Nang mabusog sila ay muli na naman nilang inikot ang kabuuhan ng Tagaytay, halos gusto nila sulitin ang pag punta rito. Naka kita sila ng amusement park kaya naisipan nilang pumunta at sumakay ng iba't-iba rides.
"Ken, sumasakay ka ba sa carousel?" tanong ni Yen dito.
"Ah! 'e, hindi wala naman yan sa probinsya." sambit nito sabay kamot ng ulo.
"Ganon ba, tara try natin." sabay hila ng kamay nito at diretso sila sa cashier para mag bayad ng ticket. Inabot naman sakanila ang ticket kaagad at dumiretso na rin sila sa carousel. Pag pasok pa lang nila sa loob, halos 'di na maipinta ang itsura ni Ken. Nang mapansin ito ni Yen, bigla niyang pinisil ang kaliwang kamay nito.
"Huwag kang matakot, hindi naman 'to nakakatakot." pagpapalakas ng loob nito.
Inalalayan naman ni Ken ito sa pag sakay, bago siya sumakay sakabilang kabayo. Maya-maya pa bigla na lang itong umandar, halos mamutla si Ken sa pag taas, baba at ikot nito.
Samantalang kabaliktaran naman ito ng nararamdaman ni Yen. Saya at excitement na dahilan kong bakit napapasigaw pa ito ng sobra.
Mga ilang oras lang natapos na rin ang pag ikot nito. Mabilis naman tumayo at naglakad si Ken at nakalimutan niyang kasama niya pala si Yen.
Bigla naman sumimangot si Yen nang makitang nakalabas na ito.
"Sorry, bigka kasi akong nahilo." pagpaliwanag nito.
"Ok, lang! wala 'yon. Tara baka nandyan na rin sila." sambit nito sabay hila ng kamay nito.
Nagkatawan naman ang lahat sa mga pinag gagawa nila sa mga rides. Nang mapagod ay bumalik na rin sila kaagad sa rest house.
Naabutan nila na nag aayos na ng pang miryenda ang magulang ni Yen.
Habang naka upo sila sa damuhan at nagpipicnic. Hindi naman matigil sa pagpapaulan ng ka sweetan si Ken kay Yen nandiyan iyong pinaghihimay siya nito ng pagkain. Kitang kita naman ng mga mata ni Yen ang mga pabulong na sabi ng kaniyang kaibigan. "Sana all." mahinang bulong ng mga ito at natatakot na baka marinig sila ng mommy ni Yen.
Samantalang nag-uusap naman ang magulang ni Yen sa 'di kalayuan at medyo kabado ang kaniyang mommy sa closeness ng dalawa. Natatakot siya at mukhang hindi pa siya ready sa mga susunod pang mangyayari. Tanaw nilang mag-asawa kong paano alagaan ni Ken si Yen at ang anak niyang wagas namang makangiti. Gusto na niya sanang batuhin ng bottled water ang mga ito. Pero sinaway siya ng kaniyang asawa. Hayaan na lang daw dahil may tiwala naman ito sa anak at sa pangako nito sakanila at baka nag e-enjoy lang din sa tagal nilang 'di nagkita.
Nang matapos ng kumain ang mga kabataan. Nagsipag tayuan na ito at naglakad lakad muli nilang nilibot ang tagaytay at namili ng mga souvenirs, nagpa picture din para may mga remembrance sila sa lugar na 'yon.
Walang sinabi ang ibang loveteam sa photoshoot ng dalawa. Nandyan na naka aba si Yen kay Ken, may titigan at ang pinaka nakakakilig iyong nakahiga si Yen sa lap ni Ken. Halos mamatay sa kilig ang mga maritess niyang kaibigan.
Lagi na lang silang napapa sana all.
Nang mapagod ang lahat bumalik na sila sa lugar kong saan sila nakapwesto nakita nilang nagliligpit na ang magulang ni Yen kaya tumulong na din sila para mas mabilis itong matapos. Pasado alas kwatro na ng hapon at kailangan na nilang makauwe bago pa sila gabihin sa daan.
5 p.m na nang makaalis ng tagaytay sila Yen. This time ang daddy niya ang nagda drive dahil tulog na ang kaniyang mommy. Sa likod naman tulog na din ang mga maritess niyang kaibigan. Habang si Yen ay inaantok na din at nakita naman iyon ni Ken kaya inalok niyang mahiga muna si Yen sa lap niya. Habang nagmumuni muni si Ken sa labas, napatingin siya sa mukha ng kababata ng mga oras na iyon ay mahimbing ng natutulog. Lihim namang kinikilig si Ken sa mga ganap ng araw na 'to. Pinagmasdan niya ang bawat angle ng mukha ng kababata.
Lubos na hinangaan ni Ken ang pagka simple nito at malayo sa naiisip niya noon. Maya-maya pa hindi niya na din namamalayan na nakatulog na siya.
Past 8 p.m na sila ng makarating ng bahay wala na din ang mga kaibigan ni Yen dahil nag drop by na sila kong saan malapit ang kani kanilang bahay. Dahil one week lang ang paalam ni Ken sa lola niya, bukas na ang uwe niya. Mabilis ang araw hindi man lang nila namalayan na isang linggo na pala ang lumipas.
Kinabukasan maaga silang nagising dahil ihahatid nila si Ken sa terminal. Medyo sad lang din si Yen kasi hindi niya alam kong kailan ulit sila magkikita. Naka pack up na lahat ng gamit ni Ken at sumakay na sila ng kotse. Nasa byahe sila ng mapansin ni Ken na malungkot si Yen.
"Bakit ka malungkot,?" tanong nito sakaniya.
"Wala naman. Nabibilisan lang ako sa mga araw." sagot nito.
"Ok lang yan magkikita pa naman tayo." tila nangangakong sabi nito.
"Talaga ba.? hindi makapaniwalang tanong nito.
"Oo, syempre lalo pa may dahilan na akong magbalik balik dito.
Wala naman imik si Yen, pero masaya siya sa narinig. Pagdating ng terminal bumaba na si Ken at Yen, nagulat naman si Yen sa biglang pagyakap nito sakaniya. Hindi niya inasahan ang ginawa nito. Ginantihan din niya ng yakap si Ken. Mabilisan lang ito dahil malapit na din umalis ang van na sasakyan ni Ken pabalik ng Kalibo Aklan. Nagpaaalam na din siya sa kababata at sumakay ng van.
Naiwan naman mag-isa si Yen at tinatanaw ang paalis na kababata, nang masiguro niyang ok na pumasok na siya ng kotse. Habang nagda drive ang mommy ni Yen napansin na naman niyang nalulungkot ang kaniyang dalaga. Hindi na siya nag usisa pa, hinayaan na lang niyang malibang ito sa pag tingin ng mga tanawin sa labas. Maya-maya pa ay nakatulog na din si Yen.
Past 11 p.m na sila nakabalik. Ginising na niya si Yen para makaayos na higa. Papungas pungas naman ito, tumayo at naglakad papunta sakaniyang kwarto.
Habang si Ken naman ay nasa byahe pa din at masayang inaalala ang bonding nila ng kaniyang kababata at hindi maiwasang mapangiti at kiligin. Hindi niya akalain na magkikita pa talaga sila. Nakikita niya ang bawat tanawin sa labas at excited na siyang makauwe ng bahay para ibalita sakaniyang lola ang nangyari at sigurado siyang matutuwa ito.
Nakarating si Ken ng kanilang bahay pasado ala singko ng hapon. Naupo muna siya sandali, hindi niya mahanap ang kaniyang lola. Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang cellphone. Nag check siya kong may text messages si Yen sakaniya. Medyo nalungkot ng makita na wala, ngunit naisip niya na baka tulog na ito at napagod sa byahe.
Bukas papasok na naman siya pero inspired siyang mag-aral lalo dahil sa kababata. Naghanda siya ng makakain nila ng kaniyang lola, nang matapos ang ginagawa kinuha niya ang kaniyang cellphone at nag type ng messages para sa kababata.
Lumabas siya saglit para makasagap ng sariwang hangin. Habang nagmumuni-muni siya sa labas nakita niya ang paparating niyang lola. Lumapit naman siya kaagad dito para alalayan nagmano siya dito at kinuha na din ang bitbit nito. Sobrang daming binili ng lola niya. Hindi niya alam kong ano ano ang mga ito.
Sa hapag kainan masayang ibinalita ni Ken ang mga nangyari mula sa pagkikita nila ni Yen at sa mga araw na mag-kasama sila. Masaya naman ang kaniyang lola ng malaman na masayang masaya ang kaniyang apo. Bihira lang kasi lumabas ito at wala pang social life.
"Masaya ako sayo apo, ngunit may hiling lang ako sayo huwag na huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo." pagpapaalala ng kaniyang lola habang nakangiti.
"Opo lola, promise magtatapos ako ng pag-aaral at magiging piloto ako. Isasakay ko po kayo ni mama sa first flight ko." assurance na sabi ni Ken.
"Kami lang ba. Paano si Yenyen,?" tanong ng lola niya.
"Syempre po any time naman pwede kami lumipad." nangangarap na nakangiting si Ken.
"Ang apo ko binata na talaga. Nililigawan muna ba,?" pag uusisa nito.
Muntik ng mabilaukan si Ken sa kinakain niya ng marinig ang tanong ng kaniyang lola.
"H-hindi pa po lola. Bawal pa po nangako ako sa magulang ni Yen na kapag nasa hustong gulang na siya saka na ako manliligaw sakaniya." wika ni Ken sabay hinga ng malalim.
"Mabuti yan apo. Mas mamahalin ka pa ni Yen, kapag minahal mo ang kaniyang mga magulang. Oh sya apo mauuna na ako sayong matulog ako'y napagod sa farm." pagpapaalam nito sakaniya.
Masayang tinapos ni Ken ang kaniyang pagkain ng may ngiti sa kaniyang mga labi. Hindi pa din siya makapaniwala sa lahat lahat ng pangyayari. Para siyang lumulutang sa cloud 9. Kapag inaalala niya ang mga araw na kasama ang kababata napapangiti na lang siya bigla.
Nang matapos ang kaniyang mga gawain pumasok na din siya sakaniyang kwarto at nag iwan ng messages para kay Yen.