Chapter 2
Jeisen Jee POV
Napapailing nalang ako at muntikan pa akong na holdap. Kakarating ko palang dito at 'yon agad ang salubong sa akin.
Ganito na ba talaga kalala ang siyudad ngayon?
Inayos ko ang aking mahabang palda na kakulay ng papalubog na araw at malilit na bulaklaking design sa tela at ang paborito kong long sleeve polo na puti pati na rin ang nakatirintas kong mahabang buhok.
Papunta ako ngayon sa school na pag tatransferan ko.
Napansin kong napakalaki ng school na ito at tama nga puros mayayaman ang mga nag-aaral dito. Kahit nasa may labasan ay naka tiles na parang ginto ang nilalakaran ko, parang 'di school kundi palasyo at mga prinsepe at prinsesa lang ang pwede dito.
Ito pala ang Unibersidad De Royal.
"Mukhang ginastosan talaga ang school na 'to," napapatango kong komento.
Para tuloy akong tanga habang sinusuri ang nilalakaran ko.
"Miss, bawal outsider dito."
Napahinto ako bigla ng may narinig akong nagsalita. Ang security guard pala. Akala niya seguro trespasser ako.
Hindi ako nagsalita at pinakita nalang sa kanya ang transfer form ko. Sinipat niya muna ng tingin ang suot ko bago pinapasok.
Dumiretso na ako sa Dean's Office para makausap at makuha na 'rin sa kanya ang schedule ng klase ko for the whole semester.
"Ms. Escintosh," nakangiting salubong sa 'kin ng dean pagkapasok ko sa office.
"Dean Havana Oh."
Natawa naman ito ng mahina.
Mukhang mabait at masayahin ang dean ng department na 'to.
"You sound so, oh, serious Ms. Escintosh," sabi niya at pinaupo ako sa bakanting upuan na nasa harapan ng mesa niya. "Akala ko, oh, bukas kapa papasok according to Master Salvi."
"Kung pwede namang pumasok ngayon, ba't pa ipagpapabukas, Dean Oh."
Natawa na naman 'to.
"Sabagay, oh, may punto ka."
"Schedule," maikling sabi ko.
"Oh! Oh! wait!"
May kinuha 'to sa may drawer niya.
Ba't ba parang natataranta si Dean Oh?
"Here's, oh, your class schedule."
Napangiwi na ako.
Parang may something talaga kay dean.
Tiningnan ko nalang ang inabot niya.
"Oh! Magtatrabaho ka rin pala sa, oh, main canteen ng school at the same time, Ms. Escintosh. But don't, oh, worry mag-aasist ka lang naman sa bibilhin ng mga studyante. Since, oh, malaki naman ang vacant time mo and I'm sure na magagawa mo ang trabaho, oh diba?"
Tumango lang ako kanya.
"Oh! Oh! Kung may ma encounter ka mang 'di maganda sa university," salita niya uli ng paalis na 'ko. "Just don't hesitate to, oh, visit me here at my office. Isumbong mo rito."
"K," maikling sagot ko.
Hinanap ko agad kung nasa'n ang room ng klase ko. Mabuti naman at nakita ko agad ito.
Pagkapasok ko bigla nalang silang natahimik. Maya-maya pa ay bigla nalang silang nagtawan.
Ngayon naintindihan ko na ang ibig sabihin ni Dean Oh na 'di maganda.
Ito pala 'yon.
Well, inexpect ko na rin 'to. But, is this really how our generation today?
Pinakita ko nalang agad sa professor namin ang class schedule ko.
"You are Jeisen Jee Escintosh," nakataas kilay niyang sabi habang he-nead to toe ako. "Alright, help yourself to find a seat. No need for introduction."
Umupo ako sa likoran sa may malapit na bintana. Wala ako sa mood maki-pag usap ngayon. Ang gusto ko ay magmasid lang sa paligid. Kailangan kong mag-ingat, now that I'm here.
Omg! Ba't tayo may kaklase na pulubi.
And look at her dress, it's so old.
Bakit ayaw niya magsalita?
Oo nga. Bad breath seguro siya.
Ohh no! Masisira na ang image ng school!
Pre, ang ganda niya. Makaluma nga lang ang style pero pwede na 'yan.
Umayos ako ng upo at nagkrus ng braso.
Kung anu-ano ang mga pinagsasabi ng klaseng 'to sa 'kin ah. Ngayon lang ba sila nakakita ng ganito ang suot?
"So, who can differentiate the Nation and State? Anyone?" tanong ng professor namin. "Ok, Ms. Amber, stand up!"
Mukhang kanina pa pala nag-umpisa ang klase bago pa ako dumating.
"Ah... eh prof. I don't have idea po."
Tumawag pa siya ng iba pero wala paring nakasagot. Napapailing nalang ako dahil sa itsura ng professor namin. Mukhang galit na ata 'to.
"Okey, set down!" naiiritang sabi niya. "How many times will I tell you class to read our lessons in advance? You have your book with you, ba't 'di niyo magawang basahin? Ano 'yan, bahay niyo nag-aaral? Puro kayo landian at pagpapaganda. Mga bobo! Sayang lang ang tuition na binabayad ng mga magulang nin---"
"State is political concept while Nation is ethnic concept."
Lihim akong napangisi. Akala ko puro pagpapaganda at pagpapagwapo lang alam ng mga studyante dito.
Napalingon agad ako sa nagsalita.
Nakatingin lang 'to sa unahan na para bang may sarili itong mundo. Hindi ata aware ang lalaking 'to sa mga malalagkit na titig ng mga babae sa kanya.
Medyo magulo pa ang kulay light brown niyang buhok. Ang mga mata niya na parang laging inaantok.
Walang buhay pero delikado.
I smirked.
Mysterious and ruggedly handsome.
"For your information as why the two are different is that, Nation is a group of people bound together by certain characteristics such as common social origin, the language, customs, and traditions, and who believe that they are one and distinct from others. The term is more strictly synonyms with "people", meanwhile the single State may consist of one or more nations or people. A single nation may be made up of several states. That's it."
"Y-Yes class," nauutal na sabi nitong professor namin. "Mr. Zoniega, thank you for the explanation and very good."
I think, I already have an idea about this subject. This is a Political Science. The Philippine Constitution and its Government.
Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.
Gusto ko na ang klase na 'to.
"Ms. Escintosh," biglang nawala ang ngiti ko. "Why are you smiling like an idiot there?"
"Wala po," maikling sagot ko. Kahit tahimik ako, napapansin parin ako. Psh!
"Wala? Really?" nakataas kilay niyang sabi. "Hindi ako naniniwala sa 'yo, Ms. Escintosh. But since, this is your first day in class. I want to know how far your knowledge is. Hindi 'yong para kang tangang pangiti-ngiti d'yan."
"K."
Sinamaan niya 'ko ng tingin sa ikli ng sagot ko. But I maintained my poker face.
"Can you distinguish the State to Government?" tanong niya agad.
Bumuntong hininga ako.
I actually don't want to talk.
Mas gusto kong manuod kaysa ako ang pinapanood o nagsasalita.
"Ano na, Ms. Escintosh? Don't you have any idea in mind? Ba't 'di ka makasagot d'yan?"
Ayan kasi pasikat. First day palang niya ganyan na siya. Simple lang kaya 'yong tanong.
Ganyan talaga ang mga walang utak!
Kinain na ata ng mga Zombies. Haha!
You are all so nakaka classmates. Give her ng pagkakataon naman. Like duh!
Baka K lang uli sabihin niyan. Nyayk!
"Alam mo, kung uupo kalang d'yan at tatawa sa klase ko. Mas mabuti pang umalis ka nalang at 'wag ka ng mag aral."
Bumuntong hininga uli ako.
Papalampasin ko ang sinabi niya. Pero, seryoso ko parin 'tong tiningnan.
"You know what? You are just wasting your time here, Ms. Escintosh," napahawak 'to sa sentido niya," I really don't like stupid people, just like her," tinuro niya 'ko, "She's the best example of the word stupid. Pa'no kaya nakapasok ang isang kagaya niya sa ganitong kamahal na school?"
My name doesn't ring a bell to her.
Hindi mo nga pala ako kilala.
At ano naman kung nakapasok ako rito sa school kahit mahal? Wala na ba akong karapatang mag-aral? Teachers should be more understanding, right?
Hindi ko alam kung sa'n galing 'tong galit niya. At ganito pa niya ako kausapin.
A part of me is telling that, I shouldn't mind her rant and that she is right. I know that I'm just new here. Yes.
But if you are a teacher, you should know how to understand and respect each others differences. That different people has different personalities. At mas lalong hindi sa ganitong paraan niya ako dapat kausapin.
And given that she's already a licensed professional, that doesn't mean that she has the right to insult others.
"What now, Ms. Escintosh?" tawag niya uli sa 'kin. "I am waiting. We are waiting. Nakakainsulto kasi ang ginawa mo kanina. You are not also talking. Akala ko pa naman may alam ka."
Calm down Jeisen. Sabi ko sa sarili ko.
"Ah! Nakuha ko na," salita niya uli at mas tumaas pa ang boses. "Isa ka palang stupida! You are stupid! Idiot!"
Now, that's too much. She's acting very unprofessional. Tumayo na ako.
"With all due respect, madam," pag uumpisa ko. Tumahimik naman ang buong klase. "Bullying, do you know that it is a serious offense?"
"Excuse me?" tinuro niya ang sarili niya. "Are you accusing me that I'm bullying you? Ang lakas ng loob mo ah."
"Maybe yes?" I used my deep and cold voice. "I am just being concern here that it will cost you too much trouble, madam."
Sabay namang napasinghap ang buong klase. Mas lalong sumama ang tingin sa 'kin nitong professor namin.
She's still young. I'm not sure of her age. Palagay ko nasa trenta na siya or maybe younger than that.
"Are you lecturing me, Ms. Escintosh?"
"I'm not," diretsang sagot ko. "I am just telling you that bullying your student is punishable by law, Attorney Unison. I just thought you don't know."
Nabasa ko sa schedule form na lawyer pala ito. Her name is Hayumi Unison.
"E-Excuse me?"
"You are not also showing the right etiquette of being a professional teacher."
"W-What?!" nauutal niyang sabi pero hindi parin maalis ang sama ng tingin niya sa 'kin. "Ang kapal ng mukha mong pagsabihan ako ah. Alam mo naman palang isa na akong abogada. Dapat alam mong alam ko rin 'yan."
Baka abogaga, Attorney Unison.
"Exactly," mariin kong sagot sa kanya. "You are already a lawyer but why is that you don't know that education is not a privilege, it is a right. It is a right for everyone regardless of their status in life."
I want to stand my point as a student. And I want her to know my thoughts.
"W-Wait---!"
"That means," pigil ko sa sasabihin niya. "We all have the right to go to school. Whether it is in public or private. Whether we are rich or poor. Whether we are good looking or not Whether we are stupid or not. And one more thing, it is not you who will tell where I want to go to school. It is not you who will decide where I want to go to school. You get what I'm sayin', Attorney Hayumi Unison?"
Sisigawan na naman sana niya ako pero nagpatuloy parin ako sa pagsasalita.
She started it.
"Now, to satisfy your hunger for my answer to your question between the State and Government. It is just simple as, the Government is the only agency through which agency expresses its will. On the other hand, a State cannot exist without a Government but it is possible to have a Government without a State."
Ngumisi naman 'to.
"If you are really that good," sabi niya na parang nanghahamon. "Can you tell us what is the purpose of having a government, Ms. Escintosh?"
She's really trying me.
Kinuha ko ang libro na nasa mesa ng katabi ko. Wala kasi akong dala.
It's the 1987 Philippine Constitution book.
The fundamental law of the country. Dito binabasi ang lahat ng batas na ginagawa para bansa at tao.
Mga batas na dapat alam ng lahat.
Mga batas na 'di ipinagkakait sa lahat.
Mga batas na bilang lang ang may alam at 'di maaayos na natutupad.
"Akala ko magaling ka," salita uli nito. "Ba't ngayon may hawak ka ng libro."
Ngumisi ako at itinapon sa kanya ang hawak ko. Hindi niya 'to nasalo. Sayang!
"Putragis!" mura niya. "Wala kang galang sa nakakataas sa 'yo! Letse ka!"
Umayos ako ng tayo at nagkrus-arm.
This class will not be an ordinary class. Pakiramdam ko may kakaiba sa kanya.
"The feeling is mutual," sagot ko.
"Mutual?" natawa ito. "Nagpapatawa ka ba? Studyante ka lang dito, baka nakakalimutan mo."
You really don't know me, Attorney Unison.
Itinapon ko sa kanya ang libro because I want her to check my answer. Wala rin kasi 'tong dalang libro.
Meaning, kabisado na niya ang laman nun. Pwede ring may topiko na siya sa leksyon ngayon kaya handa siya.
Bihira kasi sa mga nagtuturo ang ganito.
"The purpose of having a government is that," I paused. Ang sama ng tingin niya sa 'kin. "The advancement of the public welfare for the benefit of the people, protection of society and its members, the security persons and property, the administration of justice, the preservation of the state from external danger, and the advancement of the physical, economic, social and cultural well-being of the people."
"Is that what you only know?"
Napataas ako ng kilay.
Hmm. Sinusubukan niya ako.
"I've stated almost all the purpose of having a government that is written in our Philippine Constitution," sagot ko.
Pinulot niya ang libro at itinapon 'to sa 'kin. Hindi ako umiwas at sinalo 'to.
Wow! Ang cool ng ginawa niya!
Exciting ang class na 'to. Hahaha.
Ang talino niya pala. Wew!
Omeegee! This is so nakaka!
May katapat na si prof! Wahh.
"Shut up!" sigaw nito sa mga kaklase ko. "All of you, shut up! Putragis!"
"The last is the consequences of its absence," putol ko sa pag-iingay nila. "Attorney Unison and classmates, without an organized structure of the government, there will be a general feeling of fear. Also, the development will not be possible and the values will be taken for granted such as the truth, freedom, justice, equality, rule of law and human dignity. All of it can never be enjoyed by everyone."
Umupo ako pagkatapos kong magsalita.
I am not intelligent.
I just have a very good memory.
Natigilan naman 'to saglit sa sinabi ko.
Pero alam ko na 'di lang 'to ang unang diskusyon namin. May susunod pa.
Tingin ko kasi kay Attorney Unison ay 'ayaw nitong malamangan.
"G-Great! Very well said Ms. Escintosh," puri niya pero 'di naman nakatingin sa 'kin.
Sakto namang tumunog ang bell kaya nagsi-alisan na ang ibang mga kaklase ko.
"You are so nakaka girl," napa-angat ako ng tingin sa nagsalita sa harapan ko. "You make away-away our strict professor. She's so annoying and mayabang, diba? And you are super duper galing! We are not tuloy nakapagsalita kanina while you are talking like a walking book."
Tumayo ako at kinuha ang bag.
Sino naman kaya ang babaeng 'to?
She's actually pretty. Shoulder length ang brown hair niya. Singkit ang mata at maputi. Bumagay sa kanya ang kulay pink niyang dress na hanggang tuhod lang. Hmm. A fashionista.
Hindi pa ako nakakasagot sa kanya pero nagsalita na naman ulit ito.
"Hi-llo pala girl. I know I'm so madaldal and my bad para 'di agad nakipagkilala to you. By the way I'm Aicel Cho, fancy meeting you pala. Aha-ha-ha."
Nilahad niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman ito saka tipid na ngumiti sa kanya. I think I will like her.
Mukha siyang friendly at masayahin.
"I am Jeisen Jee Escintosh," pakilala ko.
Not bad for my first day in school. I have a new friend. Though, okey lang naman sa 'kin kahit wala.
"Aha-ha-ha. This is so nakaka!" maarte niyang tawa. "Let's punta to the canteen muna. I'm hungry na kasi. Like, let's make kwentohan para getting to know each other tayo. Aha-ha-ha. Omeegee! I am nai-excite na tuloy."
Langya, conyo pala talaga this girl?
Hinawakan niya agad ang braso ko kahit 'di pa 'ko umuoo. Lalabas na sana kame ng classroom ng may biglang nagsalita sa likuran namin.
Siya 'yong si Zoniega na sumagot sa tanong ni Attorney Unison kanina.
"I'm impressed," sabi niya." That was a very good rebuttal Jeisen Jee Escintosh."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nauna na itong naglakad sa amin.
"Wah! Omeegee!" mahinang tili nitong kasama ko. "Minsan lang makipagtalk 'yon girl. Teka? Bakit he knows your pangalan? That's Zedrick Zoniega. The mysterious prince ng campus! You are so lucky girl ha. Omeegee. He is so gwapo, diba? Maybe he likes you because he make tigil tigil muna and talk to you agad. Aha-ha!"
Nagkibit balikat ako.
"Gutom lang yan," tanging sagot ko.
Sikat ka pala sa UDR, Zedrick ha.
Lihim akong napangisi at hinila si Aicel para makapunta na kami ng canteen. Gutom na rin kasi ako.
---
Gareth Liu POV
Napakunot nuo ako habang inaabot sa 'kin ng kasamahan ko sa council ang isang folder. This is the last proposal for the upcoming school event.
Late na kasi silang magpasa. Tsk!
"Woah! Grabe Liu! Palay na ang lumalapit pero 'di mo tinutuka. Ang daming nagkakagusto sa 'yo tapos ayaw mo man lang patulan."
Napaangat ako ng tingin ng magsalita si Aston. Ang kaibigan kong mahilig sa mga babae.
Kahit sino kasi pinapatulan niyan.
Ang sinasabi seguro nitong palay ay 'yong babae kanina na lumapit sa 'kin at nagpakilala.
"Hindi ako kagaya mo Aston," sagot ko sa kanya. "You know that I don't have any plan to have a girlfriend. But if ever I will have my first? Maybe it's Maggie. Kahit nakakairita siya sa pagiging possessive niya, still she's perfect for me. Alam mo 'yon."
Bigla ko na naman naalala ang werdo niyang pinsan. Ang manang na si Jeisen.
I know I acted like a jerk to her.
Ayaw niya kasi akong kausapin.
Nagtatrabaho kaya 'yon ng maayos?
"Talaga lang ha?" natatawa niyang sabi sa'kin. "But Liu, just follow your heart and everything will be alright. Hindi 'yong nakaplano na lahat sa 'yo. Woah! That's boring. Ibang putahi naman ang tingnan mo. Maraming mas masarap d'yan."
Tumigil muna ito sa pagsasalita at kinuha ang lahat ng cookies na nasa tabi ni Jin. Hindi niya 'to kinakain.
Lollipop lang kasi ang laging baon nito.
"Sarap nito Jin ah. Akin nalang."
"Sure. I'm not going to eat it anyway."
Hindi na naman niya kami pinansin. Nagbasa uli ito ng libro. May nakasubo pang lollipop sa bibig niya.
Para talaga siyang bata.
Nandito kame sa 3rd floor building ng buong faculty and staff. May nakalaang office kasi sa 'min as being part of the university SSC.
May separate building din naman ang bawat department ng university. At nahahati ito sa apat.
College of Arts and Sciences.
College of Education and Nursing.
College of Engineering and Technology.
At ang department namin na laging nangunguna sa bawat competition sa university at ibang school.
Ang College of Business.
Hawak din ng buong SSC ang mga representatives ng bawat department.
"You know what Liu," salita uli ni Aston. "Okey seguro si Maggie sa 'yo but she's a spoiled brat. Sa looks naman ay talagang maganda ito. Hanep! Napaka sexy babe niya, Liu. Matalino at matapang pa."
Napatango ako.
Maggie is really good in martial arts.
"That's what I like about her," sang-ayon ko naman.
"Tama Lui," sagot niya. "And I don't think na magkakasundo ang ugali ninyo pagnagkataon. Pareho kayong mainitin ang ulo."
"I don't mind, Aston. Tsk! At kung nagkakaintindihan naman kayo. Hindi mo na rin iisipin ang ugali nito."
"Palagay ko lang naman 'yon, Liu."
Ang dadal talaga ng isang 'to.
Napatingin ako sa nakasabit na wall clock sa office namin. May klase pa pala kame. Tumayo ako at tinapik ang balikat ng dalawa.
"May klase pa pala tayo. Let's go."
"Hoy Jin!" tawag ni Aston sa kanya ng hindi parin ito tumatayo. "Tara na't mamaya na 'yang binabasa mo."
Nauna na akong lumabas.
Sumunod naman agad sila sa 'kin.
Business Management ang kinukuha naming kurso. It's also our last year in college. At konti nalang ang subjects namin. Research nalang halos.
"Woah! Chicks oh. Transfer student ata," biglang sambit ni Aston habang naglalakad kami sa hallway. "I just don't like her style, ang manang."
Niligon ko agad ang tinutukoy ni Aston na chicks daw. Napakunot nuo ako.
May kilala akong ganyan kung manamit. Hinatid ko pa nga kahapon.
Pero hindi pa ito nakaharap sa amin.
"Tsk! Hindi mo pa nga nakikita gusto mo na agad?" tanong ko kay Aston na hindi parin inaalis ang tingin dun sa babae. "You are unbelievable."
Lumingon naman sa gawi namin 'yong babae. Quemerda! No es posible!
Bakit siya nandito?
Dito ba siya mag-aaral?
"Woah! Ang ganda Liu. Sabi ko na nga ba ang chicks niya. Hindi talaga ako nagkakamali pagdating sa mga ganyan."
Hindi ako sumagot.
Aish! Kaya ba siya nandito ngayon dahil magtatransfer siya ng school?
"Hoy, Gareth Liu Fortel!"
"Tsk," sinamaan ko ng tingin si Aston.
"Ba't natahimik ka dyan? Natulala ka pa. Pfft! Sabi na nga ba eh. Hahaha."
Inayos ko ang sarili ko at nagkunyaring hindi apektado. Ayokong mahalata ni Aston na kilala ko ang babaeng sinasabi niyang maganda.
"Hindi ah! Tsk! I actually don't like her beauty. Napaka generic at very common," sabi ko. "Isa pa, hindi ako attracted sa mga laging naka poker face."
Nagsmirk lang 'to sa akin.
"Sa dalawa sa atin, Liu. You are the one who's unbelievable. Hindi mo ata alam kung ano ang maganda. Just look at her. Ang amo ng mukha niya."
Hindi ko nga maitatanggi na maganda talaga ang manang na si Jeisen. Pero sinarili ko nalang ang naiisip ko.
"Ang height sakto lang. I think 5'7."
Yeah. She's tall and slim.
"Ang vital statistics niya palagay ko... sa boobs 35, waistline 23, sa pwetan naman niya---"
Yeah. She's... Quemerda!
Bintukan ko si Aston.
"Dammit!" mura ko sa kanya.
"Ano ba, Liu!" napakamot ito ng ulo. "Sinusukat ko lang naman."
"Hindi mo siya sinusukat," sabi ko. "Aish! Minamanyak mo na siya."
Kahit naka manang dress itong si Jeisen may nakakapansin parin sa kanya.
Baka mabiktima pa siya ni si Aston.
Girls! Ang gwapo talaga nila!
Hello Mr. President Liu. Ang gwapo mo.
Kyah! Jin pa lollipop naman!
Grabe girls! Kinindatan ako ni Aston!
Ba't ba tinitingnan nila yang old lady na yan?
I'm sure hindi 'yan magugustuhan ng mga prince natin. Ang panget niya.
Ba't ba ganito ang mga babae sa school? Tsk!
Nagpatuloy kame sa paglalakad at hindi nalang pinansin ang mga tilian nila. Si Aston naman ay panay ngiti at kaway sa mga babaing nadadaanan namin.
Pagkatapos ng klase ay niyaya agad kami ni Jin na magpunta ng canteen. Ubos na ata ang lollipop niya.
Nag-order lang kami ng drinks ni Aston. Hindi pa naman kami gutom.
Pero bigla nalang akong nabilaukan sa iniinom kong blueberry flavored juice. Nakita ko na naman kasi si Jeisen.
Muntik pa 'tong matamaan ng bola. Quemerda! Bola ng baseball 'yon ah.
Nasalo niya 'yon?
Ang bilis! Paano nangyari?
Hindi ko na naman mapigilang mapakunot nuo. Ang laki-laki ng school. Sa may malapit na baseball field pa siya naglalakad.
Aish! Nagpapansin ba siya sa mga lalaki?
"Woah! Ang cool nun ah!"
Nakatingin din pala ang dalawa sa direksyon niya. Pati ibang studyante.
Teka! Ba't ba lagi ko nalang siya nakikita ngayon? Kung saan-saan pa. Pati kanina habang nagkaklase kame nakita ko rin siya.
Baka naman nagpapansin siya sa 'kin. Wala rin pala siyang pinagkaiba sa mga ibang babae d'yan. Tsk.
"That's my girl," komento rin ni Jin.
Don't tell me he likes her too?
Tinuon ko uli ang atensyon sa kanila.
May kausap ito ngayon.
Si Sebastian Zarte.
Isa sa baseball captain ng university. Varsity player din namin ito for inter-school game.
Nagdesisyon akong puntahan sila.
"Miss, are you okey?" rinig kong tanong ni Sebastian sa kanya habang papunta kami sa direksyon nila. "I'm sorry. Natamaan ka ba? Pasensya talaga ha."
Hindi ito sumagot sa kanya. At tiningnan lang ang bola na hawak niya.
Werdo talaga 'tong manang na 'to.
"Meron bang problema dito, Sebastian?" tanong ko agad.
Napalingon naman sila sa akin.
"Mr. President Liu," bati niya. "Ah, naglalaro lang kasi kame ng baseball kanina. Napalakas ata ang palo ko ng bola kaya tinatanong ko sa kanya kung okey lang ba siya."
Liningon niya uli si Jeisen.
Hindi parin 'to nagsasalita.
Parang wala rin sa kanya na nandito ako sa gilid niya. Grrr. Ba't ba naasar ako?
"May masakit ba sayo, miss?" tanong niya uli dito. "Kung meron man, dadalhin nalang kita sa school clinic natin."
"Okey lang ako," sagot naman ni Jeisen at inabot ang bola sa kanya. Pagkatapos ay umalis agad ito ng 'di man lang kame nililingon.
Naningkit pa lalo ang singkit kong mata. Hindi man lang kame pinansin?
Aish! Hindi niya ba ako nakikilala?
"Miss, saglit lang," tawag sa kanya ni Sebastian. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
Ngayon ko lang napansin na may kasama pala 'tong babae. May kaibigan na agad siya ha.
Napatigil naman sila sa paglalakad.
"My name is not that important," nakangiti niyang sabi. "I'm just nobody here."
Ang werdong manang na 'to talaga.
Kinindatan pa si Sebastian!
Narinig ko namang tumatawa si Aston sa likod ko. Si Jin nanunuod lang.
Hindi ko na rin pinansin si Seb na umalis pagkatapos.
Aish! Ba't ba parang naiinis ako sa ginawa niya? Is she trying to flirt with Sebastian?
At ba't ba nagsasayang ako ng oras sa pag-iisip sa kanya.
She's right, she's just nobody.
---
To be continued...