Chapter 2- Ordinary day

1144 Words
Balik pasukan na naman at kailangan na din mag enroll ni Yen. Senior High School na siya ngaun. Habang nakapila siya sa admin office. Nakita naman siya ng ilan niyang kaibigan. Nagkamustahan sila at hindi sinasadya na masingit sa usapan nila si Ken. "Kamusta Yen, long time no see." sabi ng kaibigan nito. "Eto, ok lang kababalik lang ng Boracay galing kaming hundred Islands. Treat nila mommy at daddy saakin. "Oo, nga nakita namin. Ikaw na talaga Yen. How I wish na may ganyan akong ka supportive parents." wika nito. "A-ano ka ba, ayos lang iyon. Strict din parents ko pero alam naman nila hilig ko mag photoshoot. Isa yan sa dream ko." paliwanag ni Yen dito. "By the way, have you find him." tanong ng kaibigan ni Yen. Hindi naman maiwasang malungkot muli ng dalaga kapag nasisingit sa usapan ang kaniyang kababata. "Hmmm! I can't find him. Nawawalan na nga ako ng pag-asa. Kung magkikita pa nga ba kami." sagot ni Yen. "Ok, lang iyon malay mo soon magkita din kayo. Ayeeee!" panunukso nito kay Yen. "A-ano ka ba, marinig ka ni mommy. Magkaibigan lang kami masyado kang issue. Napaka maritess mo din ano." natatawang sabi ni Yen dito. "Tara na nga." aya ng isa pa nilang kaibigan. "Sige," pa chorus na sabay na sabi nila Yen dito. Nang matapos sila mag bayad ng tuition fee nagkayayaan sila na kumain sa labas. Nagpaalam muna si Yen sa magulang, pumayag naman ito kaagad. Hindi alam ni Yen na nakasunod din pala ito sakanila. Naglalakad sila sa loob ng mall. Nakita nila iyong usong laro sa mga arcade. Naglaro ang tatlo napagkatuwaan nilang laruin iyon sasayaw na may gagayahing step sa screen. Nang mapagod sa paglalaro, naupo sila sa bench. Maya-maya pa nagkayayaan ng kumain at manuod na cinema. Paborito nila ang mga korean movies. Mga oppa ng korean ang ga gwapo kasi ng mga ito. Pero para kay Yen mas gwapo pa din ang kababata, maputi kasi ito at singkit din ang mga mata. Nang matapos silang manuod ng cinema lumapit na ang kaniyang mommy sa kaniya. Laking gulat ni Yen na nandito din ang mga magulang. "M-mommy! akala ko po mamaya pa niyo ako susunduin,?" tanong ni Yen. "Ay! nako itong daddy mo, nag aya din mag mall. Gusto daw niyang kumanta sa mga singing booth. Naiinis na nga ako panay pilit saakin na kumanta alam naman niya na wala ako sa tono." inis na sabi ng kaniyang mommy. Hindi naman maiwasan ni Yen na matawa sa narinig. "Oh! ano tinatawa mo diyan.?" tanong nito sa kaniya. "W-wala po my, ang ganda mo kasi lalo pag nagsusungit." pang aasar din nito sa kaniyang mommy. Para kasi silang magbarkada lang ng kaniyang mommy dahil solong anak lang siya at walang kapatid. Long story ang sabi ng kaniyang mommy kaya unica hija lang siya. Minsan napapatanong na lang si Yen, bakit wala man lang siyang kapatid. May mga pinsan naman siya, pero iba din siguro ang pakiramdam na may kapatid. May makukulit at malalambing ka. Nagpaalam na din ang mga kaibigan ni Yen. Maging sila Yen ay lumakad na din patungo sa kanilang sasakyan. Habang nasa byahe ang mag-anak. Napansin ng mommy ni Yen na malungkot ang kaniyang dalaga. "Bakit ka malungkot at ano ang bumabagabag sayo." tanong ng kaniyang ina. "W-wala po mommy." sagot ni Yen. "Sigurado ka ba,?" pabalik na tanong nito sakaniya. "Ahmm! mukhang alam ko na." sabi nito. "W-wala naman po talaga mommy." saad