Chapter 3
Jeisen Jee POV
Nauna na akong maglakad pagkatapos naming mag-usap nung lalaking muntik ng makatama ng bola sa 'kin.
"Omeegee! Ang cool ng pag-catch mo ng ball girl ha," sabi ni Aicel. "Like, twice na 'yon. Kanina sa class and now naman. How did you do that ba?"
"Naramdaman ko lang," sagot ko.
"Naramdaman you lang? Like, really?You are so nakaka pala, girl. Sana I also have that pakiramdam din. Aha-ha."
I maintained my poker face.
Ang daldal kasi ng babaeng 'to.
Wala akong dapat ekwento sa kanya.
"That's Sebastian Zarte," pagpatuloy niya ng hindi na ako kumibo. "Ang gwapong Baseball Captain ng ating CAS. And he is one of the hottest guy here. You know that ba?"
"Hindi," agad kong sagot.
Tinapik niya naman ang balikat ko.
"Aha-ha-ha! You are so nakaka talaga. So, here na nga. I will make sabi nalang to you. You see the three gwapo guys kanina? They are our Supreme Student Council officers. Si Aston Howell, Clark Jin Mukai and our SSC President Gareth Liu Fortel. They are super duper gwapo, diba?"
Tumango lang ako kay Aicel.
Hindi ako interesado sa mga lalaki na kinikwento niya. Pero sige nalang.
Pantay kasi ang tingin ko sa lahat.
Totoo, marami ngang gwapo rito sa UDR.
Bagay na bagay sila sa school na ito. Almost all of them are like royalties.
I let her talk. Papunta ata kami sa isang cottage. Tambayan ng mga studyante.
Napakalaki talaga ng school na 'to.
Ang bawat department ay may kanya-kanya ding building. At ang bawat building na 'yon, ay may maliliit na cottage para tambayan ng lahat.
Ang ga-ganda ng desinyo ng mga cottage.
Kitang-kita ang labas mula rito sa loob. May mga tanim ding bulaklak. At ang aliwalas pa ng paligid.
I think I will like it here.
"Omeegee! She's here na!"
Umayos ako ng upo at sinundan ng ang papalapit na babae sa 'min. She's pretty like Aicel. Mahaba ang buhok nito at may bangs pa.
Tisay lang ang 'sang 'to.
And green. She's wearing all green.
"Flower girl, Aicel," bati niya. Nagbeso pa 'to sa kanya. Hmm. They are bestfriend.
"I miss you, girl," sabi niya rito. "We have new friend, Sha. She's a transfer student from province. She's just bago lang. Her name is Jeisen Jee Escintosh."
Hindi ako gumalaw.
I just stared at her.
"Hello, flower girl," bati niya sa 'kin. "Ang saya! May bagong member ang grupo. Hihihi. Ako nga pala si Sharmina Armarini. Pero, Shasha nalang."
New member?
So, they have a group.
"Ilan pala kayo?" tanong ko.
"Hihihi. Dalawa lang kami."
Napangiwi ako.
Akala ko pa naman may girl group sila. Kagaya ng sorority or club na para sa babae.
"Ahh," maiksing sagot ko.
"Kumusta pala mga flower?" tanong niya pero parang 'di naman siya nakatingin sa 'kin.
Sinundan ko kung sa'n siya nakatingin.
Sa mga bulaklak lang pala.
"Mukhang nalalanta kayo ah," sabi niya. Naglakad 'to sa mga hanging plants ng cottage. "Di pa ba kayo nadidiligan ng mahaba-haba? Dapat dinidiligan ang mga flowers na kagaya ninyo. Hihi. Para naman malago, matambok, malaman at masarap kayo tingnan sa mata. Hihihi."
Ano raw? Wait!
Namali ba ako ng dinig?
Ba't parang may double meaning 'yon?
Inaamin ko na werdo ako pero mas werdo pa ata itong mga kasama ko.
Si Aicel, sobrang conyo.
Itong si Shasha, may double meaning ang sinasabi. Pwede ring exaggerated lang talaga akong mag-isip. Hmmm.
"Omeegee, Shasha," mahinang tili ni Aicel at pinuntahan 'to. "You are so nakaka talaga. Of course, okey lang ang mga flowers here. Nadidiligan sila and they are so green. Look oh? See that dahon? Ang clean and green kaya. Like your super duper paboritong color."
"Hihihi. Oh my goodness. Oo nga. Siya nga pala flower girl," lumingon ito sa kanya saglit pagkatapos ay may tinitingnan sa malaking bag na dala niya. "Nahuli ako usapan natin kasi nag-ahit pa 'ko. Alam mo na para sa kalinisan kailangan ng matinding konsentrasyon baka may dumugo 'e."
"That is so nakaka pala. Buti you make abot-abot here agad," sagot nito at lumapit pa sa kanya. Nakitingin na rin 'to sa bag niyang green din. "Like, omeegee! Nakilala namin ang mga hot guys here ng school. You make ahit-ahit pa kasi. Dapat you make ahit-ahit nalang d'yan sa comfort room or here nalang sa cottage."
Mariin akong napapikit.
Ano ba pinag-uusapan nila?
"Wag nga kayong mag-usap ng ganyan," sita ko sa kanila. "Dapat private lang 'yang."
"Aha-ha-ha-ha," maarteng tawa agad ni Aicel. "You are so nakaka girl! What ba iniisip you? Like, seriously? Aha-ha!"
"Diba 'yong ahit sa ibaba?" tanong ko. "Tapos may dugo-dugo pa kayong sinasabi."
Nagtawanan naman sila.
"I'm serious," sabi ko.
"Hihihi. Hindi naman 'yon, flower girl," tinuro niya ang dala niyang pencil case. "Nag-ahit kasi ako ng mga lapis. I'm taking fine arts. Kailangan ko ng magandang lapis. Para sa pag-guhit."
'Yon lang pala.
Iba kasi naiisip ko
Tumango ako, "K."
"Masasanay ka rin kay Shasha girl," sabi ni Aicel. "She's really ganyan magtalk."
Tumango uli ako.
Yeah. Masasanay din ako sa inyo.
Nilagay ko muna ang bag sa gilid. Gusto kong matulog. Hindi kasi ako makasabay sa usapan nilang green.
"Shasha, girl," rinig kong tawag niya rito. "Nagawa you na ba your entry for our university week? Like, nagdraw na you?"
"I'm still working on it," sagot nito. "I need inspiration, flower girl. Gusto ko 'yong mamasa-masa. 'Yong wet na wet. Nakikingita ko na nga ang art na gagawin ko. 'Di sayang ang duguang pag-aahit ko."
Dumilat na ako. Mas malala pa ata ang maririnig ko sa kanila 'pag nakapikit.
Masayang pumalakpak si Aicel
Natuwa pa siya?
"Great! Great!" sabi niya,"I'm so proud of you talaga girl. Maganda na naman I'm sure 'yang mga paintings you."
"Hihi. Oo naman."
Sumandig nalang ako. Kung pwede lang makaalis na ngayon. Kanina ko pa ginawa.
Ako naman ang nilingon ni Aicel
"How 'bout you naman?" tanong niya. What club ba sasalihan mo? Nextweek na kasi ang final submission ng bawat club 'e. Like, you should make isip-isip na para you can make habol-habol na agad sa event ng U-week natin."
"Hindi pa ako segurado," sagot ko.
"Uhm... flower girl," tumabi si Shasha sa 'kin. "Pwede ang House of Theater tayo, Sports Club, Music Club, Dance Troop. Pwede ka rin sa publication natin ang The Royal News. Ang astig na Photography Club. Pwede ka rin sa club ko flower girl, ang Rainbow House."
Nice. Marami palang clubs na pwedeng salihan dito sa UDR. At lahat 'yon interesting.
"Umm... 'pag-isipan ko muna," sagot ko.
"Oist flower girl, pwede ka naman sumali ng dalawa o tatlong clubs. It's either in academic or sports. Basta hindi lang conflict sa sasalihan mo."
Two or more?
Pwede na rin.
Ngumiti ako ng tipid kay Shasha.
They are friendly. Masaya silang kasama sa palagay ko 'pag nasanay ka lang.
I am introvert. Mas gusto kong mag-isa sa mga ginagawa ko. And having friends are new to me. Hindi rin ako basta-basta nakikipaghalubilo. Maliban lang kung importante 'to.
---
This is my second day in school.
At ngayon din ang araw para mag-umpisa akong magduty sa canteen. Well, normal naman ang lahat.
Maliban sa mga ingay na naririnig ko.
Girls, na rinig niyo ba ang bali-balita?
'Di e, ano ba 'yon?
Ang mga prince natin hinarangan na naman ng mga bad guys kagabi. Gosh!
Hala! Diba last ime may humarang din sa kanila? Grabe! Delikado na talaga panahon ngayon. Nakakatakot.
Oo nga. Pero may tumulong naman sa kanila. Nakamaskara raw 'e.
Bumuntong hininga ako at napatingin sa gilid ng braso. Psh! Nagkapasa pa 'ko.
Ang lawak ng canteen nila. Sa bawat area nito ay may ibat-ibang kulay.
Bawat kulay ay nakabatay sa kung anong kurso ang kinukuha mo.
Green ang para sa College of Arts and Sciences. Ang college na kinabibilangan namin.
Orange naman ang para sa College of Engineering and Technology. Kaya pala puro lalaki ang nakikita kong kumakain.
White para sa College of Education and Nursing. Gusto ko ang department na 'to. May mga cute na chandelier kasi sa itaas.
Red ang sa Business college.
This is the main canteen.
Kaya pala sobrang laki.
Napahikab ako. Inaantok na naman ako. Simula ng napunta ako dito sa UDR, konti nalang ang oras ng tulog ko.
"Anong nangyari sa braso mo, Jee?"
Napalingon agad ako sa nagsalita.
Si Aling Leonora Fe lang pala.
Ang namamahala nitong main canteen. Medyo may katabaan 'to. At sa palagay ko nasa singkwenta na ang edad niya.
"Ah, wala lang 'to, Aling Fe," sagot ko naman. "Nadulas lang po ako kanina."
"Ganun ba," tumango 'to. "Mag-iingat ka sa susunod. Mabuti nalang at 'di natamaan ang ulo mo. Delikado 'yon."
"Oo nga po."
Nagpatuloy ako sa pagpupunas ng plato sa tabi niya. Siya naman ay may nilalagay na tatlong medium cup na inomin sa tray. Ready made drinks?
"Ah Jee," sabi niya at tinuro ang tatlong lalaki na nakaupo sa unahang bahagi ng canteen. "Pwede bang pakihatid mo muna 'tong PooPoo Smoothies, Suicide Soda at Expired Poison sa tatlong pogi na 'yon?"
Napakamot ako sa ilong.
Ayos ah. Kakaiba pala ang tawag sa mga inoming 'to? Parang simpleng pearl coolers lang naman ata sila.
"Sige po," sagot ko.
Iniwan ko muna ang pinupunasan ko at kinuha ang tray sa kanya.
Ang tatlong tinatawag nilang prinsepe pala ang pagdadalhan ko. Si Jin na busy kakabasa ng libro. Si Aston na kausap ang nakakunot nuong si Gareth.
Tumigil muna ako sa paglalakad. Mukhang seryoso kasi ang pinag-uusapan nila.
"May palatandaan ka ba kung sino 'yong nagligtas sa 'tin kagabi, Liu?" tanong ni Aston.
"I'm not sure," sagot naman ni Gareth. "But if I could still remember, nabunggo ata siya sa tagiliran niya."
"Ninja seguro 'yon, Liu. Bigla nalang tumalon sa itaas at pinagbabali ang mga buto ng mga humarang sa atin. Tapos wala naman 'tong sinabi at umalis agad. Woah! Galing talaga!"
"Tsk. Ang weird nga."
"Mga kalaban na naman seguro nina Tito Reth 'yon. Ba't ba kasi ayaw mo ng body guard? Mas okey 'yon, Liu."
"Aish! I am not comfortable."
Napapailing akong nagpatuloy uli sa paglalakad. Inilapag ko naman agad ang tatlong drinks sa mesa nila.
PooPoo Smoothies para kay Aston.
Suicide Soda para ky Jin.
At Expired Poison para kay Gareth.
Hula ko lang 'yong inomin na gusto nila. And with my peripheral vision. Nanlalaking matang nakatingin sa 'kin si Gareth. Si Jin naman napa-angat ng tingin. Si Aston lang ang laki ng ngiti.
"Woah! Ikaw 'yong muntik ng matamaan ng bola last time, diba?" agad niyang tanong. "Ang ganda mo pala talaga sa ganitong malapitan. So, sa canteen ka pala naka-assign?Mukhang mapapadalas ang pagkain ko dito, diba Liu?"
"I'm a busy person," masungit na sagot nito at tiningnan ang braso ko. "Hey, what happened to your shoulder?"
Here we go again.
Sa kakamadali ko kaninang umalis. T-shirt ang naisipan kong isuot ko. Nawala sa isip ko na may pasa pala ako.
"Hello, UDR Princes!"
Tumagilid ako ng kaunti.
She's here. Si Maggie. Ang pinsan ko. Ngayon lang kami nagkita simula ng mapadpad ako rito sa siyudad.
Ang ganda-ganda talaga niya.
Kahit simpleng maong jeans at purple T-shirt lang ang suot nito ay elegante parin tingnan. Kaiba sa trip kong damit.
"What are you looking at?" nakataas kilay na tanong niya sa 'kin.
"Maggie!" tawag ni Aston sa kanya. "Ang ganda mo talagang chikababes."
"Bolero ka talaga Aston," natatawang sagot nito at humalik agad sa pisnge ni Gareth, "How are you, my sweet?
"Aish!" napapatingin 'to sa 'kin habang pinapahid ng panyo ang pisnge niya.
Napangisi naman ako.
Ang arte mo pala, Gareth.
"Yown oh! Ang sweet niyo. Haha!"
"What are you doing here, Mag?" tanong ni Gareth sa kanya.
"I'm fetching you," sagot nito. "May dinner tayo kasama si mom. Remember?
Dinner date?
Hindi pa naman gabi ah.
Umatras ako ng kaunti at tahimik na iniwan sila. Hindi ko na kailangang marinig ang usapan nilang magkaibigan.
"Tsk. It's still afternoon, Mag."
Hmmm. Ang sungit nga talaga niya.
Lumingon ako saglit sa kanila.
Nakatingin pala si Gareth sa 'kin. Pero siya rin ang unang umiwas.
"Ganda! Saglit lang!"
I have no time for chitchats, Aston.
Dumiretso agad ako sa loob at inayos ang mga gamit ko. May klase pa kasi ako. Mga numbers and signs. Ka-klase ko naman ngayon sina Aicel at Shasha.
"Oh my goodness! Oh my flower girl!"
"Sharmina," bati ko sa kanya pagkapasok ko. Ang kulet ng isang 'to.
"Omeegee!" mahinang tili ni Aicel pagkakita sa 'kin. "So, kumusta you?"
"Oo nga. Oo nga. Kumusta ka, flower girl? Di ba nasa canteen ka kanina?"
"Oo at okey lang," sagot ko.
Umupo ako at nagkrus-arm. Marami rin pala kami sa klaseng 'to. At lahat
ay may kanya-kayang ginagawa.
The usual classroom setting. Maingay at magulo kapag wala pang teacher.
Nakiupo na rin sa tabi ko ang dalawa.
"Ba't mukhang ang low ng energy mo, flower girl?" tanong ni Shasha. "Hindi ka ba nakakain ng maayos? Dapat kumain ka bago mag-duty. Ako kasi flower girl ay never ko talagang nakakalimutang kumain. Umaga ay breakfast. Tanghali ay lunch. Gabi ay dinner. Walang mintis ang laki ng subo ko."
Ito na naman po kami.
"Aha-ha-ha. Shasha is tama girl," sabi naman ni Aicel. "Look mo siya how mag-eat. Like, it's so nakaka talaga."
Napangiwi ako.
Ibinuka kasi ni Shasha ang bibig niya pabilog. Tapos umaktong kumakain.
"Tingnan mo, flower girl," sabi niya. "Dapat ganito ang buka ng bibig mo."
Seguro nga ako ang may maduming naiisip. Kakaiba rin kasi ang trip nitong dalawang babaeng 'to. 'Di ko nalang pinansin ang sinasabi nila.
Baka kung sa'n pa mapunta ang usapan.
"Kilala niyo ba si Maggie?" pag-iiba ko. Wala akong ibang matanong. Kaya tungkol nalang sa pinsan ko.
"Si Maggie Villaruz ba, flower girl?"
Tumango ako, "Umm."
"Sikat 'yan dito sa university, flower girl. b***h s***h maldita lang. Ang alam ko may something sila ni President Liu. Nakita mo na 'yon 'e. Siya 'yong gwapong singkit na may sexy na biloy. Hihihi. Lagi silang magkasama dalawa. Palibhasa kasi SSC Secretary."
Kaya pala ganun na sila ka-close.
At basi sa nakita ko kanina. Mukhang matagal na silang magkaibigan.
"Omeegee! Here na si Sir RB. Like, nakaka talaga ang subject na 'to."
Nagsibalikan agad ang mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Ako naman pinagmasdan lang silang natataranta.
Parehong minor subject namin ang klaseng 'to. Aicel is BS Biology and Sharmina is AB Fine Arts student.
Hindi ko na kailangan pang mag-aral.
But according to my transfer form, naka-enrol ako sa AB Political Science.
Sinundan ko lang ng tingin ang kakapasok na teacher namin. Si Sir RB.
Wala ako sa mood makinig ng lesson. Umub-ob ako sa mesa. Isa lang kasi ang nasa isip ko ngayon. Ang matulog. This is an one hour class. Ayos na 'rin.
"...okey, so who can find x in this problem?" rinig kong sabi ni Sir RB.
"Hala, Sir RB naman! Kinalimutan ko na nga ang ex ko tapos papahanap mo pa. Wala manang ganyanan, sir."
"Tama sir, ang mga ex dapat kinakalimutan. Hindi na sila dapat binabalikan lalo na kung wala na talagang nararamdaman."
Haha. Lakas makahugot ah.
"Ako nga, walang ex. Pa'no ko hahanapin? Sino pwedeng ex ko?"
"Aha-ha-ha. You are all so nakaka talaga classmates. Like, dami niyo paandar."
Dumilat ako ng kinalabit ako ni Shasha. May nakasulat na mga problem sa white board.
"Okey. Okey," napapailing na sabi ni Sir RB. "Get one whole sheet of paper. This will be your quiz. Let me see if you really understand the lesson and not your issues with your love life."
"One whole sheet of paper, sir?"
"Ulol! Kasasabi lang na one forth, diba sir?"
Psh! Mga lalaki talaga.
Nanghinge ako ng papel kay Shasha. Wala kasi akong dala. Oo na. Inaamin kong isa akong parasite na studyante.
Kulay green din? Hmm.
Consistent sa kulay ah.
Nagsimula na akong sumagot. Madali lang ang problem kaya nauna akong natapos sa kanila. Tiningnan ko sina Aicel at Shasha. Patapos na rin sila.
"Eyes on your paper," sita sa 'kin ni Sir RB. Pero 'di naman 'to mukhang galit?
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
May kakaiba kasi sa tingin niya. Parang nang-aakit? Parang gusto ko siyang saktan.
Actually may kabataan pa siya. Palagay ko nasa early thirty pa 'to. Medyo may itsura rin naman. Medyo feeling ko playboy 'to nung nag-aaral pa. At medyo parang gusto ko siyang isunod.
Makikilala rin kita, Sir RB.
Matataas ang nakuha ng mga kaklase ko. Even Shasha and Aicel.
Tumingin uli 'to sa akin.
"Wow! Very good Ms. Escintosh," puri niya sa 'kin ng 'di parin maalis ang ngiti. "You've got a perfect score!"
Nagkibit balikat ako. Lumingon kasi lahat sa 'kin ang mga classmates ko.
Bago umalis si Sir RB ay tiningnan ko siya ng pailalim. Pero ngumisi lang 'to.
May kakaiba talaga sa kanya.
"Omeegee! You are so galing din pala sa Math, Jeisen girl. Aha-ha-ha! This is super!"
Ngumiti ako ng tipid kay Aicel.
"Calling the attention of all students. Kindly proceed to school auditorium. Again, all students to school auditorium. Now."
"Oh my goodness gracious," kinuha si Shasha ang mga gamit niya. "Ngayon na ang meeting para sa mga school activities natin. Tara na mga flower girls!"
Sumunod lang ako sa kanilang dalawa.
May meeting daw para sa mga darating na activities. Isa seguro 'yong U-week dun.
Umupo kami sa may gitnang bahagi ng auditorium. Ewan ko ba ba't dito pa kami. Ang dami kasing mga studyante.
Lumingon ako sa stage. Ang mga SSC officers. Andito na rin pala sila.
Lima lang ang nakikilala ko sa kanila.
Ang grupo nina Gareth, Aston, Jin, Maggie at si Zedrick. 'Yong iba naman 'di ko na kilala.
"Good day Royalties!"
Naghiyawan agad ang mga studyante.
Ang SSC President ba naman ang nagsalita. Ang lakas ng karisma niya ha.
Umupo ako ng tuwid.
Nag-umpisa na kasi 'to sa discussion.
Hindi ko alam kung ano ang pamantayan ng kagwapohan ngayon. But Gareth Liu Fortel is handsome.
Mula sa hugis ng mukha na parang iningatang obra. Ang singkit niyang mata. Ang dimple nito. Ang katamtamang katawan. At ang tangkad niya.
Ba't di ko 'yon napansin agad?
Hindi na nakakapagtaka na maraming nagkakagusto sa kanya. Kahit pa nga seguro wala 'tong gawin, ay mapapalingon ka talaga para titigan 'to.
That's his effect.
Madami pa 'tong diniscuss. Kasama na ang paparating na Acquaintance Party para sa lahat ng department. Ang U-week at Interschool Competition.
Hala Riri! Nandito si Master Salvi!
Ito na naman girls, baka pasagutin na naman tayo sa tanong niya. Kainez ha!
Kinakabahan talaga ako 'pag nandito siya.
True! Sino na naman kaya ang mabibiktima niya now? Grabe!
Wahhhh... ayokong mapahiya!
Me too! Ang sungit pa naman niya.
Si Master Salvi ang pinag-uusapan nila.
At nakakatakot daw? Parang 'di naman.
Kinuha ko ang phone ko ng mag-vibrate 'to. Binuksan ko agad ang mensahe.
It's from my partner.
From: AZAlpha
Emergency.
Ano na naman kaya 'tong emergency? Dali-dali akong tumayo para mapuntahan siya.
"... you are not listening, miss," napatigil ako at hinarap ang nagsalita. "Obviously, your attention is not with us."
---
To be continued...