Two
Marco...
Marco De Larra is one of the most after playboy in town.
Kasama niya sa pagiging playboy ang mga kaibigan niyang sina Malik, Benjamin at Jake. Ano bang magagawa nila pinanganak silang mga gwapo.
Sabi nga niya sa mga magulang niya.
'Mom, I'm just sharing your super-hot son to those girls'
Ganyan na palagi ang sinasabi niya sa mama niya mula pa noong high school sila ng mga kaibigan.
Kagaya ngayon, nasa bar silang magkakaibigan. Silang apat may kasamang chicks, hindi naman nila pinilit ang mga ito kusang lumapit sa kanila. Ang lagay ba naman tatanggihan pa nila eh sabi nga ng gasgas na linya ng mga playboy 'palay na ang lumalapit, tatanggihan mo pa' kaya naman they just being generous to those girls.
"Hey, Marco kailan ka magsisimulang maghanap ng trabaho?"tanong sa kanya ni Malik.
"Ayoko pa, kakagraduate palang natin trabaho na agad. Bakasyon muna"sagot naman niya sabay halik sa pisngi ng katabing babae.
"Di ba babe?"baling niya pa sa katabi sabay kindat humagikgik lang ito sa kanya.
"My dad asked me to take over his company. baka gusto niyong maging business partner ko"hindi pa din tumigil si Malik sa pagsasalita tungkol sa pagta-trabaho.
"Bro naman, pwede bang tigilan mo muna yang negosyo or trabaho na iyan. Mag-enjoy ka nalang kawawa naman si Miss beautiful oh naiinip na yata"sansala naman ni Jake sa sinabi ni Malik sa kanya.
"Babe, sorry"baling naman ni Malik sa katabing babae sabay halik dito.
"Gago talaga"bulong naman niya.
"Magtatayo ako ng sarili kong Bar. Doon na tayo tatambay sa susunod"sabi pa ni Benjamin ng matapos itong makipaghalikan sa babaeng kasama naman nito.
"Let's toast to that"taas naman ng baso ni Jake na ginaya nilang tatlo.
They just enjoy the night, isa pa kakagraduate palang nila ng college kaya naman kahit hindi Friday night ngayon nasa isang bar sila para mag enjoy.
...............
"Anak kailan ka ba naman titino, sa tuwing pupunta nalang ako dito sa condo mo palagi nalang may lalabas na babae dyan sa kwarto"sermon sa kanya ng mommy niya.
Naabutan na naman kasi nito na may kasama siyang babae, hindi na nga niya maalala ang pangalan ng babaeng kasama niya kagabi.
Buti nalang dumating ang mommy niya kaya naman nakaalis ang babaeng iyon. Tingin niya medyo clingy pa naman ang babae.
"Mom, hindi ko pa nakikita ang babaeng magpapatino sakin"iyon lang ang nasabi niya.
"Kung ipakasal kaya kiya sa anak ng kabigan ko"sabi pa ng mommy niya.
"Sige, gawin niyo yan mom. Hindi pa din naman ako titigil sa ginagawa ko kasi hindi ko naman gusto ang ipapakasal niyo sakin. Makakasakit lang tayo ng inosenteng babae"pangungonsensya niya sa ina.
Alam naman niyang hindi nito gagawin ang sinabi nito, bata palang naman sila ng kapatid niya napag-usapan na nila ang tungkol sa love life. Hahayaan sila ng mga magulang nila kung sino ang gusto nilang makasama sa buhay basta ba naman matino ang iuuwi nila sa bahay ng mga magulang nila.
"Si Mateo nalang ang ipakasal niyo don mom"dagdag pa niya.
Tumayo na siya sa pagkakaupo niya sa sofa at nagpunta sa kusina niya doon para magtimpla ng kape. Bukod kasi sa alak, kape ang pinakapaborito niyang beverage. Masarap nga daw siyang magtimpla ng kape sabi ng daddy niya.
Kaya nga ginawa niyang negosyo itong talent niyang magtimpla ng kape.
Sa murang edad niya noon nagtayo siya ng café para naman mapakinabangan niya ang talent niya.
Walang nakakaalam nito, maliban sa mommy niya na nagpahiram sa kanya noon ng puhunan.
"Marco, I just want you to have a stable relationship. Hindi iyong puro fling lang tapos baka makakuha ka pa ng sakit sa kung sinu-sinong babaeng kasama mo"sermon sa kanya ng ina.
"Mom, nag-iingat ako"sagot niya.
"Naku, nag-iingat"sumuko na yata ito sa pagsesermon sa kanya.
"Mom, kape"paglalambing niya sa ina.
"Naku, kung hindi lang kita mahal na bata ka"nakangiti na ang mommy niya ngayon habang inaabot niya ang tasa ng kape sa ina.
"Bakit ka nga pala napasugod dito mom?"tanong niya sa pagitan ng pag-inom niya ng kape.
"Tumawag sa daddy mo ang kaibigan mong si Malik. asking if your father wants to his business partner"sabi ng ina niya.
"Kulit talaga ng lalaki iyon"sabi naman niya.
"Buti pa si Malik, mukhang nagseseryoso na sa buhay. Ikaw kaya anak kailan?"napunta na naman sa kanya ang usapan.
"Mommy naman, seryoso ako sa buhay ko. Hintayin niyo lang magtatayo ako ng mga negosyo ko. Ako na makikipag-usap kay Malik mommy pakisabi kay Dad"sagot niya sa sinabi ng mommy niya.
"Hmmm. Iyon nga ang sabi din ng daddy mo, ikaw ang gusto niyang makipagsosyo sa kaibigan mo. Bibigyan ka ng kailangan mong capital ng daddy mo"imporma nito sa kanya.
Hindi naman sila ganoon kayaman, masasabing sakto lang ang estado nila sa buhay. Kaya naman nagpapasalaman siya kasi napunta siya sa mabuting mga magulang. Na handang ibigay sa kanila ng kapatid niya ang lahat para lang maging maayos ang buhay nila.
"Pakisabi po kay daddy, ako na bahala mom. Hindi na niya kailangan na magbigay ng puhunan sakin. Remember I have my own money now, siguro naman sapat na ung naipon ko galing sa mga café ko"sagot niya sa ina.
"Okay, if that's what you want. Pero kung magbabago ang isip mo just give me a call"bilin pa ng mommy niya bago ito nagpaalam sa kanya.
Pero bago siya pumasok sa seryosong buhay, mag-eenjoy muna siya.
Makakapaghintay pa naman si Malik. naisip niya.
...............
Kyla...
First day niya ngayon sa school, hinatid siya ng papa niya hanggang sa classroom niya. hindi pa kasi niya alam kung saan ang classroom niya, buti nalang kasama niya ang papa niya ito ang naghanap para sa kanya.
Pagpasok niya sa loob wala pang masyadong tao sa loob. Nahihiyang pumasok siya sa loob at naghanap ng magandang pwesto na mauupuan niya. napili niya sa pinakalikod maupo para naman hindi siya masyado pansinin.
Habang naglalakad siya papunta sa napili niyang upuan napansin niyang nakatingin sa kanya ang mga grupo ng mga kalalakihan sa bandang kanan na upuan. Pero gaya ng sabi ng mama niya, wag na wag niyang papansinin ang mga tao sa paligid niya.
Kaya naman hindi nalang niya pinansin at nagderetso na siya sa uupuan niya.
Pag-upo niya nilabas niya agad ang libro na binabasa niya noong isang araw pa.
Magsisimula na sana siyang magbasa ng may tumapat sa kanyang tatlong babae. Mga nakamake up ang mga ito, kala mo nga itong magsasagala sa sobrang kapal ng make-up ng mga ito. Tapos mukhang galit itong nakatingin sa kanya.
"Hoy, umalis ka nga sa upuan ko"utos sa kanya nong babaeng nasa unahan ng tatlo.
"Ha?"takang tanong niya.
"Sabi ko, umalis ka sa upuan ko may pangalan ko na iyan. Kaya tabi"pagtataboy nito sa kanya.
Siya naman nagtatakang tiningnan ang desk at ang sandalan ng upuan maging ang likod nito. hinahanap niya ang sinasabi itong pangalan pero wala naman siyang makitang nakalagay na pangalan doon kaya paano naman nagkaroon ng pangalan doon ang kaharap niya.
"Wala namang nakalagay na pangalan dito"pagrarason naman niya.
"Aba't---"gigil na hinablot nito ang gamit niya at itinapon ito sa kung saan.
"Teka, bakit mo ginawa iyon?"nanghihina na tanong niya.