niya. "Nahanap mo na ba ang hinahanap mo." muling tanong nito sakaniya. "Hindi pa po mommy, mailap siyang mahanap. Baka ayaw na din niyang makita ako at baka nga hindi man lang niya ako naiisip o naalala." pagtatampong sabi ni Yen. "Ayan ba ang wala lang. Isa lang ang tanong ko sayo, bakit essay naman ang sinagot mo." natatawang sabi ng kaniyang mommy. "Mommy!" nakasimangot na sabi ni Yen. "Hayaan mo darating din iyong araw na magkikita kayo." pagpapalakas ng loob nito sakaniya. Sa bayan naman ng Kalibo Aklan na kung saan nakatira si Ken. Excited na ang binata kasi sa wakas makakapag enroll na din siya. Maagang nagpaalam si Ken sa kaniyan lola. Sakay siya ng kaniyang motor na regalo pa sa kaniya ng kaniyang mama noong nakaraang taon na nag birthday siya. Masaya naman siya sa natanggap na regalo pero iba pa rin sana ang saya kong kumpleto sila. Nakarating si Ken sa school. Nag park muna siya ng motor bago pumasok sa loob ng school. Nakita niya sobrang haba ng pila. Buti na lang nag cut off at unti unting nagsi alis ang mga estudyante sa pila. Nasa senior high school na din si Ken na dapat ay nasa College na sana. Long story kong bakit siya napatigil sa pag-aaral. Dali- dali siyang pumila at ilang oras lang nag bukas na din ang admin office. Pang tatlong pila lang siya. Masaya naman si Ken ng makatapos makapag enroll. Dali-dali siyang tumawag sa kaniyang lola para ibalita. Nang matapos ang kanilang usapan. Lumabas na siya sa paaralan at hinahap ang kaniyang motor. Mabilis siyang sumakay at pinaandar ito. Malayo layo pa ang lalakbayin ni Ken. Sa hindi kalayuan nakita niya ang dati niyang ex. Long story kong bakit sila nagkahiwalay. Basta dumating lang iyong panahon na wala na silang na feel na spark sa bawat isa. Mahirap naman ikulong ang isa't-isa sa relasyong hindi na dapat ipilit pa. Sa kabilang bayan naman may kumakaway na naman sakaniya. Isa naman iyon sa former classmates niya noong high school na lantarang magpakita ng pagkagusto sa kaniya. Dahil wala naman interes dito at likas na mahiyain ang binata. Nakarating si Ken sa bahay nila at nagmano sa kaniyang lola. Nagpaalam muna siya dito dahil gusto niya muna magpag isa. Nakita niya ang kaniyang gitara at kinuha ito at nag simulang mag tipa ng string. Sinasabayan niya ang pagkanta ng dati. Kapag kinakanta niya kasi ito lagi niyang naalala ang kababata na almost 13 years na hindi niya pa nakikita. Gustuhin man niyang hanapin ito pero paano. Ang tanging natatandaan niya lang na pangalan nito ay Yen. Hindi nga niya alam kong ito nga ba ang tunay nitong pangalan. Tatlong linggo lang naman kasi silang nagbakasyon sa Boracay. Gustuhin man niyang pumunta mag-isa masiyadong malayo at ayaw niyang maiwan ang lola niya ng matagal na oras. Medyo may edad na din kasi ito kaya talagang kailangan ng lagi may makakasama. Natapos ni Ken ang pagkanta, nang siya ay mapagod naisipan niyang mag bukas ng social media account niya. Since ayaw niya madaming makaalam ng account niya. Hindi siya gumamit ng totoo niyang pangalan. Nag type siya ng pangalang Yen. Ang daming lumabas na account. May nahagip ang kaniyang mga mata. Yen Andrade ang pangalan. Maganda siya, bigla na lang kumabog ang dibdib niya at hindi niya mawari kong ano nga ba iyon. Ano bang meron sa babaeng kaniyang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD