Chapter 5 - Hotel

3257 Words
Chapter 5 Jeisen Jee POV Napangisi ako habang binubuksan ang e-mail na hinihintay ko. Hindi nga ako nagkakamali. Iisang grupo nga ang nasa likod nito. Ilang taon ko rin itong hinintay pagkatapos kong sanayin ang sarili ko. And this time. I'm more than ready. "I will play their game." Sumandig ako sa swivel chair na kinauupuan ko saka ito pinaikot ng dahan-dahan habang nakatingin sa taas ng puting kisame. Ano ba ang meron sa pera at kung bakit ganun nalang ito naisin ng tao? Are they not satisfied with what they have? Wealth? Power? Fame? To hell with that?! Madadala ba 'yan sa hukay nila? Hinilot ko ang sintedo ko at pumikit. Naalala ko tuloy nung mga panahong sinubukan kong tumira sa isang skwater area. Nung mga panahong may trinatrabaho akong misyon. Maliban sa lihim at illegal na transakyon, nasaksihan ko rin na madaming taong nagugutom dahil sa labis na kahirapan. Yes, money is important to survive but not to the point that you will do something bad for others. I am not cleaning my hands here 'cause ... I also kill people. But when it's needed and it's not only for money. Mag isang linggo simula ng pumasok ako sa university. So far maayos naman ang klase. Ang dalawa kong kaibigan ay medyo naging abala na rin para sa darating na acquaintance party. Bihira na rin kame mag kasama ni Aicel sa kadahilanang puspusan ang pag iinsayo nila. Si Shasha naman abala rin sa pag pipinta para naman daw ito sa darating na U-week ng school. Naramdaman ko naman may umupo sa tabi ko. Si Zedrick pala. Nakikitingin din sa mga litratong kinunan namin kanina. Hindi pa pala namin nakukunan ng picture ang soccer team. Mamaya nalang seguro namin gagawin yun. Siya ang kapareha ko sa photography club. "Jee, okey na ba an mga litrato na kinunan niyo kanina ni Zedrick?" Sabay kameng napalingon dalawa ng marinig namin ang boses ni Weng na kakapasok lang sa office namin. Siya ang tumatayong presidente ng club. Mas matangkad siya sa akin ng konte at malaman. "Ah Oo." Sagot ko naman. "Inililipat na namin sa computer. Gusto mo bang makita?" Dali dali naman siyang umupo sa tabi ko. "Omo! Nakunan mo ba ng litrato si Mr President Liu ha?" "Hoy Welfredo. Magtigil ka nga sa pantasya mo kay Mr President. Nakakarindi kang bakla ka! Nung first year pa tayo niyan ah." Saway naman ng isa naming kasama na si Patricia. Napatawa naman ako ng mahina dahil sa nag-umpisa na naman sila ng bangayan nila. "Gra-b***h ka talaga Pat. I hetchu! Support mo nalang aketch. Alam mo naman na itey nalang ang kaligayahan ko. Ang mapagmasdan ang alindog ni Mr President. Hmp!" Nag sign naman ito ng letrang W sa daliri niya. "With the capital W stands for Whatever Weng Welfredo! Hahaha" Nagtawanan nalang kame sa kakulitan ng mga kasama ko sa photography club. Nilingon naman ako si Zedrick at may binulong sa akin. "Jeisen, canteen tayo. Gutom na ako." "Sure, kanina pa nga rin ako gutom eh." Hinawakan niya naman ang kamay ko para hilahin papuntang pinto "Tayo na..." "Oy! Ano yung narinig kong tayo na? Kayo na ba? Bat 'di kame na inform? Why? Bakit? Why?" Sunod sunod na tanong sa ni Pat sa amin. Binatukan naman siya ni Weng. "Gaga! Kita mong paalis sila." Lumingon ito sa amin. "Oh teka nga. Sa'n ba kayo pupunta at magkahak kamay pa kayo ha?" Nagkatingin agad kame ni Zedrick at bigla naming binitiwan ang kamay ng isa't isa. "Kakain muna kami sa canteen." Sagot naman nito. "Dadaanan na rin kame sa soccer field para makunan ng pictures ang mga varsity players." "Kayo ha? May nahahalata na ako sa inyo. Pero shege na chupi na kayo." Pumunta agad kame ni Zedrick sa canteen at nag take out ng dalawang burger, large fries at pineapple juice. Gusto ko pa sanang mag take-out ng blueberry cheesecake kaso nakakahiya na't ang takaw ko. Siya na rin ang nag bitbit ng inorder namin at ako naman ang humawak ng camera. Madali ko namang hinatak si Zedrick ng may nakita akong malaking puno at upuan ng matapos kami sa pagkuha ng pictures. Napapalibutan ito ng mga ibat-ibang bulaklak. Hindi ko akalaing may ganitong lugar pala sa paaralang ito. Kitang kita ko naman mula rito ang mga players ng soccer na busy sa pag-iinsayo. Buti nalang wala masyadong tao sa paligid dahil baka akalaing nag-de-date kami nitong kasama ko. Una kong nilantakan ang dala naming large fries habang abala ako kakatingin sa mga litratong nakunan namin kanina. Okey na seguro itong nakuha namin para sa school publication. "Jeisen..." Narinig kong tawag sa akin ni Zedrick. Di ko siya nilingon. "Oh?" "Sana camera nalang ako." Lumingon ako sa kanya ng naka kunot ang nuo. "Ha? Camera? Bakit mo naman nasabi yan?" Nakatingin din naman siya sa'kin habang ang dalawang braso niya nakapatong sa sandalan ng upuan. "Para ako naman ang titigan mo." Nanliit ang mata ko at binatukan siya. "Puro ka kakornehan." Tatawa tawa naman siyang nakatingin sa akin. "Kanina ka pa kasi busy diyan." Nag pout pa ito pagkasabi nun. "Mukha kang pato." Mas lalong humaba pa ang nguso niya sa sinabi ko kaya ako naman ang napatawa. Hinawakan ko naman ang dalawang pisnge niya at pinisil ito. "Arufhuyyyyy Jheishen ahngg sshahaaket!" Binitawan ko siya at tumatawang tinituro ang mukha niyang pulang pula ngayon. "Ang cute mong pato. Swear! Hahaha" "It seems like you two are having fun." Napatigil ako sa pag-tawa at lumingon sa nagsalita. Si Gareth Liu. Nakapameywang siya na nakaharap sa amin habang tagaktak ang pawis sa mukha at leeg niya. In all fairness, gwapo nga talagang ang isang to. Naka kulay pula na may kasamang itim ang pangtaas niyang shirt. Nakaitim na jersey shorts at puting sapatos na may mahabang medyas hanggang tuhod. Ano naman kaya ang ikinanuot ng nuo nito? Naka straight line pa ang mapupula niyang labi at klarong klaro ang dimple niya. Ito ang itsura na parang galit ah? Tiningnan ko siya ng may halong pagtataka. "H-ha...?" "Let me remind you that this is not a dating place. This is a soccer field. Kung mag de-date kayong dalawa, hindi ito ang tamang lugar." Lumingon siya ng bahagya sa likoran niya at tinuro ang mga kasama niyang mga varsity players. "You see that? We are having our practice. Now, if you may excuse, you can continue your date somewhere far from here." What the? Ano bang pinagsasabi nito? Ganito ba niya talagang tratuhin ang kasama niya sa student council? At naistorbo pa raw namin ang pag-iinsayo nila. Nilingon ko naman ang mga kasama niya. Parang wala lang naman sa kanila na nandito kame. Napatawa naman ng bahagya si Zedrick sa sinabi nito pagkatapos ay seryoso itong hinarap. "It's not what you think Mr President. Nandito lang kame to take some photos for the school publication. Nagutom lang kame at umupo muna para kainin itong dala namin." Tinuro niya ang dala naming pagkain na nakalagay sa gitna ng inuupuan namin. "Don't worry, aalis din kami." Tahimik lang akong nagpa lipat-lipat ng tingin sa dalawa. Tumango naman si Gareth sa sinabi ni Zedrick saka nilingon ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kung ano kasi ang iniisip. Bumalik naman siya sa field at may kinausap na kasama niya. Masungit nga talaga ang lalaking 'yon. Hindi na rin kame nagtagal ni Zedrick at bumalik sa office ng club namin. Nilipat agad namin sa computer ang mga kopya ng litrato. Wala pa akong masayadong gagawin ngayon. Nauna na kasing umuwi ang mga kasama ko. Kaya naman napag desisyonan kong puntahan si Aicel para mapanuod ang practice nila sa treatro. Napatigil ako sa paglalakad ng may napansin akong dalawang tao na malapit sa likod ng building ng business department. Mukhang nagtatalo ang dalawa. Agad kung kinuha ang camera ko at kinuhanan sila. Nice Jeisen. Now I am acting like a paparazzi this time. Pero bakit naman kaya sila nag tatalo? If I could still remember. Nakita ko rin sila last time, but they are not I guess arguing just like today. Natigil ako sa pag iisip ng naramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko agad ang mensahe. From: AZAlpha Need to see you ASAP. Biglang nabuhayan ako ng dugo. This is what exciting means to me. Mamayang gabi pa ako pupunta sa kampo. Tiyak na may kinalaman ito sa misyon na hinahawakan namin ngayon. Kinawayan ko si Aicel ng makapasok ako sa House of Theater. Isa ito sa pinaka may malaking kwarto sa lahat ng club. Mas marami kasi ang membro nila kumpara sa ibang club. Ngumiti naman ito at suminyas na umupo ako sa tabi niya. Papaalis na rin ang ibang kasama nila. Nahuli na ata ako? I hope not. Gusto ko rin kasi makita si Aicel sa act niya. And this is what friend should do, right? "Why you are now lang girl? You didn't make kita tuloy may acting. I'm so tampo na tuloy sa inyo ni Shasha. Diba I make sabi sa inyo na we'll make kita here. We need to buy our damit for our acquaintance pa." Bigla naman akong na kosensya sa sinabi niya. Pareho lang kasi sila ni Shasha na nag te-text sa 'kin. Hindi rin naman ako mahilig mag reply. Isa pa naninibago ako na ganito sila ka attach agad sa akin. "Pasensya na. Na-busy lang ako sa photography club." Pabagsak niya namang isinandig ang likod niya sa upuan at pinag krus ng dalawang braso niya. Nagtatampo nga ang isang ito. "I'm so nagtatampo tuloy but since you two are my friends. I'll make kalimot na lang and patawad the two of you. Ah-ha-ha-ha." Tumango na lang ako at nag kunyaring tumatawa na rin. "Ha-ha-ha. Oo naman." "How's your araw naman girl? I make pansin na talaga na may something kayo ni Zedrick. Maybe sa pag kuha-kuha niyo ng picture, kayo na dalawa ang ma-develop ha." Until now 'di pa rin ba ito maka get-over samin ni Zedrick? "Wala ah.Trabaho lang sa'min. Walang halong something na sinasabi mo." "Ume-echos ka girl! Don't make deny to me. I'm your friend naman eh." Umiiling naman ako. Masyadong big deal sa kanila ang makasama ko ang mga prince nila sa school. Hindi ko sila masisisi, mailap din kasi itong si Zedrick sa iba. "Wala talaga, kayo lang nag-iisip nun. Nga pala anong klaseng story naman ang gagawin niyo?" Pag iiba ko ng usapan. Isa pa, medyo na curious ako dahil puspusan ang insayo nila sa club na ito. Nanlaki naman ang mata niya at ngumiti ng malapad. "Ang story that we will make present-present ay about reincarnation ng love ng dalawang person. They make continue their love story sa present time dahil tragic ang past nila. That's why they make pangako to each other if they will not make katuluyan they will make continue it sa ibang chance." "Diba ikaw ang gaganap sa bidang babaeng dun?" "Yep girl. They make pili me because I am bagay sa role raw. Isa pa this is my unang arte so I will make galingan para ma-proud ang parents ko to me. Nag-invite kasi ang school ng mga visitor to make tingin sa presentation. My parents are also inimbeta so I have to make galingan talaga. Tsaka girl..." Bigla itong tumigil sa pagsasalita. Napansin ko naman na lumungkot ang mukha nito, parang naiiyak. May ganitong side rin pala itong si Aicel. "They are always busy kaya they can't make pansin me and they always compare me to my sister na mas magaling daw. So I make sali here para ma prove that I can make arte too." Sa pag arte? Parang ang layo kasi sa kinukuha niya na kurso ito. Kaya tinanong ko na. "Bakit naman sa pag aarte ang naisipan mo?" "Ah kasi my parents kasi are in showbiz before and now nag pro-produce na lang sila ng mga movies. I am doing my very best naman. Kaya this is my big break to make pakita to them that I am also their anak diba girl?" Kaya pala masyadong seryoso siya sa pag-iisanyo. Bigla ko tuloy naalala ang parents ko kaya niyakap ko nalang si Aicel. Nakakagaan daw kasi ng pakiramdam ang pagyakap sa isang tao Hinarap ko siya pagkatapos gawin 'yon. "You know what? There's nothing wrong of proving people our value and of what we can do to make them proud. But what is more important is to love yourself more than anything. It is not selfishness but it's a way to make others love us too. Self-love is not bad at all. And that?" Tinuro ko ang puso niya. "With your pure heart and doing things just to make your parents proud was already an accomplishment to them. I believe that parents has different ways of showing their love. " Binaling ko ang tingin ko sa haparan ng stage habang tinitingnan ang mga ibang kasama niya na nagkakatuwaan. "Everything we have is a choice Aicel. It's up to you if you choose to be happy or not." Tumingin uli ako sa kanya at ngumiti. "We are not in a competition so don't compete. If this life we have here is a game? Just only play with it." Natigilin naman ito sa sinabi ko. "Why you are so lalim girl?" Tinuro niya naman ang mata niya saka nagsalita uli. "Look oh? I'm so maiiyak na talaga. But thanks girl ha, I am so happy talaga that we are magkaibigan. I will make tandaan what you said to me talaga. Ah-hu-hu-hu" Akala ko walang pinagdadaan itong si Aicel kasi sa nakikita ko napaka masayahin nito. May mas malalim pa pala siyang dahilan kaya pinagbubutihan niya itong pag arte. Pero diba biology ang course niya? Ang layo naman kung ganung nasa showbiz pala ang parents nito. "Diba Biology course mo?" Tumango naman ito."Pa'no nangyari 'yong parents mo nasa showbiz ang trabaho?" "Dream ko kasi maging doctor. It's my lola's profession kaya 'yon ang kinuha ko. She's my idol kasi girl." Ngayon nakuha ko na kung bakit. Kakaiba rin ang takbo ng utak ng isang 'to. Acting at pag do-doctor? Why not. Napatingin ako sa relos ko. "Mag gagabi na pala. May pupuntahan pa pala ako." Napatingin din si Aicel sa relos niya at nilagay ang ibang gamit niya sa dala nitong bag. "Oo nga girl. I want to make sabay to you but we have meeting pa kasi ng treatro. I'm so sad tuloy that I can't make kasama to you." "Okey lang. Dumaan lang ako saglit dito para makita ka. " "You're so sweet talaga girl." Naglakad na ako papuntang gate pagkatapos kong magpaalam sa kanya. Tumingala ako ng maramdaman kong may patak ng ulan mula sa langit. "Nice! Aabutan pa ata ako ng ulan." Tumakbo ako ng mabilis papuntang waiting shed para sumilong ngunit nabasa na ako. What a great night to start. Tiningnan ko ang suot kong long sleeve polo at mahabang palda na medyo nabasa na rin ng ulan. Mukhang basang sisiw talaga ako nito. Paano ako uuwi ngayong malakas ang ulan? Wala pa naman akong dalang payong. "Why are you still here?" Napalingon ako ng may narinig akong boses sa harapan ng waiting shed. Nakabukas ang bintana ng kanyang Porsche Panamera S. Rich kid nga talaga ang mga studyante rito. I know different kinds of cars in the world. "Are you waiting for someone?" Muling tanong niya sa 'kin ng hindi ako nagsalita. I am waiting for the rain to stop. Pero hindi ko 'yon sinabi. But wait, don't tell me ihahatid na naman niya ako? Umiling nalang bilang tugon sa tanong niya. "Get in the car." Winagayway ko ang dalawa kong kamay para tumanggi sa pa-anyaya niya. Ayokong isipin niya na sinasamantala ko ang pagkakataon. Napaka seryoso pa naman ng itsura nito. "Okey lang ako. Salamat nalang." "I insist, besides it's still raining. Baka mamaya pa titila ang ulan at wala ka pang kasama rito." If he is thinking that I can't take care of myself ay nagkakamali siya. But I think I have no choice. Ang lakas kasi ng ulan at kasama pang kulog ito. Pumasok nalang ako sa kotse niya para makarating agad ako sa apartment. Napansin ko naman na may hinahalungkat siya sa bag niya na nakalagay sa likod. Tingin ko ito yung sports bag nila. Inabot niya sa akin ang isang maliit na puting tuwalya. "I haven't use it yet so it's clean." Hindi ako nagsalita at pinunasan ko na lang ang mukha ko. Ang bango naman ng tuwalyang ito. "Are you really like that?" Tanong niya sa akin. "Ang tahimik mo pero pag kasama mo ang mga kaibigan mo ibang-iba ka." Humarap siya akin ng bahagya. "Am I this hard to get along?" Eh? Hard to get along? Ni hindi nga ako kasama sa circle of friends niya. Natatandaan ko pa nung hindi siya nagsalita at nanuod lang nung binully kame ng mga kasama niya. "Hindi pa naman tayo nagsasama ng matagal. Gusto mo bang magsama tayo?" Pabiro kong tanong sa kanya. Napansin ko naman na bigla siyang namula at tinuon nalang ang pansin sa daanan. May sinabi ba akong mali? Napatawa nalang ako. Why I find this man looks so amusing? Hindi ko akalain na ang ganito ka seryosong lalaki namumula sa simpleng biro lang. "Why are you laughing?" "Ang cute mo kasing mag blush." "I'm not blushing. Mestizo lang talaga ako." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilang tumawa uli. "Really? Ang lamig kaya ng panahon tapos namumula ka d'yan." "Tsk! Teka. Nilalamig ka ba? Daan muna tayo sa coffee shop na malapit dito. Bago kita ihatad sa apartment mo." Psh! Gusto lang umiwas sa topic eh. Ipinark niya ang sasakyan sa nadaanan naming coffee shop. Nakita ko naman agad ang sign board nitong Coffee at Heart na nakasulat. May pa unti unting ulan pang pumapatak, 'di kagaya kanina na sobrang lakas. "Hintayin mo ko dito. What coffee do you like?" "Uhm... anything well do." Lumabas agad ito ng sasakyan at pumasok sa coffee shop. Napapalingon pa sa kanya ang mga tao sa paligid. Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. May mga maliit na building ito sa gilid, may isang convenient store at motel sa tabi nito. Nanlaki ang mata ko ng may pamilyar na tao akong nakita papalabas ng motel. What the? What are they doing there? Obviously Jeisen. Ano pa ba gagawin ng dalawang tao sa isang motel na magkasama at magka-akbay na lumabas. Kinuha ko ang camera ko at kinunan sila ng litrato. Biglang bumukas ang pintuaan ng driver seat kaya napaayos ako ng upo. Mabuti at hindi napansin ng isang ito ang nakita ko ngayon. Binigay niya agad sa 'kin ang dala niyang kape. "Salamat." Sabi ko sa kanya. Hindi na rin ako nagsalita buong byahe dahil masyadong occupied ang utak ko ngayon. "Are you and Zoniega dating?" Napalingon ako ng magsalita ito. "You seems like happy and comfortable with each other." Pati ba naman siya pinag-iisipan kame? I wonder why is it big deal to be with Zedrick? Halos lahat nalang sila nagtatanong sa'kin. "Hindi. Mag kaklase at kasama ko lang siya sa photography club." Tumango-tango naman ito at hindi na nagtanong uli. *** Binuksan ko naman agad ang laptop ko ng makarating ako sa apartment at sinubukang e-hack ang website ng school. I know a little about hacking. Isa ito sa natutunan ko sa organisasyon namin. Napakalaking tulong din nito sa akin lalo na sa mga misyon ko. Nag scan ako ng picture at nag tipa. Now I got it! "Ito pala ang tinatago mo ha." Kinapa ko ang ulo dahil mukhang lalagnatin ata ako. That moody weather sucks big time. Iinom nalang ako ng gamot mamaya. Hindi pa naman ako pwedeng magkasakit. *** Tinirintas ko ang mahaba at tuwid kong itim na buhok na hanggang bewang. I am now wearing black fitted long sleeve dress, jeans and boots. Pumunta ako sa likoran ng apartment kung sa'n nakatago ang bigbike ko. Sumampa agad ako at nag maneho ng mabilis. I don't mind over speeding, mas may thrill ang ganito para sa 'kin. Isang abandonado at malaking bahay ang nabungaran ko pagkadating. May kadiliman sa labas at walang tao. Kung titingnan mo ito, it looks creepy and haunted. Pero walang mumu dito ha? Only Gods are here. Front lang itong lumang bahay. It's more elegant when you are inside. May malalaking chandelier sa loob nito. Parang nasa loob ka ng palasyo. Binati ko lang ng tango ang mga kasama ko pagkapasok. What I like about here is that, may mga maliliit na nagliliparang bagay sa loob at labas ng kampo. They are moving CCTV cameras. Isa sa imbento ng mga techo namin. Para silang mga laruan na lumilipad. Nakakaaliw tingnan. Dumeretso agad ako papuntang meeting room. Nakita ko naman ang isang bulto ng tao na nakatalikod habang may binabasa ito. "Ares..." Tawag ko sa kanya. --- To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD