman kapag nagkolehiyo ka hindi ka mabigla sa pagpasok sa eskuwelahan"paliwanag muli ng mama niya.
Nanlaki naman ang mata niya sa narinig niya. pinapayagan na siyang pumasok sa paaralan, ibig sabihin hindi na siya ikukulong sa bahay nila.
Parang bumilis ang t***k ng puso niya sa naiisip niyang sinasabi ng mama niya.
"Talaga po mama"pinilit niyang maging normal lang ang boses niya kahit pa gusto na yata niyang magtatalon sa tuwa.
Naalala kasi niya ang itsura sa labas ng bahay nila, ang matataas na building ang mga puno, maraming sasakyan at syempre madaming tao sa paligid niya.
Gustong gusto na niyang makalabas ulit ay makita iyon.
Hindi na nga niya alam ang itsura ng paaralan sa personal, tanging sa libro nalang niya ito nakikita.
"Oo anak, payag ka ba?"nag-aalalang tanong ng mama niya.
Nakailang lunok muna siya ng laway niya para mayapain ang puso niyang nagwawala na yata sa sobrang saya sa loob ng dibdib niya.
"Opo naman po mama, wala naman po sigurong mangyayaring hindi maganda sakin doon."malumanay na sagot niya.
"Kung ganon, anak bukas na bukas din sasama ka sa papa mo para mai-enroll ka na niya sa eskwelahan"sagot ng mama niya.
"Salamat po mama"niyakap niya ang mama niya.
"Anak, lagi ka lang makikinig kila mama at papa ha kahit na nasa eskwelahan ka na."bilin pa sa kanya ng mama niya.
"Opo mama"sagot lang niya.
Hindi siya nakatulog ng maayos ng gabi iyon sobrang excited siyang lumabas ng bahay nila. Doble ang saya na nararamdaman niya ngayon kaysa noong araw na lumipat sila ng bahay.
Ngayon kasi alam niyang araw araw na siyang makakalabas ng bahay nila.
Kinaumagahan nga maaga silang umalis ng papa niya sa bahay para pumunta sa pinakamalapit na paaralan sa bahay nila.
Public school siya napiling ipasok ng papa niya. bukod kasi sa hindi pa naman nila gamay ang buhay sa Maynila, hindi pa din maganda ang takbo ng negosyong naiwanan ng Uncle Jimmy niya kaya naman magtitipid muna ang mga magulang niya. mahirap na daw kung biglang maubos ang dala nilang pera, wala na man na daw silang babalikan sa probinsya kung magkataon.
Pagpasok nila sa loob ng eskwelahan bumungan sa kanila ang napakaraming tao, karamihan mga kabataan. Ang ilan sa mga ito mga nakauniform na, bukod kasi sa enrollment first day of school na din kasi ngayon kaya kung makapag enroll na ang mga bata tuloy pasok na din sa klase.
"Huwag ka lalayo sakin Faith"bilin ng papa niya ng oras na tuluyan silang nakapasok sa loob ng paaralan.
"Opo papa"sagot niya.
Habang naglalakad sila sa mahabang corridor palinga-linga lang siya sa paligid. Tinitingnan niya ang mga kabataan na abala sa kanya kanyang Gawain ang mga ito.
Hanggang sa nakapasok sila sa isang opisina. Ang pagkakabasa niya Principal's Office ang nakalagay na tag sa pintuan.
"Magandang araw po Ma'am"bati ng papa niya ng makapasok na sila sa loob ng opisina.
"Magandang umaga din po, ano po maipaglilingkod ko sa inyo?"magiliw na tanong ng principal sa kanila.
"Magtatanong lang ho sana ako ma'am tungkol sa pagpasok ng anak ko dito sa eskwelahan niyo? Galing po kasi kami sa probinsya"sagot ng papa niya.
Nakatitig lang siya sa babaeng nasa harapan nila, maganda ang pustura ng babae. Makikita na may edad na ito pero hindi maikakaila na maganda pa din ang tindig nito maging ang pananamit nito.
May tawag sa mga ganitong estilo ng pananamit pero hindi niya maalala ang tawag.
"Pwede niyo na pong iwanan ang anak ninyo ngayon para pumasok"iyon ang nakapagbalik sa kanya sa malalim na pag iisip kung ano ang tawag sa estilo ng pananamit nito.
"Naku, maraming salamat po ma'am pero siguro po bukas ko nalang po papasukin ang anak ko. Ibibili ko pa po siya ng mga kailangan niyang gamit sa pagpasok"magalang na sagot naman ng papa niya.
"Sige po kung iyan po ang pasya niyo."sagot din ng principal.
Nagpaalam na siya ng papa niya sa principal at nagpasya na silang dumeretso na sa bilihan ng mga kailangan niya sa pag-aaral. Ibinili niya ng papa niya ang bag, sapatos, uniform, notebook papel, ballpen at maraming iba na kakailanganin niya sa pagpasok niya mula bukas.
Nang makauwi na sila dali-dali siyang nagtungo sa kwarto niya matapos magmano sa mama niya para isukat ang uniform niya. first time niyang makakapagsuot ng uniform kaya naman excited na excited siyang makapagsuot nito.
"Naku ang anak ko dalaga na talaga"puna ng mama niya na malapit ng umiyak.
Hindi niya napansin na sumunod pala ang mama niya sa kanya at ito ngayon ay nakatitig sa kanya habang siya naman ay paikot ikot sa harap ng salamin para tingnan ang itsura niya habang suot ang uniform niya.
"Mama naman"nilapitan niya ito at niyakap.
"Kinakabahan ako para sayo anak, hindi ka sanay na lumalabas ng bahay."may pag-aalala pa din ang himig ng mama niya.
"Wag po kayong mag-alala mama, lagi ko pong aalalahanin lahat po ng bilin niyo papa palagi"pag bibigay niya ng assurance sa mama niya.
"Sige anak, may tiwala kami sayo"sagot naman ng mama niya.
Ngiti lang ang naitugon niya sa mama niya bilang sagot.
Muli siyang lumingon sa salamin at pinakatitigan ang itsura niya doon, hindi na siya makapaghintay na pumasok bukas. Gusto na niyang makakilala ng bagong tao para maging kaibigan niya, gaya ng mga nababasa niya sa libro.
...................