YEN
Sinipat ko ang pambisig na orasan. Alas kwatro na pala ng hapon, ngunit wala parin akong balak na bumangon, ramdam ko ang pagkabagot ng araw na 'yon..
Ang hirap pa lang umasa, masakit kapag 'di natupad..
Magkikita pa kaya kami ni Ken, tanong ko sa sarili.
Hay! Bakit ba ang hirap mong hanapin. Nasaan ka na kaya Ken, usal ko.
Wala naman siyang kamalay malay sa messages ng kababata...
Naisipan ko na ring bumangon, bago pa ako tawagin ni mommy. Lumabas na ako ng room ko.
Nakita naman siya ng kaniyang daddy at tinawag siya nito.
"Yen! anak, halika nga dito. Maupo ka muna sa tabi ko." sambit ni daddy.
Kaagad naman akong lumapit rito..
"Mukhang malungkot ang dalaga ko. May problema ka ba?" tanong sa'kin ni daddy, siguro tama nga ang sabi na iba ramdam ka ng magulang mo.
Ahmm! wala po ito dad, medyo may naalala lang po ako. I have to go, paalam ko sabay talikod at diretso akong kusina, para mag tingin tingin kong anong pwede kong i-breakfast ngayong araw..
Dahil may sariling business ang family niya at ang kanyang mommy ang nagma manage rito, kaya madalas na wala ito sa kanilang bahay at kong minsan out of town pa ito.
Nasanay na rin ako sa ganitong set up. I wish na sana may kapatid na lang ako, para naman medyo magulo ang mundo ko, dahil may mga makukulit ako at may mga mangungulit rin sa'kin..
May mga pinsan naman ako, pero iba pa rin talaga ang may siblings, na kasama mo araw-araw..
Naupo muna ako sandali, dahil nabusog ako sa pagkain kani kanina lang. Kinuha ko ang ang aking cellphone na nakalagay sa ibabaw ng tukador.
Naisipan kong mag open ng social media account para makipag chat sa mga friends ko at maki balita na rin sana..
Habang masaya akong nagba browse ng mga messages, gayon na lamang ang gulat ko ng may isang messages na pumukaw sa'king atensyon..
Isang friend request message, napa pikit ako at nag dasal na sana good news na ito at sana isa ito sa nakakakilala sa'king kababata.
Pagdilat ng aking mata, bumungad ang isang mensahe na galing sa isang tao, na hindi ko man lang mabasa ang pangalan, dahil ito ay isang mandarin language. Pero ang lubos na ikina saya ng puso ko ng mabasa ang messages na ito, hindi ko mawari ang aking nararamdam, sapagkat ang messages ay galing kay Ken, ang kababata kong kay tagal ko ng hinahanap at gustong makita. Kinurot ko ng ilang beses ang aking mukha, napa aray ako sa sakit kaya napa talon ako sa tuwa, dahil 'di ako nanaginip. Totoong si Ken ang nag messages sa'kin..
(KEN messages)
Hi! Yen, kamusta ka na. Naalala mo pa ba ako? It's me Ken, remember sa Boracay 13 years ago. Pasensiya na kong hindi ako nagpaalam. Tatlong linggo lang kasi kami sa Boracay. Hindi na rin kasi kita nakita ng araw na 'yon. Mag iingat ka palagi. See you soon..
Sa sobrang tuwa ko, nakalimutan kong replyan ito. Mabilis akong nag type ng messages, baka bigla na lang 'tong mag log off at 'di ko na makausap pa...
Hello! Yes, I still remember you. Matagal na rin kitang hinahanap Ken..,
Talaga ba? hindi makapaniwalang reply ng binata.
Hmm! oo elementary pa lang ako ng hinahanap kita. Pero ang ilap mo kasi, gusto ko na nga mapagod pero hindi ko alam bakit ayaw kong sumuko, reply ko sakanya..
Naalala din naman kita. Kapag nga may nakikita akong batang sipunin. Iniisip ko ikaw iyon, mabilis na reply nito...
Sipunin talaga, iyong lang naalala mo sa'kin.. Daming maalala 'e un pa, bulong ko sa sarili..
Joke lang, hindi ka naman mabiro. Sa katunayan nga natatakot ako na mag messages sa iyo.
Ha! bakit naman, matagal na nga kitang hinahanap.., reply ko ulit rito.
Wala lang iba ka na kasi ngayon. Paalam muna Yen, bukas ulit. Pagpapalam nito at maya maya pa nag sign out na.
Ok!, huling reply ko rito..
Walang sisidlan ang kasiyahan sa dalawa, dahil finally nagkaroon na sila ng communications, pero wala pa silang plan na magkita.
Tuloy tuloy lang ang communications nila, everyday na silang mag kausap kwentuhan about school activities anything na pwde nilang pag usapan.
Walang kaalam alam si Yen sa plano ni Ken. Bago pa pala siya i-messages, hinigi na nito ang permiso ng mga magulang niya na magkita sila.
Ang hindi alam ni Yen ay may planong bumalik muli ito sa Boracay. Kinausap na rin nito ang kaniyang lola at pinayagan naman siya aga nito.
Dumating na ang araw ng pinakahihintay ni Ken. Habang nasa byahe ito nagagalak ang puso niya, dahil malapit na niyang makita at makasama sinYen.
Samantalang wala naman kaalam alam si Yen na may bisita pala siyang darating.
Nasa sala ako ng mga sandaling 'yon. Nang marinig kong tumutunog ang doorbell. Tinawag ko sila mommy at daddy kong may bisita ba silang darating ngayong araw.
"Ikaw na ang mag bukas anak." pa chorus na sambit ng mga ito. Nagtataka man lumabas na ako ng pintuan at naglakad papunta sa gate.
Napa nganga ako ng makita kong sino ang bisita namin ngayon.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na si Ken. Napaligon ako sa likuran ko, nakita ko naman sila mommy at daddy na nag go signal. Bakas sa mukha nila ang ngiti, katunayang masaya sila para sa'kin..
Nahihiya man tipid na nagsalita ako.
H-hi, kamusta..? nauutal kong bati rito dahil shocks pa rin talaga ako sa mga nangyayari.
Ayos lang, nagulat ka ba? tanong ni Ken sa'kin, siguro na weirduhan siya sa aksyon ko.
Ikaw ba naman kasi biglain, 'di ka kaya magulat.
M-medyo, hindi ko kasi expected, sabi ko na lang dito, at inaya ko na siyang pumasok sa loob ng aming bahay.
Pinaupo naman si Ken ng mga magulang ni Yen.
"Kamusta ka na Ken?" pa chorus na tanong ng mga ito sa bisita.
"Ayos lang naman po ako sir at maam." sagot ni Ken sa magulang ko. Sabay inom ng malamig na tubig. Pansin ko na
medyo kabado si Ken ng sandaling 'yon, takot siguro ito na baka ma interrogate siya. Kitang kita ko naman na pinagpapawisan siya.
"Huwag kang ma tense, natutuwa kaming nagkita na rin kayo. Pero eto lang ang bilin ko muna ha. Friends lang muna kayo at wala munang boyfriend at girlfriend, unahin niyo muna mag-aral ng mabuti at kapag ok naman na ang lahat hindi naman kami tututol." malumanay na wika ng mommy ni Yen.
Halos pagpawisan ng malagkit si Ken sa naririnig. Naka ilang lagok pa ito ng tubig, bago makapag salita. Nagugulat siya sa mga narinig, dahil kakakita pa lang naman nila ni Yen...
"Wala pong problema maam at sir. Makakaasa po kayo na maghihintay ako para sa tamang oras at panahon namin." proud na sabi nito sa magulang ni Yen.
Napayuko na lamang ako at napangiti, dahil ayaw kong ipakita dito ang itsura ko. Amininin ko ay medyo naiilang pa rin ako sakanya, dahil first time pa lang namin mag-kita at hindi ko rin naman alam kong paano ko siya i-approach.
Likas naman sa'kin ang pagiging friendly, kaso nga lang iba si Ken sa mga friends ko na matagal ko na ring nakasama.
Naisipan ng magulang ko na mag stay na muna si Ken saamin. Doon muna siya tutuloy sa bahay ng mga pinsan ko, balak rin kasi namin na magpicnic at gusto siyang isama, para naman daw magkaroon kami bonding dalawa at hindi na magkahiyaan pa. Pabor naman sa'kin 'yon, dahil kong sakaling magkakasama nga kami ay medyo mapapalagay na rin ang loob ko rito.
Hinatid na ni daddy si Ken sa bahay ng pinsan ko at naiwan naman kami ni mommy sa sala. Nakita ko naman ang mapanuring tingin ni mommy..
Mommy..., sambit ko.
"Bakit Yen, anong atin?" maang maangan na sabi nito.
W-wala naman po mommy. Akyat na po ako sa taas. Pagpapaalam ko rito. Narinig ko naman na may pahabol na sinabi si mommy, kaya natawa na lang ako habang pumapanhik sa itaas ng kwarto ko.
Si mommy talaga, masyado bang halata na kinikilig ako, usal ko. Nakaupo at nakatingin sa kawalan. Ang ganda talaga ng mga bituin sa langit. Kumikinang kapag gabi na.
Nagpasalamat muna ako sa araw na 'to bago ko ipikit ang aking mga mata, at 'di ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako..
Kinaumagahan nagising ako sa ilang katok na nagmumula sa pintuan ko. Medyo natatamad pa akong bumangon kaya hinayaan ko na lamang kong sino ang kumakatok rito. Maya-maya naman ay tumigil na rin ito sa pagkatok. Muli kong ipinikit ang mata ko at gusto ko pa sanang matulog ng biglang nakarinig na naman ako ng katok. Naiinis na ako kay bumangon na rin ako diretso ako sa pintuan. Pag bukas ko ng pintuan, bumungad sa'kin ang naka ngiting mukha ni Ken.
Waaah, napasigaw ako ng maalala kong kagigising ko lang pala at g**o g**o pa ang buhok ko, bigla kong binagsakan ng pinto ito. Hiyang hiya ako sa itsura ko ngayon.
Yen, yen, may problema ba? tawag nito sa pangalan ko.
Ayos lang ako Ken, maya maya lalabas na rin ako mauna ka na., sambit ko para hindi na siya mangulit..
Nakahinga na ako ng maluwag ng marinig ko ang mga yabag niya na papalayo.