Chapter 4
Jeisen Jee POV
Si Master Salvi. Hmm. Ang talim ng tingin niya sa'kin. Si Aicel at Shasha naman ay 'di mapakali habang ang mga studyante na nandito sa loob ng school ay pinagtatawanan ako.
Pangisi-ngisi naman si Maggie habang tinitingnan ang direksyon namin at nagmouth pa ito ng stupid.
'Yong ibang officers naman nakatingin lang sa'kin. Paano ba makakalusot dito ngayon?
Such a wrong timing.
"Ano nga po 'yon uli?"
"Don't you know that texting and not listening while someone is talking is rude?"
"Depende," sagot ko. "So... I guess I don't know that it is rude, Master Salvi?"
"You are sarcastic," Kung kanina seryoso ito. Ngayon naman mas sumeryoso pa ito. "I don't like your attitude. You don't have manners."
"I am just doing you a favor, master," muling sagot ko. Panay hila naman ng dalawa sa 'kin na 'wag ko daw sagutin ng ganito si master. "You asked me. Sumagot lang ako."
"Is this how you treat other people?" may diin na tanong niya. "Is this how you talk to me?"
"Depende sa taong kaharap ko, master."
"Anong ibig mong sabn?"
"Depende kong kasagot-sagot ba ang taong kaharap ko o hindi. You know where to choose. The first or the latter."
Nagsmirk ito at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi naman ito mapanuri but I assume he is up for a challenge.
"I always have this rule whenever I visit this school," sabi niya. "That is, you have to answer every question that I am 'bout to ask. What matters to me is you know how to answer it. It depends whether it is your opinion or facts, but I would gladly wanna hear from you about the word "rights". Since this is what I am telling to everyone awhile ago. Can you say something about it? I just wanna know your thoughts young lady."
Her we go again with the 'rights'.
I maintained my poker face. I know I'm cold and misinterpreted by my acts but I'm just being me.
"Lo seinto maestro," nilagay ko ang kanang kamay ko sa may bandang puso at yumuko ng bahagya, "I would like to ask an apology if you find me rude while you are talking in front of us," pag-uumpisa 'ko. "It's not my intention to insult or interrupt of whatever we have here right now."
Napangiti 'to dahil sa paghingi ko ng paumahin saka suminyas na ipagpatuloy ko ang pagsasalita.
"And talking about rights? For me, a right is also a freedom, a freedom to do or not to do something. But to tell you honestly, ladies and gentlemen the rights that we have is actually not absolute even if we are living in a democratic country. If you'll read the book of our fundamental law and that is the Philippine Constitution written under Article 3, the Bill of rights, that no person has the absolute right or complete freedom to do as he pleases, sure, that our freedom is also a privilege with so much gusto. However, having a democratic country, is a two way road at the same time, that is, we must respect the freedom of others too."
Napansin ko naman na tahimik lang silang nakatingin sa akin. Nagpatuloy nalang ako sa pagsalita.
I guess they are really listening.
"What I did awhile ago is also a right, my right as individual, my right as a student in this university and my right not to listen or to follow rules."
apangiti na naman si master na para bang naaliw siya sa sinasabi ko.
"And it's all up to me. But since I am an obedient student here. I have to respect the rules especially your rules master."
Tumawa naman ito.
"I have to... you know me."
Gusto kong ngumisi dahil sa pagtawa niya. Pero naka poker face parin ako.
"But master... I know that using gadgets is not prohibited in this four corners of auditorium as long it does not make any harm to others, right?"
Pumalakpak na siya pagkatapos kong sabihin 'yon. Inignora ko na rin ang mga bulong bulongan sa paligid pagkatapos kong magsalita.
I don't really like attention.
"Right... right... right!" Sabi niya. "The word of the day is right!" Ngumiti ito sa 'kin. "You do and really have a point young lady and I like the way you answer me... always."
Psh! Lakas talaga ng trip nito.
"Thank you master... always."
Natapos na rin ang meeting at pina-uwi na kame ang iba ay may pasok pa sa night class nila.
Pero iniisip ko pa rin ang emergency na tinext sa'kin. Mukhang importante ito. Naramdaman kong may biglang kumawit sa kanang braso ko, si Shasha pala.
"Ang galing mo kanina flower girl. Napatawa at napangiti mo si master. Ang strict kaya nun. May pa lo siento ka pang nalalaman. Spanish 'yon ng I'm sorry." Humagikhik ito. "Ang yummy pa naman ni master kahit na na-spanish bread 'yon. Hihihi. The feels seguro siya nung mga kabataan niya."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Pati ang matandang 'yon. Para na nga niyang papa si master 'e.
Kumawit na rin sa kaliwang braso ko si Aicel. Napa lingon lingon nalang ako sa dalawa.
"You are so nakaka talaga Sha. But true girl about kanina and I thought you will make nga-nga nalang while master is there! You na talaga girl. But I wonder why Maggie tingin-tingin to you like she's galit? Why kaya?"
I know. Kung alam mo lang na pinsan ko 'yon at kung anong drama na naman ang naiisip nun para sa'kin. Nag kibit balikat nalang ako at nagpaalam na sa kanila.
Medyo dumidilim na ang paligid ng may napansin akong may gumagalaw sa halamanan malapit sa auditorium ng school.
Ano kaya 'yon?
Agad kong pinuntahan ito at nagtago malapit sa may puno. s**t! Isang tao. Susundan ko na sana ng bigla itong nawala. Pinulot ko nalang ang nahulog niyang emblem.
Kinuha ko ang phone ko at agad na nag-dial ng number.
"AZAlpha, positive."
"Lead copy, AJAlpha."
"I'll hand it over."
"Alright, see you."
Napatigil ako saglit ng may nagsalita sa likoran ko.
"What are you doing here?"
Napalingon ako sa kanya.
"Nothing. Sige, mauna na ako."
Nagsimula na akong mag-lakad pero nagsalita ulit ito.
"What you did back there was great. But, I have this feeling that you must be something."
Great? Ano ang ibig niyang sabihin? Yon ba yung sinagot ko kanina sa tanong ni Master o ang pagsunod ko sa isang tao kani-kanina lang? Baka naman ibang great at something ang tinutukoy niya?
"What do you mean?"
Ngumiti lang ito at nilahad ang palad niya.
"Clark Jin Mukai, that's my name."
Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil medyo madilim sa parteng kinatatayuan namin. Nakatitig lang siya sa akin na parang sinusuri kung may ginagawa akong kakaiba o kung bakit nasa madilim na bahagi ako lugar na ito.
Pero bakit nga ba siya nandito?
Imposibleng sinusundan niya ako o baka naman may alam siya? Tiningnan ko ang kamay niya bago ito tinanggap.
"I am Jeisen Jee Escintosh."
"Nice meeting you Ms Escintosh."
Tinanggal ko agad ang kamay ko sa mahigpit na pagkakahawak niya at tumango na lang. Nauna na akong maglakad sa kanya at nagkubli sa 'di kalayuan. Pinag masdan ko lang siyang maglakad papunta sa kanyang kotse at umalis na.
Umakyat ako sa isang puno at tumalon sa malaking pader.
Para akong myembro ng akyat-bahay gang nito. I'm sure pag nakita nila ako baka yayayain nila ako sa sumali sa kanila. Ang totoo mas malapit kasi dito ang apartment ko kaya dito ko naisipang dumaan.
"T-tulonggg! Paki-usap 'wag niyo akong galawin. Maa-aawaa po kayo sa akin."
"Miss, 'wag ka ng pumalag at kahit mag-sisigaw ka diyan walang makakarinig sa'yo. Nasa madilim na parte tayo ng lugar na ito at malayo pa sa kabahayan."
"Oo nga naman ganda. Alam mo bang ganyang ganyang itsura ang mga tipo ko."
"Ang ganda mo at sexy pa. Wag kang mag-alala maliligayahan ka sa gagawin namin sa'yo."
"W-wag po! I-ito nalang po oh, sa inyo nalang ang mga gamit ko at pera."
Teka, sa'n yun?
Agad ko namang hinanap ang pinaggalingan ng mga boses na narinig ko. Bakit ngayon pa na may kailangan akong gawin. Pero may kailangan pa akong iligtas. Nakita ko naman agad sila. Tatlong lalaki na mukhang lango pa ata sa alak. Nag uunahan pa sila ngayon kung sino mauna sa kanila.
Napakuyom ako ng kamao ng lalapitan na sana ng isang payat at may mahabang buhok na lalaki ang babae.
Kaya sumulpot na ako at sinipa ito sa sikmura.
Ang hina naman pala nito. Isang sipa lang pala ang katapat. Sana pinitik ko nalang. Akmang susuntukun naman ako nung isa pero agad akong naka-ilag at sinuntok agad siya mukha.
Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang kasama nila na napa atras at ma dapang dapang tumakbo. Sumunod naman agad ang dalawa niyang kasama.
I smirked.
Hindi man lang ako pinag-pawisan? Niligon ko naman ang babae.
"Okey ka lang ba?"
"S-salamat ha." Nanginginig niyang sagot sa akin. "Ang galing mo naman."
Inayos ko muna ang damit ko saka uli humarap sa kanya.
"Dala ng adrenaline rush lang 'yon. Ano pala ang ginagawa mo dito?"
Napansin kong bigla siyang natigilan na parang may inalala.
"May pinuntahan lang ako."
Pinuntahan? Sa ganitong madilim na parte ng lugar? Ano naman kaya ang ginagawa niya dito?
"Ganun ba. Sa susunod mag-iingat ka nalang."
"Salamat talaga ha. Kung 'di sa'yo baka nagawan na ako ng masama ng mga taong yun."
Kinuha niya ang phone niya at nag dial ito. Sinamahan ko muna siya ng sandali at naglakad malapit sa may kanto para hintayin ang sundo niya. Pinagmasdan ko ang itsura niya. Maganda naman ito, mukhang mabait at halatang anak mayaman.
But why I have this feeling that she's not?
Mukhang hindi naman 'to gagawa mg masama. Kagaya ng nangyari kanina. Hindi nga niya maipagtanggol ang sarili niya. Oo nga naman. Bakit ko nga ba ito pinagdududahan?
"Ang tahamik mo naman. I'm Coline Trish Yoshida nga pala."
Pangalawang beses na atang may nagpakilala sa akin ngayong araw na 'to. Tinanggap ko naman ang kamay niyang nakalahad.
"I am Jeisen Jee Escintosh."
Nagpaalam naman aga siya pagkadating ng sundo niya. Ang daming nangyari ngayong araw na ito. Naglakad na ako papuntang apartment ko. Aayusin ko pa ang ipapasa ko bukas para sa club na sasalihan ko.
***
Kitang kita ng dalawang mata ko ang kaberdehan na ginagawa ni Shasha sa kinakain niyang avocado flavor na ice cream. Ngayon ko napagtanto na ang favorite color niya talaga ay green.
Pa'no ko nalaman?
Lahat lang naman ng suot niya ngayon ay green.
"Shasha hulaan ko kung anong kulay ng undies mo?" Tanong ko sa kanya.
"Sige nga flower girl, hulaan mo at kung mahulaan mo bibigyan kita nitong kinakain ko." Sagot niya naman.
Napangiwi nalang ako habang tinitingnan siya na nakapikit habang malanding dinidilaan ang ice cream na kinakain niya.
What the?! Ano kaya naiisip nito? Bigla naman siyang binatukan ni Aicel.
"Ewnes Shasha girl! You look so kadiri eating that ice cream ha."
Tinuro naman kaming dalawa ni Shasha.
"Kayo mga flower girls ha. Nasasarapan lang naman ako nitong kinakain ko." Binalik niya uli ang atensyon sa akin. "Oh sirit na Jeisen. Dali! Tingnan ko kung alam mo kulay ng undies ko. Hihihi."
At talagang pinatulan ang tanong ko huh? Nilagay ko ang kanang kamay ko sa baba kunyari nag-iisip ng sagot.
"Uhm, Green?"
Nagulat naman ako ng sumigaw ito at pumalakpak sa sinagot ko.
"Wahh! How did you know flower girl?"
"Wild guess?"
Bibigyan na sana niya ako ng dala niyang ice cream pero tumanggi ako. Mukhang kulang pa sa kanya ang kinakain niya. Wala akong duty ngayon kaya nakatambay kame sa cottage ng department namin.
"Oist! Flower girl. Bakit parang close kayo ni Zedrick? Kung mag-usap kayo ang lapit-lapit ah. S.O ka'yo ano?"
Ano bang pinagsasabi nitong S.O?
"Ha? Anong S.O?"
Lumaki ang mata nito na parang nagulat. Ba't ba ang OA ng mga reactions nitong babaeng ito?
"S.O? Grabe flower girl. Sang mundo ka ba galing at 'di mo alam ang S.O ha? Ang ibig kung sabihin nun ay Secret On! Aminin mo na flower girl, atin atin lang 'to. Pwamis 'di namin ipagsasabi! Hihihi"
"Why I feel na I'm out of place here?" Singit naman ni Aicel sa usapan namin. "Can you make linaw linaw to me that chismis Sha? So what ba yan?"
Kanina lang ay busy ito kakasaulo ng mga linya niya para sa darating na acquaintance party. Bilang kasali sa Theater and Arts Club ay naatasan daw silang mag present ng isang dula.
Tinusok niya naman ang kanang pisnge ko at lumingon kay Aicel kaya naman tinanggal ko ito. Malapit pa naman sa ilong ko ang pagkakaturo niya.
Ang kulet talaga.
"Ito kasing si Jeisen natin flower girl. Humaharot kay Zedrick. Nakita ko sila kanina magkausap sa university garden natin. Hihihi"
Nagulat naman ako ng biglang tumili si Aicel at sinabayan naman ito ni Shasha. Bakit ba lagi nalang akong pinagtritripan ng dalawang ito.
"Really girl? Masiglang sabi ni Aicel at tumingin sa akin."I knew it talaga. I make pansin that also girl. The way he makes tingin tingin to you?" Nilagay niya ang kanang kamay niya sa mukha ko at hinaplos haplos ito. "I am not kamali talaga, he likes you nga. Ah-ha-ha-ha."
Pinagtutulungan talaga ako ng dalawang 'to na asarin.
Ano bang meron sa mukha ko at kanina pa sila hawak ng hawak? Mas lalo tuloy akong napasimangot.
"Ano ba yang iniisip ninyo. May tinanong lang siya sa akin."
Tinusok tusok naman ni Shasha ang tagiliran ko para kilitiin.
"Weh? E bakit ang lapit niyo mag-usap kanina? Sige na flower girl atin atin lang talaga to. Pwamis secret natin to."
Hays! Ang kulet kulet talaga nila.
"Okey fine! If you don't want to make amin to us. Here nalang tanong namin. May naisip na ba you para sa club that you will join?"
Kinuha ko ang bag ko at nilabas ang portfolio na naglalaman ng mga kuha ko ng litrato. Sa photography club na lang ako mag papa register. Mas madaling kumuha ng litrato kumpara sa ibang club na maraming tatrabahuin.
Tiningnan naman ng dalawa ang mga litratong nakalagay sa portfolio ko.
"Wow! Hindi ko knows na you are good pala in photography. You are so nakaka talaga girl."
"Ang galing mo naman flower girl. Ang gaganda ng subject mo. Gusto ko rin ng mga natures."
"Kuha ko ang iba d'yan nung nasa probensiya pa ako."
Napa tango naman ang dalawa sa sinabi ko.
"So later you will make submit-submit this to photography club na?" Tanong naman ni Aicel.
"Oo. Narinig ko kasi kanina na isa nalang ang tatanggapin ng photography club. Buti nalang nadala ko ang porfolio ko."
Nakita ko namang nag liligpit na ng gamit si Shasha at tumingin sa akin.
"Ano pa ang hinihintay mo flower girl? Tara na! Baka maunahan kapa ng iba."
Lah? Excited? Nauna na itong lumabas saka kami tinawag dalawa ni Aicel. Grabe talaga itong babaeng ito. Hindi nauubusan ng energy.
"Ang bagal niyo kumilos mga flower girls huh? May mabigat ba? Hihihi."
Dali dali ko namang inayos ang mga gamit ko pati na rin si Aicel. Mamaya nalang daw niya tatapusin ang pagsasaulo ng mga linya.
Napangiti ako ng lihim dahil alam ko na minsan ka lang makatagpo ng totoong kaibigan. Kahit pa sabihing bago lang kame nagkakilala nararamdam ko naman na totoo ang pinapakita nila.
Lumabas naman agad kame para mapuntahan ang office ng photography club.
Habang naglalakad biglang nahagip ng paningin ko ang grupo nina Gareth kasama ang pinsan kong si Maggie. Seryoso parin ang itsura nito kahit na panay ngiti ng pinsan ko habang kinakausap siya. Minsan napapakunot ang nuo nito.
Ang sungit ng itsura. Tss!
Mr Grumpy Man dapat ang tawag sa kanya. Hindi Mr President.
May katawanang mga babae naman si Aston. Parang sayang saya pa siya dahil napapalibutan ito ng mga babae. Kumakaway pa ito sa mga ibang studyante.
Kumakandidato ba ang lalaking 'to? Kung oo, wala siyang boto sa 'kin.
The Candidate Playboy ang bagay segurong itawag sa kanya.
Si Jin naman nakasunod lang sa kanila. Parang walang pakialaman sa paligid kahit na may mga babaeng bumabati sa kanya.
Tapos may subo pa itong--- lollipop?
Para tuloy siyang bata tingnan.
Wala akong maisip na tawag sa kanya. Ang sabi ni Aicel pareho kaming tahimik. Pero hindi naman ako childish kagaya nitong si Jin.
The Snober Childish kaya? Hmmm.
How 'bout--- The Silent Type?
Pwede ring ...
The Cute Lollipop Boy Sucker?
Parang ang laswa pakinggan.
The Cold Prince na ngalang. Because I think we both have cold personality.
"Ang mga prinsepe ng soccer field." Rinig kong sabi ni Shasha. "Kung ganyan ka gwapo ang sisipa sa akin ay okey lang. Hihihi"
So soccer pala ang sports nila.
"At mukhang nakabuntot na naman sa kanila ang grupo ng mga cheer leaders." Kinilabit naman niya ako. "Mag ingat ka dyan flower girl. Mga malditas 'yan."
Natatarantang inaayos naman ni Aicel ang buhok niya at tumili ng mahina.
"Omeegee! Here sila dadaan sa atin. Wait! Ayus na ba ang look ko girls?"
Ano bang meron sa mga lalaking 'yon at 'bat nagkakandarapa ang mga babae? Oo nga't gwapo sila pero hindi ako magpapakabaliw dahil lang sa gwapo sila.
"Yes flower girl. You are indeed pwet-ty! Hihihihi" Natatawang sagot ni Shasha kanya.
Napasimangot namang tumingin si Aicel kay Shasha,
"You are so nakaka talaga Shasha girl. I am not pwet-ty! I am pretty kaya." Sabay flip ng hair nito.
Napapailing nalang ako sa kakuletan ng dalawa.
"JEISEN JEE ESCINTOSH?!"
Napalingon ako sa kung saan ng may narinig akong may malakas na boses na tumatawag sa pangalan ko.
Parang kilala ko to ah.
"Hey!" Kumakaway na bati niya sa akin saka tinuro ang sa sarili habang malapad na nakangiti "It's me Coline Trish Yoshiba. Remember?"
Si Coline nga.
Ang niligtas ko kagabi mula sa mga sira-ulo. School mate pala kame at kasali rin siya sa mga cheer leaders. Sabagay, bagay naman sa kanya dahil maganda at sexy ito.
Nakatali ang kulay brunette nitong buhok at ang ganda ng ngiti niya. She looks so innocent and sweet.
Nakasuot ito ng maiksing puting palda at sleeveless. Puti din ang sapatos niya. Actually pareho sila ng mga cheerleaders. Yun ang suot nilang practice uniform, palagay ko.
Tumigil sila sa paglalakad ng makalapit sa akin. Kitang kita ko naman ang pagka gulat sa mga mata ni Gareth na halatang nagtataka sa amin.
"Wait, you two know each other?" Biglang tanong ni Maggie.
"Yes Mag, nakilala ko siya kagabi nung nilig ---"
"Ah sinamahan ko lang siya na hintayin ang sundo niya kagabi nung pauwi na ako." Pigil kong sagot sa sasabihin ni Coline.
Ayokong may makaalam insidenting 'yon.
Napansin ko naman ang pagkalito sa mukha niya pero nag kibit balikat nalang ito sa sinabi ko. Seguro ayaw niya ring ipaalam na napadpad siya sa madilim na parte ng lugar na 'yon.
"Ew! Why you are making friends with that manang Coline?"
"Oo nga, sa itsura palang niya hindi na nababagay sa school na'to. Bakit ba 'yan nakapasok dito?"
"Yeah at may kasama pang dalawang mukhang ewan. Bagay nga sila magkasama. Crazy friends! Hahahaha"
Parang gusto kong manapak ng mga ngayon bisugo ah. Napakuyom na lang ako ng kamao ko para pinigilan ang namumuong pagkainis.
How dare them insult my friends?!
Okey lang sa akin na ako ang insultuhin nila dahil sanay na ako. They are nothing but just a ravisher yet full of fictive to me!
Tinitingnan naman ako nina Gareth at Jin na nakikinig lang na insultuhin kame ng mga kasama nila.
Bakit 'di kayo magsalita?
School officers pa naman kayo dito ng school. Samantalang si Aston busy parin sa pagkausap sa mga babae.
"Shut up girls!" Saway naman ni Coline sa kanila. "Wala namang masama na maki-pag kaibigan." Binaling niya uli ang atensyon sa'kin. "Wait, sa'n ang punta niyo?"
"Magpapa register para sa sasalihan kong club." Sagot ko naman.
"Talaga? Sang club naman?" Tanong niya. "Actually pwede kang sumali sa squad namin. Maganda ka at papasa ka as cheer leader."
Hindi ba nito nararamdaman na ayaw ng mga kaibigan niya sa'kin? Napa nga-nga naman ang kasama niya na tila bagong salita ang sinabi nito. Si Maggie naman ay ang sama ng tingin sa akin.
Nagulat naman ako ng marahas niyang hinawakan ang kaliwang braso ni Coline.
Grabe! Ganito na ba nito kaayaw na masali ako sa squad nila?
"Are you out of your mind Coline? Hindi siya pwede sa grupo natin. Ako ang leader at hindi ko siya tatanggapin para sa team natin. Gets?"
Seriously? What's with that sudden burst of anger huh.
Don't worry I'm not interested to be part of your great squad, dear cousin.
Minsan 'di ko talaga ma gets ang pinag-gagawa nito sa akin. Ngumiti nalang ako at humarap kay Coline na nakabawi sa pagka gulat.
"Sa photography club ako sasali. Salamat sa pag imbita sa akin."
Hinawakan niya naman ang dalawang kamay ko ng nakangiti. Pero halatang na dismaya ito sa sinabi ko.
"I see. But I'm sure matatanggap ka sa club na yun. Nga pala Jeisen, pasensya ka na sa kanila ha. Wag mo na lang pansinin ang mga sinasabi nila."
Nagkibit balikat lang ako at nag kunyaring wala lang sa akin ang mga sinasabi nila.
Hindi ko parin inaalis ang ngiti ko sa labi dahil kahit papaano mabait naman ito sa akin. Good thing I'm really good in hiding my real emotions.
"It's okey Coline. Don't worry. I also don't want to waste my time proving to people especially if they are not..."
Tumigil ako saglit at tiningnan ang mga kasama niya ng nakataas na kilay. Kahit hindi naman ako talagang natural na mataray.
Because I am more than that.
"...even worth it to talk," malamig at malalim na sabi ko. Diniinan ko talaga ang mga katagang 'yon para matandaan nila.
Natahimik naman saglit si Coline sa sinabi ko. Alam kong alam niya kung sino ang pinariringggan ko.
"O-oh! Glad to hear that. Good luck sa'yo Jeisen ha."
Inignora ko nalang ang matatalim na tingin ng mga kasama niya sa akin. I have no time to mind with their bitchy attitude.
Hindi rin kame nagtagal ang pag-uusap at nagpaalam na ako sa kanila.
"Flower girl, ang galing mo palang magtaray. Thanks sa pagtatanggol mo sa amin ha!" Niyakap ako sa tagiliran ni Shasha. "Kahit naka manang outfit ka palaban naman ang dating mo."
If they think I am a damsel in distress. Nagkakamali sila. Kahit pa ganito ang suot ko o mukhang mahina. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko.
Lumapit naman sa akin si Aicel at humawak sa braso ko.
"You know what girl? You don't look maldita and your face is so maamo but if you make taray taray na nag iiba aura mo. Where you ba hinugot 'yong sinabi mo?"
"Hinugot ko sa tadyang mo. Ha-ha-ha" Pabiro kong sagot sa kanya.
Hinampas naman ako sa likuran ni Shasha at tumawa.
"You are so korni flower girl ang waley ng joke mo. Hihihi"
Nagtawanan kame habang naglalakad at ng makarating kame sa office ng photography club.
Pinakita ko agad ang dala kong portfolio at nag fill up para makapag-register na.
I'm happy that they liked it. Binigay na nila agad sa akin ang mga schedule ng mga event namin.
Palagay ko masaya ang club na ito. Walang halong arte ang mga kasama ko. I made the right choice.
****
Kinuha ko agad ang laptop ko pagkarating ko ng apartment at nag tipa ng secret code para ma buksan ang website ng Kampo Ginoo.
Ito talaga ang totoong pinag kaka abalaham ko Simula ng dumating ako dito.
Isang lihim na organisasyon na kinabibilangan ko. Nakita ko naman ang inaasahan kong mensahe.
---
To be continued...