Buti nalang wala siyang dinala na maaring masira doon.
"Pagsinabi kong umalis ka dyan umalis ka"sigaw pa sakanya nito.
Hinila nito ang buhok niya para tumayo siya sa kinauupuan niya, dahil sa sakit napatayo talaga siya sa pagkakasabunot nito sa kanya.
"Aray"daing niya.
"Hoy, pangit na Jackie. Bitawan mo nga ang kaibigan namin"sigaw naman ng isang babaeng hindi niya kilala.
"Kaibigan mo itong tanga na ito"sabi naman ng babaeng nakasabunot sa buhok niya at talagang winasiwas pa nito ang kamay nito kaya mas lalo siyang nasabunotan.
Nanlaki naman ang mata niya ng may sumugod na dalawang babae sa babaeng nakasabunot sa kanya. kaya ang nangyari nagkaroon ng away sa loob ng classroom kasama na siya sa nakikisabunot ngayon kasi naman hindi na talaga tinanggal nong babae ang pagkakasabunot sa sakanya.
Ending nilang anim nasa guidance room at kinakausap na sila ng guidance councilor ng eskwelahan.
"Sino ba ang nagsimula ng away na ito?"mahinahon na tanong sa kanila ng guidance councilor nila.
"Sila po"magkasabay na salita ng bawat grupo at nagtuturuan pa.
Hanggang sa parang nagsisimula na namang magkainitan ang mga kasama niya, siya naman tahimik lang na nakikinig sa kanila. Masakit pa din kasi ang anit niya hanggang ngayon.
"Miss---"baling sa kanya ng guidance councilor.
"Kyla Faith Tan po ma'am"pakilala niya.
"Miss Tan, ano ba ang nangyari?"tanong nito sa kanya.
"Ano po ma'am, nakaupo lang po ako sa dulong upuan tapos po dumating sila"turo niya sa tatlong babaeng nanabunot sa kanya. "Tapos po sinabi niya na may pangalan nap o niya iyong upuan, kaso po nung tiningnan ko naman po wala naman pong nakasulat pangalan. Kinuha po niya ang gamit ko tapos hinagis niya at sinabunutan na po ako. Dumating po sila para ipagtanggol ako"turo naman niya sa dalawang babaeng tumulong sa kanya.
"This will be your first warning this school year Jackie, Mitch and Gina. Kabago bago ni Miss Tan dito hindi mo na agad pinatawad"sermon ng guidance councilor sa mga nakaaway niya.
"Sige, Miss Tan, Carla at Issay pwede na kayong pumasok sa klase niyo. At kayong tatlo dito lang lang kayo at may ipapagawa ako sainyo"sabi pa nito.
Sabay sabay na silang tatlo na lumabas sa opisina ng guidance.
"Uy bakla, Carla pala"pakilala nong babaeng unang sumugod kanina para ipagtanggo sila.
"Luisa, pero Issay nalang"pakilala naman ng isa pang babae na ngayon lang niya napansin na mukhang foreigner pero nagtatalog
"Kyla Faith"pakilala naman niya sa mga ito.
"Ang haba naman ng pangalan mo. Kyla nalang"sabi ni Carla.
Ngumiti nalang siya sa mga ito.
"Simula ngayon, saamin ka lang sasama. Mabubully ka dito sa school kung mag-isa ka lang"sabi pa ni Issay sa kanya.
"Ano ung bully?"takang tanong naman niya.
Hindi maalala kung may nabasa ba siyang ganoon sa mga libro na binigay sa kanya ng mama o ng papa niya.
"Yong kagaya ng ginawa nila Jackie sayo kanina"simple sagot ni Carla sa kanya.
"Ahh, ung sinabunutan ako. Ang sakit naman pala ng bully."napahawak pa siya sa ulo niya ng maalala ang sakit na naramdaman niya habang sinasabunutan siya kanina.
"Gaga, hindi lang sabunot ang bully."natatawang sabi ni Issay sa kanya.
"Tsaka bakla saang planeta ka ba galing ngayon ka lang namin nakita dito ahh"ani naman ni Carla.
"Planeta? Di bas a planet earth lang naman tayo nakatirang pare-pareho?"naguguluhan na tanong niya.
May iba pa bang planeta na pwedeng paggalingan ang mga tao. Sa pagkakatanda niya sa tinuro sa kanya ng teacher niya sa science earth lang ang pwedeng tirhan ng mga tao. Ano ang mga pinagsasabi ng mga kasama niya ngayon.
Isa pa sa Isabela lang siya nanggaling hindi sa ibang planeta.
"Ang tanga, expression lang iyon. Ang ibig kong sabihin saan ka galing na school"natatawang sagot sa kanya ni Carla.
Napakamot naman siya sa ulo niya, ang gulo naman kasing kausap nito.
"Wag na tayong pumasok, wala pa namang gagawin maghapon doon nalang tayo sa tambayan"pag-aaya ni Issay sa kanila.
"Ha?..naku hindi pwede magagalit ang papa at mama ko pagnalaman nilang hindi ako pumasok"nag-aalala namang sagot niya.
"Bru wala namang makakaalam, babalik na tayo sa loob ng school kapag uwian na para kung may susundo sayo alam nilang galing ka sa school"panghihikayat pa din ni Issay sa kanya.
"Oo nga, tsaka hindi pa magka-klase ngayon sigurado iyon"dagdag naman ni Carla sa sinabi ni Issay.
Wala naman na siyang nagawa pa ng hatakin na siya ng mga ito papunta sa likod ng isang building. Hanggang sa may nakita siyang maliit na butas sa pader, pinauna siya ng mga kasama niya na sumuot sa butas doon. Paglabas niya may isang maliit na kubo doon ang nakita niya.
"Welcome to paradise"nakalahad pa ang kamay nila Issay at Carla habang nakaturo sa kubo doon.
"Dito kami tumatambay ni Issay kapag ayaw naming pumasok"sabi ni Carla ng makapasok na sila sa loob.
Malinis ang kubo na iyon, maliit lang pero maayos naman ang loob.
"Kanino ang kubo na ito?"takang tanong niya sa mga bagong kaibigan.
"Samin, at dahil kasama ka na samin sayo na din"sagot ni Issay.
"Tagal namin 'tong ginawa"pagyayabang naman ni Carla.
Napangiti naman siya, wala na kasi siya maisip na sabihin pa kasi naman hindi niya alam kung paano siya magrereact sa ganitong sitwasyon.
"So Kyla saang school ka galing?"tanong ulit sa kanya ni Carla.
"Home schooling ako, since elementary"sagot niya.
"Wow, big time"react naman ni Issay.
"Asan ang malaking orasan?"takang tanong niya kay Issay.
Nagkatinginan naman ang mga kaharap niya. para nakakita ang mga ito ng kung anong bagay na nakakatawa kasi halata namang nagpipigil ng tawa ang dalawa.
"Kyla, saang bundok ka nangmula simpleng big time, bully, planeta word hindi mo maintindihan"nagpipigil na tawa ni Carla sa kanya.
"Ha, kanina planeta, ngayon bundok. Ang gulo niyo naman, sa Isabela lang kami galing"sagot niya habang nagkakamot sa ulo niya.
Doon hindi na napigilan ng dalawa ang pagtawa.
"Seryoso Kyla, kinulong ka ba sa bahay niyo kaya ka ganyan magsalita?"tumatawa pa ding sabi ni Issay sa kanya.
"Ha, paano niyo nalaman na nasa bahay lang ako"mangha na naman siya sa mga ito kasi nalaman ng mga ito na nasabahay lang siya eh hindi pa naman niya sinasabi.
Nanlaki naman ang mata ng dalawa sa sinabi niya.
"Halla, totoo ba iyon. Sa bahay ka lang? as in...pano ka nag-aaral?"hindi na tumatawa ang dalawa pero mangha ang makikita sa mukha ng mga ito.
"Oo sa bahay lang ako, nakahome schooling ako"masaya niyang sagot.
"Halla sya, ngayon lang ako nakakilala ng naghome schooling kala ko kanina nagbibiro ka lang"sabi ni Carla sa kanya.
Kinuwento naman niya sa mga ito ang dahilan kung bakit siya nakahome school maging ang paglipat nila hanggang sa pagpasok niya sa paaralang ito.
"Naku, Kyla wag ka talagang lalayo samin. Kapag nalaman ng mga sinaulong kaklase natin yan magiging tampulan ka ng tukso ng mga iyon"sabi ni Issay ng matapos na siyang magkwento.
Naguguluhan man wala naman siyang magagawa kasi gusto naman niya ang mga ito na maging kaibigan niya.
.................