bc

BADass MANang

book_age16+
10.1K
FOLLOW
47.3K
READ
kickass heroine
inspirational
comedy
humorous
lighthearted
mystery
genius
campus
intersex
70 Days Themed-writing Challenge
like
intro-logo
Blurb

"I killed all of them and I admit it your honor. I committed the crime... but I am innocent."

---

Do you want to know how to have a get-out-of-jail free card and get away from any crime you committed?

Then, learn from her.

Ang storyang ito ay hindi mo alam na posible palang mangyari. Sabi nga nila ... expect the unexpected.

Kilalanin natin ang isang babaeng makaluma pero makabago naman ang takbo ng utak. Paano niya kaya malalampasan ang mga pagsubok ngayong may gagawin siyang misyon sa siyudad?

Misyon na makapagbabago sa buhay ng mga gwapong prinsepe sa paaralang paglilipatan niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - BM Show Off Some Skin
BADASS MANANG   Batas para sa tao o tao mismo ang batas? Papaano nga ba ako nakalusot sa kasong may pataw na reclusion perpetua o habang buhay na pagkakabilanggo hanggang sa mamatay? Sino nga ba raw ako? Ano nga ba raw ang kaya kong gawin? I am Jeisen Jee Escintosh and I only have one golden rule in life. "Treat others as you would like yours to be treated. " In other words: An eye for an eye. A tooth for a tooth. It is how I run my life now. --- Chapter 1 Gareth Liu POV How will you define perfect? Me? I think perfect, is when you got everything. Complete and happy family. Good looks. Money. Fame. Knowledge. Respect. Power... Or maybe this certain person? Seguro? Seguro oo. Seguro hindi. Quemerda! Wala naman perpektong tao. Pero, ano ang ginawa niya at kung pa'no siya naging perpekto sa mata ng lahat? Lalo na sa 'kin? By the way, I am Gareth Liu Fortel. The heir of Fortel Group of Companies. The Supreme Student Council President at Unibersidad De Royal. A consistent top student. And a freelance model. Akala ko perpekto na lahat sa 'kin. Hanggang sa makikila ko siya. "Hey, Mr. President Liu." Tawag sa 'kin ni Maggie. Hindi ako nag angat ng tingin mula sa pagbabasa. "Tapos kana ba d'yan sa ginagawa mo?" Aish! Mangungulet 'to. Tsk! Maggie is actually a very good friend of mine. She's also our SCC Secretary. Kapapasok palang niya sa office namin. Naramdaman kong yumakap 'to sa 'kin mula sa likoran. Pero inalis ko agad ang braso niya. "Quemerda Mag! I'm busy." Sabi ko habang inaayos ang mga papeles sa mesa. "What do you want?" Narinig ko itong bumuntong hininga. "Uhm. Tumingin ka muna sa 'kin." Itinigil ko ang ginagawa ko at tinitigan 'to. Now, she's smiling like she needs something. May kailangan seguro 'to. "Okey, may kailangan ka ba?" Tanong ko at umupo ng maayos. "I came here to ask you a favor, Liu." I smirked. Tama nga. "Ano naman 'yon? " Sagot ko. Medyo masakit ang ulo ko pero kaya pa naman. Umupo ito sa ibabaw ng mesa ko. Ang sexy niya sa suot niyang blue casual dress. Bagay na bagay sa mapuputi niyang balat at magandang mukha. Sino nga bang hindi magkakagusto sa kanya? Maggie is beautiful, sexy and intelligent. She's perfect for me. "Can you fetch my cousin?" Malambing niyang sabi. "Nasa bus station kasi siya ngayon at hindi ako makakapunta. Susunduin ko pa kasi si mommy sa airport ngayon. Uhm, I'll give you her number. Galing pa 'yon sa probinsya and she's not familiar here. Tanga pa naman 'yon. May sarili pala siyang apartment, dun mo nalang siya ihatid." I looked at her intently trying to figure out if she's serious. I know Maggie too well. Mapaglaro ito. Bully at maldita. At sa lahat, ba't ako pa susundo? "Seriously Mag?" Napakunot nuo ako. "I'm not a private driver. Isa pa, she's your cousin and she's not my responsibility." Tumayo ako at naglakad papuntang kitchen. Kompleto ang gamit dito sa office. Kaya pwede kang mamalagi at tumambay dito buong araw. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref. Kanina pa kasi ako nauuhaw. Sumunod naman ito sa 'kin. "Sige naman Liu." Pakiusap niya. "Ikaw lang ang pwede kong mapakiusapan. Si Jin wala namang pakialam 'yon. Si Aston naman busy sa pambabae. Kaya ikaw nalang. Please, my sweet?" Napapailing akong ibinaba ang baso. "Alright. Sige na nga." Pagsuko ko. "Just give me her number and I'll text her. "Yey! Thanks Liu!" Masaya niyang sabi. "Hindi mo talaga ako matiis 'no? Lalo na 'pag naglalambing na ako sa'yo." "Tsk! Just give me her number, Mag." Binigay naman agad niya 'to sa 'kin including her name. She's Jeisen Jee Escintosh. Weird name. Ano kaya itsura niya? Nagtipa ako para etext na siya. To: +63********* This is Gareth Liu. I'm Maggie's friend. She can't come, so I'll be the one to fetch you. Nag reply agad ito. From: +63********* K. Seriously? 'K' lang ang reply niya? Hindi naman siya tamad niyan 'no? Napapailing nalang akong inihahanda ang sasakyan saka nagdrive papuntang bus station. She's been there for almost 5 hours and Maggie didn't even bother to fetch her. Kung hindi lang ako naawa. Nuncang susunduin ko siya. Napansin ko agad ang isang babae na nakaupo sa gilid. Basi sa description ni Maggie sa akin. Mukhang siya nga ito. Ang werdo pala nitong si Jeisen. Pinark ko muna ang kotse malapit sa kinauupuan niya. Weird talaga. Wala kasi itong imik. Wala ring pakialam sa mga tao sa paligid niya. Para itong isang mannequin na pinaupo. Hindi ko na pinansin ang mga tawag at tingin sa 'kin ng mga babae pagkababa ko. Hindi naman kasi sila ang ipinunta ko. I'm here to fetch someone. "You must be Jeisen." Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "My name is Gareth Liu. Ako ang nagtext sa 'yo kanina. Kaibigan ako ng pinsan mo." Naghintay ako ng ilang segundo baka sakaling tanggapin niya ang kamay ko. Pero tinanguan lang niya ako. Binaba ko nalang ang nakalahad kong kamay. But... is she for real? Ngayon lang may tumanggi sa 'kin ah. Akala mo naman ikinaganda niya 'yan. Lalo na ang suot niya. Nakapalda kasi ito ng mahaba. Naka long sleeve polo. Nakatali naman ang mahaba at itim niyang buhok. Palihim ko siyang sinamaan ng tingin. You manang girl. Nang aasar ka ba? Pinsan ba talaga ito ni Maggie? Maggie is always full of energy. Itong isang 'to naman ay hindi. Opposite sila masyado ng pinsan niya. And knowing that she's from the province, baka hindi rin ito marunong mag Tagalog o English. Mas lalo naman seguro sa ibang lengwahe. Napapailing uli akong tiningnan ito. Aish! Bakit ko ba pinagkukumpara ang dalawa? They are far from each other. Giniya ko nalang siya papuntang kotse dala ang dalawang kulay itim na maleta niya. Maleta niyang may itsura ni Batman. Ayos ah! Probinsiyanang mahilig kay Batman. Tumigil ako sa paglalakad ng tumigil din ito sa paglalakad. Anong meron? Tumingala kasi ito. Pati mga tao sa tabi napatingala na rin. Werdo talaga. At dahil curios ako sa pinagmamasdan niya sa langit. Ganun din ang ginawa ko. "Quemerda!" Sabi at mura ko. "What the hell! Ano ba tinitingnan natin sa langit? Wala namang kung ano ah." May tinuro ito sa itaas. Napalabas na rin ang ibang pasahero sa bus. Medyo nakakahiya man. Nagtatagal at dumadami na rin kasi ang nakiusyoso. "Si Batman lumulutang." Sinamaan ko siya ng tingin. Ang lakas ng trip ng babaeng 'to. Kinuha ko agad ang braso nito at hinila papasok sa kotse. Napansin kong ngumisi ito pero agad ding nawala. "Tsk! Hindi kaba nahiya sa ginawa mo?" Tanong ko pagkapasok sa loob. Nahighblood ata ako dun. "Just, what the hell was that? Nakakahiya talaga. Aish!" "Wag kang mahiya. Wala ka nun." Sinamaan ko uli siya ng tingin. Anong sabi niya? 'Walang hiya raw ako?' Ako pa talaga? Grrr. Ang lakas niyang mang asar ha. Aish! Kainis! Pinaandar ko nalang ang sasakyan. Hindi na naman ito nagsasalita. Tsk! Bumuntong hininga ako para mahamigan ang sarili. "So..." Panimula ko. Hindi ako sanay na hindi ako kinakausap na parang hindi ako nag e-exist. Tsk! "You are new here?" Tumango lang ito uli sa 'kin. Pasimple ko uli itong tinitigan. Maliit at makinis ang mukha. Bagay na bagay sa hugis almond ang mahahabang pilik mata niya. Ang cute rin ng ilong nito. Hindi masyadong matangos pero hindi rin naman pango. Umayos naman ito ng upo. Upong matuwid. Para na naman itong  nakaupong mannequin. Ang stiff niya. Pero inaamin ko, mas maganda 'to kay Maggie. Hindi lang 'to marunong manamit. Palingon-lingon ko nalang siyang tinitingnan. Feeling ko tuloy may malaking wall sa pagitan naming dalawa. Nahagip ng tingin ko ang labi niya. Natural na mapupula. Parang ang sarap hali--- Alright. Alright. Stop! I'm becoming a p*****t here. Kung anu ano na ang naiisip ko dahil sa kanya. Tumikhim ako. I want her to talk to me. And she's frustrating me. Pa'no niya ako nababaliwala ng ganito? Nakakainis ang manang na ito ha! "Alam mo---" "Hindi ko alam." Grrr. Tsk! Tsk! Tsk! Hindi pa nga 'ko tapos magsalita. Unahan ba naman ako. "Aish! Hindi pa 'ko tapos sa sasabihin ko." "K." Ginulo ko ang buhok ko gamit ang kanang kamay. Inaasar niya talaga ako. "Ang sasabihin ko sana." Pagpatuloy ko. "Ah, you are beautiful Jeisen. But I don't like your sense of fashion. Maybe you should show off some skin." Nasa may kalsada ang tingin niya. Ilang segundo pa bago ito sumagot. "Okey na ako sa ganito." "Really huh?" Sabi ko ng napapatango. "Umm." Ang iksi niyang sumagot. Tsk! Asarin o insultuhin ko kaya? "Sa totoo lang, Jeisen. Para kang may limang anak sa suot mong 'yan." "Isang dosena na nga." Napaubo ako. Para akong nabilakuan na ewan. Daef! Nasa 12 na daw anak niya? May anak ba talaga siya? Pinagloloko na naman seguro ako nito. Ang slim nga niya 'e. "You are kidding me, right?" Nakakunot nuong tanong ko. Hindi 'to kumibo. Wala ring reaction. Tsk! "Totoo, ang manang mo talaga. Boring kapa kausap." Napangisi ako pero napansin kong buntong hininga ito. And this time tiningnan na niya ako. "Wala kang pakialam kung ano man ang suotin ko." Ang lamig at lalim ng boses niya. Bigla akong kinilabutan ah. "Isa pa hindi ako interesado sa komento mo." "Seriously," Lumunok ako at 'di nagpahalata na kinilabutan sa kanya. "I-I will like you if ever." Tunog ang yabang at playboy ko. Kahit sa tootong buhay hindi naman. I'm serious and strict. Itong babaeng 'to ang weird kaya ganito ako sa kanya. Hindi ko naman siya gusto. She's just a bit interesting. "Look, hindi ako nagpunta rito para magpa impress kahit kanino." Ang lamig at lalim na naman ng boses niya. "Kaya hindi mo ako madadaan d'yan sa mga hirit mo." "Calm down. Okey?" Sabi ko naman. Kahit ako nga Hindi makalma. "It's not what I'm trying to say. I'm just giving my opinion." "I don't need your opinion." Quemerda! Quemerda! Aish! Ginalit ko ata siya. "I am here for a purpose and not to flirt with anyone." Pagpatuloy niya pa. "Now, if you think I can be one of your girls then you are wrong. What I wanted to wear is my own pick and that is not to welcome a debauch just like you. So you better halt your fantasies! Provocative outfit is not my thing. I am not that kind." Napanganga nalang ako. Ito ata ang pinakamahaba at straight English niyang sinabi. Pilit niya mang itago pero may accent pa ito. It's sounds like British? May nag bri-british accent pala sa probinsya? Ang galing ha. "You speak English very well." Natutuwa kong komento. "You also have the accent. Are you sure that you are from the province?" I know I am acting like a jerk to her. Kilala akong madaling magalit at masungit. Pero hindi ko alam kung bakit nagiging iba ako pag dating sa babaeng ito. "Why? Is it because I am not from here and you think I am stupid? That people from province are stupid? Is that what you mean? Tsk! Wala akong sinabing stupid siya. Grabe naman kung mambintang ang manang na ito. Pinuri lang sa English niya. Highblood agad? Diba ako ang 'short tempered' dito? Nagka palit pa ata kami. Pero hindi naman talaga siya tonong galit. Unlike me na hindi ko talaga mapigilang sumigaw. Lalo na pag hindi maayos ang trabaho ng mga empleyado at kasama ko sa council. Paano kaya nagagawa ng babaeng ito na kalmado at hindi puntong galit ang sinasabi niya? Kanina lang ang lamig at lalim. Nakakatakot. Pero ngayon kalmado ang mga bawat kataga niya. "No! H-Hindi ah." Sagot ko sa kanya. "That's not what I am trying to say." "It's not what you are trying say but it's what you meant." I sighed. Aish! Ba't ba natatalo ako sa argumento sa kanya? Walang lusot. "Tsk!" Tanging nasabi ko. "If you think you can play games with me. Then, let me tell you Mr. Gareth Liu Fortel. I can play better games than you do." Bigla na naman akong kinilabutan. Bumalik na naman kasi ang lamig at lalim ng boses niya. Lalo na sa huling kataga niya. At alam niya ang buong pangalan ko? I didn't mention my last name, if I could still remember. Pa'no niya kaya nalaman? "A-Alright!" Sabi ko. "I'm sorry, Jeisen." I don't know why I am acting like this to her. Pati narin kung bakit pa kami pinagtagpo ng weird na manang na ito. "K." Ito na naman ang 'K' niya. She's weird and unpredictable. Hindi ko na siya kinausap. Baka ako naman ang maubusan mg pasensya. Masigawan ko pa siya. Bigla namang tumunog ang phone ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang caller. Sinagot ko lang 'to gamit ang wireless headset. "I'm driving. What do you need?" Napakunot nuo ko. Puro kaluskos lang naririnig ko sa linya. Nagsalita uli ako para tanungin kung sino ito pero wala paring sagot. Tsk! Such a waste of time. I am a busy person and I have no time for jokes and pranks. Tatapusin ko na sana ang tawag ng bigla itong nagsalita. "I need your life." Hindi ako nakapagsalita agad. I need your life? Death threat ba 'to? Wala naman akong natatandaan na may kagalit ako. Maliban nalang sa kalaban ng parents ko sa negosyo nila. Kaya nga gusto nila akong bigyan ng body guard. Pero tumanggi ako because I don't need one. Kaya ko naman ang sarili ko. Lalong hindi rin ako komportable. Hindi ko nalang pinansin ang tumawag. Baka prank call lang talaga. Nilingon ko ang werdong manang na si Jeisen. Nakatulog siya agad? Nakakatulog siya ng ganyan? Naka sandig ito sa upuan pero naka straight body at krus arm. Pagod na pagod seguro ang werdong manang na 'to. Sabagay, ikaw ba naman pag hintayin ng ilang oras sa bus station. Tapos bagong salta pa sa lugar na ito. Inihinto ko agad ang kotse ng makarating kame sa address ng apartment na binigay ni Maggie sa'kin na. Dito ata siya titira. Ang laki namang apartment 'to. Medyo may kalayuan siya sa ibang bahay. Pero may kalapitan naman sa university. Tinapik ko ng bahagya ang balikat ni Jeisen para magising 'to. "Hey, manang." Tawag ko sa kanya. "You are not sleeping beauty and I'm not your prince charming." Natawa ako sa kakengkoyan ko. Di naman ako ganito talaga. "Gumising kana d'yan. We are already here ." Nagising naman agad ito. Kinusot niya muna ang mata niya saka lumingon lingon sa paligid. Napaiwas ako ng tingin at napakagat ng labi. Gusto kong pigilan ang ngiti ko. Ang cute at inosente niya. Ganito pala ang expression niya kapag, nagigising. 'I woke up like this' lang? Aish! Umayos ka Gareth Liu. Hindi siya ang gusto mo. Okey? May naka plano na para sa 'yo. At hindi siya. Tinulungan ko nalang si Jeisen para maipasok ang mga gamit niya sa loob ng tinutuluyan niyang apartment. "Dito ka ba magtatrabaho?" Out of the blue kong tanong. Hindi ito sumagot. Naka poker face lang siya. "Hey Jeisen." Tawag ko uli sa kanya. "Wala ata ang mga amo mo. Okey ka lang ba mag-isa rito?" Grrr. No answer again. Tsk! Naipasok na namin sa loob ng apartment ang mga maleta niya. Nagmamaleta pa ang werdong manang na 'to. Diba dapat bayong at may mga gulay ang dala niya? You know, pasalubong sa amo nitong wala naman sa loob ng apartment. "Thanks Gareth." Quemerda! Ba't ang sarap pakinggan mula sa kanya ang pangalan ko? Nagkunyari akong seryoso lang at 'di natutuwa. "Ah, no problem." Sagot ko habang nilalaro ang susi sa kamay. "When will I see you again?" Nakagat ko ang dila ko. Tsk! Ano ba 'tong lumalabas bigla sa bibig ko? Parang inexpect kong makikita siya. Ngumisi naman 'to sa'kin. "We will see each other, when we see other." Sagot niya. "You'll see me, when you see me. And I'll see you, when I see you." Oh okey? Ipinilig ko ang ulo ko at pumasok na sa kotse. She's really weird. --- Jeisen Jee POV Sinundan ko nalang tingin ang kotse ni Gareth. Napangisi ako. Siya pala 'yon. At bagay nga sa kanya ang name niya. Gareth na makulet. Gareth na madaling magalit. Halata naman sa itsura nitong maiksi lang ang pasensya niya. Lagi pang naka kunot ang nuo. Akala niya seguro 'di ko siya nahahalata. Pag diskartehan ba naman ang maleta ko. Pero ang saya niyang asarin ha. Parang sasabog sa inis ng mukha niya. Napalibot ako ng tingin. This apartment is too big for a single person. Masyadong malaki ito para sa akin. Pero kailangan ko ang espasyo nito. Marami kasi akong nakatagong gamit sa loob. "Finally, I'm here!" Sabi ko pagkahiga sa kama. "I miss this bed. I miss you my bed." Hays. Nakakapagod ang araw na 'to. Pero kailangan kong gawin 'to para makabalik na 'ko sa mga iniwan kong responsibilidad. Napatigil ako sa pag muni muni ng maaalala ko bigla ang sinabi sa 'kin ni Gareth. Si Gareth Liu Fortel na siya ring kaibigan ng pinsan ko. ...I don't like your sense of fashion, maybe you should show off some skin. Psh! Ano bang mali sa suot ko? Damit pa rin naman ito ah. Hindi nga lang kasing garbo kagaya nila. Isa pa ayokong bagohin ang sarili ko para lang magustuhan ng iba. Ba't kaya ganun ang mentality ng tao? Kapag ba probinsyana. Bobo agad? Katulong agad pag luwas ng manila? I sighed. Sinipat ko ang suot ko. This is what I like to wear. I am not after for what is trend. I used to wear like this and I don't care if people around me will not like it. I don't live to please them anyway. I am a kind of person founded entirely on who I was a person. I am not gullible as what they think I am. I know myself too well and I know what I am capable to do. I am who I am. I stand for what think is right for me. And I don't let others dictate it. It is me who run my world and not them. Sanay naman akong pagsasabihan. Hinahayaan ko nalang nga 'yong iba. I just ignore them. It's one of my talent. Kinuha ko ang transfer form na ibinigay sa 'kin. Ipapasa ko raw 'to bukas sa school na papasukan ko. Malapit lang 'to sa apartment ko. Babasahin ko sana ang transfer form ng tumunog ang phone ko. Si Nana Nimfa pala. Sinagot ko agad ang tawag nito. "Hello Inday Jee, asa naman ka? Nabalaka ko nimo. Nikalit man kag hawa." [Hello Inday Jee, asan kana? Nag aalala ako sa'yo. Bigla ka nalang umalis.] Napakamot ako ng ulo. "Sorry Nana Nimfa, mubalik man ko dinha ineg human nako dire. Chillax lang gud." [Sorry Nana Nimfa, babalik naman ako diyan pagtapos ko dito. Chillax ka lang diyan.] "Mao ba. Pag-amping nalang dinha pirme." [Ganun ba. Mag-iingat ka talaga d'yan parati.] "Salamat Na, miss na taka! " [Salamat Na, miss na kita!] "Miss napud taka alaga ko. Tawaga lang ko ug naa kay kinahanglan ha." [Miss nadin kita alaga ko. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka ha.] E-nend call ko na agad ang tawag. Bigla ko tuloy na-miss si mama. Si Nana nalang kasi ang nag alaga sa amin. Kung hindi lang sana nangyari 'yon. Di sana wala ako sa lugar na ito. "Ang mama 'ko." "Jeisen Jee, anak. Life is a continuous game and when destiny is playing with you--- you should be a better player. Kaya kahit saan ka man magpunta dapat lagi kang handa. Wag kang magpapadala. Wag kang magpapalinlang." Ang mga aral niya sa 'kin. Kaya nga ako nandito e'. At ngayong mag-uumpisa na 'ko. Hahanapin ko siya para sa kanya. Maghihiganti ako para sa kanila. Tama nga. Sa mundong ito madami ang mga mapag laro. At ang kailangan mo lang gawin ay laruin itong mabuti. --- To be continued... G/N: Que meirda / Quemerda = What a s**t!  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
601.2K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
188.4K
bc

YOU'RE MINE

read
901.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

A Billionaire In Disguise

read
660.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook