Saturday na naman kasi wala silang school ni Ken kaya pwede silang magkita. Nagkausap ang dalawa na susunduin si Ken ng pamilya ni Yen sa sa terminal para pumunta sila sa Boracay babalikan nila ang mga kaganapan sakanilang buhay sa nakalipas na lapit tatlong taon.
Masayang nag empake si Yen at Ken dahil after ng ilang linggo na magkalayo, muli na naman silang magkikita.
"Yeeeeeen, bumaba ka na dito aalis na tayo." tawag ng kaniyang mommy.
Nang ito'y kaniyang marinig dali-dali na siyang lumabas ng room at bumaba. Nakita niyang nasa labas na ang kaniyang magulang at kinakawayan na siya para pumasok sa loob ng sasakyan.
Mahaba haba ang byahe ng pamilya Andrada kaya napa stop over muna sila sa isang pamilihan namili sila ng mga kakainin nila sa byahe at para hindi din mabagot sa byahe si Yen nakikinig siya ng mga music.
Halos mahigit dalawang oras ang tinagal ng byahe nila bago sila makarating ng terminal dito nila aantayin si Ken. Mga ilang minuto lang nakita na ni Yen ang paparating na si Ken na kumakaway sakaniya. Hindi naman mapaliwanag ni Yen ang nadarama ng muling makita ang kababata.
Mabilis namang pumasok si Ken sa loob ng sasakyan. Nagkakahiyaan pa ang dalawa pero nang mga ilang minuto pa nag usap na din sila.
Napansin naman ni Ken na humihikab ito kaya kinuha niya ang ulo nito at pinasandal sakaniyang braso, mga ilang sandali lang nakatulog na din siya.
Kitang kita naman sa review mirror ng mommy ni Yen ang sweetness ng dalawa, napapaisip tuloy siya kong tama ba ang naging desisyon niya. Alam naman niyang hindi siya bibiguin ng dalawa, magtitiwala na lang siya at iisantabi ang mga agam agam.
Ginising niya na ang dalawa na ang sarap ng tulog sa backseat.
"Yen, ken gising na." yugyog niya sa braso ng dalawa dahil kanina pa niya ito ginising at tila na enjoy nito ang pag tulog na magkatabi. Kulang na lang sigawan niya ang mga ito kong hindi lang nakakahiya sa mga taong makakarinig.
Papungas pungas naman ng kamay si Yen habang unti unting dinidilat ang kaniyang mga mata at gayon na lamang ang gulat niya na nkadungaw ang kaniyang mommy at namimilog ang mata na nakatingin sakaniya.
"M-mommy saan na po tayo,?" tanong niya para maiba ang itsura nito. Nakita niyang medyo umaliwalas na ang mukha ng kaniyang mommy.
"Nasa Boracay na tayo at kanina ko pa kayo ginigising mukhang na enjoy niyo iyong mahabang byahe." nakataas na kilay na sabi nito.
"Medyo lang po mommy hehehe." pagbibiro ni Yen kasi anytime alam niya baka sumabog na to sa inis. Bakit naman kasi ganon ang ayos nila ng makita sila sabagay tulog kasi sa isip niya.
Nakita naman niyang tulog na tulog pa din ang kababata kaya minabuti niyang gisingin na din ito.
"K-ken, ken." sabay tapik ng braso nito baka sakaling magising. Ilang saglit lng nakangiting bumangon na ito. Kanina pa pala to gising ang nagtutulog tulugan lang at natatakot masermunan ng mommy ni Yen.
"Bilisan niyo dyan at kanina pa tawag ng tawag ang daddy mo saakin. Kanina pa siya nandoon sa resort." wika nito na minamadali na sila.
Nauna namang naglakad ang mommy ni Yen papunta sa resort. Samantalang nagulat naman si Yen ng pagdaupin nito ang mga palad nila sabay sabing "the spaces between my fingers are right where yours fit perfectly". mga katagang nag mula dito.
"Yeeee, dami mong alam. Saang mema na naman mo yan nakuha. Daming hugot lagit." pang aasar ni Yen para itago dito ang kilig na nadarama.
"W-wala yon' lonely lang ako ng mga araw na na share post ko yon' pero ngayon hindi na." wika ni Ken na abot langit ang ngiti.
Napakapogi niyang tingnan kapag nakangiti siya. Papasang artista ang kababata.
"Mema ka talaga, diyan ka na nga." sabi ni Yen at bumitawa sa pagkahawak ni Ken na ngayon tumatakbo na.
"Sandali Yen." tawag nito na hinihingal na kakatakbo.
Likas sa dalaga ang pagiging masiyahin kahit na iisang anak lang siya madami siyang ginagawang makabuluhang bagay. Tulad na lang ng pag compose ng mga kanta at nilalapatan niya ng musika.
Nasa cottage silang dalawa ng maisipan ni Ken na kunin ang kaniyang gitara para kantahan ang kababata. Nagpaalam siya saglit, mabilis namang nakabalik ito at sinimulan ng mag tipa ng string sa ng kaniyang gitara. Naisip ni Ken kantahin ang kantang hinahanap hanap kita.
Ganado naman sa pagkanta ito at tila nagpapa cute pa sakaniya. Nakangiti naman na nakikinig si Yen at bawat lyrics ng kanta ay tumatatak sakaniya lalo na ang ilan sa mga ito..
Sa umaga't sa gabi
Sa bawat minutong lumilipas
Hinahanap-hanap kita
Hinahanap-hanap kita
Sa isip at panaginip
Bawat pagpihit ng tadhana
Hinahanap-hanap kita
Pinalakpakan naman ni Yen ang kababata dahil sa husay nitong kumanta. Sino bang mag aakalang may talent ang kaniyang kababata. Masiyado kasing mahiyain to the very first time na nag meet sila, pero unti unti na din nawawala ang hiya nila sa bawat isa.
Niyaya ni Ken na pumunta sila sa may dagat magkasabay na naglakad ang dalawa at inaalalayan naman ni Ken si Yen habang hawak niya ang kamay nito.
Nakarating sila at umupo sa may buhanginan. Tahimik na nakatanawa si Yen sa karagatan ng biglang may naitanong si Ken sakaniya, humarap naman siya dito ata nakinig.
"Kong hindi ba tayo nagkita, hahanapin mo pa din ba ako,? tanong niya na nag aantay ng kasagutan.
"Ahmmm baka, ewan, siguro. Out of my curiosity kong nasaan ka na nga ba. Ano bang ginagawa mo, something like that. How about you." sagot nito at nagtanong din sakaniya.
"S-siguro lonely pa din ako. Bukid is life mga ganon. Wala kasing makakatuwang si Lola sa mga gawain doon. Pero ngayon nandito kana, syempre madaming magbabago" sagot naman niya.
"I see, ano naman yon' curious sa narinig kaya naitanong niya.
"Syempre iyong tayo, sa tamang panahon masasagot ko din yan. Sa ngayon gusto ko lang na lagi kang. nakakasama." sabay hawak sa kamay nito at nilapit sa puso nito.
"A-ano naman yang ginagawa mo makita tayo ni mommy." saway niya kasi tanaw sa di kalayuan ang kaniyang parents na sweet sa isa't-isa.
"H-huwag kang magulo, pakinggan mo kasi ang bawat t***k niyan sabay hila sakaniya at sinandal ang ulo sa bandang puso nito. "Ano may naririnig ka ba." tanong niya dito.
Nagulat man sa pinag gagawa ng kababata natutuwa naman siyang sakyan ang kalokohan nito.
"W-wala naman akong naririnig." natatawang sabi niya kasi naman uso pa ba mga ganyan.
"Hindi mo naman pinapakinggan kasi." nakakunot noo na nakatingin sakaniya at inalis na ulo ni Yen na nakasandal sakaniya.
"Eh! wala naman talaga akong narinig." nagtataka na sabi niya, hindi niya kasi alam anong trip nito.
"Hindi mo ba talaga narinig." muling tanong nito sakaniya.
"Hindi, ano ba kasi yon' naguguluhan na sabi niya, hindi din niya kasi maisip ano bang gustong sabihin ng kababata.
"Yen, yen, yen." ayan ang sabi ng puso ko.
Muntik ng mapahagalpak ng tawa si Yen sa narinig, ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili baka madismaya ito pag narinig ang tawa niya.
"Ah ok, ang corny mo." sabay hagis ng buhangin dito.
Nagsabuyan sila ng buhangin bumalik sa ala-ala nila noong panahon na bata pa lang sila. Nang mapuno ng buhangin ang kanilang buong katawan sabay silang pumunta ng dagat na magka holding hands.
Nagtampisaw ang dalawa na parang bata at naghahabulan pa sa baybayin ng dagat. Tanaw din nila ang papalubog na araw.