Samantalang si Yen naman ay naisipang mag upload ng picture nila ng kababata niya. Nilagay niya lang ang caption na 'My childhood friend whom I cannot saw for almost 13 years'.
Nag sign out na siya at natulog na din medyo late na at bawal siya mag puyat dahil 1st day of school niya. Bawal din siya ma late sa pag gising dahil mapapagalitan siya ng kaniyang mommy.
Kinabukasan excited ang dalawa. Maaga silang nagising, kumain at nag bihis. Umalis ng bahay at pumasok ng school.
Magkaibang school nag aaral ang dalawa. Si Yen sa BNSH Boracay National Senior High samantalang si Ken naman ay sa KNSH Kalibo National Senior High.
Maganda ang araw ni Yen dahil nakita na naman niya ang mga kaibigan niyang mga maritess.
"Nako! Yen may tsika ako sayo. Nakita namin iyong post mo, viral na siya sa social media. Baka yan na iyong chance na magkita kayo." pagkalakas lakas na sinabi nito.
"H-huwag ka ngang maingay, baka mapagalitan tayo ni Sir." saway ni Yen sa kaibigan.
"Nagsasabi lang ako ng totoo, look oh." sabay kuha ng cellphone nito at ipinakita sakaniya.
Gayon na nga lang ang gulat niya ng makitang umabot sa milyon ang comments ng mga taong tuwang tuwa sakanila. Madaming kinilig at natuwa iyong iba pa nga ay nag share ng story nila. Nang mga sandaling iyong umaasa siya na makita na nga ang kababata.
For the first time umabot ng milyon ang post niya.
Samantalang wala naman kamalay malay si Ken na viral na ang mukha niya noong bata pa lamang siya. Wala kasi siyang kahilig hilig sa social media.
Natapos ang klase ni Ken at umuwe na siya ng kanilang bahay.
Sa di kalayuan bigla siyang tinawag ng kaniyang kapit-bahay. "Ken." tawag nito sakaniya. Dali dali naman siyang tumigil sa paglalakad.
Isa ito sa mga maritess niyang kapit-bahay. "Ano pong atin ate,?" tanong nito. May pinakita ito sakaniya. Laking gulat niya ng makita ang larawan niya noong nasa Boracay siya kasama ang matagal na niyang hinahanap na kababata.
"Hindi ba ikaw yan,?" tanong nito.
"O-opo ako nga yan, mauuna na po ako ate." nakangiting sabi ni Ken at nag paalam na din siya dito.
Sumakay siya ng habal habal para mas mapabilis siyang makauwe sakanilang bahay, dahil excited siyang makita ang kababata niya.
Habang sa biyahe hindi naman mawala ang ngiti niya at napansin naman ito sa review mirror ng isa pang tolits niyang kapit bahay. Malalayo kasi ang agwat ng mga bahay sakanilang lugar pero kapit bahay pa din naman niya ito dahil iisang bayan lang naman meron ang Kalibo.
"Anong atin bakit ka nakangiti,?" nagtatakang tanong ni mang tolits. Actually hindi naman tolits ang name ng manong driver. Tawag lang niya iyon sa mga taong nakiki tsika ng buhay niya. Tolits mean tol anong latest.
'W-wala naman po mang to-' hindi niya na natuloy ang sasabihin baka pababain siya ng driver.
"W-wala po kuya." ayon na lang sinabi niya.
Nakarating din si Ken sakanilang bahay. Wala ngayon ang kaniyang lola. Nagmamadaling kinuha niya ang kaniyand ipad. Nag sign in siya sa social media account niya. Ayon na nga nakita niya na viral na nga sila.
Binasa niya ang captions. Sabay view ng mukha ng nagpost. Laking gulat niya na ang babaeng nakita kamakailan lamang ay iisa. Bigla siyang napangiti kaso nga lang bigla din siyang nalungkot. Magkaiba ang antas ng pamumuhay nila mukhang mayaman ito at samantalang siya ay simple lamang. Makikita naman sa mga larawan nito at mga tour sa ibat'-ibang panig ng bansa.
Napaisip siya ano bang mapagmamalaki niya lagi lang naman siya sakanilang farm, ni Boracay nga hindi niya mapuntahan. Nahihiya siyang magpakilala dito.
"Yen Andrade napakagandang pangalan bagay na bagay sakaniya." wika nito.
Hindi siya makapaniwala na lalong gaganda pa ang kababata. Hindi maiwasang humanga talaga siya ng todo sa ganda nito. Nawili siyang istalk ang account ng dalaga, kong may boyfriend na ba ito. Napangiti siya ng malaman na single pa din ito. Nakita din niya na achiever sa school ito. Mas lalo lang syang na intimidate dito.
Si Yen naman ng sandaling iyon ay natutuwang magbasa ng mga comments. Aliw na aliw siya sa mga nababasa. "Ang daming maritess talaga." sabi niya sakaniyang sarili. Mauubos na lang niya ang mga comments sa pagbabasa. Daming mga tao all over the world na natuwa sa post niya may mga taga Japan, Singapore, Hongkong, Middle east etc at kahit mga tao din sa Pinas ay hindi maiwasang kiligin sa post niya.
Hanggang sa may nakita ang kaniyang mga mata isang comment ang pumukaw sakaniya.
"Montana." basa niya dito. Napapa ngiti si Yen habang binabasa ang comment nito.
"Kilala ko ang hinahanap mo. Former classmate ko siya. Kong gusto mo siyang makita isesend ko ang address niya sayo." basa niya dito.
Maya maya pa nag beep ang cellphone niya. Galing sa isang lalaki ang message.
"Hi! si Ken Madrid ba ang ang hanap mo. Kilala ko siya classmate ko siya noong elementary. Nasa Kalibo Aklan siya ngayon. Eto ang account niya." basa ni Yen sa isip.
"Maraming salamat po." reply niya dito.
Kaya naman pala hindi niya mahanap ang kababata dahil iba ang gamit na pangalan. May pagka chinese kasi ito at ang hirap basahin. Pero kong ita translate mo naman in English Ken Madrid ang lalabas. Masayang masaya si Yen. Kaso nga lang alanganin kong siya ang mauunang mag messages dito.
Minabuti niya na lang na mag antay sa messages ng kababata.
Hindi pa din magawang mag comments o magessages ni Ken sa kababata. Dala ng hiya at pagkatakot na baka hindi man lang siya pansinin ng kababata.
Hanggang sa naglakas loob na din siya.
"Bahala na nga." sabi niya sakaniyang sarili.
"Hi! Yen, kamusta ka na. Naalala mo pa ba ako. Ako si Ken remember sa Boracay 13 years ago. Pasensiya na kong hindi ako nagpaalam. Tatlong linggo lang kasi kami sa Boracay. Hindi kasi kita makita ng araw na iyon. Mag iingat ka palagi.
Laman ng kaniyang mensahe. Mga ilang oras pa ang inantay niya pero walang reply ito. Kaya napagpasiyahan niyang mag sign out na.
Habang si Yen naman nakahiga at nakatingin sa kisame ng kaniyang kwarto. Hindi niya hawak ang kaniyang cellphone kaya wala siyang kamalay malay na may surpresang mag aantay sakaniya.