Chapter 5- The bonding

1554 Words
Kinabukasan nag aasikaso na ang pamilya ni Yen para sa mga dadalhin nilang pagkain sakanilang picnic at aanyayahan din kasi nila ang mga kaibigan ni Yen para madami sila at alam naman nila na paniguradong miss na 'to ni Yen ka bonding. Bagong gising pa lang si Yen at papungas pungas pa ito ng maamoy niya ang niluluto ng kaniyang daddy. Lumapit siya dito at nag tanong. "Daddy, ano po yang niluluto mo,? mukhang masarap po yan." usisa nito. "Talagang masarap ito anak, lobster to." "Lobster,? pagkaing dagat.?" nagtatakang tanong niya sa daddy nito. "Yes anak, maiba tayo kamusta kayo ng kababata mo.? pang aasar nito sakaniya. "E' daddy! ayos naman po at masaya ako na nagkita na kaming muli. "Mukha nga, kinikilig ka pa diyan." panunukso pa nito. "Daddy naman eh, huwag ka po mag alala hindi pa ako magbo-boyfriend. Pag 18 na po ako. Mauuna na po ako dad, sipilin ko muna si Ken baka gising na po." Pagpapaalam niya dito. Lumakad siya papunta sa kwarto kong saan natutulog ang kababata. Naka ilang inhale and exhale siya bago kumatok. Naka ilang katok muna siya ng pinto pero wala naman nagbubukas. Minabuti na lang niyang umalis, pero nang biglang tatalikod na sana siya bigla namab bumukas ang pintuan. Biglang bumungad sa kaniyang harapan ang mukha ng kaniyang kababata. "Kanina ka pa pala gising bakit ayaw mo man lang buksan ang pinto." pagmamaktol ni Yen. "Wala lang gusto ko lang malaman kong paano ka mapikon." pang aasar nito. "Ewan ko sayo, diyan ka na nga." naiinis na sabi nito. Sabay lakad papalayo. Naiwang patawa tawa naman ang kababata. Samantalang sa hapag kainan handa na ang kanilang almusal at mga dadalhin sa picnic. Excited si Yen dahil simula ng nagpandemic hindi na sila nakalabas labas muna. Mahigpit din kasi at bantay sarado ang mga daanan. . Habang kumakain sila panakaw nakaw naman ng sulyap si Ken kay Yen ng mapansin niya ito lihim na namang kinilig ang dalaga. Sino ba naman kasi mag aakala na after 13 years magkikita pa sila at in fairness gwapo pa rin ito. Tila nanadya pa ito ng mag hokage moves sakanya at hawakan ang kamay niya sa ilalalim ng mesa. Dalawa na lang silang nakain ng sandaking iyon, dahil abala na ang magulang ni Yen sa paghahanda ng mga kailangan nilang gamitin sa picnic. Gusto man mapasigaw ni Yen sa gulat pero pinigilan niya ang kaniyang sarili baka ma eskandalo niya ang kaniyang mga magulang. "Bakit ka ba ng hahawak ng kamay. Nakakagulat ka naman." naiinis na sabi ni Yen dito pero ang totoo lihim siyang kinilig sa ginawa nito. "Wala lang, ang lambot pala ng kamay mo akala ko kasi magaspang." pang aasar nito. Nanlaki naman ang mata ni Yen sa narinig. Tiningnan niya ng makuha sa tingin look si Ken. "A-anong sabi mo, pakiulit nga." pagalit na sabi nito na any time mapipikon na dahil naka taas na ang kilay nito. "Ang pikunin mo naman, kaya ang saya mo asarin kasi ang ganda mo lalo kapag nakasimangot." pangbawi na sabi ni Ken sakaniya. "Mag tigil ka nga kong alam ko lang na ang bully mo hindi na kita hinanap, diyan ka na nga." naiinis na sabi nito. Sabay tayo pero bago pa siya makalayo hinila na agad nito ang kamay niya kaya nakaharap siya sa mukha nito, bigla na lang kumabog ang puso ni Yen sa ginawa ng kababata. Habang si Ken naman nakatingin lang sakaniya, 10 minutes na titigan pero hindi rin kinaya ni Yen ang presensiya nito kaya bumaling ang tingin niya sa ibang bagay. Nakita naman ni Ken na parang nailang si Yen sa kaniyang ginawa at nag sorry naman siya dito. Ready na ang lahat kaya tinawag na sila ng mommy ni Yen. Nakausap na rin ni Yen ang mga maritess niyang kaibigan. Nasa biyahe sila ngayon papuntang Tagaytay. Ang ingay ng mga maritess niyang kaibigan, panay nakaw ng tingin. Habang si Yen at Ken naman ay magkatabi sa back seat, tahimik at nakikiramdam sa isa't-isa. Sobrang tagal ng byahe pero wala naman ni isa sakanila ang nainip. Nakarating sila ng tagaytay ng matiwasay, nag hanap ang mommy ni Yen kong saan pwedeng maka park ng kotse, nang makahanap agad naman itong nag park para makababa na rin ang mga kabataang kasama nila. Nagpa picture sila sa sky ranch, sumakay ng mga rides at sumakay ng kabayo at nang mapagod ang lahat umupo muna sila sa damuhan at nagpahinga. Hindi naman maiwasan ng mga maritess na kaibigan ni Yen na mag tanong kong sila na nga ba? Napaka sweet kasi ng dalawa at kitang kita naman nila kong paano alalayan ni Ken si Yen. Napapa sana all na lang talaga sila. "Kamusta pala kayo gayong nagkita na muli kayo." tanong ng isang maritess na kaibigan ni Yen. "A-ayos naman, masaya kasi akalain mo iyon magkikita pa pala kami." sagot ni Yen. "Ikaw naman Ken, masaya ka ba na nagkita kayo.? usisa ng pangalawang maritess na kaibigan ni Yen. "Oo naman, masaya pa sa masaya. Hindi ko rin akalain na magkikita pa kami. Kaya natuwa ako ng nakita ko iyong picture naming dalawa." sagot ni Ken dito. "Ano bang latest sa inyo, kayo na ba ayeeeeh." tanong ng pangatlong maritess na kaibigan ni Yen sabay tukso sa dalawa. This time si Yen ang sumagot. "Mga maritess talaga kayo, magkaibigan pa lang kami." sagot ni Yen sa mga ito at para sana manahimik na ang mga ito kakausisa. "Magkaibigan o magka- ibigan ayeeee. " pa chorus ng tatlong maritess na kaibigan niya habang ng aasar pa. "Totoo un, nag promise ako sa magulang ko na kapag 18 years old pa ako magpapaligaw at magbo- boyfriend." sabi ni Yen na palinga linga sa katabi. Ayaw niyang ma out of place ang kababata kaya hindi niya ito iniiwan. "So you mean may pag-asa.? segunda ng mga maritess niyang kaibigan. "Well let's wait for the right time. Let's go baka hinahanap na tayo nila mommy." pag aaya ni Yen sa lahat sabay tatayo na sana ito ng biglang hawakan ni Ken ang kamay niya para alalayan siya sa pag tayo. Nakita naman ni Yen ang tatlo niyang maritess na kaibigan. "Ayeeee! sana all talaga." pa chorus na sabi ng mga ito at ang lakas mang asar pa. Habang naglalakad ang lahat, pasimpleng inakbayan ni Ken si Yen. Pasalamat na lang talaga siya na nahuhuli sila at hindi na nakita ng kaibigan niya ang pag akbay ni Ken sakaniya, kundi aabutin na naman siya ng kantiyaw sa mga iyon. Ang lalakas pa naman mang-asar ng mga kaibigan niya . Lihim namang kinikilig si Yen sa ginawa ng kaniyang kababata. Maya-maya pa bigla na lang nag tanong ito. "Bakit mo pala ako hinanap at kailan pa,?" tanong nito sakaniya. "Medyo matagal tagal na din, wala lang gusto lang kitang makita nako curious kasi ako kong nasaan ka na ba at kong naaalala mo pa ba ako." nahihiyang sabi ni Yen at biglang tumingin kong saan. "Oo naman kaso hindi ko lang talaga alam kong paano. Nag try din naman akong hanapin ka kaso nga lang tanging Yen lamang ang natatandaan ko sa pangalan mo." pagpapaliwanag pa nito sakaniya sabay pisil ng kamay niya para mabaling ang tingin sakaniya. "Hayaan na nga, ang mahalaga ay magkasama na tayo." masayang sabi nito sakaniya at sinabihan nang bilisan ang lakad kasi panigurado hinahanap na sila ng magulang ni Yen. Nakarating rin sila sa wakas at kitang kita naman ni Yen ang mga mukha at simpleng pag senyas ng mga kaibigan at pasalamat na lang talaga siya na nakabitaw na ito sa pagkahawak sakaniya kundi lalo lamang siyang aasarin ng mga 'to.. Pinag hila naman ng bangko ni Ken si Yen, pinapakita talaga niya kong gaano niya inaalagaan ito. Kita na naman ni Yen ang ngisi ng mga kaibigan niya sabay pabulong na ikaw na, sana all.. Pinandilatan naman niya ang mga ito sa takot na marinig ng mommy niya ang mga binubulong ng mga ito. "Let's eat, baka lumamig na ang pagkain sayang naman." pagyaya ng mommy niya. Masaya namang nagsalo salo ang lahat kasabay ng kwentuhang walang humpay. Maya-maya pa nakarinig sila ng kanta, nagsa soundtrip pala ang daddy ni Yen. Damang dama ni Ken ang kantang, alipin by Shamrock. Dedicated niya kasi ang bawat lyrics nito para kay Yen. Bigla naman nag tama ang kanilang mata at kumindat si Ken, inirapan naman niya ito. Narinig na lang niyang biglang tumatawa na lang ito. Nagulat naman ang mga kaibigan ni Yen, at napatingin na rin sa kaibigan. Kitang kita ang awra nito na malapit ng mainis. "May LQ?" tanong ng kaibigan ni Yen. Sinamaan niya naman ng tingin ito. Bigla na lang itong nag taas ng kamay at nag peace sign. "Yen, yen." tawag ni Ken with matching pout ng lips. Bigla naman kinabahan si Yen sa ginagawa nito, 'di man lang ito tabalan ng takot lalo katabi nito ang daddy ni Yen. "A-ano." pabulong na sambit ni Yen. Sabay turo naman ni Ken, hindi naman ma gets ni Yen kong ano ba 'yon. Bigla na lang tumayo si Ken at lumapit sakanya. Unti-unti nitong nilapit ang mukha nya, akala ng mga kaibigan ni Yen ay hahalikan nito si Yen. Ngunit may inalis lang pala itong kanin na dumikitbsa gilid ng labi nito. Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya sa eksenang nakita..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD