bc

Childhood

book_age12+
1.6K
FOLLOW
4.5K
READ
others
others
sweet
bxg
serious
genius
childhood crush
school
lonely
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang ng magkakilala sila Yen at Ken sa Boracay. Limang taong gulang si Ken at samantalang mag tatatlong taong gulang naman si Yen. Naging magkaibigan ang dalawa. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon hindi na muling nagpakita ang kababata.

After 13 years na paghihintay, dumating

na ang araw ng magpapabago sakanilang buhay. Dahil sa kagustuhan ni Yen na makita ang childhood friend minabuti niyang hanapin ito sa mga social media. This time hindi na nabigo ang dalaga.

Laking saya ni Yen ng nag viral ang kaniyang video at maraming kinilig sa ginawa ni Yen sa paghahanap sa kaniyang kababata. Ngayong viral na nga ito.

Magkikita na nga ba ang ulit ang dalawa. Magkakaroon ba ang bawat isa ng lakas ng loob. Magkakaroon kaya sila ng happy ending o baka naman may mga dumating na hahadlang sakanilang pagkikita.

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Childhood memories
"Yen gising na magtatanghali na mahuhuli na tayo sa pupuntahan natin." tawag ng kaniyang mommy. Boses ng ina ang gumising sa dalaga. Dali-daling bumangon si Yen, dahil baka mapagalitan na naman siya ng kaniyang mommy medyo istrikta pa naman ito. Masaya naman ang buhay nila sa Boracay may daddy siyang joker na laging nagpapasaya sa kanila. Ang kaniyang mommy naman na kahit istrikta ay may busilak na puso. Maganda ang kaniyang mommy sa kaniya ni Yen namana ang kagandahan niya. Morena ang kulay ng balat ni Yen na nakuha naman niya sa kaniyang daddy. Samantalang si Ken naman ay abala sa pagluluto ng kanilang pananghalian. Kasama ang kaniyang lola. Katatapos lang umiyak ni Ken dahil nagkausap sila ng kaniyang ina. Hindi na naman pala makakauwe ng Pinas ito dahil nga pandemic. Wala naman magawa ang binata dahil ayan ang buhay na meron siya. Gustuhin man niyang mag tampo sa ina pero nangingibabaw sa kaniya ang pagka miss niya dito. Bata pa lang kasi siya lagi ng wala ang kaniyang ina. Marami nga siyang magagarang kasuotan, gadget at kong ano ano pa pero malungkot pa din dahil para sa kaniya iba pa din talaga ang saya kapag makasama niya ang kaniyang ina. Nagmumuni muni si Ken sa labas ng marinig niya ang tawag ng kaniyang lola. "Ken halika nga dito apo tulungan mo ko sa dala dala ko." sigaw ng kaniyang lola. "Opo lola." sagot naman nito sabay lapit niya dito. Nagmano muna siya dito at sabay na silang naglakad papasok ng bahay. Likas sa binata ang pagkamahiyain. Halos unti lamang ang kaibigan niya. Medyo istrikta kasi ang lola niya kaya hindi siya nababarkada. Mahilig lang siyang manuod ng mga movie kapag may free time siya, dahil halos ang buong araw niya ay napupunta sa pag aasikaso ng kanilang mga pananim. May malawak na taniman ito na minana pa ng kaniyang lola. Halos sila ang nag aangkat ng mga gulay sa palengke dahil yan ang kinabubuhay nila. Sa loob ng bahay nila Ken. Nag uusap ang mag lola. "Apo, kailan mo ba balak bumalik sa pag-aaral,?" tanong ng kaniyang lola. "Sa susunod na pasukan po lola, hindi po kasi ako umabot sa enrollement ng nakaraan nag closed na po sila.' sabi ni Ken sabay subo ng pagkain. "Mainam yan apo, dahil edukasyon at ang farm lang naman ang maipapamana ko sayo kapag nawala ako sa mundong ito." masiglang sabi ng kaniyang lola. "Naku! matagal pa po iyon lola, gusto kong dumating 'yong araw na makita mong maka tapos ako ng College." saad ni Ken. "Basta apo, ituloy mo lang ang pangarap mo, hanggang nandito pa ako lahat ng kaya ko at ng mama mo na maibigay para sayo ay gagawin namin." pangakong sabi ng kaniyang lola sakaniya. "Opo, lola mag-tatapos po ako ng pag-aaral para hindi na umalis ang mama." nangingilid na luha na sabi ni Ken. Nang matapos mananghalian ang mag-lola. Nag hugas na ng plato si Ken at nag linis na din ng bahay. Nang matapos siya sakaniyang ginagawa. Napahiga siya sa sofa. Hindi niya namamalayan nakaidlip na pala siya. Wayback 2005. "Yen." sigaw ni Ken dahil hinihingal na siya kaka habol sa kababata. Nagkakilala ang dalawa ng minsan nagbakasyon nang tatlong linggo sila Ken sa Boracay. Namamasyal siya sa Boracay ng may matanaw ang kaniyang mga mata isang batang babae na sumasayaw pa. Natuwa si Ken saka'nyang akikita. Magaling kasing sumayaw ang batang babae linapitan nya 'to para mas klaro sa ka'nyang paningin at sinubukang magpakilala. "Hi! ako pala si Ken." pakilala nito sa batang babae na 'di man lang siya tinapunan ng tingin at pansinin. Nang mga sandaling 'yon prenteng naka upo si Yen sa may buhanginan. Natawag ng pansin niya ang isang batang lalaki na sa tantya niya ay mas ahead sakaniya ng ilang taon. Dahil sa kabilin bilinan ng kaniyang mga magulang na huwag kakausap ng hindi niya man lang kilala 'di niya tuloy kinausap ang batang lalaki. Nasupladahan tuloy ito saka'nya.. "Ang suplada mo naman." sabi nito sakaniya. Patuloy pa din naman sa paglalaro ng buhangin si Yen at tila wala siyang napapansin sa paligid niya. "Diyan ka na nga." sabay takbong palalayo ni Ken at 'di man lang lumingon. Gustuhin man ni Yen na magpakilala kaso hindi naman niya kilala ang bata, dahil ngaun niya lamang 'to nakita. Natigil si Yen sa paglalaro ng buhangin ng marinig niyang tinatawag na siya ng ka'nyang mommy. "Yen." tawag ng kaniyang ina at lumapit ito sakaniya at kinarga sya papasok sa loob ng kanilang bahay. Malapit lang kasi ang kanilang bahay sa Boracay at walking distance lang rin ito. Samantalang sa hindi kalayuan naman prenteng nakadungaw si Ken sa batang babae kasabay ng pagbulong bulong niya na; "Ah! Yen, pala ang pangalan niya." sabi nito at tila tinatandaan pa nito.. Kinabukasan naglakad muli sa dalampasigan si Ken at suwerte naman na nakita niya ulit si Yen and this time 'di na siya mag-isa kasama nito ang mga magulang. Lumapit si Ken sa mga ito at nagpakilala. "Hello po! magandang umaga po. Ako po pala si Ken, nagbabakasyon po kami dito at kasama ko ang aking mama." pakilala nya sa magulang ni Yen. Natuwa naman ang daddy ni Yen, dahil napaka galang at mabait niya inaya siya na makipag laro sakanila. Gumagawa sila ng sand castle ng mga sandaling 'yon. Labis naman natuwa si Ken sa ka'nyang narinig. Naputol ang panaginip ni Ken. Nang magising siya sa pagtabi ng kaniyang alagang pusa na si Misha. "Haaay! panaginip lang pala. Kamusta na kaya ang kababata ko. Hindi na kaya siya sipunin ngayon." natatawang alaala ni Ken sa kababata. "Haay! Misha, kailan kaya ulit kami magkikita." kausap nito sa kaniyang alagang pusa. Sumiksik naman sa kaniyang tagiliran ang alaga niyang pusa. Malambing kasi ito sa kaniya. Si Misha na din ang halos kalaro niya mula pagkabata. Si Yen ng mga sandaling iyon abala naman sa pamimili ng kan'yang susuotin. Nasa Hundred Islands lang naman sila ngayon at nagbabakasyon. Treat ng parents niya since nag champion siya sa contest. Nakapili na rin siya ng susuotin. Nakasuot siya ng croptop at short. Tiningnan niya muna ang sarili sa salamin bago lumabas ng ka'nyang kwarto. Naglalakad si Yen sa buhanginan nang biglang may pumasok sa ka'nyang isipan at may naalala siya na pamilyar na mukha. Si Ken ang kaniyang kababata na matagal niya nang hinahanap at sa dami ba naman ng Ken sa buong Pilipinas paano pa kaya 'nya ito makikita. "Haay, kamusta na kaya siya." tanong ng dalaga saka'nyang sarili at 'di maiwasan na maalala niya 'to dahil isa siya sa malaking part ng childhood days niya. Naalala pa niya noon na madalas silang magkasama at paborito nila ang pag gawa ng sand castle. Napapa buntung hininga na lamang siya kapag pumapasok sa kaniyang isipan ang ala-ala ng kababata at napapa sana, sana na lang siya na dumating 'yong araw na magkita na kami." sabi ni Yen sabay lakad at tampisaw sa dagat..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
68.9K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
249.5K
bc

Rewrite The Stars

read
97.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
141.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook