Kinaumagahan nagising si Yen ng maaga dahil may pasok na siya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone. Masaya siyang mabasa ang messages ni Ken. Buo na ang araw niya. Nag reply siya dito at agad naman nag reply si Ken.
Maya-maya pa bigla na lang nag ring ang cellphone ni Yen tumatawag pala si Ken sa messenger niya. Hindi malaman ni Yen kong sasagutin ba niya ang tawag gayong kakagising lamang niya at wala pa siyang kaayos ayos.
Sinagot niya ang tawag nito pero nala off cam lang. Nagkamustahan ang dalawa at nangakong magkikita sila after weekdays.
"Kamusta ang tulog mo bebe Girl,?" tanong ni Ken.
"Sinong bebe girl,?" nagtatakang tanong ni Yen dito.
"Sino ba ang kausap ko." balik na sagot ni Ken sakaniya.
Natagalan naman mag-salita si Yen kasi hindi niya alam kong anong gagawin niya kong sisigaw ba siya sa kilig.
"Hello nandyan ka pa ba, bebe girl." tanong ni Ken dahil akala niya wala na siyang kausap.
"Yes andito pa ako. Sorry tinawag ako ni mommy." saad nito.
"Ay akala ko iniwan muna ako." pa sad na boses nito.
"H-hindi naman. May ginawa lang ako."
wika ni Yen.
"Mabuti naman. Ano nga pala Yen pwede ba akong pumasyal sainyo sa weekends." pagpapaalam ni Ken.
"Oo naman welcome ka naman sa bahay namin." nakangiting sabi ni Yen.
"Sige, ako'y gagayak na para sa pagpasok. Mag iingat ka bebe girl." pagpapalam ni Ken sabay end ng videocall.
Bumangon na din si Yen at naligo. Bumaba siya ng kaniyang kwarto para kumain ng agahan. Nag bukas siya ng ref at may nakita siyang egg. Kinuha niya ito at niluto. Egg at hotdog pa lang kasi ang kaya niyang lutuin at nag-aaral pa siya ngayon.
Paminsan minsan nagpapaturo siya sakaniyang daddy para sa ibang menu. Gusto niya na one time siya naman ang mag luluto para sa magulang and of course para din kay Ken. Magaling kasing mag luto si Ken.
Nang minsan nakita niya ito, medyo naintimidate lang siya sa galing ng kababata sa pagluluto.
Nang matapos kumain nag ayos na ng kaniyang sarili at ready na siyang pumasok. Sa sasakyan nag type siya ng messages para sa kababata. Saying Ken, papasok na ako sa school. Later on na lang. Take care.
Laman ng messages niya.
Samantalang ng mga oras na iyon ay nakasakay na din si Ken sa kaniyang service na motor. Medyo malayo layo ang school niya sa bahay nila.
Pangarap ni Ken na maging isang Chef para pwede siyang sumakay ng barko at malibot ang buong mundo, kong hindi man palarin may plan b din siya na maging isang magaling na pilot. Pero taliwas ito sa kagustuhan ng kaniyang lola, gusto nitong kumuha siya ng kursong management para mas mapalago ni Ken, ang iiwan niyang farm dito kong sakaling kunin na siya ng poong may kapal.
Nakarating si Ken ng school. Nag park siya at pumasok na sa loob. Kinuha niya ang cellphone niya at nakita ang messages ng kababata. Binasa niya ito at lihim namang kinilig si Ken. Gusto niyang mapasigaw sa tuwa, kaso nag aalangan siya baka ma eskandalo ang katabi nilang room na sa kasalukuyan ay nag sisimula ng mag discuss ang prof.
Dali-dali siya nag reply dito. Ok naman bebe girl, nasa class na ako. Mag iingat ka din palagi. See you on weekends. Laman ng messages ni Ken, sabay tago na ng kaniyang cellphone dahil nag datingan na din ang kaniyang mga classmates.
Natapos ang araw nila ng matiwasay. Samatalang kauuwe lang ni Ken galing school ng tumawag ang kaniyang mama. Nag promise ito sakaniya na magkakasama sila sa pasko. Natuwa naman si Ken sa narinig at nakwento na din niya dito ang tungkol kay Yen. Medyo pinaalalahanan lang siya ng mama niya na mag-aral ng mabuti bago mag lovelife.
Alam naman niya ang limitations nila. Gaya ng pangako din niya sa mga magulang nito. Priorities muna nila ang kanilang pag- aaral bago ang lahat. Para kay Ken ayos lang naman iyon. Hindi naman dapat minamadali ang lahat ng bagay bagay, masaya siya na kapag walang pasok pwede silang magkita at magkasama.
Sila iyong typical na teenager na kinikilig kapag nakikita ang crush nila. Ika nga ng dalawa darating ang tamang panahon para sakanila sa ngayon nag eenjoy muna sila at pinapadama sa bawat isa ang pangungulila nila sa loob ng mahigit labing tatlong taon na pagkakawalay.
Nag mumuni muni si Yen sa itaas ng terrace nila ng mga sandaling 'yon ng biglang nag ring ang kaniyang cellphone.
Ken's calling......
Hinayaan muna niya ito na mag ring at tinitingnan lang ni Yen kong hanggang saan ang pasensya ni Ken. Mga ilang minuto hindi na din nakatiis si Yen at sinagot niya ng ang tawag nito. Bumungad sakaniyang pandinig ang boses nito.
"Bebe girl, busy ka ba? Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko.?" tanong nito sakaniya.
"Bebe boy, h-hindi naman. May tinatapos lang akong assignment sa school. Bakit gising ka pa.? pabalik na tanong din niya dito.
"W-wala lang, gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog." masiglang sabi nito sakaniya.
"Ah! ganon ba. Kamusta naman ang araw mo,? tanong nito ulit.
"Mabuti naman, nakakapagod lang ang module kong minsan. Mas ok pa din kong face to face na." sagot nito sa tanong niya.
"Kaya nga sana dumating 'yong time na mag back to normal na by the way I have to go, good night Ken, bukas ulit late na din kasi baka makita ako ni mommy at mapagalitan pa ako." sabi nito sabay buntung hininga.
"Good night din bebe girl, mag-iingat ka palagi." sabi ni Ken sabay end ng call..
Natahimik saglit si Yen dahil nakakita kasi siya ng falling star. Pumikit siya at nag wish, nakasanayan na niyang gawin ito dahil naniniwala siya na magkakatotoo ang bawat wish niya.
Katulad na lang ng araw araw niyang wish na magkita silang dalawa.
This time ang wish niya ay maging maayos ang pagkakaibigan nilang dalawa at madami pang mga araw na magkasama sila. Sinara ni Yen ang pintuan ng kanilang terrace at naglakad papunta sa kaniyang silid.
Kinaumagahan nakabasa siya ng text mula kay Ken saying Good morning bebe girl. Gising ka na at baka ma late ka pa sa school at pagalitan ka pa ni mommy. Nakangiting basa niya dito, nilapag niya na ang cellphone niya at bumangon.
Nag unat-unat muna siya ng ilang minuto bago bumaba. Naabutan niya sa dining room ang parents niya na sweet na sweet sa isa't-isa. Masaya siyang pinag mamasdan ang kasweetan ng mga 'to. Nangangarap din siya na sana kong darating man ang panahon na iyon para sakaniya sana kasing bait at mapagmahal din ng daddy niya ang ibigay sakaniya.
Sayang nga lang wala man lang siyang kapatid. Miracle baby na nga ang tawag sakaniya. Bakit siya Miracle baby, ang natatandaan niya lang naman noon sabi ng kaniyang mommy. Akala nila hindi na sila magkaka anak kasi medyo may edad na din ang parents niya nung nagpakasal. Swerte na lang talaga na dumating pa si Yen sakanila at mas swerte naman siya at lagi niyang ipinagpapasalamat ito.